Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 7


THE OTHER WOMAN 7
Hold your tongue for a while because if you let the cat out of the bag
many will suffer.....Onie Villamayor

SEKRETO

Ano ba ang sekreto?
Bakit ito nauso?
Bulungbulungan lang to
Baka marinig tayo

Ngunit kahit itago
Sisingaw yaring baho
May paraan ang tao
Ika'y ipagkanulo

Marami ang nag-away
Pangako ay sinuway
Sekreto'y winagayway
At babaho ang laway

Kaya ang sekreto mo
Sa kanila'y itago
Pagnagalit sa iyo
Labas ang pagkatao

Kahit pa ipangako
Kahit pa magsandugo
Ugali na ng tao
Labi'y bubuksan nito

Sekreto ay sekreto
Ya'y pakaingatan mo
Nang di mapasubo
Walang sakit ng ulo

ANG KABIT
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 01/23/2012

IKAPITONG YUGTO

Habang bumabyahe pauwi ang kanyang best friend ay naalala n'ya ang kalagayan ni Gwen. Gusto n'yang matuwa sa magandang biyayang nakuha nito, ang magandang bahay at may sasakyan pa, ang magandang buhay na naibibigay ni Onie ngayon sa kanya kasama na rin ang kanyang mga magulang at kapatid.

Pero minsan nag-aalala din s'ya para sa kaibigan. Nakikita n'ya ang nakakasanayan ng buhay ng mag-anak. Napakahirap yong galing ka sa kahirapan sa buhay pagkatapos bigla mong mararanasan ang alwan na kung tutuusin ay hindi mo pinaghirapan. Kung hindi mapanghahawakan ng mag-anak ang kanilang tinatamasang kasaganaan ngayon ay baka saan sila dalhin ng biglang pag-asenso ng buhay nila. Baka magising sila isang araw balik ulit sila sa dating buhay.

Ngayon nga naiisip n'ya kung paano mapapayuhan ang kaibigan. Tama nga bang matuwa rin s'ya sa kapalaran ng kaibigan na alam n'ya kung ano ang naging puhunan? Ngunit ano ang gagawin n'ya, papaniwalaan ba s'ya ng mga ito. "Minsan mahirap ding mangialam baka mamaya mag-isip pa ng di maganda sa akin si Gwen. Ako na nga lang ang inaasahang makakaintindi sa kanya. Pero mabuti ba akong kaibigan kung ganitong kahit mali na ang nang yayari'y magbubulagbulagan na lang ako? Sakit sa ulo. Siguro iintayin ko na lang makapanganak bago ko pag-isipan ito. Mahirap na."

"Hello best, punta ka rito mamayang hapon ha." "Ngek, ang dalas naman ata, kakapanggaling ko lang d'yan nong isang araw ah." "Kakatampo ka naman." "Bakit ba, ay oo nga pala happy birthday best, sorry ang aga mo naman kasing tumawag eh, tulog pa ang diwa ko mamaya ko pa maaalala na birthday mo ngayon. Pero anyway tumawag ka na kaya happy birthday na rin best heheheh." "Huh, lakas magpalusot ah. At nagkatawanan na lang silang magkaibigan. Magkababata sila at lagi pang magkaklase mula elementary. Siya ang taguan ng sekreto ni Gwen. Pero sadyang mabait na bata rin ang bestfriend n'ya at lagi s'yang ipinagtatanggol. Swerte nga lang
at nakakita s'ya ng totoong kaibigan.

Kahit malaki na ang tiyan ni Gwen ay nakukuha pang sumayawsayaw habang kumakanta. Iba talaga pag bata pa ang katawan lalo't healthy hindi mahirap magbuntis. Ni hindi nga s'ya nakaranas ng mga "morning sickness" ng isang buntis gaya sa iba. Ang pinakabisyo lang talaga n'ya ay kumain kaya medyo tumaba. Pero sa isang banda ok na rin yon kasi malusog daw ang bata. Alaga din ang sarili sa paglakadlakad tuwing umaga paikot ikot sa subdivision kaya medyo tagtag s'ya at malayo sa caesarian. Ang sabi nga ng kanyang Obgynae ay in perfect shape daw ang bata, at kahit na si Gwen ay ok din. kaya hindi nag-aalala ang dalawa.

Isang hapon ay matamlay na dumating si Onie. Nagtaka si Gwen dahil unusual ang ikinikilos ng lalaki. Dati tuwing darating ay tuwang tuwa at sasalatin kaagad ang kanyang tiyan. "hello Gwenie this is your daddy." Pagkatapos magkukwento ng mga nangyari sa opisina. Pero ngayon ay kakaiba, tahimik at mukhang worried kaya nagtaka si Gwen. "May problema ba, Heart?" "Nothing to worry, just don't mind me." "Hmmm, I think it's unusual, I mean, I can sense something Why don't you tell me. Let's talk about it." Pero hindi n'ya napilit si Onie na pilit kinukubli ang mga alalahanin sa sarili. "I'm just tired, don't worry.

Nakausap n'ya si Liezel bago umalis sa opisina. Maraming tinanong sa kanya ang asawa tungkol sa mga tsismis na nasagap sa isang tauhan nila na siguro'y nainggit kay Gwen kaya mainit ang dugo sa kanya pero di alam ni Onie kung sino ang nagsumbong sa asawa. Naalarma masyado si Liezel ng mabanggit ng informer na buntis daw ang babae ng asawa n'ya. Kaya't nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas. Ayaw umamin ni Onie kahit anong pamimilit nito at hindi raw totoo ang tsismis.

Ngunit ang asawa ay may tinatawag na woman's intuition. Ngayon ay naaalala na n'ya na lately ay matabang na ang mga dati'y malalambing na tawag ni Onie. At ang mga madadalang na tawag ay ngayon lang n'ya naisip dahil naging busy rin s'ya sa mga anak na ngayon ay nag-aaral na. Kung minsan nga mga bata na lang ang kinakausap at nagmamadali raw. Ngayon lang din narealize ni Liezel na nawala na ang mga "I love
you" bago ibaba ang Cell phone. Kahit nong nagdaang holiday ay hindi na rin nakadalaw sa kanila gaya ng nakagawian at marami daw inaasikaso sa opisina. Dahil sa tiwala sa asawa ay ipinagkibitbalikat na lang ni Liezel ang mga pagdududa kaysa makunsumi s'ya at tumanda. Ngunit dapat ba s'yang kabahan na ang babae raw ni Onie just turned 23, samantalang siya ay 30 anyos na, magkasing-idad silang mag-asawa.

Inamin ng asawa n'ya na minsan daw ay tumawag s'ya sa opisina at nagkataong wala doon si Onie kaya't kinausap na lang n'ya ang sumagot at kinumusta. Nagulat na lang nang ibinalita na may babae na nga daw ang asawa. Galit ang asawa n'ya, madiin ang mga salita. Parang hindi naniniwala sa mga alibi ni Onie. Kahit daw magsinungaling ito ay malalaman din n'ya ang lahat pag-uwi sa Pilipinas. Kaya nga minabuti na lang n'yang umuwi kahit 2 weeks lang para lang makausap ang asawa at maimbestigahan kung ano talaga ang totoo.

Nag migrate sa America ang mag-ina 3 years ago. Dapat ay kasama si Onie ngunit di n'ya maiwanan ang negosyong naiwan ng ama't ina. Nag-iisa lang s'yang anak kaya personal n'yang pinamahalaan ang kanyang negosyo. Paminsan minsan ay nagbabakasyon s'ya sa states ngunit ng nakaraang pasko ay hindi nakaalis dahil kay Gwen. Lalo nga't buntis na ito. Ngayon ay hindi alam ni Onie kung ano ang gagawin. Ngayon lang s'ya nataranta dahil nasanay na walang hassle dahil walang alam ang asawa sa mga pinaggagawa n'ya. Ngayon ay mukhang mahihirapan s'yang
magpaliwanag. Di n'ya naisip na ganito ang magiging senaryo ng nagawa n'ya. Akala'y maitatago lahat sa asawa ang kanyang kalokohan.

Mahal na mahal ni ONie ang tunay na asawa, kaya nga bawat naisin nito ay ibinibigay n'ya. Kaya't ng maisipang magmigrate ay pumayag sya. Ngunit nasanay na si Onie na wala ang asawa. Nong una ay nahirapan s'ya ngunit ang nagdaang 3 taon ay nakatulong sa kanya na masanay at natanggap ang pagiging malayo ng pamilya lalo na ngayon na napupunan na ni Gwen ang lahat ng ito. Di n'ya akalain na wala pang isang taon ay malalaman na ng asawa ang kanyang sekreto.

Naka book na raw sila at darating in two weeks time kaya siguruhin daw na masusundo sila ng mga anak n'ya. "Of course Honey, I will" "Just be sure of that Honey".You have many things to explain to me, but be sure, I'll be satisfied with your explanations." "Common Honey, believe what I say. Those are just gossips, they are all lies. Why don't you tell me who the hell told you those lies."

Hanggang maibaba ang mga cell phone nila ay hindi nagkaintindihan ang mag-asawa pero ang pinakamabigat na naalala ni Onie ay ang sabi ng asawa na nakabook na sila at parating na in two weeks time. Naalala n'ya manganganak na si Gwen in two weeks time. Bigla s'yang napapikit at napahingang malalim. Masyado yata s'yang nalibang at ngayon lang namalayang posibleng mayhaharapin s'yang problema sa desisyong ginawa sa kanyang buhay ang pagmaintain ng isang other woman. "Ito na Onie Boy ang epekto ng ginawa mo, ito na."

Habang nagdadrive papunta kina Gwena ay di n'ya malaman ang gagawin. "Paano nga ba. Tsk, tsk, tsk, para akong binibiro ng tadhana ah. Di ko naman pwedeng sabihin sa asawa ko na magpalit ng schedule ng flight, lalong magdududa yon, mas lalong di ko naman pwedeng iurong ang pagpanganak ni Gwen. Hay ano bang biro ito." Ay paano na lang pag dumating sila dito? Ano kaya ang mangyayari sa pag-uusap namin ng
asawa ko. At habang andito sila paano ako makakakilos. Sino ba kasing makating dila ang nagsumbong sa kanya? Ibig sabihin may nang-aahas sa akin sa sarili kong kompanya? "Just wait until I discover who you are, traitor."

"Now, how can I tell you all these things.? Baka mapaanak ka pa? Para hindi magduda si Gwen ay minabuti n'yang ayusin ang sarili at ibalik ang dating gawi. Ang dating masayahing Onie tuwing darating dahil excited sa baby n'ya, Ang dating malambing na Onie na nakahalik kaagad pagdating at kakapakapa sa tiyan n'ya. Gusto kasi ni Onie na kahit sa tiyan pa lang ay maramdaman na ng bata ang pagmamahal n'ya. Minsan nga
kinakausap niya ito o kaya pinapabasahan n'ya ng libro kay Gwen para daw matalino o di kaya'y kakantahan nilang dalawa habang kinakapakapa.

"Pagkapa n'ya sa tiyan ni Gwen ay biglang sumipa ang bata, malakas na ikinagulat ni Gwen, at kahit na si Onie ay nagulat din na kasalukuyang nakadaiti ang kamay sa tiyan. Ang pagsipa ng bata ng malakas ay nagbigay ng katanungan kay Onie. Nararamdaman kaya ng bata ang bigat na dinadala ko ngayon? O nagpaparamdam kung paano na s'ya. Kaya nga ba s'yang panindigan ng kanyang ama gaya noong una na wala pang naging problema?

"Ang lakas nun ah, nagulat naman ako" "Oo nga eh ako nga rin." "Heart, ok na ba ang mga gamit ni baby? It's two weeks to go. I'm excited." "Oh yes, so with me. How I wish things will be fine with me and our baby. I hope I'll have a normal delivery. I feel great and excited to be a mother." Ok na sana, dapat sobrang saya din ni Onie,
pero bakit parang nababawi ng lungkot ang saya na dapat ay namamahay sa kanyang dibdib. Bakit ngayon pa na dapat ay magsasaya s'ya sa pagdating ng kanyang bagong anak na papalit sa hungkag n'yang buhay, hindi gaya ng dati na kahit magdamagin s'ya sa mga bar at parties ay di pa rin naging kumpleto ang buhay n'ya mula maiwanan ng pamilya.

Ngayon na sana, ngayon na sana mabubuo ulit ang pagkatao n'ya, pero bakit ganito, parang may mali, parang lalong naging kumplikado ang lahat. "Ang hirap pala. Paano kaya ito pag nagkasabaysabay. "Mahirap talagang magdesisyon kung minsan. Sana kung sumama ako sa pamilya ko sa abroad walang ganitong problema. Pero hindi ko naman mararating itong estado ko sa buhay kung iniwan ko itong business na minana ko sa aking mga magulang. Sana hindi kami nagkakilala ni Gwen at wala rin sanang Gwenie sa buhay namin. Ah, wala naman akong pinagsisihan. Pero di ko alam how to handle this situation. Paano nga kung magkasabay ang panganganak ni Gwenie at pagdating ng pamilya ko. Oh my God, please help me, I really don't know what to do. HUwag naman sana."

Sadyang ganyan nga yata ang tao. Kapag may problemang malaki biglang naaalala ang D'yos pero nong sila ay maligaya, wala silang naaalalang D'yos maliban sa mga nakapaligid sa kanila na nagdudulot ng ligaya sa kanilang buhay. Ngunit pag may problema ay biglang kakatok. Paano kung sa ating pagkatok ay hindi naman sanay ang D'yos sa ating katok at ang akala ng D'yos ay may naghaharutan lang na pusa sa kanyang pintuan kaya't di tayo mapapansin.

Parang napakabilis na ang mga sumunod na araw. Kinakabahan si Onie na hindi n'ya malaman kung bakit. Pero dapat lang talaga s'yang kabahan kasi bukas na ang dating ng kanyang asawa. Bago umalis ng bahay ay tumawag ang misis n'ya at sila daw ay papuntang airport na.

Kinabukasan, maaga pa lang ay naligo na si Onie at kailangang bago mag nine AM ay doon na s'ya sa airport. Ngunit sadyang mapagbiro nga yata ang pagkakataon. Ang iniiwasan mo ay lalo yatang doon ka napupunta. Paghakbang pa lang palabas ng bahay ay biglang tumunog ang kanyang Cell Phone. "Hello Kuya, si Bernie po ito, manganganak na ata si ate." "What? Ah wait." Nataranta si Onie, di maintindihan kung ano ang gagawin, di rin alam kung ano ang isasagot sa kapatid ni Gwen. Sa kabilang dako ay naghihintay si Bernie at nakalagay pa rin sa tenga ang cell phone samantalang si Onie ay palakad lakad sa labas ng bahay at di alam ang gagawin hawak hawak ang cell phone n'ya. Nagtataka tuloy ang guardya na nakatanaw sa kanya.

Ito na ang kinatatakutan minsan ni Onie. Pag s'ya ay nag-iisa ay naiisip din n'ya ang ganitong mga sitwasyon pero ipinagwalang bahala lang n'ya. "KUng wala ka pa pala sa sitwasyon ay parang wala lang pero kung andito ka na ay napakahirap palang magdesisyon. Tuliro ang kanyang isip. Wala rin s'yang mapagsabihang pamilya dahil wala na s'yang ama't ina at s'ya'y nag-iisang anak. Maliban nga sa mga katulong ay guardia lang ang kasama n'ya sa napakalaking bahay na minana n'ya sa magulang.

Sadyang walang sekretong hindi nabubunyag. Iyong iba siguro'y natatagalan lang pero kalaunan ay lalabas at lalabas din sa iba't ibang paraan, pagkat sadyang ang tao minsan ay mapanira, lalo't minsan ay may kasamang inggit sa kapwa at di n'ya gusto ang pag-asenso ng iba kaya pilit ibinabagsak. Kung hindi naman ay gusto lang n'yang makatulong para ituwid ang mga alam n'yang mali ngunit sa sarili n'yang paraan na hindi magugustuhan ng may katawan.Kung ano man ang motibo ng kanyang empleado sa pagbulgar ng sekreto nila ay di natin alam.

Posibleng may kasalanan din ang asawa n'ya dahil mas ginusto n'yang tumira sa Amerika at doon palakihin ang mga anak nila samantalang sagana na sila rito at sana ay lumaki ang kanilang mga anak na kasama parehas ang mga magulang. Minsan kaya nagkakagulo ang mundo ay dahil di natin binibigyang pansin ang mga bagay na mas importante, ang moralidad.

Sana kung andito sila kasama ni Onie ay baka naiwasan ang mga ganitong pangyayari ang magkaroon ng isang "kabit" ang asawa na ibinabahay pa talaga gaya nitong ginawa ni Onie kay Gwen.Ngunit marami namang lalaki na kahit kasama ang asawa ay sadyang mapaglaro talaga sa ngalan ng pag-ibig. At yan ay dahil siguro marami ding babae ang pumapayag maging kabit dahil sa kasaganaang naibibigay ng partner. Pero meron naman talagang sadyang baliw sa pagmamahal na kahit walang pera ang lalaki ay papayag o gaya ng iba na gusto lang mairaos ang tawag ng kamunduhan.

At ang pag-alis ng pamilya papunta sa Amerika ay nagdulot ng kahungkagan sa buhay ni Onie. Pero masasabi ba natin na ito ay rason para may magdusang kaluluwa? Tulad nga nitong ipanganganak ni Gwen. Sana nga ay hindi nya maranasan ang nararanasan ng ibang bata na produkto din ng ganitong relasyon, pag nagsimula ng mag-aral at makisalamuha sa mundo...ang matawag na isang ..."putok sa buho"......

Ngayon laglag ang balikat ni Onie na humakbang papunta sa kanyang sasakyan, nag-iisip, saan s'ya pupunta? Kay liezel na tunay n'yang asawa at inaasahan ang pagsalubong n'ya o kay Gwen na manganganak na......


-------------------------------- A B A N G A N -------------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...