Saturday, March 3, 2012

IBA'T IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 1


IBA'T-IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 1
(Kapalaran ba o katangahan?)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 2/18/2012 
http://weenweenreyes.blogspot.com/

UNANG BATO

Naikwento ko ang love life ng dating kasamahan sa trabaho sa anak kong babae. Mahilig talaga akong magkwento sa kanila lalo't yong mga kwentong kakapulutan nila ng aral. Habang ako'y nagkekwento sa anak ko ay saka ko naisip, bakit nga hindi ko i type para mabasa ng mga FB friends ko. Kaya yong sabi ko na magpapahinga muna ako ng ilang araw bago magpost ay hindi natuloy. Ito tumitipa na naman ako para sa inyo....

Isang Nurse si Laila, bata pa sa idad na 22, nakasama ko s'ya dati sa trabaho. Isang maliit, simpleng babae at payatot na kahawig ni Melanie Marquez ang kanyang mukha na may maliit at matilos na ilong. "Lai ba't ang nipis ng nosebridge mo parang nose lifted noh." Pero sadyang manipis lang talaga ang nose bridge n'ya. Totoong natural. Kasi sa cosmetic surgery center kami dati nagtatrabaho kaya kabisado namin sa isang tingin lang ang mga na noselift lalo na nga kung kakapain pa. 

"Alam mo ate naging habit ko na bago matulog iniipit ko ang aking ilong ng dalawang hinlalaki habang nakaclasp ang aking mga palad. Ginagawa ko ito ng 15 minutes araw araw bago matulog at pagkagising. Kaya siguro numipis ito ng hindi ko namamamalayan." "Oo nga kala mo nalinyahan." Di mo na kailangang maglagay ng make up sa gilid ng ilong para magmukhang matangos."

Mabait na bata si Laila at malambing. Bilang kaibigan ay wala naman akong masabi dahil marunong naman s'yang makisama.Paminsan minsan ay naikekwento ni Laila ang kanyang buhay buhay lalo na` ang kanyang lovelife. Si Mel, ang kanyang boyfriend ay nakilala n'ya ng s'ya ay mag special nurse sa bahay ng isang bed ridden na paseyente na dili iba't tatay pala ni Mel. Pero nong tawagin na ni Lord ang matanda ay naghanap ng ibang trabaho si Laila kaya kami nagkasama. Ngunit di ko nakita ang kanyang boyfriend dahil nong nagkasama na kami ay nag-abroad na raw. Naging masaya naman ang relasyon nila ayon sa kanyang kwento at puno s'ya ng pag-asa kaya't inspirado sa araw araw. 

Sampung taon ang agwat nila, 32 na si Mel at neneng nene ang pakiramdam ni Laila sa pagkakaroon ng matured na boyfriend. Pag tumatawag sa kanya si Mel ay hanggang tenga ang ngiti n'ya sa sopbrang kaligayahan. Minsan nakikita ko maluha luha pa. "Bilisan mo ang pag-uwi namimiss na nga kita eh" Mga salitang lagi kong naririnig sa kanya pag tumatawag ang kanyang boyfriend. Pag-uwi daw ni Mel sa sunod na buwan sila ay magpapakasal na. 

Si Laila ay umuupa kasama ang 2 n'yang kapatid na nag-aaral pa sa isang apartment. Tahimik lang naman silang magkapatid at nagpapadala din buwan buwan ang mga magulang na nasa probinsya. At si Laila ang tumatayong magulang nila dito kasi s'ya ang panganay sa kanilang magkakapatid

Nagdesisyon si Laila na magpakasal sa Huwes, silang dalawa lang. Kahit kami ngang mga kasama n'ya sa trabaho nangag gulat. Ang alam lang namin kaya nagleave s'ya ng isang linggo ay maghahanda para sa pagpapakasal at sa paglilipat ng apartment. Pero after one week ay pumasok s'yang muli at mas marami pa ang dalang kwento. Tapos na pala ang kanilang kasal ang lagay na yon. "Grabeh, ang kuripot n'yo, ni hindi man lang kami nakaamoy ng bawang, kahit amoy na lang . Ang sabi kong pabiro. "Halika nga rito kwentuhan mo ako." Habang hilahila ko s'ya sa isang sulok.

"Yon nga ate, nagpakasal na kami ni Mel. Sa huwes na lang para madali kasi babalik din s'ya ulit sa Saudi. Lumipat na rin kami ng tirahan kasi ayaw n'yang doon sa apartment naming magkakapatid. nakakatuwa nga ate kinikilig ako kasi inayos n'ya tirahan namin pinaganda nya. Napakaresponsable pala n'ya. Mahilig s'yang mag-ayos ng bahay. Pero ewan ko. Kahit nagpakasal na sila, kahit mukhang responsable din s'ya, parang may agam agam ako para kay Laila. Di ko nga nakita ang lalaki na sinundo s'ya sa trabaho kahit minsan,. Parang nahihiwagaan ako kaya lang di ko masabi.

Mukhang nagtampo na rin ang nanay ni Laila sa kanya kasi wala sa ayos ang pag-aasawa n'ya lalo nga't humiwalay s'ya sa mga kapatid na hindi man lang nahintay na makapagpaalam sa magulang. Yong dating panganay na anak na naaasahan ng magulang ay nagbago na kaya hindi na maganda ang naging outcome ng kanyang pag-aasawa para sa kanyang pamilya. Hindi nga s'ya dinalaw ng ina ng minsang pumunta ito ng Maynila. Nabalitaan na lang ni Laila sa dating kapitbahay doon sa apartment ng mga kapatid n'ya

Naging masaya naman si Laila sa buhay may asawa, regardless of her indifferences with her parents. kahit pa nga ba hindi sila in good terms ng pamilya n'ya wala naman s'yang magagawa kundi harapin ang kanyang buhay may-asawa. Maliban sa mga kunting tampuhan na normal lang naman at nag aajust pa sila sa isa't isa, maayos naman ang naging samahan nilang mag-asawa. Maraming plano sa buhay si Laila lalo nga't nag-aabroad ang asawa na naishare naman n'ya dito at puro tango naman ang sagot. Kaya sa isip ni Laila ok lang ang lahat at sunudsunuran lang ang asawa n'ya sa kanya.

Mugtong mugto ang mata ni Laila ng pumasok isang lunes ng umaga. O mukhang biyernes santo ang mukha mo ah." Oo nga eh kasi umalis na si Mel kaninang madaling araw, bumalik na sa Saudi." "Oh, ayaw mo nun, riyal na ang pera mo ngayon." napangiti lang bahagya si Laila. " Alam mo ate mahirap pala yong kakakasal n'yo lang tapos ilang buwan lang aalis agad ang asawa mo. Hanggang dalawang buwan lang kasi ang bakasyon n'ya " Mahirap pala, Biglang lumagaslas na naman ang luha sa kanyang pisngi. Mabuti lang may dumating na pasyente kaya natigil ang pag emote ni Laila.

Ngunit ang pag-iyak ni Laila na yaon ay magtutuluytuloy na yata. ang inaasahan n'yang pagtawag upang malaman n'ya kung nakarating na sa Saudi ang asawqa ay hindi nangyari. "Bakit kaya, ano na ang nangyayari't hindi pa tumatawag ang asawa ko. Umiiyak na tanong sa sarili ni Laila. Gabi gabi ay iniiyakan n'ya ang puntong iyon at nag-aalal na baka kung ano na ang nangyari sa asawa. 

Lumipas pa ulit ang isang araw ay wala pa ring tawag. naging isang linggo, dalawa, tatlo. Hanggang ang linggo ay naging buwan at ito ang pinakamasaklap. Bayaran na ng bahay na kanilang inuupahang dalawa. "sakit sa bangs". Sumakit ang ulo ko pagkwento sa akin ni Laila sa nangyayari sa kanyang buhay.

Talung talo ang hitsura ni Laila. Ang dating inosente at maamong mukha ay nagbago. Nagmukhang huggard at losyang. Ang dating ningning sa mata ay nawala. Ang mga ngiti sa labi ay napalitan ng pasakit. Wala rin akong magawang tulong kundi ang payuhan s'ya na kausapin ang nanay ng lalaki.

Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis o magagalit ba sa katangahan ng isang babae na may utak naman dahil nakatapos din ng pag-aaral, nurse pa nga kung tutuusin. Ang ayaw ko lang sa ugali ni Laila ay masyado s'yang secretive pag tungkol sa kanyang lovelife. Ok lang sana yon pero napupuna ko lagi namang palpak sa mga decisions n'ya. 

Pagkatapos pag di na n'ya kaya at saka sasabihin sa amin. Ano pa ang aming magagawa kundi makiiyak na lang sa mga failures n'ya. Nangyari na eh. Tulad nga ngayon. Kaya ako kahit anong kwento nya tuingkol sa kanyang asawa ay parang di ako convinced. Nakausap daw n'ya ang nanay ni Mel at nagulat ito ng malamang umuwi ang anak at nagpakasal na pala sila nito. 

"kaya pala ng sinabi ko sa kanya na pumunta kami sa nanay n'ya para malaman nito na pagpapakasal na kami ay tumanggi at may alitan daw silang mag-ina kayat nanahimik na lang ako, aniya sa sarili. May takot na unti unting pumapasok sa kalamnan ni Laila. Gusto n'yang manginig. Sa kahungkagan ng kanyang buhay marami pa yata s'yang dapat malaman tungkol sa kanyang asawa

Ano pa ang mga problemang kakaharapin ni Laila matapos makipag-usap sa kanyang byanan?

--------------------- I T U T U L O Y ---------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...