Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 6

THE OTHER WOMAN 6
And in my womb I shall bear my child and I will name her Gwenie

ANG BUNTIS

Itong pagiging ina
Ay isang pagpapala
Sapagkat merong iba
Kapalaran ay wala

Ngunit lahat nga kaya
Ay binigyan ng laya
Ang maglilok ng bata
Lahat pwedeng gumawa?

Iyan ay isang Obra
Maykapal ang gumawa
Idinaan sa madla
Kasama ba maysala?

Ngunit sino ba tayo
Ang maghusga kung sino
Mabuti't siraulo
Sino sinong totoo?

At sa sinapupunan
ilang buwan nanahan
iningatang lubusan
hanggang siyam na buwan

Gaya ng isang tama
Kahit ba ang maysala
Ay tanggap ni Bathala?
Hayaang D'yos maghusga!

ANG KABIT
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/23/2012

IKAANIM NA YUGTO

Kinabukasan ay maaga pang nagsigayak ang mga kapatid at ang magulang ni Gwen. Lahat ay excited sa kanilang lakad maliban kay Gwen na medyo kinakabahan sa gagawing pakikipag-usap sa mga magulang. Tahimik lang s'ya at nakikiramdam. Nang tapos ng magbihis ang lahat ay naglabasan na sa kalsada ang mga kapatid n'ya upang maghintay ng taxi. "Oh ayan na", "para", sumenyas ang isang kapatid at tumigil ang taxi. "Oh sakay na kandungin na lang si Amy at si bunso para kumasya tayo. Palibhasa'y maliliit pa ang iba n'yang kapatid kaya pumayag na rin ang driver. Ng makasakay na ay sinabi ni Gwen na dalhin sila sa Imus, Cavite.

Nagtataka man ay di na lang kumibo ang mga magulang n'ya.Padating sa Imus ay naghihintay na si Onie sa kanila at ang kanyang executive secretary na pinapunta din ni Onie doon para merong umalalay sa kanya. "Good afternoon po. Pasok po kayo." Ipinakilala ni Gwen si Onie bilang boss n'ya sa pinapasukan at ang kanyang tauhan.

Ang mesa ay nakahanda na para sa kainan, maraming biniling pagkain si Onie kaya minabuti nilang magkainan muna. Masasarap ang mga handa kaya nasulit ang mga kapatid ni Gwen. Noong una ay nagkakahiyaan pa pero ng makita nila na mabait naman ang "boss" ni Gwen ay napanatag na rin sila .Pagkatapos ay naglabas ng alak si Onie para pang condition bago mag-usap. Kahit papano ay kinakabahan din s'ya sa magiging reaksyon ng mga magulang ni Gwen lalo nga't buntis na ito.

Ang mga kapatid n'ya ay pinanood muna ng TV sa taas habang nag-uusap sila. Ang maid naman ay busy sa kusina. Samantalang ang kanyang executive secretary ay nakaantabay lang. Sinalinan muna ng alak ang ama ni Gwen at nagsimula na silang uminom. Kinuwento kwento muna n'ya para magkapalagayan sila ng loob. Kayang kaya namang dalhin ni Onie ang kahit na sinong kausap kaya lang ibang usapan ito ngayon. Di ito simpleng usapin ng tao sa tao. Kung mahal mo ang isang tao ay magpapakababa ka para makuha mo ang iyong gusto at alam n'ya yan sa dami ng siminars na dinaanan
n'ya bago napunta sa kinalalagyan n'ya.

Kung sa pera't pera lang ay sobra sobra na ang sa kanya pero salat s'ya sa tawag ng pagpapamilya. Kung nong una ay nadala n'ya ang sitwasyong malayo sa pamilya at ang buhay ng isang malaya ay napagsawaan n'ya ngayon ay iba na. Mula ng makilala n'ya si Gwen ay naisip n'yang gusto pala n'yang maibalik ang nawala sa kanya. Ang kanyang pamilya. He longed for them so much, more so of his children. Hindi na siguro masyado para sa asawa dahil napupunan na ni Gwen ang kakulangan nito at mahal na rin n'yang talaga.

Ngunit ang pagmamahal na ganyan minsan ay hindi natin maasahan. Posibleng iyan ay init lamang na mawawala rin sa sandaling dumating ang time na magkasama sila ulit ng tunay napamilya. O kaya dahil ang lalaki ay polygamous din talaga by nature na kahit and'yan ang asawa ay hahanap at hahanap din talaga ng ibang "putahe" ika nga. Ang katulad ni Onie ay isang ordinaryong makasalanang lalaki rin na nong nagmigrate ang pamilya sa US ay talaga namang nag enjoy sa buhay n'ya bilang single at alam ni
Gwen yan kahit papano dahil nabanggit ng kaibigan n'ya sa kanya. Pilyo nga daw si Onie. Pero mukhang nagbago naman si Onie sa piling ni Gwen.

Pero ang hindi narerealize ni Gwen ay ang katotohanan na ang tao ay pabago bago ang isip. Minsan pula minsan puti. Sa gitna ng kaligayahan minsan ang tao ay puro "bahala" na lang ang laging sagot sa mga tanong sa kanyang naguguluhang isip. "Bahala na lang kung saan patutungo ang lahat ng ito. Ang importante ay ang ngayon. Saka ko na lang iisipin ang bukas.' Uulitin na naman n'ya ang linyang, "I'll cross the bridge when I'm there". Pero bakit nga ganyan ang tao? Di ba ang ngayon ay karugtong ng bukas, at lahat ng gagawin mo ngayon ay may epekto sa kung ano ka bukas?

Ang tao ay may sarisariling "hidden agenda" sa buhay sa aminin natin at sa hindi. Posibleng iniisip ni Glen, "ok na to kaysa kung sino lang makatuluyan ko", "ok na to at least kaya kaming buhayin ng magiging anak ko", "ok na to para mabigyan ko ng marangyang buhay ang pamilya ko". "O kaya'y ok na to para tuluyan ko ng makalimutan ang katatapos lang na relasyon kay Joel."Kahit si Onie ay posibleng may sarili ring rason kung bakit nagdesisyon s'ya na "igarahe" si Gwen. Posibleng naisip n'ya na kesa kumuha s'ya ng "por kilo" ay magkaroon na lang ng isang bagong pag-ibig na pwede n'yang ipalit sa nasa malayong pamilya, o natakot na rin na baka s'ya magkasakit sa kung sinusinong babaeng nakakaulayaw n'ya, o posible ring umibig na talaga s'ya ng tuluyan kay Gwen. Ang tanong, paano na ang pamilya n'ya kung maisipang bumalik ng
Pilipinas?

Atin ding silipin ang mga magulang ni Gwen kung ano ang pwedeng maging hidden agenda nilang mag-asawa. Pwedeng sabihin nilang pumayag na lang sila kaysa kung sino nga namang pobreng kapitbahay lang din na "palamunin" ng magulang ang makatuluyan ng anak. O kaya maging battered girfriend o battered wife, o di kaya pag di nila pinayagang makipag-live in kay Onie ay "magpakawala" na rin at lalong sirain ang buhay, o kung makapanganak ay may asawa din ang patulan. Kay hirap talagang
pag-isipan ang mga bagaybagay.

Ngunit kung ating wawariin ay parang nakalimutan na nilang tumingala sa itaas. Para bang sa gitna ng mga pagsubok ay nakatutok na sila sa mga paraan kung paano nila solusyunan ang lahat ng problema. Kahit ang pagsimba ay nawala na sa bukabularyo nila. O kung magsimba man ay parang naisipan lang kung kailan gusto at di na naisip na may obligasyon din tayo sa "Kanya". Minsan ay pahapyaw lang mabanggit ang D'yos na para bang parte na lang ng ating lenggwahe.

Sa pag-uusap nilang ito ay dito natin malalaman ang isang desisyon na pwedeng pagsisihan nila sa huli kung sila ay magkamali. Sana, sana ang magulang ay manindigan na ang buhay ng tao ay hindi sa materyal na bagay lang gumaganda. Na ang awa para sa anak ay hindi ang magparaya sa mga kagustuhan nila, dahil naaawa ka at gusto mo lagi ang makakaalwan sa kanila. Sana maituwid natin at maigiya ang ating mga anak sa tamang landas at mapakinabangan ang ating pagiging magulang. Sana maituro natin na magkaroon sila ng moralidad sa pagtahak nila sa buhay. Sana maituro natin ang aral ng "Sampung Utos ng D'yos". Ang patuloy na paglapit sa kumunoy ay lalong magpapabaon sa kasalanang nasimulan na. At patuloy kang masasadlak. Sana, sana, sana maituwid natin ang mali .......

"Actually po, kaya andito tayo ngayon ay may importante po kaming sasabihin sa inyo. Nagtaka ang papa at mama ni Gwen sa sinabi ni Onie pero nakinig na lang muna. Totoo po na ako ay boss ni Gwen pero di lang po boss, kami po ay may relasyon aaminin na po namin sa inyo. Humingang malalim ang mama ni Gwen ang ama naman n'ya ay tahimik lang." Ma, Pa, pasensya na po kayo kung naglihim kami, sana po maintindihan n'yo ako. Andito na po ito eh hindi na ako makaurong pa." Anong ibig mong sabihin?" Ma, ang totoo po n'yan ay may problema kay Onie. Ang totoo po, baka kasi magalit kayo, pero may asawa po s'ya at dalawang anak, pero sa US po naninirahan.

Patawad po" Pero di ko po pababayaan si Gwen. Mahal na mahal ko po s'ya kaya nangyari ito. Di nakakibo ang mama at papa n'ya . Tumulo ang luha ng ina sa pagkabigla. Ang ama naman ay nagtatagis ang bagang pero wala ring magawa pero mayamaya ay nagsalita. "May asawa ka pala ay bakit ipagpapatuloy nyo pa ito. Mas mabuti n'yan ay itigil n'yo na lang habang di pa nagpapalaot. Pa hindi na po pwede ayaw ko rin po na makipaghiwalay sa kanya, di ko na kakakayanin" "tama nga pala ang tsismis doon sa atin. Umiiwas ka lang lagi kaya di kita makausap. Napaaway na nga ako dahil sa mga tsismis na yan sa 'yo, yon pala totoo. Kahit ang ama mo ay muntik na ring mapaaway.'Yong mga kapatid mo kung nakausap mo lang ay halos makipagsuntukan na sa mga kabarkada dahil sa mga narinig na usapan tungkol sa iyo. Itong ginawa n'yo ay di lang kayo ang apektado kundi tayong lahat. Sabi nga, "ang sakit ng kalingkingan ramdam ng buong katawan".

Iiling-iling lang ang ama at tumulo ang luha. Parang determinado ang anak na ipagpatuloy ang relasyon sa lalaki. nanghinayang ang kanyang papa sa pwede pang marating ng anak at ayaw n'yang masira ang buhay nito dahil sa makasalanang relasyon. "Pa, please, wala na po tayong magagawa buntis na po ako eh." Yong mga katagang binitawan ni Gwen ay naging hudyat para bumigay ang emosyong pinipigilan ng ama at ang mga pagpatak ng luha ay naging hikbi hanggang ang hikbi'y naging hagulhol at sabay silang mag-asawang nagkaiyakan. Umakap sa isa'ta isa na para bang sa pamamagitan ng mga yakap nila ay maibsan man lang ang sakit na nadarama. Parang sinakluban ng langit at lupa ang kanyang mga magulang. Halos malusaw ang puso ni Gwen sa nakikitang pagdurusa ng mga ito na s'ya ang may dulot. Kaya't pinabayaan na lang muna nila ang mag-asawa.

Nang medyo panatag na ang kalooban ng mga magulang ay muling kinausap ni Gwen. "Makikiusap po sana ako sa inyo na samahan n'yo ako dito. Di ko na po kaya ang mga pangungutya ng ating mga kapitbahay. Ang mga mapanglibak na tinginan pag nakakasalubong ako. Please lang po samahan n'yo ako ditong magsimula ng buhay malayo sa mga taong nagdudulot lalo ng bigat sa aking dibdib. Tanggapin na natin itong nangyari sa akin. Kung hindi tayo aalis doon ay baka lalo lang kayong mapapaaway dahil di naman titigil ang mga yon. Ma, lumipat na tayo ngayon dito. Ang sabi ni Onie ay ipamigay n'yo na daw ang mga gamit natin don. Mga damit na lang natin ang ilipat nyo. Di na ako babalik don. Handa na ang mga damit ko dalhin nyo na lang po dito.

Dahil sa awa sa anak ay napahinuhod na rin ang mga magulang n'ya na samahan s'ya sa tirahan. At lilipat agad sa araw na iyon. Kaya di na sila nagtagal at bumalik sa dating tirahan para kunin ang ibang importanteng kagamitan. Binigyan din sila ni Gwen ng sapat na pera para mabayaran lahat ng atraso para wala ng maging problema. Nagulat na lang ang mga kapitbahay ng ipamigay sa mga kaibigan ang mga kagamitan nila sa bahay. At mga damit lang talaga ang dinala nila.

Kahit papano ay natuwa naman ang magulang n'ya dahil sa ipinakitang pag-aasikaso ng lalaki kay gwen. Pero alam nila di magiging madali ang pinasukang nito ng anak. Ngunit ano ang magagawa ng kanyang mga magulang? Kung tutuusin ay labag na labag sa kanilang paniniwala ang nangyaring ito kay gwen. Hindi rin nila hangad na tumira rito at magpasasa sa pera ni Onie pero mas hindi nila mapapabayaan ang anak sa ganitong kalagayan.

Yinakap ni Gwen ang mga magulang at nagpasalamat sa suportang ipinakita ng mga ito. Naiyak s'ya at humingi ng tawad sa kanyang nagawa. Sinisi s'ya ng kanyang ina na kung hindi s'ya naglihim dito ay baka napayuhan s'ya ng mabuti. Kung hindi sana s'ya naglubid ng mga kasinungalingan sana ay hindi s'ya pinayagan na sumama sa isang lalaking may asawa na. Ngunit kahit ilang beses n'ya itong isumbat ay huli na at hindi na mababago ang mga pangyayari. Para sa kanyang ina s'ya ay gaya sa isang gamugamo na lumapit sa ilaw kaya't ang kanyang pakpak ay nadarang sa apoy at nasunog.

Matuling lumipas ang mga araw, at ang mga araw ay naging buwan kayat kailangan ng tumigil sa pagtratrabaho si Gwen dahil medyo halata na ang kanyang tiyan at pinag-uusapan na rin s'ya sa opisina. Ang mga magulang naman ni Gwen ay binigyan ni Onie ng puhunan sa negosyo para di na n'ya kailangang sustentuhan. Tama na sa kanila na mabigyan sila ng maayos na tirahan. Yon lang ay sobra sobra na. Ang importante ay si Gwen at ang pinagbubuntis nito.

Malaki na ang tiyan ni Gwen halos kabuwanan na. Kaya't halos araw araw ay pinupuntahan s'ya ni Onie. "Mabuti lang marunong na ring magdrive si Bernie." Si Bernie ay kapatid n'ya , sunod sa kanya. "Minsan kasi kinakabahan din ako baka abutan ako ng panganganak na wala ka dito." "Oh common, don't think that way. Everything will be fine with you and our baby", hinalikan s'ya sa noo ni Bernie para maramdaman n'ya na nandodoon lang s'ya para kay Gwen.

Naging tahimik naman ang kanilang buhay kahit papano. Minsan ay dinadalaw s'ya ng kanyang best friend na natuwa din sa magandang kapalaran ng kaibigan. Biro mo nga naman nakaswerte s'ya ng lalaking may pera at malayo pa ang pamilya. Walang manggugulo kung sakali. Ngunit sa isang banda naiisip din n'ya tama bang isiping swerte itong ginawa ng kanyang kaibigan. Una sa lahat ito ay malaking kasalanan sa D'yos ang makiaapid sa may asawa pangalawa ay nanghihinayang din para sa kaibigan na alam n'yang kung nakapaghintay lang ay baka naman umasenso din dahil sa kanyang angking ganda, tangkad, talino at meron ding tinapos, at napakahusay pang kumanta. Ngunit minsan talaga ang tao nawawalan din siguro ng giya sa buhay kung dumaraan sa frustrations gaya ng pagpapakasal ng unang boyfriend n'ya sa iba. Ngunit ito ba'y sapat na rason para magkasala ang tao?

Sabi nga "may pakpak ang balita, may tenga ang lupa". At dito na magsisimula ang kalbaryo ng dalawa. Nakarating na sa asawa n'ya sa America ang mga balita at uuwi daw ng Pilipinas ang pamilya ni Onie sa lalong madaling panahon. Pero ano ang gagawin n'ya ngayon. Paano ang kanyang mga pangako na hindi n'ya pababayaan si Gwen? Paano n'ya dadalhin itong ginawa n'yang desisyon sa kanyang buhay? Aaminin ba n'ya sa kanyang asawa ang lahat o patuloy s'yang mabubuhay sa kasinungalingan at sa pagkukunyari? Papaniwalaan kaya s'ya?

Paano na si Gwen at ang kanyang ipinagbubuntis?........


--------------------------------- A B A N G A N ------------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...