Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 13


THE OTHER WOMAN 13
A successful marriage requires falling in love many times, always with
the same person. (Mignon McLaughlin)

ANG MGA ANAK

Nag-ibigan ang tao
Ang sanggol ay nabuo
May pamilya ng bago
Umibig at natuto

Lumaki na ang anak
Natuwa ang mag-anak
Ng lumaki ay tiyak
Isip n'ya ay malawak

Ang mabuting magulang
Ay walang pagkukulang
Kung isaalang alang
Tuturo ng paggalang

Ang anak ay lingapin
At isip ay linangin
Ang buhay ay ayusin
At ito ay sinupin

Paglaki ay tutulad
At mahahalintulad
Kung sino ang tumupad
S'ya kaya ang mapalad?

Sana'y di s'ya kawawa
Lumaking walang ama
Kapag ama'y mapunta
Maligaw na sa iba

IKA-LABING TATLONG YUGTO

"Good morning Hon. How was your sleep? You really look great with your dress. You're so gorgeous and I love you more for that." "In all fairness to you, you pick on the right color and size, I love it." "Thanks Hon you love it but how about me? Ganun lang ba yon paano naman ako?" "Sus of course you know that. Alam mo na yon." "Anong alam mo na yon why can't you not tell me. Sigi nga Hon sabihin mo. Parang nahirapan ka kasi pag sinasabi mo yan mula ng dumating ka, parang di mo na ako mahal."

"Sabi mo pinatawad mo na ako pero minsan nararamdaman ko parang may kulang. Pero di kita masisisi. Alam ko malaki ang kasalanan ko sa'yo, pero sana Hon, sana maniwala ka na pinagsisihan ko lahat yon". Tumitig muna si Liezel sa asawa saka ibinulong sa mukha n'ya..."I love you, I love you , I love you." Pagkatapos non ay yinakap s'yang mahigpit ni Onie. "I love you too Hon." Alam ni Onie, maraming hinanakit ang asawa n'ya sa kanya. Nararamdaman n'ya minsan sa mga kilos nito pero pilit lang hindi nagpapahalata para siguro maiwasan na mag-away sila lagi.

Alam ni Onie matatagalan pa bago lubusang magtiwala ulit sa kanya si Liezel. Kahit pilit nagpapakita ito sa kanya ng pagmamahal ay alam n'ya na nabawasan ang dating pagmamahal at respetong ibinigay sa kanya ng asawa mula sila'y ikasal hanggang sa pag-awayan nila sa telepono ang nabalitaan ni Liezel na pambababae n'ya at pagbili ng bahay para dito. Sobrang nainsulto at nasaktan ang ego ni Liezel. Hindi n'ya kayang tanggapin ang nagyari at mula sa Amerika ay iniyakan na n'ya ito ng todo. Ngunit naisip n'ya nong huli na kung aawayin n'ya ang asawa pagdating ng Pilipinas ay baka lalong mawalan ng ama ang mga anak n'ya kaya iniba n'yang pilit ang estratehiya n'ya.

Kahit gustung gusto na n'yang awayin ang kanyang asawa pagdating na pagdating ay nagtimpi s'ya at minabuting magbonding na lang silang mag-anak. At mukhang tama si Liezel. Mukha ngang effective ang kanyang naisip na paraan kung paanong mapanatili ang katahimikan ng pamilya. Bakit nga naman s'ya magbibigay ng bagay na ikatutuwa ng babae ng asawa n'ya. KUng inaway n'ya ang kanyang asawa, baka ngayon ay naghakot na at kasama ng tuluyan ni Gwen. Tama nga si Liezel. Hindi lahat ng bagay ay nadadala sa init ng ulo. Minsan kailangan ding pag-isipang mabuti at wag padalusdalos.

Maaga pa naman kaya di muna bumangon si Liezel. Ipinikit n'ya ulit ang kanyang mga mata. "Mamimiss ko na naman ang mga yakap na to, itong mga halik mo, ang mga pag care mo na naging dahilan kung bakit nainlove ako sa 'yo noon. Bulong n'ya sa sarili.Nararamdaman ko naman talaga na mahal mo ako pero ngayon ay may pagdududa na. Pwede ring nagkamali ka lang at sa pag-alis ko ngayon ay dito ko mapapatunayan kong gaano mo ako kamahal.

Pero kahit mahal na mahal kita kung may mamahalin ka pang iba ay bibitawan na kita pag naulit pa ang mga pagkakamali mo. Ang akin ay akin at ang kay Maria ay kay Maria. Ayaw kong may kahati sa pagmamahal mo dahil sa puso ko ay nag-iisa ka rin."

"Ngunit magiging matatag na ako. Hindi na rin luluha para maipakita ko sa iyo na pwede rin kitang iwala sa buhay ko kung kinakailangan. Dahil habang nakikita mo na mahal na mahal kita ay wala kang takot na mawala ako sa buhay mo. Mas mabuting maisip mo na handa akong bitawan ka kung kinakailangan. Ikaw na rin ang nagturo sa akin na maging matapang at binigyan mo ako ng pagkakataon para ako ang masusunod sa pagkakataong ito. KUng hindi ka nagloko makakapagmalaki ka at ako'y sunudsunuran lang gaya ng dati."

"But not anymore this time. Kasi nabawasan na ang respeto ko sa 'yo. At mararamdaman mo yan sa susunod na mga araw at hindi mo ako masisisi dahil sinira mo ang bantayog na itinayo ko. Na kahit naniniwala ako sa talino ko ay itinaas kita sa pedestal, mas mataas sa akin, mas mataas kahit kanino, mataas na halos abutin na ang kawalan, dahil ikaw ay binuo ko sa aking kaisipan, na naiiba ka sa lahat, nag-iisa, na kahit ang mga kaibigan ko ay nalulula sa pagkilala ko sa yo bilang asawa, at sobra akong nagtiwala sa 'yo noon kaya malakas ang loob kung umalis ng bansa. Pero ang bantayog na yon ay nabuwag, nawasak, at kung kailan maitatayo ay hindi ko alam at ikaw lang ang makakapagtayo n'yan ulit kung kaya mong ipakita sa akin kung paano mo ako mamahalin. Ikaw lang ang may alam."

"Sayang, sayang at sinira mo ang binuo kong bantayog na nagsisimbulo sa pagkatao mo. At ang pagbagsak nito ay ang pagkawala ng wagas na pagmamahal dahil ito ay nadungisan na. At ikaw ang may gawa nito. Sayang, sana napanatili mo ito. Pero hanggat kaya ko ay buo pa rin ang pamilya natin dahil ayokong lumaki ang mga bata na walang ama. Dahil ayokong sirain ang pagkatao nila."

Maaga pa ay bumalik na sa bahay ang mag-asawa. marami pang aasikasuhin si Liezel at kailangang pagkapananghalian ay pupunta na sila sa airport. Ngunit biglang tumawag si Loida para ibalita na tumawag sa kanya si Gwen at desidido ng ibenta ang bahay. Halos maalog ang utak ni Liezel sa balita. Gusto n'yang matuwa pero wala ng oras para asikasuhin ang mga bagay na ito. "Everything is working according to my wishes pero it's too late, sana kahit kahapon man lang nagawan ko ng paraan."

"Wow, nafreeze ang utak ko sa balita mo ah, sigi Loida, tatawagan kita mamaya." Magko coffee lang ako at baka pagnainitan ay gumana ang aking utak." "Sigi po Ma'am hinatyin ko po ang tawag n'yo." Halatang tensyonado si Liezel ng maibaba ang phone. Habang nagkakape ay pinipitikpitik ng kanyang mga daliri ang mesa na akala mo ay nagtatype.

Ganito si Liezel pag nag-iisip. Nilalarularo n'ya ang kanyang daliri sa mesa at alam ito ni Onie. Hey, anything wrong?" "Honey, What if that woman sells her house, would that be ok with You? Well, honestly, I don't care at all. It's hers." "Really? But I'll be the one to buy it. In fact I suggested it to her few days ago, to sell it to me and buy a smaller one and so they can start a new business, but its only now that she decided.

I want them out of that house. Besides, wala na rin silang maasahan sa 'yo. Have I made that clear with you Hon? But I won't keep that house. I'll look for a buyer when things are settled. Hon, can you please help me? Our lawyer. Maybe he can do the transactions in my behalf. Not you of course. Over my dead body! "Well,sure Hon, I know." Ok, I'll call him later, don't worry. Alam ni Onie nag-aalala ang asawa na baka magkausap pa sila ni Gwen. Pero di n'ya gagawin yon dahil nangako na s'ya rito. Siguro pagdating ng araw. Pag humupa na ang lahat sabi sa kanya ni Liezel. "Hello Attorney. Favor please...."

Kahit medyo nagulo ang isip kanina ay nagpasalamat si Liezel at nakahanap ng paraan kung paano mabibili ang bahay ni Gwen kahit paalis na s'ya. Hindi muna sana n'ya sasabihin sa asawa para di na kumuntra, Pero nagpapasalamat s'ya at mukhang desidido naman ang asawa sa kanyang

pagbabago kaya ok na ring malaman n'ya kaysa sa iba pa malaman. Ganyan talaga. Kung may agam agam man si Liezel ay normal lang yon. Ang tiwala pag nasira ay mahirap ibalik. Hindi ganun kadali. Siguro pagdating ng panahon. Sabi nga n'ya sa asawa nong magkonprontasyon sila, "ayan ang salamin, basagin mo, pagkatapos ipagdikit dikit mo kahit yong pinakamahal na pandikit pa ang ang gamitin mo kung mabubuo mo pa ng kasingkinis ng dati. Kahit mabuo mo yan ay may lamat na."

Pero kahit papano ay nag-aalala din si Onie kung paano n'ya maiiwasan si Gwen. Alam n'ya kung paano ito kakulit at talagang palaban din. Ilang beses na n'ya itong napatunayan nong lagi pa silang magkasama. pero pipilitin ko na lang na maiwasan para walang masabi si Liezel. Magsisi man ako ay andito na to. A thing done cannot be undone. Pero papatunayan ko sa aking asawa na hindi naman ako ganun kasama at ako'y hindi perpektong tao at tao rin lang na pwedeng magkasala.

"Hon, is everything ok? You still have two more hours before you leave. Breakfast is ready. come kids, let's eat, Honey, common. Masayang nagkainan ang mag-anak. Kids, remember what I told you..." "Yeah we know." "What is it? What did Dad tell you to do?" "Nothing." What is it?" "OK Mom, he said we'll take care of you, satisfied Mom?" "Thank you darling you're so sweet. Pagkatapos tiningnan ni Liezel ang asawa. Parang nakikiligkilig naman s'ya ulit wag lang maalala ang mga kapalsuhang ginawa nito. Tumingin din si Onie kinindatan s'ya. Napaismid na lang si Liezel pero nangingiti. Nabalik na nga ang dating Onie. Ang lalaking minahal n'ya ng higit pa sa kanyang buhay. Sana nga pag-alis n'ya ay magiging maayos ang lahat at hindi sisira si Onie sa kanyang pangako.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan na lang ang mag-ama samantalang si Liezel ay tinawagan si Loida para bilinan tungkol sa pagbili ng bahay. Ang abogado na nila ang mag-aasikaso kaya hindi na poproblemahin ni Loida. Masaya na rin si Liezel para hindi na maging sagabal si Gwen sa pagbabago ng asawa n'ya. Laking pasalamat ni Liezel sa Diyos dahil mukhang umaayon sa mga dinadasal n'ya ang mga nangyayari.

"Sana nga po Lord magbago ng tuluyan ang asawa ko. Sana matuto s'yang pigilan ang sarili sa mga tuksong darating pa sa kanyang buhay. Sana tantanan mo na rin ang asawa ko para mas madali ang kanyang pagbabago. Sana makunsensya ka at matakot sa D'yos. Sana maisip mo na ang pangangabit ay isang malaking kasalanan at labag sa sampung kautusan ng D'yos. Sana magbago ka na once and for all. Maawa ka sa sarili mo."

"Bonie halika samahan mo ako sa airport para may magbubuhat ng mga daladala ng Ma'am Liezel mo. Sabi ni Onie sa Driver nila. "Yes Sir." At dagli ngang inakyat sa van ang daladala ng mag-iina. Ang driver na rin ang pinagdrive ni Onie dahil mas gusto n'yang makisaya sa mga anak nya. Habang daan ay nagkakatuwaan sila at pakanta kanta pa ng mga childrens rhyme. Ito ang nga bagay na namiss ni Onie. Ang mga bata rin ay enjoy na enjoy rin sa pagkakatuwaan nilang mag-ama.

Ngingiti ngiti lang si Liezel. Alam n'ya mamimiss ni Onie ang mga anak once na umalis na sila mamaya.Pinabayaan na lang ni Onie ang driver na maasikaso ng mga bagahe habang kinakausap s'ya si Liezel na marami pang binibilin sa kanya. "Well, I hope Hon wala akong mabababalitaan na di ko magugustuhan." Ngingiti ngiti lang si Onie, kaya halos mapikon pikon si Liezel. Pero pinabayaan na lang. "Akala yata nito nagbibiro ako, bahala ka kung di ka maniwala. Sa isip ni Liezel, "I mean it."

Pag pasok sa airport ay sinalubong sila ng isang friend na may katungkulan sa airport kaya nakapasok pa rin si Onie sa loob at tuluytuloy si Liezel at mga anak nila sa counter ng USA para mag chek in samantalang si Onie ay nakatingin lang. Ng matapos ayusin ay tumuloy sa passenger's lounge para hintayin ang oras ng flight. Oras na para umakyat sa eroplano. Inaantok antok na si Liezel dahil maaga pang nagising kaya pagkaayos na pagkaayos ng mga anak sa eroplano ay inayos na rin ang sarili at ng sumandig na sa pagkakaupo.

Sa sobrang antok at pagod sa kanilang anniversary kagabi ay agad s'yang nakatulog. At s'ya ay nanaginip. Kasama nila si Onie sa kanilang pagbalik sa Amerika. Kaysaya-saya n'ya at napatunayan sa sarili na mahal na mahal s'ya ng kanyang asawa at minabuti nitong sumama sa kanila sa Amerika. Nag sasabuyan sila ng snow at parang mga batang naghahabulan. Gaya ng dati, noong sila'y bagong kasal. Palibhasa'y mga bata pa ay sobrang magharutan. Bago n'ya patatabihin si Onie ay magpapahabulhabol muna s'ya. Magbabatuhan ng unan hanggang sa magkabutasbutas ito at sasabog sa ere ang mga bulak. Parang gaya nitong snow na kanilang ginamit para magbatuhan at sila'y maghahabulan at sila'y magpapagulunggulong at magtatawanan na parang mga bata.

Sadyang kaysarap ng buhay pag kasama ang iyong minamahal. Ngunit mayamaya ay may bigat s'yang naramdaman na nakadagan sa kanyang balikat at s'ya'y nagising para lang maalalang kasalukuyang nasa eroplano nga pala sila at lumipad na ata palayo, palayo at pataas, pataas ng pataas hanggang tuluyang mapalayo sa kanyang minamahal, at ngayon naramdaman n'ya ang kirot at ang mga alalahanin na baka puntahan ni Gwen ang kanyang asawa at gaya ng dati ay marahuyo na naman ito sa kanyang alindog at kabataan at nakapa n'ya ang kanyang dibdib.

Ngunit ng maalala ang nakadagan sa kanyang balikat. "Aba siniswerte yata itong lokong ito at ginawa pa akong unan. Sa inis inigkas ang kanyang braso at napaaray ang katabi at ng magkatinginan ay sabay, "Honey? At tumulo na lang ang kanyang luha, naumid ang mga dila, ngunit ang mga iyak ay impit dahil naalalang sila pala ay sakay ng eroplano. Pinagkukurot n'ya ang asawa sa tagiliran na impit na impit din ang pagtawa. Iiling iling na lang pagkatapos si Liezel.

Ang dalawang bubuwit na tatawatawa ay kinutsaba ng ama. Ng ito ay tumabi sa tabi ng asawa ay senenyasan ng ama ang mga bata na huwag maingay. At sinenyasan na lang na matulog din at sabaysabay silang natulog hanggang sa magising si Liezel at nadiskubrehan ang sorpresang magdudulot ng walang katapusang ligaya sa kanya sa kanyang pagbalik sa Amerika. Ah, kayhiwaga ng pag-ibig. Maraming sorpresang kaakibat para lang maipadama ang tunay na pagmamahal. Maswerte lang at si Onie ay may multiple visa at ang kanyang empleyado ang lumakad sa lahat kaya walang kaalam alam ang mag-ina.

"Kaya pala, kaya pala nagdala ng driver. Akala ko tinatamad lang magdrive." Bihira kasi magdala ng driver si Onie. Mas gusto n'yang s'ya ang nagdadrive ng kanyang sasakyan. Pero may driver na nakatambay sa bahay n'ya dahil sa mga utus utos nya sa opisina at sa bahay.Walang masidlan sa kaligayahan si Liezel na makasama ang asawa. Ang mga sakit na dinulot ng pagkakamali nito at ang mga pag-aalala dahil maiiwan sana nila sa Pilipinas ang asawa ay napalitan ng saya. "Babawi ako Hon. Hayaan mo, makikita mo rin yan. Ipapakita ko sa 'yo na good boy naman talaga ang asawa mo nagkamali lang."

Ng makita ni Liezel ang Snow ay napangiti s'ya. Naalala ang kanyang panaginip sa eroplano. Hon, ba't ka ngumingiting mag-isa? Baka mahipan ka ng hangin magkaasawa pa ako ng may "S" hehehehe biro ni Onie. Anong may "S"? Secret, heheheh at hinabol ng kurot ni Lizel ang asawa at tumakbo ito palabas ng bahay hanggang magpagulunggulong sila sa snow at magbatuhan nito na parang mga bata pero kahit kurutin ni Liezel ang kanyang sarili totoo na ito hindi na isang panaginip. "Honey pakikurot mo nga ako." At inabot ang kanyang braso sa asawa at kinurot naman s'ya nito ngunit ng tanungin s'ya kung bakit, ang sagot n'ya rin ay, "secret". At siya naman ang hinabol ni Onie at napuno ng halakhakan ang kanilang bahay......

Ano ang mangyayari ngayong kasama na nila si Onie sa Amerika? Tuluyan na nga kaya silang tumira sa abroad? Paano ang negosyo ni Onie? Paano na ang bahay na binili n'ya kay Gwen? At paano na ang batang walang malay?

--------------------------------- A B A N G A N ---------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...