Saturday, March 3, 2012

IBA'T IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 3


IBA'T-IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 3
(Kapalaran ba o katangahan?)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 2/23/2012 
http://weenweenreyes.blogspot.com/

PANGATLONG BATO: (KATAPUSAN)

Nakaupo na naman si Laila sa may bintana ng kanilang inupahang apartment. Naghihintay ng sulat at hawak hawak lagi ang cellphone na laging fully charged. Nauubos ang kanyang oras sa bawat umaga sa kahihintay. Mabuti lang at 12 noon ang pasok namin kayat napagbibigyan n'ya ang sarili. Pero hanggang kailan s'ya maghihintay? Nahiya s'yang bumalik sa apartment na dati n'yang tirahan bago s'ya nag-asawa. Takot s'ya at baka makarinig ng sumbat sa mga kapatid.

Kumuha na lang si Laila ng isang makakahati sa apartment habang pilit na pinapaniwala ang sarili na baka bumalik one day ang kanyang asawa. "Maswerte ka lang Laila di ka nabuntis at least kung hindi ka balikan ni Mel, wag ka lang magalit, ay pwede kang mag-asawang muli." Ang sabi ko sa kanya. 

Bago mag-isang taon ay medyo nakapagmove-on na rin si Laila. Nagiging subject na lang ng aming pang-araw araw na biruan ang pag-aasawa n'ya ng panandalian. Madalas s'yang biruin ng boss namin na baka bakla raw ang kanyang pinakasalan kaya bigla s'yang iniwan ng walang sabisabi. Pero alam ko ang mga biro ng Boss namin ay half meant dahil isa rin s'yang gay. Kasi nagtataka s'ya sa kwento ni Laila na pahapyaw, na ang unang asawa at anak ay nasa probinsya at samantalang si Mel ay nakatira dati dito sa Nanay n'ya sa Maynila. Pagkatapos ngayon nag-asawa na naman at bigla lang naglaho.

Ate, halika may ikwento ako sa 'yo. Hinila ako ni Laila pagdating isang umaga. Natatawa habang hinihila ako kaya alam ko maganda ang ibabalita sa akin. Ngunit ang tawa palang iyon ay sarkastiko. "Alam mo Ate, may nalaman ako kahapon, matatawa ka talaga. Bungad n'ya sa akin. "Naku kung alam ko lang talaga di ako pumatol sa sira ulong yon. O akala ko ba'y nakapag move-on ka na. Oo naman Ate, ganito kasi yon. Nakatikatihan ko kasi kahapon na dalawin ang Nanay ni Mel, for old times sake. Naging mabait naman dati sa akin yon. 

Pero grabe, di ko alam kung matawa ba ako , mainis, o mandiri sa nalaman ko. "Haba ng pasakalye, o ano nga? Ate akalain mo, tama nga ang duda ni Boss, iisa gusto namin." "Ano lalaki? ..Biglang umapir sa akin si Laila. You bet! At napuno ng halakhakan ang Cosmetic Surgery Center. Kung alam ko lang di talaga ako mapapakasal sa kanya. Grabeh.. Ok lang naman maging gay, si boss nga ganun din, pero yong puntong nakipag anuhan ako sa ganun, kainis, heh. Kaya pala, tanga tanga lang talaga ako noon. Kaya pala ang linis n'ya sa bahay at napakahilig n'yang mag-ayos ng bahay. napeke ako. Kala ko masinop lang talaga."

"Paano mo nalaman?" " Ay di namasyal nga ako doon kahapon, inabutan ko yong mga anak n'ya don at dumalaw sa lola nila. Kasama yong unang asawa at pinakilala ni Nanay sa akin. Ayon, ng magkapalagayan kami ng loob ay nagsimula ng magkwento. kaya pala sila iniwan ay dahil sa lalaki. Pero kaiba daw si Mel. Minsan nagkakagusto rin sa babae pero pag na in love sa lalaki ay iiwanan talaga ang babae. 

Hindi rin daw alam dati nong una n'yang asawa kaya nagpakasal sila pero ng dalawa na ang kanilang anak tsaka n'ya nalaman ang dual personality ni Mel. Nanlalalaki pala di n'ya alam hanggang sa may nagmalasakit na talaga sa kanya at nagtapat na ang asawa n'ya ay may lalaki. Kaya ayon . Pero mabuti nga ako hindi n'ya naanakan. Kasi sandali lang kami pero yong isa nakadalawang anak pa bago n'ya nalaman. 

Ano pa ang magagawa n'ya. Kaya nga lang nakiusap sa kanya na wag ipaalam sa nanay n'ya at kahit na kanino kasi dati daw nakokontrol pa n'ya ang magkagusto sa lalaki pero kalaunan di na mapigilan. Pero nung malaman n'ya ang nangyari sa akin naisip n'ya kung patuloy n'yang ililihim kay Nanay itong katauhan ni Mel ay baka marami pang babae ang kanyang masisira.

THe long wait is over. At least ngayon hindi na aasa si Laila na baka balikan pa s'ya ng asawa. Para sa kanya kahit bumalik ang asawa ay hinding hindi n'ya na ito tatanggapin at baka darating ang araw na iwanan na naman s'ya nito. "Ang sabi nga sa akin ng una n'yang asawa ay ipagpapalit talaga n'ya sa lalaki ang kanyang asawa."

Wala na ang bakas ng kahapon, ang poot sa dibdib ay nawala na ring tuluyan. Sa paglipas ng panahon ay nakapagmove-on na rin si Laila. Nagkahiwalay na rin kami ng landas kasi nagresign na ako sa trabaho. Ngunit nabalitaan ko after few months ay nagresign na rin s'ya. At makaraan ang mahigit isang taon biglang dumalaw sa akin si Laila. 

May bagong pag-ibig na naman?. Hindi ko naman masabi na may katangahan talaga itong si Laila o sadyang bobo lang talaga ang puso n'ya. "Ate, si Randy, Jowa ko." Napakamot na lang ako ng ulo. "Oh, kumusta ka na? Mabuti naalala mo pa ako. "Syempre naman nuh, ikaw pa". Sa totoo lang gusto ko talagang batukan si Laila ng oras na yon. Oo at may hitsuhitsura ang lalaking kasama n'ya pero my God, di naman sa nanlalait pero nurse s'ya nag eexpect din ako na makakuha man lang s'ya ng matinutinong boyfriend. Hindi pa rin ba s'ya natuto. 

Pero minsan naisip ko rin. Bahala na nga lang kung saan na lang s'ya sasaya dahil yong dalawang nakaraan n'yang pag-ibig na may mga tinapos sa pag-aaral ay puro naman dusa ang napala n'ya."Ang baduy", sa loob loob ko lang at baka masaktan naman si laila. Maputi naman at medyo may hitsura pero halata talagang probinsyano. 

"Hoy, Laila, saan mo naman napulot yan? Tanong ko nong kami'y makapagsolo sa kwarto. Naiwan sa sala ang lalaki pinanood n'ya ng TV. "Alam mo ate sa totoo lang walang pinag-aralan yan pero mabait naman. anong walang pinag-aralan? Grade three lang daw inabot n'ya ate tapos di s'ya pinag-aral kasi mahirap lang sila." 

"Minsan dinalaw ko sina Mama, ok na kami ulit eh, nakasabay ko yan sa bus sa tagal ng byahe pa Mindoro naging close kaming dalawa tapos dapat mauna s'yang bababa. Pero di s'ya bumaba at sumama sa akin sa bahay kaya ayon naging kami na.

Hayaan mo na ako Ate. Kailangan ko rin namang lumigaya noh. Mahal ko naman s'ya at take note, mahal na mahal talaga ako ng loko. Halos subuan ako pag kumakain kami tsaka ang lambing n'ya." "Ay ewan wala na akong masabi." Bahala ka, ikaw naman ang makikisama d'yan hindi ako. Kaya lang paano yan 
eh sabi mo nga walang trabaho, di buong buhay mong pakakainin?

"Masipag naman s'ya Ate eh balak ko nga paapplayin pa abroad kahit anong trabaho payag naman s'ya." "Lokoloko ka pala eh sinong tatanggap ng grade 3 sa abroad?" "Ang dali kayang magpagawa ng requirements sa Recto." "Ayun, yon pala ang balak mo. Manloko. Aba'y akala mo ganun lang kadali yon. Paano kong madiskubreahan ng employer n'ya na peke ang requirements baka ma ban s'ya. mahirap yang iniisip mo. Magaling naman s'ya sa math at mabilis magbasa. Yon naman ang importante di ba? "Ay ewan ko sa inyo. Mabuti pa n'yan 
dito mo na lang hanapan ng trabaho."

Hanggang makaalis sa bahay ang dalawa ay napaisip ako. Ano nga ba talaga ang batayan sa pag-ibig. Tinapos? I mean pinag-aralan? Kung ano ka sa lipunan? O kung may pera o wala? O sadyang ang kailangan lang ay yong pangangailangan n'yo sa isa't isa. Basta ba mahal nyo lang ang isa't isa ok na. Ngunit ang pag-ibig ay hindi lang sa isang simpleng 
mag BF ang pupuntahan. 

Darating yong time na mag-aasawa kayo at magsasama sa iisang bubong. 
Pagnagkaanak kayo ay di maiwasang may mga bagay na pag desisyunan ang padre de pamilya o kaya may time na nagpapalitan ng kurukuro ang magpapamilya. Kung ang Tatay kaya ay walang pinag-aralan hindi kaya s'ya maaapektuhan pag puro matatalino na ang mga anak nya? Hindi kaya s'ya ma out of place kung ang asawa n'ya ay isang nurse na gaya ni Laila. 

Ok lang sana kung parehas lang ang mag-asawa kasi sila talaga ang magsasama sa lahat ng oras. Yung magkapantay ang uri nila para mas madaling magkaintindihan o yong hindi masyadong malayo. Sila ang magpapakisamahan sa araw-araw, kasi marami namang magulang na walang aral at nakatapos ang mga anak pero ok lang sila. Pero sa kaso nila na grade three lang si Randy at s'ya ay nurse, mahirap yata.

Pero hindi ko nagawang payuhan si Laila. Hinayaan ko na lang na puso n'ya ang magdesisyon kung saan s'ya pwedeng sumaya matapos ang dalawang frustrations n'ya sa pag-ibig. Kung itong pangatlo ang magbibigay sa kanya ng tunay na kaligayahan ay hayaan na nating puso nila ang mag-usap. Total wala namang perpektong tao at wala rin namang perpektong relasyon. Swertehan na lang siguro.

At mula noon ay hindi na kami nagkita ng dati kong kasama sa trabaho. Di ko na rin nabalitaan kung sila na nga ba ang nagkatuluyan. Paminsan minsan ay naaalala ko rin s'ya pero sana nga kahit ano pang klase ng mukha ng pag-ibig meron s'ya ngayon, sana Lord masaya na s'ya at nakita na ang tunay na kaligayahan...


-------------------------------------------- W A K A S ----------------------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...