Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 9


THE OTHER WOMAN 9
A friend should be one in whose understanding and virtue we can equally confide, and whose opinion we can value at once for its justness and its sincerity.(By Robert Hall)

KAIBIGAN

Salamat kaibigan
Lagi, lagi kang nand'yan
Oras na kailangan
Ay pwede kang takbuhan

Sa gitna ng pighati
Iyong napapangiti
Napagaan parati
Itong buhay kong sawi

Kahit minsan sarado
Itong pag-iisip ko
Tiyak at sigurado
Ito ay bubuksan mo

Kung lahat sanang tao
Dito sa ating mundo
Ay pawang katulad mo
Mabawasan ang gulo

Sapagkat kaibigan
Mahirap mapantayan
Ang iyong kabaitan
At'yong kadakilaan

Kahit ako'y iiwan
Lahat ng Kaibigan
Ikaw ay maiiwan
upang ako'y damayan

Kaibigan, salamat
Ika'y karapatdapat
Iyang puso mong tapat
ay ligaya sa lahat

ANG KABIT
Ma.CRozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes

IKA-SIYAM NA YUGTO:

"Lumabas na ang tunay na kulay nito ah. Yan na nga ba sabi ko kay boss baka dumating ang time na suwagin s'ya nito. Di naniwala sa akin. Magaling ding mambilog ng ulo itong batang ito. Sabi ni boss di raw magiging problema kasi maunawain. Ang lalaki nga naman madaling maniwala sa mga arte ng babae basta't mahal nila Kungting lambutsing lang ok na.

Nakauwi't nakauwi ang mag-ina sa kanila ng hindi man lang nadalaw ng ama ang bata. Kaya't masamang masama ang loob ni Gwen. "Wala akong pakialam kung dumating man ang asawa n'ya. Ang sabi n'ya dati ay di s'ya natatakot kahit magalit pa ang kanyang pamilya bakit ngayon hindi n'ya yan patunayan." "Best wala ka namang magagawa. Wala kang karapatan.Asawa yon eh. Maswerte ka na nga kasi pinanindigan ka ni Onie at tingnan mo naman ang kalagayan n'yo. Ito nga lang bahay kayamanan na to eh. Ang dami nga d'yan best matapos mabuntis hindi na iniintindi. Pasalamat ka na rin at kinilala yang anak mo. Kaya kung ako sa 'yo Best sinupin n'yo ang perang binibigyay ni Onie. Wag kang magagalit Best nagmamalasakit lang ako sa iyo dahil kaibigan kita."

Nagtataka ang kaibigan n'ya ba't di na kumikibo ang kausap yon pala tinulugan na s'ya. Naiwan tuloy s'yang nakanganga sa tabi ng kaibigan."Ang hirap kasi sa tao makatikim lang ng kunting ginhawa nakakalimot na sa sarili. Tulad nitong pamilyang ito kasali na nga sa budget sa pagkain di pa makaipon sa kinikita sa negosyo. nakakahingi
pa rin kay Gwen. Sobra rin kasing magpalayaw sa mga anak itong magulang ni Best. Mabuti sana kung galing sa sariling pera yang tinatamasa nila. Ang gaganda ng cell phone, may mga laptop, yong isa notebook."

"Di na lang inipon ang pera para sa darating na mga araw. Di naman natin alam kung ano ang mangyayari bukas. Imbes na tutukan ang pag-aaral at magpakasimple lang sa buhay inuna pa ang pagbabarkada at paporma. Mga bata nga naman. Pero minsan nasa pagpapalaki din ng magulang yan. Ang mga magulang dapat ding sinupin ang mga anak n'ya at alamin ang mga activities. Tulad nga sa nangyari kay Best. Tuwing mag papaalam pinapayagan agad. Nong una alam na ng magulang n'ya na minsan
nagsisinungaling si Best sa kanila."

"Tulad nga nong sa dati n'yang boyfriend, kung hindi ko pa pinilit ipagtapat sa kanyang magulang ay di nila malalaman na nagboyfriend na pala si Best. Sana nong malaman nila na nakipagbreak yong lalaki inalalayan na nila ang kaibigan ko para di nakaisip ng kung anuano at ito nga ang naging resulta. Ewan ko, di naman ako nanghuhusaga sa iba pero napakalayo ng pagpapalaki ng mga magulang ko sa aming magkapatid kaysa sa kanila."

"Si nanay kasi pag nahalata na may problema ako pilit akong kinakausap at inaalam ang problema, kaya imbes na sa mga kaibigan ako magconfide o kaya sarilinin ang problema ko ay kay nanay na lang. At tama ang sabi n'ya mas maganda kong alam ng pamilya ang problema mo. Mapagtutulong tulungan na ayusin at alalayan ka para di ka mapahamak." Minsan pag mali pang kaibigan ang nasamahan mo mas pa ang chance na mapariwara ka kaya mas maganda ng sa pamilya ka magconfide pag may problema lalo na sa pag-ibig. Di tayo dapat natatakot sa ating mga magulang. Sila dapat ang unang makakaintindi sa atin. At sila dapat ang ating best friend. Pero meron namang mangilan ngilang tutuong kaibigan. Kaya lang mahirap magtiwala.

"Lagi kong tinatandaan ang bilin ni Nanay, pag ikaw ay nasa sitwasyong naguguluhan ka sa paggawa ng desisyon sa buhay ay tumingala ka lang sa Langit para maalala mo na kahit malayo ka sa magulang and'yan lang "S'ya" nakatanghod sa lahat ng oras handang tumugon sa mga panalangin mo. Minsan nasa tao na rin kung ano ang ikagaganda at ikasasama ng buhay. Para sa akin mas mabuti pa rin ang dignidad ng tao kaysa sa ano pa mang kasaganaan sa mundo. Kahit sabihin nating ang kapalit n'yan ay rangya at sarap para sa mga mahal sa buhay ay di ko matatanggap.
Sabi nga , the end does not justify the means." Para sa akin mali itong ginawa ni best.

"Hindi kailangang ibulid mo sa kasalanan ang sarili para sa kabutihan ng lahat. Hindi pagiging practical ang pagsunggab sa mga kasarapan sa buhay kung ang kapalit nito ay taliwas sa kagandahang asal o pagsuway sa "Sampung Utos ng D'yos". Mga materyal na bagay lang ito. Temporary. Ang dapat nating linangin sa sarili ay ang tamang aral sa buhay. Magsikap, magpunyagi, magtiis kung maikli ang kumot. Wag nating sanayin ang sarili sa mga bagay na hindi naman natin nakasanayan"

"Pero paano ko ito masasabi kay Best. Mahirap tumanggap ng katotohanan. At tiyak di n'ya ito magugustuhan. Pero pag kinakailangan siguro ay i PM ko na lang sa kanya lahat ng gusto kong ibahagi. Baka makatulong din sa kanya kahit papano. Ang moral values ay importante sa tao. Pag iwinala mo ito ay para mo na ring sinabing wala ng halaga ang buhay mo. Sana nga maintindihan mo ako best. Tiningnan n'ya ang
kaibigang natutulog. Sana nababasa mo ang utak ko para di na ako mahirapang ipaabot sa 'yo ang mga bagay na gusto kong i impart sa yo.

"Minsan kasi di mo kinukuwento sa akin ang mga bagay na alam mong di ko gusto. Pero sana kung naikwento mo ay nawarningan man lang kita sa mga ginawa mong desisyon sa iyong buhay. Ngunit ginusto mo yan. Ngayon, ay nakikita ko na ang mga ulap na lalambong sa iyong pangarap. Kung gusto mong mangarap ay dapat pagsusumikapan ito at hindi dapat iasa sa pinagpawisan ng iba. Hindi rin dapat ipuhunan ang kagandahan para makuha ang mga nais sa buhay.

Best kahit kaibigan mo ako napakalaking kamalian itong ginawa mo sa iyong buhay. Ang magwasak ng isang pamilya ay malaking kasalanan sa D'yos. Sana di ka naniwala sa mga masasarap na dila ni Onie, ganyan talaga ang karamihan sa lalaki ngayon, baka mas malayo pa ang narating mo, pero di pa naman huli ang lahat kung makikinig ka lang at maituwid ang iyong buhay"..

"Naniniwala ako sa Karma. Kung ang iba ay hindi naniniwala ay bahala sila. Para sa akin ito ay mabuti para maging gabay sa pagtahak ko sa buhay. Pero dapat ang tao pinag-iisipan din ang bagay na to. 'Karma is cause and effect. Sa lahat ng ginagawa mo be it bad or good ay babalik at babalik yan sa yo kahit sa ibang paraan. Sana nga marealize mo ng mas maaga itong ginawa mo. Ang pagiging mahirap ay hindi dahilan para daanin natin sa tapang ang pagharap sa buhay.

Minsan kaya nasasabi na tayo'y laki lang sa skwater ay dahil umaakto tayong ganun. Para bang wala na tayong karapatang maging mabuting tao. Kaya nga di rin natin sila masisi na husagahan tayo kasi ngayon din ang ating ipinapakita. Para igalang ka ng iba dapat igalang muna natin ang ating mga sarili at maging kagalanggalang tayo sa paningin ng D'yos at ng tao. Sana Best mag-isip kang mabuti, sana magkaron ako ng lakas ng loob na ikompronta ka.

Huh, napakahaba yata ng aking pagmumunimuni. Umiiyak na ata ang baby di ko napansin. "Hmmm, umiiyak na nga pala, baka gutom na. Best, gising ka na, baka ako mabaliw kakaisip dito. Gising na ang baby mo, tila gutom na. Kuh, aanak anak di naman pala kaya, Best gisingggg. Bah kung makatulog parang walang sanggol. Pupungapungas si Gwen paggising.

Best lagyan mo nga ng malaking unan sa pagitan n'yo ni Baby. Grabeh kang makatulog baka di mo mamalayan madaganan mo ang bata. Marami na akong nabalitaan na ganyan. Nakakatakot. Oh kaya ilagay mo na lang sa kanyang kuna habang wala pang isang taon. Kasi alam mo ang baby di pa kayang sumigaw n'yan kung madaganan at wala pang effort kung gumalaw kaya di mo maramdaman pag tulog ka."

"Opo nanay, nakasimangot na sagot ni Gwen sa kaibigan. Puyat po kasi ako kagabi kakaiyak n'yan." "Aba po ganun talaga, ay ginusto mo yan eh. di na lang kumibo si Gwen. Alam n'ya may katotohanan sa sinabi ng kaibigan.,. Paabot nga Best ng diaper d'yan, basa pala eh kaya namemerwesyo." "Magtiis ka, nanay ka na eh." "Minsan nga gusto kong magsisi imbes na nakakalayas ako o kaya nagtatrabho ito ako nasadlak
na yata sa dusa. Sana nagsawa muna ako sa buhay pagkadalaga." "Hay Best, walang pagsisisi na nauuna hehehehe."

Ang sumunod na schedule nina onie at pamilya ay sa enchanted Kingdom. Ito ang madalas pasyalan nila nung andito pa ang mga bata at maliliit pa kaya gusto nilang makitang muli ang mga rides na paborito nila ng maliliit pa sila. Tama nga si Liezel. Kaya nagawa ni Onie ang magbahay ng babae dahil sa pagkauhaw sa mga anak.Ewan kong ano ang naiisip ni Onie. Pero ang tiyak nagbalik ang dating pagmamahalan nilang mag-asawa at ang closeness ng mag-ama ay mas lalo pa yatang nadagdagan dahil mas may mga isip na.

May pinaplano si Liezel kung bakit pinupursige n'yang mabaling ang attetion ni Onie sa kanyang mga anak at kahit sa kanya. Ilang araw na lang at babalik na sila sa states ng kanyang mga anak. Pagkatapos nito ano? Balik na naman sila sa nasimulan nilang kasalanan. Paano na ang pamilya n'ya? Hahayaan na lang ba n'ya ito na tuluyang mawasak ng isang maling pag-ibig o kung hindi man pag-ibig ay ng isang pagkakamali.

Syempre hindi papayag si Liezel. Siyam na taon na silang kasal ni Onie para masira lang ng isang babaeng walang inisip kundi sariling kapakanan. Alam n'ya may kasalanan ang asawa n'ya pero kung walang babaeng pumapayag sa ganyang set-up dapat walang pamilyang masisira at walang buhay na tutubo sa mundo ng walang kinikilalang tunay na magulang. "Sana maiayos ko lahat ng ito bago ako umalis. Ngunit paano?

Kinabukasan ay gumayak ang pamilya ni liezel para magsimba sa Antipolo Church. Dati na nila itong ginagawa bago umalis papuntang Amerika ang mag-ina. Natuwa si Liezel dahil nakita n'ya na taimtim na nagdasal si Onie. "Sana nga Lord marealize ni Onie ang ginawa n'ya para hindi masira itong pamilya namin. Bigyan n'yo po ako ng lakas ng loob at tamang kaisipan para mabigyan ko ng solution kung paano aayusin itong problema namin. Gabayan n'yo po kami at wag hayaan na magkawatakwatak dahil lang sa isang pagkakamali.

Napakabilis ng araw. Apat na araw na lang pala at babalik na ng Amerika ang mag-ina. Ng gabing yon ay minabuti ni Liezel na kausaping masinsinan ang asawa. Pag-uusap na talagang pinag-isipan at pinaghandaan n'yang mabuti. "Hon pwede tayong mag-usap?" Though expected na ito ni Onie at hinihintay din n'ya na mangyayari. Ngunit nagulat Hon, what about that woman? What's your plan for her. Hon, I'm sorry, if i done you wrong, I'm really very sorry. I know I hurt you, Hon please forgive me. Narealize ko sa ilang araw nating magkasama kung gano kayo kaimportante sakin Hon.

I need you and our kids more than anything else in this world. At umiyak ng umiyak si Onie. Yumakap kay Liezel na parang isang bata na humihingi ng kalinga. Patawarin mo ako Hon. Masyado ko lang hinanap ang presensya n'yo ng mga bata. Araw araw ay hungkag ang aking buhay hanggang mamalayan ko na lang naghahanap na ako ng pagmamahal sa iba at kay. Gwen ko yon nakita at naging willing s'ya sa mga needs ko kaya napalaot kami. I'm sorry Hon, lalaki ako may mga needs bilang lalaki at wala ka sa mga panahong kailangan kita. Pero nakita mo, nong dumating kayo di na rin ako nag pilit kahit dumalaw doon o kahit tumawag man lang at kausapin s'ya, kasi ayaw ko ng dagdagan ang mga kasalanan sa 'yo. Takot akong baka mahuli mo ako ay lalong hindi mo na ako mapatawad. Mahal na mahal kita at walang pwedeng magpalit sa 'yo dito sa puso ko. Ikaw lang ang andito at hindi nawawala yon because I love you so much Hon.

But I'm willing to put an end for all these mess to show you how I've regreted what I've done. I don't wanna lose you and the kids. I thank you for giving me the chance to realize my mistakes witout really pushing it. I love you more for being undersatding and cool. Thank you Hon, thank you so much. Hindi na makapagsalita si Liezel. Umiiyak na s'ya, at magkahalong awa at galit ang nararamdaman n'ya sa asawa, durug na durog ang puso n'ya, pero alam n'ya naiintindihan n'ya ang asawa. At sana itong mga luha ay kayang anurin ang mga galit at hinanakit na nararamdaman n'ya this very moment. Sana nga, sana.....

Nang humupa ang mga galit at hinanakit ay naramdaman ni liezel ang mga dantay ng kamay ng asawa upang hindi lang sa luha lunurin ang mga galit at hinanakit kundi malunod din ito sa pamamagitan ng pagmamahal,
ng pa-ibig na wagas. At unti unti ang mga luha ay naging impit na halakhak ng tuwa at kaligayahan. Sa wakas, matatapos na rin ata ang daluyong sa aming buhay. Bumalik na ang asawa ko sa akin. At ang pinagsaluhang pag-ibig ay mas lalong tumamis hanggang sa umabot sa sukdulan at ngayon napatunayan ni Liezel, nagkamali nga s'ya sa desisyon n'yang mangibang bansa. Ngayon ay sinisisi din n'ya ang sarili sa ginawa ng asawa.

Ngunit paano si Gwen na unti unti ng napapalitan ng galit ang dati'y pagmamahal kay Onie. "Hah, talagang hinahamon ako ng lalaking ito ah. Kahit silip man lang di n'ya ginawa. Kahit tumawag man lang di n'ya ginawa. Bakit? Baka akala n'ya ay nakakatuwa s'ya. Matapos n'ya akong pangakuan. Oo and'yan na ako, binigyan n'ya ako ng malaking bahay. but I want more than that. I want him. Ipaglalaban ko ang ganang akin at ipaglalaban ko ang karapatan ng aking anak.

May nabuo ng desisyon sa isip ni Liezel at alam n'ya papayag ang kanyang asawa sa naisip n'yang solusyon sa kanilang problema. Ngunit paano si Gwen? Papayag kaya si Gwen sa gagawin n'yang ito?

--------------------------------- A B A N G A N -------------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...