Saturday, March 3, 2012

MR. KUPIDO


MR. KUPIDO
Ma, Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 2/14/2012

Kaygandang pangalan sa iyo'y nilaan
Tagapana ka ba para magmahalan?
Pag-ibig nga kaya'y iyong kagagawan?
O tumubong kusa sila'y nag-ibigan

Kung ika'y papana iyo ngang tiyakin
Sa gitna ng puso doon mo tudlain
Ng dalawang tao sumpaa'y tuparin
Upang hanggang wakas magkasama pa rin

Kaysarap umibig balahibo'y titindig
Sa puso'y kumapit may dala pang kilig
Kung sa ilong naman nagsilbing tigidig
At ang pagmamahal ang laging dinilig

Sana araw-araw ika'y maging tanglaw
N'yaring mga puso na sadyang galawgaw
Biglang magsasawa paa'y maliligaw
At sa ibang bahay doon na dumalaw

Bakit ba nauso itong palikero
Kaygaling ng dila ng mga bolero
Kung makapatyarming ang mga bohemyo
Babae'y hahabol sa mga gigolo

Sana'y di nauso itong babaero
At ang kaliwete sana ay magbago
Pag-ibig ialay ng wagas ang puso
Magmahal ng tunay lalaki'y tumino

Pero ang totoo may iba ring kwento
Hindi lang lalaki ang nagkaganito
Meron sa kanila na wasak ang puso
Pagkat may babaeng sadyang lalakero

Kaysakit nga yata kung ito'y mangyari
Pagka't di matanggap ng mga lalaki
Mundo ay baliktad pag ito'y babae
Hindi tatanggapin sa lipuna'y api

Ngunit mas marami sa lalaki'y uso
Ang nagtalusira sa mga pangako
Pamilya'y iniwan limot ang pagsuyo
Pamilya'y iniwan buhay ay naliko

Sana nga Cupido ikaw ay totoo
Upang maiayos ang tao sa mundo
Sana ay mawala itong palekero
At ang palekera hindi rin mauso

Kaya ang pag-ibig ating idambana
Palaging isama ang ating D'yos Ama
Humingi ng gabay at buhay gumanda
At ng lumigaya't lahat ay masaya

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...