Saturday, March 3, 2012
ANG KABIT 5
THE OTHER WOMAN 5
I love you, and no one can stop me from loving you. I don't care
about how other people will think about me, as long as I'm with
you .....GWEN TORRES
INIT
Ang mga hangi't ulap
Biglang napasinghap
Lipad sa alapaap
At doon ay nangarap
Sa bisig mong matigas
Ay bigla kang nangahas
Lumingkis parang ahas
Ang apoy ay nagningas
Sa rurok ng ligaya
Inyo ng tinamasa
Pag-ibig na bihasa
Inosente'y tiwala
Lumiyab ng sukdulan
Hanggang sa katapusan
Ang init ay lumisan
Kasama nyaring adan
Ng siya'y matauhan
Huli ng pagsisihan
Lalaking salawahan
Tinanggap ng tuluyan
ANG KABIT
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/22/2012
IKALIMANG YUGTO:
At habang hinahabol ang kanilang mga hininga ay nagsalimbayan ang kanilang mga diwa. Tinatangay ng masidhing pagnanasa sa isa't isa. Kahit ang inosenteng kamalayan ni Gwen ay natangay na rin ng init na ipinadarama sa kanya ng lalaki. Hanggang sa ang lamig na dulot ng aircon ay natalo ng init na lumalabas sa kanilang mga katawan, at ang nagliliyab na mga damdamin na halos tumupok sa kanilang pagkatao. Painit ng painit, hanggang sa marating ang rurok ng kaligayahan. Pagkatapos ay unti unting humupa.Humupa na ang init. Hudyat na nagtagumpay ang masama sa kabutihan. At si Gwen, ang kawawang si Gwen. Kahit sumigaw pa s'ya sa langit, kahit tuluyan pang magngitngit, kahit tawagin pa ang bagyo at ang kidlat, kahit pa ang ipoipo at tsunami, kahit pa nga lumindol, mababago pa ba ang katotohanan na s'ya ay nagkamali sa desisyong nagawa?
Umiyak si Gwen. Humagulhol ng humagulhol matapos humupa ang init na magkasama nilang pinagsaluhan. Yumupyop ang ulo sa unan. Ngunit Nakahanda si Onie. "Listen here, mag-usap tayo. I'm sorry pero di ko ito pinagsisisihan at alam ko ginusto mo rin ito di ba? Alam ko mahal mo rin ako at hindi ka lang nagpatangay sa init na ating nadama kanina. Pangako aayusin natin ito. Tutulungan kita na baguhin ang buhay mo kasama ang iyong pamilya. Mahal kita, mahal na mahal. Kung kasalanan man itong ginawa ko ay paulit ulit akong magkakasala dahil di ko ma resist ang sarili ko na mahalin ka. At sa nangyaring ito ay lalo kitang sasambahin sukdulan mang ikagalit ng pamilya ko ay nakahanda akong tanggapin wag ka lang mawawala. Mahal na mahal na kita.
Lumipas ang mga araw. Nagpatuloy ang buhay. Walang nagawa ang dalaga kundi tanggapin ang naging kapalaran. Pero di rin n'ya masisi ang lalaki dahil s'ya mismo ay hindi nag-ingat kahit alam na n'ya na si Onie ay may gusto sa kanya. Sa paulit ulit na
pagsundo at paghatid sa kanya ni Onie ay namuo ang usap-usapan sa kanilang lugar na s'ya ay may boyfriend ng mayaman pero pinagdududahan na may asawa na dahil sa idad ng lalaki. Nakarating na rin ang usap-usapan sa tenga ng kanyang pamilya at unti unti na s'yang tinatanong ng kanyang mga magulang, mga bagay na iniiwasan muna n'yang sagutin dahil di pa handa ang kanyang kalooban
At ang kasalanang ginawa minsan ay naulit at muling naulit. Wala ng pag-iingatan si Gwen. Naibigay na n'ya lahatlahat sa lalaking nagpabago sa kanyang prinsipyo bilang isang babae. Nagsimula na rin ang mga bulungan sa opisina. "May babae na nga si boss at dito lang sa atin." Minsan ay narinig n'yang usapan sa upisina o sadyang pinarinig talaga sa kanya." Sinabi na n'ya ito kay Onie ngunit ipinagkibit balikat lang ng huli. Pabayaan mo sila magsasawa din yan.
Ngunit makaraan ang ilang buwan ay di na dinatnan si Gwen, mga bagay na nakalimutan nilang ingatan o bigyang pansin dahil sa pagmamahal sa isa't isa. "Heart, bago nilang tawagan mula maging sila, di ako dinatnan ngayong buwan." Hindi kumibo si Onie, pero nangiti sa narinig. Mukhang natuwa pa. "Well, that's nice. Bukas na bukas din ay magpapacheck-up ka, sasamahan kita." Na excite tuloy ako. Salamat, at binigyan mo ng katuparan ang kasabikan ko sa aking mga anak." Medyo nasaktan si Gwen sa narinig pero ganun talaga eh. Kailangang unti unti ay tanggapin n'ya na may nauna sa kanila ng magiging anak n'ya.
"Pasaan ba tayo, ba't may pa piringpiring factor ka pa?" "Oh, dahan dahan ang lakad baka madapa ka, ingatan mo si baby", paalala ni Onie habang akay akay n'ya si Gwen papunta sa isang bahay. Kakagaling lang nila sa duktor at positive nga. Buntis si
Gwen. Pagkapasok na pagkapasok ay tinanggal n'ya ang piring at pinamulat ang mata nito. Laking gulat ni Gwen ng tumambad ang isang magandang bahay na tamang tama lang ang laki, well furnished, up in down na may 4 na kwarto sa taas
at isa sa baba. Ang ganda kanino bahay to?" "Binili ko para sa yo at sa magiging baby natin. Gusto kong lumaki s'ya sa magandang lugar." "Para sa yo." Parang bulkang sumabog ang salitang yon para sa kanya. "Ibig sabihin di rin s'ya titira dito." Di nakakibo si Gwen.
Naisip din n'ya ang kanyang pamilya. Iiwanan ba n'ya ang mga ito? Magpapasarap s'ya sa buhay samantalang ang kanyang pamilya'y nagtitiis sa isang masikip na apartment
na minsan halos palayasin na ng may-ari kung di makabayad sa oras. Parang naawa s'ya bigla sa kanyang mga magulang. "Ganito lang ba ang kahihinatnan ng lahat ng paghihirap ng mga magulang ko para ako'y mapaaral?" Nahalata ni Onie na lumambong ang lungkot sa mukha ng isang masayahing Gwen.
Habang iniikot ang kabahayan ay tahimik lang ito at mukhang napakalalim ng
inisip at minsan minsan ay nahahalata ng lalaki ang mga impit na buntong hininga.
"Akala ko pa naman natuwa ka kanina. Mukhang di mo type itong napili ko. Akala ko magugustuhan mo." Nalulungkot na sabi ng lalaki. Oo, gusto ko, napakaganda at ngayon pa lang ako makakatikim tumira sa ganitong bahay." "O e anong ikinalulungkot
mo?" Pasens'ya ka na Heart di ko to matatanggap." "Bakit? Tanong ng nagtatakang si Onie. "Aba'y sabihin mo sa akin para maintindihan ko. Bakit ayaw mo dito? Kung di mo gusto pwede ko pang gawan ng paraan to. Pahahanap ako ng iba sa agent at ikaw
na mismo ang papipiliin ko." "Heart, di yon ang problema, it's my family. Di ko sila kayang iwanan." "Sinong maysabi sa 'yo na iiwanan mo sila, may sinabi ba ako." "What do you mean?" Ito oh, pirmahan mo na lahat ng papeles nakalagay na yan sa pangalan mo at kahit sino ang patirahin mo d'yan ay walang mangingialam. Iyong iyo na yan at sa magiging baby natin."
Parang lulukso sa tuwa si Gwen, gustong maiyak. Konswelo na lang, konswelo sa nasira n'yang kinabukasan sa pagpatol sa isang lalaking may pananagutan na. Kailangan n'yang tanggapin ang lahat ng ito. Kung ito lang ang magiging paraan para maiahon n'ya sa kahirapan ang kanyang pamilya. Tsaka na lang n'ya iisipin ang
kahihinatnan ng lahat ng ito. Ngunit paano ang gagawin n'yang pagtatapat sa kanyang mga magulang. Wala sa hinagap ng mga ito na lahat ng mga nakikita nila sa kanya ay pawang kasinungalingan lang. Na kaya s'ya natanggap sa isang magandang trabaho ay dahil kay Onie. At ang lahat ng perang ibinibigay nito sa kanila lately ay di lahat galing sa sueldo n'ya kundi galing kay Onie. Puro kay Onie, puro kay Onie. Mga katagang umaalingawngaw sa kanyang tenga na halos ikabingi n'ya.
Ngunit kailangang harapin ang buhay ng may tapang. Kailangan na nilang malaman. "Heart kung kasama ko sila sa paglipat pwede bang kumbidahin muna natin sila dito. Pagkatapos dito ko na ipagtatapat ang lahat kasama ang pagpapakilala sa yo at pati na ang baby natin. Mahirap kasi sa amin baka magkaroon pa ng problema. Maiskandalo
pa kami. Alam mo naman sa amin grabeng tsismosa ang mga tao gusto ko na ngang umalis don dahil unti unti na akong tinatanong ni Mama tungkol sa 'yo. May nagkwento sa kanya na may mayaman daw na sumusundo at naghahatid sa akin."
"Ok if that's what you want, sigi. May kinuha na akong maid sa Agency. She's on her way, para may mag-asikaso sa inyo dito. Bukas, magpapadala ako dito ng food, ayain mo sila, total may mag-aasikaso na sa inyo. Mula mamaya ay dito na s'ya matutulog. S'ya na ang bahala habang wala ka. Prepare your things. Just personal things. Sabihin mo sa kanila bukas pag nag-usap tayo dito na ipamigay na ang mga kagamitan sa mga neighbors n'yo. You have everything here. Kung may kulang pa ay bibilhin na lang natin sa susunod.
Mayamaya ay kinuha ni Onie ang kanyang kanang kamay at may dinukot sa bulsa n'ya. Pagkatapos ay may inilagay sa kanyang kamay "Ano to?" "Susi ng sasakyan para may gamitin kayo kung wala ako. Di ko madalas gamitin yan. Ipapalipat ko na lang sa pangalan mo para may magamit kayo lalo minsan wala ako at kailangan mong
magpacheck up." Gusto kong maging maayos ang lahat para sa inyo ni baby. Ramdam na ramdam ni Gwen ang kasabikan ni Onie sa isang anak. "Pero di ko s'ya masisi dahil nasa malayo ang kanyang mga anak." Kaya lang minsan naiisip din ni Gwen, "di kaya anak lang ang kailangan nito sa akin." Pero ipinagwawalang bahala na lang
n'ya. "Bakit kailangan kung guluhin ang sarili ko sa mga bagay na wala pa."
Pag-aralin kitang madrive sa isang driving school habang di pa halata ang tiyan mo at ang isa mong kapatid na sumunod sa iyo. Iyong 21 years old para makakuha ng legal na lisensya. Biglang tiningnan ni Gwen si Onie. "Paano kita pasasalamatan sa
kabutihan mo sa akin?" "Ang minahal mo ako ay sobra ng kabayaran. Dumating ako sa point ng buhay ko na naghahanap na sa aking nalayong pamilya. Di na ako masisisi ng asawa ko. She chose to stay there. I beg your pardon , di ko sinasadyang sabihin yon sa yo." "Ouch, sakit non ah, pero kailangan kong masanay. Wala akong magagawa, yon ang katotohanan."
Ng dumating ang maid ay may binigay na sulat kay Onie galing sa Agency at matapos matingnan ang I.D. at maidentify na s'ya ang pinadala ng agency ay pinapasok na n'ya ito. So Maylyn pala ang pangalan mo at 21 ka na. Ok Maylyn, s'ya ang ate Gwen mo, sabay akbay kay Gwen, sana pagsilbihan mo silang mabuti kasama ang kanyang pamilya. At wag mong bibigyan ng problema ang ate mo ha kasi baka mapaano ang baby namin. Habang hipohipo ang tiyan ni Gwen. Nagtaka si Maylyn sa narinig. "Bakit sila. Bakit di kasama si Sir sa pagsisilbihan ko?" Pero sinarili na lang n'ya.
Napakaaga pa para magduda.
Bago umalis ay pinagbilinang mabuti ni Gwen si Maylyn. "Wala pang nakakaalam kahit sino sa bahay na ito so wala kang papapasukin kahit sino ha. Maraming kalokohan dito sa maynila. May biglang tatawag sa telepono sasabihing s'ya ang amo mo at ipapakuha lahat ng mamamahaling gamit at kunyari ibabayad sa hospital dahil nadisgrasya s'ya. Sa taxi ka raw sasakay at magbibigay ng lugar kung saan mo dadalhin, pagkatapos pababain ka sa taxi at sila ang sasakay tangay na lahat ng gamit na dala mo. Maraming paraan para maniwala ka kaya mag-iangat ka dito habang wala kami ha. Uso dito yong tinatawag na budulbudul gang. Wag mo din kalimutan na isara ang gate at laging isara ang pintuan. Kahit sinong kakatok wag mong buksan kasi baka mahalata na nag-iisa ka dito ay gawan ka ng kalukohan. May pagkain ka na d'yan. Bukas andito na kami. Tatawagan na lang kita pag may kailangan ako ha, may telepono na dito. Ayon oh. Ito naman ang CP no. ko" "Opo ate, tatandaan ko po."
Pag-uwi sa bahay ay agad sinabi ni Gwen sa mga magulang na may pupuntahan sila kinabukasan. Linggo naman kaya ang mga kapatid ay walang pasok. Ang sabi lang n'ya ay mamamasyal sila. Kaya tuwang tuwa ang pamilya. Agad naghanda ng mga isususot dahil maaga silang aalis.Minsan lang sa buhay nila itong mga ganitong pangyayari, ang mamasyal.
Lumabas muna si Glen at pumunta sa isang kaibigan para medyo makaiwas sa mga tanong ng ina. Ngunit pagdating sa bahay ng kaibigan ay may binulong ito sa kanya na ikinasama ng loob n'ya. "Kalat na kalat na nga dito, kabit ka raw ng isang gwapong mayaman at kunyari lang daw yong trabaho mo. Don ka raw yata naglalagi sa kanya." "Ay bahala na nga sila. Ikaw ano ang paniwala mo. "Kaibigan kita kung ano ang sasabihin mo yon ang paniniwalaan ko." "Pero sino nga ba talaga yong sumusundo sa yo ha?" Dahil nahirapan sa pagbubulungbulungan nila ay naghanap ng lugar ang magkaibigan para makapakwentuhan ng maayos. "Best, ano nga ba ang totoo. Matagal na tayong di nagkakakwentuhan , wala na akong alam sa yo mula nagtrabaho ka."
"Best kaw lang ang pinagkakatiwalaan ko ng lahat. Sigi aaminin ko, partly may katotohanan ang tsismis. Yong nakita mong gwapong mayaman ay BF ko magtatatlong buwan na kami at baka mula bukas ay hindi na tayo magkapitbahay." "Hah? Bakit aalis ka na ba rito? Nako naman iiwanan mo na pala ako. Paano yan di hindi na tayo magkikita? Saan ba kayo lilipat?" "Arte mo best, syempre magkikita naman tayo nuh akin na yang CP mo at ilalagay ko ang landline at address kung saan mo ako mapupuntahan at ang bago kung CP no." Intayin kita don sa isang araw. Wag lang bukas. Doon na tayo magkwentuhan ng lahatlahat."
Gabi na ng umuwi sa kanila si Gwen, mga tulog na ang tao sa kanila. Paghiga ay samot sari ang naiisip niya. "Dapat na talaga akong umalis sa lugar nato. Di ko na rin matagalan ang panglilibak ng mga tao at ang mga ismid ng mga mapagkutya. Grabeh rin. Kahit wala silang batayan nakakagawa ng istorya. Kahit may makita lang na pulgas naging kalabaw na. Dapat ko bang pagsisihan itong ginawa kung desisyon sa buhay ko. Pero andito na 'to lalo't buntis na ako. Paninindigan ko na ito."
"Ang problema bukas kung paano ko sisimulang ilahad kay Mama at Papa ang lahat. Ano kaya ang magiging reaksyon nila. Sana maintindihan nila na kaya ko ginawa ko ito ay di lang dahil mahal ko si Onie kundi para rin sa kanila. Di ko na matiis ang makita silang nahihirapan. Kung naging mahina man ako ay dahil gusto ko nang sumuko sa mga kahirapang nakagisnan na naming magkakapatid. Matatanda na rin ang mga magulang ko . Kung iintayin ko pa ang aking pagyaman ay baka di na nila ito abutan. Paano kung di rin magkaganon ang kapalaran ko? Pero andito na ang pagkakataon para mabigyan ko sila ng buhay na di pa nila nararanasan hanggang ngayon. Kung mali man itong paraan na 'to ay patawarin ako ng D'yos." Di namalayan ni Gwen kung anong oras s'ya nakatulog sa sobrang dami ng mga alalahaning pumapasok sa kanyang isip.
Sana nga bukas sa pag-alis n'ya sa bahay na ito ay maibsan ang kanyang mga pasakit. Ngunit may takot pa ring bumabangon sa kanyang dibdib na kung dito ay naging usap-usapan na ang kanyang pagiging "kabit" paano pa kaya doon sa lilipatan n'ya na makikita ang pagbubuntis n'ya at ang ama ay di naman araw araw uuwi sa kanya. Paano ba mabuhay sa kasinungalingan? Pero bahala na lang......
--------------------------------- A B A N G A N -----------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment