Wednesday, March 14, 2012

INOSENTE


............"INOSENTE".............
Inspired by Adrian Kelly Formilleza Montojo's angels
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/14/2012

Iyang mga labi aking pakiwari
Kaysarap pakinggan ang namumutawi
Maliit na tawa Inosenteng ngiti
Ang mga halakhak may tulang hinabi

Pagmasdan mo sila at mababanaag
Ang wagas na puso ang isip panatag
Ang mukhang kay saya parang isang sinag
At ang mga mata ilaw ang liwanag

Kaysarap talaga maging isang bata
Walang iniisip na mga problema
Hindi alintana anumang makita
Ang imahinasyon parang engkantadya

Kaysarap nga naman maging isang bata
Walang kalungkutang nadarama sila
Wala pa ang pag-ibig na nakataranta
Nagdulot ng saya't lungkot sa tuwina

Kayrasap, kaysarap puno ng pangarap
Walang pa ngang muwang kahit sa hinagap
Na ang mundo pala ay may paghihirap
May dalang pasanin iyong hinaharap

Ganyan nga ang bata mundo ay tahimik
At sa kanyang dibdib ay wala pang tinik
Kaytamis ang ngiti kahit di umimik
Nagbibigay saya ang bawat hagikhik

Inosenteng bata inosenteng tuwa
Ang bawat umaga'y puno ng pag-asa
Ang kanyang paligid palaging kayganda
At ang bawat oras puno ng ligaya

Inosenteng ngiting nagbibigay saya
Sa ating damdamin pag sila'y nakita
Nakapaalala nung tayo'y musmos pa
O kaysarap pala kung tingnan mo sila

Inosenteng bata ay nakakatuwa
At sa bawat ngiti'y may tanong na dala
Kung saan nagmula kayhabang istorya
Bigay ni Bathala, ang ating D'yos Ama

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...