Saturday, March 3, 2012
MIYERKULES NG ABO
MIYERKULES NG ABO
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 2/22/2012
http://weenweenreyes.blogspot.com/
Kahapon ay nagbahaybahay na naman ang aming kapitbahay na si Auntie kiks, kung tawagin s'ya sa aming lugar. Taon taon ay ganun ang kanilang ginagawa. Hinihingi ang mga lumang palaspas para gawing abo para sa ash Wednesday. Ang kanyang tiyuhin at tiyahin na sina Mr. and Mrs Gascon ay mga taong simbahan kaya't naging obligasyon na yata nila sa simbahan ang tumulong tuwing nagcecelebrate ng ash wednesday. Ang paghingi nila ng aming mga lumang palaspas ay s'yang nagpapaalala na kinabukasan ng Miyerkules ay ash Wednesay na. Ang aming pasasalamat sa mag-asawa.
Pansamantala ay bitawan muna natin ang ating mga nakagawiang gawain sa araw na ito at bigyang pansin ang MIYERKULES NG ABO. "From dust you came and to dust you will return". Siguro ang iba sa atin ay nakapagsimba na kaninang umaga at nakapagpalagay na nito sa kanilang mga noo. Pero teka po, linawin lang natin ang ibig sabihin ng Miyerkules ng mga abo. Hindi po ito isang simpleng nakaugalian lang kaya taon taon ay ginagawa natin yan.
Ang Miyerkules ng abo po ay hudyat sa pagpasok ng Kuwaresma. Ano nga ba ang kuwaresma? Ito ay spring o tagsibol. Pag-usbong ng dahon matapos ang taglamig. Ito'y apatnapung araw para sa paghanda sa darating na Pasko ng pagkabuhay at ng matanggap natin ang kaligtasan. Ang abo ay ginuguhit sa noo sa anyong kurus upang maging simbolo ng pagpapakumbaba ng ating mga puso at magsilbing paalala na ang buhay natin ay hiram lang
Ngunit sa lahat ng ito tayo ay binigyan ng pagkakataon tuwing Miyerkules ng Abo na magbalik-loob, magnilaynilay at mangiling upang tayo ay maging handa sa muling pagkabuhay ni Kristo. Magsisi tayo sa ating mga kasalanan at humingi ng tawad sa Diyos at sa pagtanggap ng kapatawaran tayo ay nabibigyan ng pag kakataon na magbago at magsimulang muli katulad ng isang bagong usbong na dahon.
Magbalikloob tayo sa D'yos. Humingi ng tawad sa mga kasalanang ating nagawa. Ito na ang ating pagkakataon. Mangumpisal tayo kahit minsan sa isang taon at pagsisihan ang mga kasalang ating nagawa. Ang Diyos ay naaawa at nagpapatawad sa taong tapat na nagbabago at nagsisisi
Ngunit hindi ibig sabihin nito ay tuwing Miyerkules lang ng abo tayo magsisisi at magpapakabanal. Hindi rin ibig sabihin nito ay pwede tayong gumawa ng kasalanan kasi and'yan naman ang Miyerkules Ng Abo sa sunod na taon at pwede na naman tayong humingi ng tawad sa D'yos. Alam ng D'yos kung sino ang tunay na nagsisi at alam natin na ang tunay na pagsisisi ay may pangako na hindi na uulitin ang nagawang kasalanan. Kung tayo man ay mabigyan ng pagkakataon na magbago sana yan ay gawin natin bilang panimula tungo sa ibayong kabutihan at hindi paulit ulit na pagkakasala.
Ang D'yos mapagpatawad, mapagmahal, hindi madamot, maunawain, mapagbigay, mapagpatawad lahat na ng adjectives na positibo ay pwede mong iakibat sa kanya. Pero may pananagutan tayo bilang tao at yan ay ang sumunod sa kanyang mga kautusan. KUng hindi natin masunod yan ay hindi tayo magiging mabuting tao. At kung paulit ulit tayong magkakasala ay bumababa din ang kalidad ng ating kaluluwa.
Ngayong araw ng Miyerkules ng abo, tayo ng magpalagay sa noo, magsimba tayo at namnamin ang mga salita ng Diyos, humingi ng patawad, at lubusang pagsisihan ang mga kasalanang ating nagawa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment