Wednesday, March 14, 2012

SA BAWAT PINTIG


SA BAWAT PINTIG
Inspirasyon; MElanie dayrit
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a Wee-ween Reyes, 3/9/2012

Sa aking pag-iisa
Kahungkaga'y nadama
Pilit inaalala
Ang kahapong kaysaya

Bakit ba aking sinta
Pag-ibig ay nawala
Iyong binalewala
At puso'y naging aba

Kahit saan tumingin
Kahit puso'y lokohin
Sa isip ikaw pa rin
Ang pilit umalipin

Kahit ang alaala
Ay ayaw kumawala
Patuloy nanariwa
Sa mga nakikita

Sana nga isang araw
Kalungkuta'y pumanaw
Ang damdaming namanglaw
Muli't muli'y iilaw

At umaga'y dumating
Wala ka man sa piling
Ang puso'y di na haling
At sa "Kanya'y" humiling

Kung anong "Kanyang" nais
Ang puso'y magtitiis
Muli mang maghinagpis
Iibig pa ring labis

Kayat ang aking dasal
Sanay magsilbing aral
Sana ang bagong mahal
Ay huwag ng mapanghal

Ng buhay ay tahimik
At wala na ring tinik
Sa dibdib di maghasik
Ang pusong naghimagsik

Pagkat iyang pag-ibig
Kahit sa isang titig
Kahit sa bawat pintig
Dulot sa puso'y kilig

Kalungkuta'y itaboy
Ng damdami'y matukoy
At iwasang maluoy
Ang sayang dumadaloy

Limutin ang masama
Sikaping lumigaya
Pag-ibig ay kayganda
Kung tunay ang pagsinta

At muli ay iibig
At muli ay marinig
At muli'y mananaig
Ang saya sa daigdig

Ah, pag-ibig kaysaya
Ang paligid maganda
Bukas may darating pa
Isang bagong pag-asa

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...