Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 11


THE OTHER WOMAN 11
It gives me a very special feeling to know that I'm sharing my life with someone who is not just my wonderful wife, but also the greatest friend, a person could ever have.(Anonymous)

ANG ASAWA

Kung si Eba'y hinugot
sa tadyang na makipot
kay adan nga dinukot
Ang D'yos ang dumampot

At kay Eba nagmula
Ang babae'y nagawa
Sa kasal ay nagsama
May basbas ang D'yos Ama

S'ya ay naging asawa
Lalaking pinareha
Nagsama ang dalawa
Sa hirap at ginhawa

At sila'y lumigaya
Ang buhay ay kayganda
Lagi ng magkasama
At babae'y kaysaya

At s'ya ay naging ina
Lalaki'y naging ama
Sa puso'y dinambana
Sila'y isang pamilya

At siya ay minahal
Sa puso'y inihalal
Pag-ibig na may dangal
Hindi gaya ng hangal

At bakit isang araw
Ang asawa'y namanglaw
Lalaki'y may dinalaw
At sa iba naligaw

Ang buhay na tahimik
Nagkaroon ng tinik
At s'ya ay nagpagibik
Dahil s'ya ay nahindik

Lalaki'y nangalunya
Meron ng pangalawa
Ang asawa'y nagwala
Sa sarili'y naawa

Pagkatapos nagdasal
Sa diyos ay umusal
Ang pag-ibig ng mahal
Itaas sa Maykapal

ANG KABIT
Ma. crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/29/2012

IKA-LABING ISANG YUGTO

Nagulat si Onie ng ikinuwento ni Liezel na daladala ni Gwen ang bata ng dumating kanina. Kahit di ikwento ang ginawa ni Gwen ay naririnig ni Onie ang ingay nito at pagwawala kanina. Lalo tuloy nagsisi si Onie bakit napatulan n'ya ang ganitong klaseng babae. Masyadong eskandalusa. "Tama nga yata si Loida. "Mukhang napapaniwala ako ni Gwen na mabuti s'yang tao. Ngayon lumalabas na ang tunay na ugali. Hahayaan ko na lang si LIezel kung ito ang makakabuti para matapos na itong problemang ito. Lord patawarin n'yo ako hindi na po ako uulit."

"Hon, please forgive me. Now I'm beginning to realize what I have done. Muntik na akong ma hook ni Gwen. Salamat hon kung hindi mo ako tinulungan, I don't know how I will handle all these things. Hon, Halika muna sa kwarto may sasabihin lang ako sa 'yo. Bulong nito kay Liezel. "Loida excuse lang ha, hintayin mo ako d'yan wag kang aalis." "Opo Ma'am, sigi po ako na ang bahala dito." Hila hila n'ya ang asawa papunta sa kwarto habang naglalakad ay kinukurot s'ya ni Liezel na parang nagdududa kung bakit s'ya niyayaya pabalik sa kwarto.

Naiwan si Loida na kaukausap ang mga bata. Si Onie naman ay ngingiti ngiti habang naglalakad. Pagkasarangpagkasara ng pintuan ay kinabig nito si Liezel at sabik na sabik na niyakap at siniil ng halik. Pagkatapos ay tumigil at tinitigan si Liezel. "Alam mo Hon kaya inlove na in love ako sa 'yo because no other girl can surpass you. Ibang klase ka talaga. Thanks for your patience and understanding. Hayaan mo magpapakabuti na akong asawa.

"Mahirap din pala. Madali lang talagang pumasok sa isang relasyon pero ang consequences ay napakahirap pala pag dumating na sa point na ang babae ay nagiging demanding na. Tapos pag di nasunod ang gusto ay idadaan sa iskandalo." "Ganon talaga. Kaya nga sila pumapayag maging kabit dahil very low ang morality nila so kahit anong mangyayari hindi sila mahihiya dahil sira na eh. Sa pagiging kabit lang ay isinugal mo na ang moralidad mo ano pa ang iingatan mo, wala na." "Tama ka nga Hon. Kaya mahirap din talagang magloko. Sa huli malaking problema pag ayaw pumayag ng babaeng kumalas.

"Pilipino tayo eh. Kaya mas marami pa rin ang conservative ang pananaw tungkol sa pagkakaroon ng kerida ng isang lalaki. Nahirapan pa rin ang mga pilipino na tanggapin ito. At karamihan ay ipinaglalaban. Hindi gaya sa ibang bansa. Palibhasa may divorce ay madali silang makapagmove-on. Hindi tulad dito sa atin na nagpapakamartir pa rin ang babae. Umaasa na babalikan pa.

Hay, salamat Hon at andito ka. Thank you so much. Sa tuwa ay hinalikan si Liezel ng kanyang asawa. Ngunit ngayon ay napakasarap ang pakiramdam ni Onie. Parang yong bago pa lang silang nag-iibigan ni Liezel. Puno ng pagmamahalan at respeto sa isat isa. At ang mga halik kanina ay naulit pa at muling naulit hanggang ang kanilang labi ay maghandog ng sensasyon na mas maalab kaysa sa mga nauna mula ng dumating ang asawa. Ang pag-ibig na totoo dahil para lang sa kanilang dalawa at ngayon lang napatunayan ni Onie mas masarap pa rin ang pag-ibig na may basbas ang D'yos pagkat ito'y walang takot at puno ng pagmamahalan, pag-ibig na kay dalisay at wagas. At kahit paulit ulit pa nilang gawin ay walang magbababawal, walang magkukutya, at walang masasaktan. Hanggang sa uminog ang kanilang mundo papunta sa kawalan at sigurado na sila, alam na nila silang dalawa lang ang magsasalo sa pag-ibig na 'to. Hon, I love you so much. And with your love I will live a life full of happiness and contentment. I love you," "I love you too hon."

Ngayon nila napatunayan na kahit sila ay nagkalayo, ang pagmamahal sa isa't isa ay hindi nabawasan. At ang daluyong na dumaan sa kanilang buhay ay lalong nagpatibay sa kanilang relasyon at magpapaalala ng isang masakit na kahapon na dapat iwasan para di na muling maulit masaktan ang kanilang mga puso. Masakit man sa kalooban ni Onie na hindi makita ang anak ay iniisip na lang n'ya na darating ang tamang oras para sa kanilang mag-ama. Kung ito'y kabayaran sa mga kasalanan n'ya ay maluwag n'yang tatanggapin, mapatawad lang s'ya ng asawa at hindi mawasak ang kanilang pamilya na ilang taon din nilang iningatan.

Kaysarap ng pakiramdam ni Onie. Napanatag na rin ang kanyang kalooban dahil kakampi n'ya ang kanyang mahal na asawa sa labang ito. At alam n'ya na ang gagawin nito ay puro para sa kabutihan ng kanilang pamilya. Pasalamat na rin s'ya kay Loida dahil kung hindi ito nagmalasakit sa kanya ay baka malulong na s'ya kay Gwen at tuluyan ng mawasak ang kanilang pamilya. Salamat na rin at may isang Loida na handang tumulong para maituwid ko ang aking pagkakamali.

Ng bandang tanghali ay lumabas na ng kwarto ang mag-asawa para mananghalian kasama si Loida at ang mga bata. Masarap na ang kanilang kwentuhan na para bang walang unos na dumaan sa kanilang buhay. Napansin din ni Loida ang ningning sa mga mata ng kanyang mga boss at s'ya ay nagpasalamat sa D'yos at dininig ang kayang dalangin.

Kung sa akala ni Gwen ay mananahimik si Liezel matapos s'yang sumugod sa bahay ng mag-asawa ay nagkakamali s'ya. Lalong nagkaroon ng interes si Liezel na puntahan ang biniling bahay ni Onie. Ngayon ay handa na s'yang makipaggiyera kay Gwen. Lalo s'yang nakakita ng magandang idea kung paano ito labanan. Hindi muna pinauwi ni Liezel si Loida. Pagka pananghali ay nagpaalam si Liezel kay Onie na pupuntahan nila si Gwen sa bahay nito. Nagsama sila ng isang kasama sa bahay na lalaki.

Pagdating kina Gwen ay iyak ng iyak ang bata. Ng tanungin ang maid ang sabi ay ayaw daw patimplahan ng gatas ng ina at mainit ang ulo. At hayaan lang daw mamatay dahil wala namang ama. Gustong mainis ni Liezel kay Gwen at nabaghan sa tanawing inabutan. "Baliw talaga" sa loob loob n'ya. "Anong klaseng ina ito?" Tinawag ng Maid si Gwen at sinabing andoon si Loida. Paglabas ay amoy alak. Hindi s'ya pinansin ni Liezel na halatang inuusyuso ang kabahayan.

"Bakit? Babawiin mo ba itong bahay?" "Ay kung sasabihin ko sa yong oo may magagawa ka?" Alam mo kung ako sa'yo mananahimik ako. Alam mo kung bakit, baka nga mainis akong tuluyan makalimutan ko na may mga magulang ka at pamilya na umaasa sa 'yo. Yan ang mahirap sa'yo. You are educated but not cultured. Imbes mahiya ka sa akin at mag-apologize dahil ako lang naman po ang asawa ng kinabitan mo ay matapang ka pa. Tingnan mo nga ang 'yong sarili para malaman mo kung tama pa yang kinikilos mo.

Biglang naalala ni Gwen, oo nga pala ang pamilya n'ya paano na lang kung bawiin itong bahay na ito. Pero kailangang di ako magpahalata na natakot ako. "Bakit, hiningi ko ba ito sa kanya, s'ya ang nag-offer nito. Wala akong hiningi sa kanya. Binuntis n'ya ako eh kaya ayun binigay n'ya ito para sa anak n'ya. Tsaka sabi naman n'ya sa akin wala daw s'yang pakialam kahit magalit pa ang pamilya n'ya sa kanya at ikaw yon di ba? Pabayaan mong makausap ko si Onie. Takot ka kasing ipakausap sa akin dahil alam mong hindi ako kayang tiisin ni Onie at ng baby namin. Alam ko kaya di s'ya nagpapakita dahil nagagalit ka at tinatakot mo s'ya. May karapatan naman ang anak ko ah. kaya hayaan mong makita s'ya ng kanyang ama."

"Itong lilinawin ko sa 'yo ha. Ang asawa ko ay hindi ko tinakot at s'ya rin ang may gusto na hindi tumawag sa iyo kasi siguro iniisip n'ya na baka magalit ako. Aba'y dapat lang. Sigi, ipilit mo yang karapatang sinasabi mo. I'm just warning you, walang sisihan, baka sa huli ay sa kalsada kayo matulog ng anak mo kasama ang pamilya mo. Sabagay wala kang pakialam sa anak mo pinapagutuman mo nga eh." "Anong pakialam mo. Hindi naman ikaw ang nanay n'yan. Sarili kong dugo at laman yan. Kaya wala kang karapatang manghimasok."

"Well, tingnan natin ang tapang mo. Ok di na ako magpaliguyligoy. I came here because I want to offer you something." bibilhin ko tong bahay mo. Para makabili ka ng iba na mas maliit dito pagkatapos ang kalahati ng pinagbentahan ay inegosyo mo. Hindi na magsusutento sa 'yo ang asawa ko. Take it or leave it. Kung gusto mo ay kasuhan mo at habulin ang sinasabi mong karapatan. Magkitakita tayo sa korte. Dahil wala ka ng mapapala sa asawa ko, kausapin mo yang maid kung paano mo s'ya masuswelduhan."

"Ako ba ay ginigipit mo. Kung hindi n'ya suswelduhan ang maid ko ay sino ang mag-aalaga dito sa anak n'ya. Matanda na ang mga magulang ko at sakitin na nga para mag-alaga pa ng bata. Kung gusto n'ya kanya na yang anak n'ya. Wala akong maipapakain d'yan. Abah, ang swerte naman n'ya ako ang mag-aalaga ako pa ang magpapakain samantalang dalawa naman kaming gumawa n'yan. Sabihin mo sa kanya kuhanin n'ya dito ang anak n'ya. "Para ano? Ako ang mag-aalaga? Aba'y ang swerte mo naman. Aanak anak ka tapos ako ang pahirapan n'yo. Anak ng asawa ko sa kabit n'ya ako ang mag-aalaga hahahaha, funny."

Mayamaya ay lumapit ang maid. Ate Gwen, paano po kung di n'yo ako maswelduhan? May dalawa po akong anak na pinapakain. Ngayon nga po ay delayed na ng isang linggo ang sweldo ko. Pangako n'yo ngayon nyo ako babayaran. Pasensya na po pero text ng text na po ang mga kapatid ko wala na raw silang makain at wala na rin daw magpautang sa kanila doon. Pasensya na lang po pero aalis na po ako at maghahanap na lang ng ibang mapapasukan.

Ah isa ka pa, nakikisabay ka pa, sino ang mag-aalaga d'yan sa bata? Paano ako makakapaghanapbuhay kung ako ang mag-aalaga d'yan? Alam mo ngang nagkakaletseletse na ang buhay ko sasabayan mo pa. Pasensya na po
pero bago ko po kayo kaawaan ay uunahin ko muna ang mga anak ko. Kanya kanya po muna tayong isip ng paraan kung paano natin bubuhayin ang ating mga anak. Pasensya na po talaga.

"Ako'y magpapaalam na po", saka bumaling kay Liezel. "Ma'am, mawalang galang na po. Kayo po ba ang asawa ni Sir?" Tumango si Liezel. "Ma'am, nakakahiya man po ay baka pwedeng pahiramin nyo po ako kahit kalahati lang po ng sweldo ko promise po pag nakakuha ako ng trabaho babayaran ko po kayo kaya lang po hatihati baka di ko makaya. Wala na po kasi akong nakuhang sweldo ngayon." "Sigi mamaya sumabay ka na sa amin paglabas.

Nainis si Liezel kay Gwen kaya minabuti munang magpahangin sa labas. Nakakita ng pagkakataon si Loida na kausapin si Gwen. Wala s'yang pakialam kong galit ito ang importante ay maipaliwanag n'ya ang kanyang saloobin. Alam ni Loida may pagka stubborn si Gwen. Mabait lang pag sa harap ng boss n'ya at very sweet.

Galit na galit si Gwen, talak ng talak dahil pakiramdam n'ya ay iniipit s'ya ng asawa ni Onie. KUng ako sa 'yo Gwen ay matuto kang magpakumbaba. Lalo mo lang gagalitin si Ma'am n'yan eh. Mabuti nga tinuturuan ka pa kung paano mo ayusin ang buhay mo kung sa iba yan baka pinalayas ka na dito sa bahay na 'to. Mayaman sila, kayang kaya ka nilang palayasin kung gusto nila.

Pasalamat ka't hindi ka ginagamitan ng kamay na bakal. Kasalanan mo din yan. Mula't sapul pinayuhan kita na layuan mo si sir dahil alam mong may asawa na, ipinagtapat naman sa yo agad di ba?. Unang araw mo pa lang sa opisina sabi mo ay hindi pa kayo, sabi ko paulit ulit layuan mo. Pero di ka nakinig, at alam ko habol mo lang talaga ang rangya na nakikita at naibibigay ni Sir sa yo. Tama naman si Ma'am, ibenta mo sa
kanya itong bahay at bumili ka nong tama lang sa inyong mag-anak at ang matitira ay inegosyo mo para kahit papano baka umunlad ka pa. Pasalamat ka nga binibili pa sa iyo, ay kung sa inis magbago ang isip n'yan at palayasin kayo dito kahit ba nasa pangalan mo na 'yan magagawan pa rin nila ng paraan 'yan na mabawi sa 'yo.

"Pag-isipan mo na yan. At bilisan mo ang pagdesisyon dahil sa makalawa ay aalis na sina Ma'am. Hinding hindi na rin makikipagkita si Sir sa 'yo dahil may usapan na sila ni Ma'am kaya kung ako ikaw ay mag-isip isip na kung ano ang maganda para sa iyo. Si Ma'am na ang inutusan ni Sir na mag-asikaso ng lahat tungkol sa 'yo dahil wala na s'yang balak makipagkita pa sa 'yo kahit kaylan."

"Ah, akala nila kayang kaya nila akong paikutin. Ba't ko naman ibebenta itong bahay. Makipag-usap muna s'ya sa akin at sabihin n'ya ng personal na umaayaw na s'ya. Wag kamo s'yang magtago sa palda ng asawa n'ya. Dati kaming dalawa lang, ang dami n'yang pangako, ba't ngayon bigla n'ya akong iniwan sa ere. Ganun lang ba yon? Masaya s'ya ha?

Ma'am paalam na po, pakitingnan n'yo na lang po itong mga bag ko bago ako umalis para malinis po ang pangalan ko sa inyo. Pasens'ya na po at ako lang ang inaasahan ng mga anak ko alam nyo naman po maaga akong nag-asawa kaya lang maaga ding nabalo kaya naiwanan ng mga anak sa idad kong ito.

Bago umalis ay iniwan ni Liezel ang cell phone number n'ya kay Gwen para itex s'ya kung magbago ang isip at ibenta ang bahay. Gusto talaga ni Liezel na mabenta ito para maiwas n'ya kahit papano ang asawa na maalala pa ang pinagsaluhan nila ni Gwen at baka mamaya ay matempt pa ang asawa na dalawdalawin ito dahil sanay sa bahay lalo ngat marami silang alaala dito at lalo't lalo nga't may anak na dito. S'ya muna ang bibili para mabilis at saka na n'ya hahanapan ng buyer. At isa pa naisip din n'ya kung saan kukuha ng kakainin ang pamilya ni Gwen kung ititigil ng asawa ang sustento sa babae n'ya na halos kasama na din ang pamilya sa gastusin. Kahit galit si liezel ay nakokonsensya pa rin s'ya para sa mga ito pero hindi naman pwedeng ipagpatuloy ng asawa n'ya ang pagsustento.

Magbago kaya ang isip ni Gwen at ibenta ang bahay kay Liezel? Makita pa kaya ni Onie ang kanyang anak?

--------------------------------- A B A N G A N ---------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...