Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 12


THE OTHER WOMAN 12
No man succeeds without a good woman behind him. Wife or mother, if it is both, he is twice blessed indeed. - (Harold Macmillan)

KASALANAN

Iyang pagkakamali
Huwag ipanatili
Kasalanang matindi
Iyong ikakalungi

Humingi ka ng tawad
Ang Diyos ay gagawad
Ngunit pag di tutupad
Ang swerte ay lilipad

Kung ika'y nagkasala
Itigil mo ng kusa
Wag hintaying lalala
Kasalana'y hahaba

Ang bawal nga ay bawal
Hindi pwedeng itanghal
At iyan ay sagabal
Sa buhay na marangal

Wag nating gawing tama
Iyang maling simula
Patuloy magkasala
Kung hindi itatama

Huwag tang mabubulag
Sa isip na lagalag
Ang buhay na halaghag
Ay hindi maihayag

Ang buhay ay kaytamis
Kung di tayo malihis
Ang budhi ay malinis
Wala ring maiinis

Ngunit pag naging kabit
Sino ang maiingit
Kaluluwa'y sasabit
Di aabot sa Langit

IKA-LABING DALAWANG YUGTO:

Umalis si Liezel sa bahay ni Gwen na may bigat sa dibdib. Iniisip n'ya kung bakit s'ya napunta sa ganitong sitwasyon. "Di ko alam minsan kung tama pa itong ginagawa ko pero tama lang siguro na ipaglaban ko itong kasal namin ni Onie. At para hindi mawalan ng ama ang mga anak ko. Pero kung s'ya ay hindi sumunod sa mga iniisip kong solusyon ay hindi na rin ako magtyatyagang tulungan s'ya. Akala ng iba madali itong pinagdadaanan ko pero kung padadala ako sa galit ay papupunta sa wala lahat itong aking pinaglalaban." Habang daan any nagmumunimuni si Liezel. Maraming gumugulo sa kanyang isip.

"Ito ay laban ng asawa at kabit. Pero bakit ako magpapatalo kung alam kong ako ang nasa matuwid. Kung lagi nating isaalang alang ang pagiging kawawa ng mga taong gumagawa ng ganito ay lalong lalala itong cancer sa lipunan. Kaya maraming kumakabit sa may pera dahil alam nilang galante ang lalaki sa mga kabit. Ilan ba sa mga kaibigan ni Onie ang merong istoryang ganito. Akala ko nga hindi mangyayari sa amin dahil alam ko mabait na tao itong asawa ko. Pero kung mabibigyan mo pala ng pagkakataon ang tao ay matutukso rin. Tama nga ang kaibigan ko, hindi santo ang asawa ko. Sana hindi na ako umalis ng bansa at bagkus ay tinulungan na lang ang asawa ko na mapaunlad ang negosyo n'ya kaysa sa iba magpatulong."

"Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong pairalin ang pride ko at makipagtikisan na din. Bakit? Kaya ko rin namang gawin ang mga ginagawa n'ya kung tutuusin. Bata pa naman ako. May ganda, may talino, may pera, pero anong mangyayari kung makikipagparayawan ako sa kanya. Will it make me a better person? Ang mali ay hindi maitatama ng isa pang kamalian.Ang importante ngayon alam kong handa si Onie na isakripisyo ang mga ginawa n'ya para sa akin at mga anak namin kung hindi s'ya pumayag na ako ang mag-aayos nito ay kapwa tawad na kami. Mabuting ako na lang ang mag-aayos para hindi na mag-inarte ang babaeng ito. Tama na itong isang pagkakataon na nagloko s'ya pag naulit pa wala ng kapatawaran at alam n'ya ito ang una at huli kong pagbibigay sa kanya."

"Kung hindi ko lalaruin si Gwen ay baka ako ang kanyang maisahan. Tuso rin ang batang iyon. Walang takot. Naniniwala na talaga ako na pag ang lalaki ay nakatikim mangabit ay sisirain talaga ang pamilya kung hindi mo gagamitan ng talino ang mga bagay bagay. Kaya maraming pamilya ang nagdurusa ngayon, maraming asawa ang iniwan against a mistress. Yan naman ang di ko papayagang mangyari sa akin. Ako ang pinakasalan bakit ako papatalo sa isang sumabit lang sa aming buhay."

"Pero sana magbago na sila at hanapin ang lalaking para talaga sa kanila. Pero maswerte s'ya nakakapag-isip pa ako ng matino dahil pag sa ibang asawa baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya ngayong nalaman ko kung saan s'ya nakalungga. Sa sakit ba naman nitong nangyaring ito na halos gabigabi din ay iniluha ko, papunta na ako ngayon sa pagtapang. Tama na ang pagluha. Wala naman akong mapapala."

"Kailangan din minsan gamitan mo ng utak ang pakikipagrelasyon. Minsan kailangan mo ding daanin sa dahas ang isang asawa kung hindi mo na madaan sa lambing. Sabi nga gulatan lang daw yan. Pag nagulat mo panalo ka. Kung ikaw naman ang nagulat buong buhay mo sunudsunuran ka na lang sa asawa mo. Pero pag nasobrahan naman ay kawawa din ang lalaki dahil lalabas naman na under mo. Kaya siguro dapat sa mag-asawa ay magsunuran na lang. Magbigayan, kasi sa ngayon dapat may equality of rights. Kasi ang babaeng asawa ay tumutulong na rin naman sa financial matters di gaya nong araw na hanggang bahay lang ang mga maybahay. Ngayon nagsi share na sila ng equal responsibility para sa pamilya."

Minabuti ni Liezel na sa kanila muna patuluyin ang maid ni Gwen. Ayaw n'ya munang mag-isip ng ibang bagay pero alam n'ya kakailanganin n'ya ito. Ng makarating sa bahay ay minabuti ni Liezel na wag munang ikwento sa asawa ang ginagawa ni Gwen sa anak. Baka problemahin pa ni Onie ay mabulalyaso ang transaksyon nila ni Gwen. Kailangang gamitan ko ito ng utak para hindi magaya sa iba ang kahihinatnan nitong laban na 'to.

Pero nasorpresa si Liezel pagdating sa kwarto nila. May nakalagay na Tarpaulin nakasulat doon..

TO my everdearest WIFE...

I'm sorry if I done you wrong,
I promise I'll be a good boy
I hope you still love me

I love you,
HONEY

At sa isang malaking vase ay isang pumpon ng red red roses na paborito ni Liezel. "Wow Hon, thank yo so much. I'm so touched. Alam mo pa rin pala ang paborito kung bulaklak . Akala ko hindi na ako makakatanggap ng ganyan sa 'yo. Maluha luha si liezel ng hinalikan ang asawa." Thank you, thank you Hon.""Di naman nawala ang pagmamahal ko sa 'yo ah. Nasaktan oo, inaamin ko sa yo, sobra sobra nga eh, akala ko nga di ko ito kayang tanggapin noong una kong malaman. Parang gumuho ang mundo ko. Kung maari nga lang lumipad ako pauwi rito ginawa ko na. Parang gusto kong pa...hmppp yong babae mo, kayong dalawa, sa isip isip ko lang.

Pero tandaan mo pag naulit pa ito patawarin ako ng D'yos, di ko na alam ang gagawin ko" "At least umalis man kami ng mga bata ay mapapanatag ang kalooban ko." "Alam mo Hon iniisip ko nga, sumama na rin sa inyo kaya lang mapapabayaan ko naman ang negosyo ko rito sayang naman. Sana kayo na lang ng mga bata ang umuwi rito." "Hon, maybe we'll talk about it later, sayang naman ang opportunities ng mga bata doon. Ang importante lang ngayon ay nagcooperate ka na maiayos ito. Pero hindi ganoon kadaling magtiwala. May mga mata akong nasa palipaligid mo lang at pag nagkamali ka ulit ay mawawalan ka ng pamilya and I mean it.

Dahil sa maghapong wala sa bahay ay mukhang napagod si Liezel at maagang nakatulog samantalang si Onie naman ay di dalawin ng antok. Samot sari ang kanyang iniisip pero isa ang tiyak gusto na rin n'yang matapos itong problema at matahimik na ang lahat. Sisisng sisi s'ya sa pinasok n'yang problema. "Alam ko na ngang mali pero minsan nakakalimot ka talaga. hayyy..."

Paminsan minsan ay naalala ni Onie ang kanyang bagong anak pero minabuti na lang na sarilinin. Tama nga siguro si Liezel na mas mabuting hindi ko na lang makita ang baby. Mas madali kong makakalimutan. Pero may pangako naman s'ya pagdating ng araw ay papayagan naman n'yang makita ko ang anak ko pag humilom na ang sugat sa kanyang puso. Hindi ko naman masisi ang asawa ko. Alam ko labis ko s'yang nasaktan. Well, kung ito ang pagdurusang binigay ng langit sa akin sa pagkakasala ko ay tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib at baka sa pamamagitan nitong pasakit ay makabayad ako sa aking pagkakasala.

Patawad Gwen. Mas pinili ko na ring wag ng makipagkita sa 'yo para hindi na masaktan ang asawa ko. Siguro naman, ang mga naibigay ko sa yo ay sobra pa para maiayos mo ang ating anak. Kung tutuusin alam mong sobra sobra ang naibigay ko sa 'yo at alam ko nagpakatanga ako sa pagsunod sa kapritso nyo. Sana wag mo ng gamiting dahilan ang bata para maabuso mo ang asawa ko. Alam mo noong una pa na may naka time deposit na pera sa bangko para sa bata na siniguro kung mailagay sa kanya baka dumating yong time na magkahiwalay tayo naisip ko naman yon, at ito na nga yon. Napaaga lang.

Sana hindi ako nagpabaya. Sana nakapag-ingat tayo. Sana hindi tayo umabot sa ganito. Sana hindi ka nabuntis. Kawawa naman ang anak ko na lalaking walang ama sa tabi. Pero wala tayong magagawa. May pamilya ako at hindi ko kayang mawala sila sa akin. Patawad Lord."

"Pero ibang klase talaga itong asawa ko. Biro mo yon. Pinabayaan muna n'ya na magkalapit kami ulit at magbonding na mag-anak bago ako binanatan hehehehe matalino talaga ito si Liezel. Ay kung inaway nga naman n'ya ako agad pagdating ay baka dahil sa matagal naming pagkakalayo ay baka mas pipiliin ko ang aking anak na bago at si Gwen Lalo lang akong nagkasala sa D'yos. Lalo sanang nasira ang pamilya ko. Lalo sana akong nagsisi. Di ko pala kayang mawala ang pamilya ko. Di ko kaya. Minsan kailangan din talaga yong bonding sa isang pamilya para magkalapit kayo sa isa't isa."

Di alam ni Onie kung anong oras s'ya nakatulog, sa tagal n'yang nagpabilingbiling sa kama. Mabuti't mahimbing ang tulog ni Liezel at hindi nagising sa kanya. Pero magaan na ang dibdib n'ya ng magising. Alam n'ya maaayos din ang lahat. At nangako s'ya kay Liezel na magko cooperate s'ya rito. At hinding hindi s'ya makikipagkita kay Gwen dahil alam ni Liezel guguluhin lang s'ya nito at hindi ito papayag na humiwalay kay Onie gaya ng sinabi nito kay Loida noong sila'y magkasama pa. At mukha ngang totoo dahil nagawa pang mag-iskandalo at hindi nakapag-antay na puntahan s'ya sa kanyang tirahan.

"Hon salamat ha." "For what?" "For being good to me. For being understanding and for being my wife. Tama ka wala na nga akong makikitang kagaya mo. Ibang klase ka talaga Hon. Thank you too for being the mother of my children. Alam ko lalaki silang mabuting tao dahil ang kanilang ina ay mabuti. Salamat Hon." At dinampian ng halik
ang asawa sa labi.

"Laki ko talagang tanga. Akalain mo yon dahil nabulagan ako sa isang babae ay muntik ko ng maiwala ang isang ginto. Natatawa ako pag naalala ko ang sinabi ni Loida. Bakit nga ang mga lalaki nagkakasala, o may nawawasak pa na pamilya dahil lang sa sandaling init na pinagsasaluhan? Kaya minsan mahirap din ang maluwag ka sa pera. Marami kang pera at may sasakyan ka pa abay lalo ka nga gwapo sa paningin nitong mga babae." Naiisip n'yang mga bagay at s'ya'y natatawa sa sarili

"Tingnan mo nga itong si Gwen madali mong isama kasi sabik din sa kasaganaan sa buhay. Mga bagong experirnce sa babae na minsan nagiging daan din para gamitin ng lalaki para madaling mapansin ng babae. Pero kapag naalala n'ya si Gwen ay may kunting kirot pa rin s'yang nadarama. "Kahit papano ay may pinagsamahan din kaming dalawa." Minsan dapat talaga asawa ang naghahawak ng pera para hindi makaisip ang lalaki na maghanap ng pagkagastusan. "Minsan din kasi itong mga babae nagpapakita din ng motibo kaya tayo nagkakasala.Gusto ko man s'yang kausapin ay wag na lang nga siguro. Nakapangako na ako sa asawa ko. Mabuti nga pinatawad pa ako."

Kinabukasan ay namili ang mag-asawa ng mga ipapasalubong ni Liezel sa mga friends n'ya. Pagkatapos ay kumain na sila sa labas ng mga bata. At ng mapagod sa pag-ikot ikot ay umuwi na rin. Tuwang tuwa ang mga bata sa mga pinamili nila, ang iba para sa sarili at meron din para sa kanilang mga kaibigan. Isa-isang inayos pagdating ng bahay. Matagal na hindi nakauwi ng Pilipinas ang mga anak nila kaya sabik na sabik sa mga nakikita na wala sa Amarika.

Dahil paalis na sa sunod na araw sina Liezel ay niyaya s'ya ni Onie na lumabas at magcheck in sa isang five star hotel. Gusto n'yang masolo ang asawa sa huling gabi nito sa Pilipinas. Yong tipong magha honeymoon ulit. Kung sa bahay din lang ay walang pagbabago. Parehas lang ang atmospher at mararamdaman mo pa yong tension ng mga problemang hinaharap nila. May karapatan din silang lumigaya sa isip-isip ni Onie.

"Kung nagkasala man ako ay hindi naman ibig sabihin noon ay tapos na ang lahat ng kaligayahan namin sa mundo. Kailangan kong bumawi sa asawa ko sa mga kasalanang nagawa ko. Kung tutuusin problema ko lang yon at wala s'yang kasalanan para magdusa rin gaya ko.

"HAPPY NINTH WEDDING ANNIVERSARY!" Nakalagay sa wall sa taas ng kama sa Hotel. Hah! My God, I'm sorry Hon. Oo nga pala. Sa sobrang dami ng nangyari sa buhay nila mula dumating ay nawala na sa isip ni Liezel na anniversary na nga pala nila ngayon. "Salamat Hon, touched naman ako sa ginawa mo. Kaya ko nga pala pinabook ang ticket ko hanggang bukas ay para umabot sa anniversary natin pero sa dami yata ng mga sama ng loob na dinaanan ko mula dumating ay nakalimutan ko na din. Gusto ulit maiyak ni Liezel. Naramdaman n'ya ang effort ng asawa na ipakita sa kanya ang pagsisisi nito at pagbabago at ang pagpapakita sa kanya na mahal na mahal pa rin s'ya nito at lalo pa nga yatang minahal.

"Oh, oh, oh. Can we just make tonight a night of happiness, something cool. No worries, no problems. That's why I brought you here. Let's enjoy this evening just like our first Anniversary."

Ang kwarto'y punung puno ng mga rosas na pula at sa kama nakalagay ang isang yellow na nighties na kagaya nung regalo n'ya sa kay Liezel nung first wedding anniversary nila. Mahilig sa dilaw na gamit si Liezel kaya lang pag sa rosas gusto nya pulang pula ito. Ngunit di pa pala tapos ang sorpresa ni Onie may inabot pang isang maliit na regalo at ng buksan ni Liezel ay isang napakagandang necklace na puno ng brilyante.

Nakalagay sa note. To my only love...Onie..Lalong umiyak si Liezel. Akala ko Hon, akala ko talaga I've lost you, thank you so much. Ito yong tinitingnan ko noong isang araw ah namahalan ako kaya di ko binili heheheh binili mo din pala. Mahal mo na ba ako ulit? Tiyak ka na ba sa sarili mo?" Paglalambing ni Liezel sa asawa, na puro tango lang ang isinagot habang pinupupog s'ya ng halik, huminto sandali sabay sabi, kahit kailan di nawala ang pagmamahal ko sa iyo.

Nagsalin ng alak si Onie sa Dalawang wine glass at binigay ang isa sa asawa pagkatapos ay pinasuot kay Liezel ang nighties na dilaw na lalong nagpatingkad sa angkin n'yang ganda. Si Onie man ay may kasuotan ding nakahanda na halos kakulay ng kay Liezel, isang boxer shorts at nakita ang angkin n'yang kakisigan. Ah sadyang para silang si Eba at si Adan sa makabagong panahon. At nakalimutan na nila ang mga problemang nagbigay sa kanila ng napakaraming alalahanin. Kahit ngayong gabi man lang, ngayong ika siyam na anibersaryo nila matahimik naman ang kalooban nila bilang mag-asawa. Ngayong magkasama sila, silang dalawa lang malayo sa mga alalahanin, malayo sa muntik ng pagkawasak ng kanilang pamilya. Sana nga matapos na ang lahat...

"Let's make this evening romantic just the two of us." Maya-maya ay nagpatugtog si Onie. Isang malamyos na kanta na paborito nilang dalawa, From This Moment On. "Shall we Hon? At kinuha n'ya ang klamay ni Liezel." at sumayaw sila sa saliw ng kanta

♪♫♪ I just swear ♪♫♪
That I'll aways be there
I give anything
And everything
And I will always care
Through weakness and strength
Happiness and sorrow
For better, for worse
I will love you
With every beat of my heart

From this moment life has begun
From this moment you are the one
Right beside you is where I belong
♪♫♪ From this moment on ♪♫♪

At humilig si Liezel sa dibdib ni Onie habang ninanamnam n'ya ang lyrics ng kanta, "sa kahinaan at kalakasan, sa saya at lungkot, sa mabuti o sa masama, ay mamahalin n'ya ito sa bawat tibok ng kanyang puso". Sadyang ang mag-asawa ay pinagbuklod ng Langit at walang pwedeng maghiwalay.

♪♫From this moment, I have been blessed♫♪
I live only, for your happiness
And for your love, I give my last breath
From this moment on

I give my hand to you with all my heart
I can't wait to live my life with you I can't wait to start
You and I will never be apart
My dreams came true because of you

From this moment, as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing, I wouldn't give
♫♪♫ From this moment on ♪♫♪

Parang sila lang dalawa sa mundo at habang sumasayaw ay naalala nila noong sila'y unang nagkita. Kay ganda ni Liezel. At ang kagandahang iyon ay hindi nakapagpatulog kay Onie hanggang sa mamanhikan sila ilang buwan lang pagkatapos nilang nagkakilala. Sadyang ang pagiging mag-asawa nila ay puno ng pagmamahalan. Hanggang sila ay sinubukan ng panahon ng sila'y magkalayo sa isa't isa. Maya maya ay namalayan nila sumusunod na rin sila sa mga linya ng kanta habang sumasayaw sa lamyos nito. Ah ang pag-ibig nga naman kaysalimoot ngunit sa lahat ng iyon ay nanunumbalik pa rin ang pagmamahal sa isa't isa. Ah, pag-ibig mahiwaga ka nga.

♪♫You're the reason I believe in love♫♪
And you're the answer to my prayers from up above
All we need is just the two of us
My dreams came true because of you

From this moment, as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing, I wouldn't give
From this moment, I will love you
♪♫♪As long as I live from this moment♪♫♪

At ngayong gabi ay papatunayan ni Onie ang kanyang pagmamahal sa asawa na muntik ng masiphayo dahil sa maling desisyon na nagawa n'ya sa buhay. "Bakit nga nagawa ko ang mga bagay na makakasira sa isang pagsasama na napakaganda dahil lang sa isang maling pakikipagrelasyon sa iba. Ang makasalanang relasyon." Ah hahayaan kung panahon ang hahatol sa aking pagkakamali. Ngayong gabi ay babawi ako sa aking asawa. Ay iyon ang dapat.

At dumampi ang labi ni Onie sa asawa hanggang ang mga dampi ay naging maalab. At tinitigan n'ya ang kanyang asawa. Titig na puno ng pagmamahal, puno ng respeto at paghanga. "I love you Hon" "I love you too." Habang tinititigan ni Onie ang asawa ay para s'yang hinihila nito papunta sa ibang dimensyon ng buhay, pataas, pataas ng pataas at ng makarating sa rurok ay tuluyang nagpatihulog at sumabay sa lamyos ng mga tugtog. Silang dalawa lang tanging pagmamahalan ang nararamdaman at tuluyan nilang nakalimutan ang mga nagyaring sigalot sa kanilang buhay. Kaysarap ng pag-iibigan na tunay.

Pagkatapos nitong gabing ito ano kaya ang mangyayari sa pag-alis nina Liezel at mga anak n'ya papuntang Amerika........

---------------------------------- A B A N G A N ---------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...