Saturday, March 3, 2012
ANG KABIT 16
THE OTHER WOMAN 16
A vow renewal is a ceremony where a couple publiclly re-commits to
their relationship by expressing their enduring love for one another.
ANG HIWAGA NG PAG-IBIG
Pag-ibig may hiwaga
Ang lagi lang salita
Bat di makahalata
Puso'y nababahala
Bakit laging may dusa
Kung s'ya ay mahalaga
Di ba pwedeng ligaya
Laging dulot sa kanya?
Paano s'ya sasaya
Kung puno ng problema
Dangal n'yo ay nasira
Asa laging mabura
Ang puso'y sensitibo
Ating ingatan ito
Di laging mapagtanto
Ang kapatawaran mo
Pa'no kung isang araw
Ang dugo ay lumabnaw
At puso ay umayaw
Ang galit ay mapukaw
Di laging uunawa
Pag puso ay madala
Pagbalik mo ay wala
Magsisisi kang bigla
Kaya puso'y ingatan
Ng hindi ka pagsarhan
Merong ding kapaguran
Merong kahiwagaan
-------------------------------- ANG KABIT -------------------------------
IKA-LABING ANIM NA YUGTO
(Ang katapusang yugto)
Naging abala ang lahat sa mga sumunod na araw. Maraming paghahanda ang kanilang ginawa para sa kasalang gaganapin. Kinausap na rin nila ang paring magkakasal sa kanila. Kung tutuusin dahil kasal na sila and in possession of a wedding license, ang kanilang vow renewal ay di na nangangailangan ng additional paperwork. Hinahanap lang ito minsan para lang masiguro na kasal na nga sila. Ang seremonyas ay hindi rin kailangang i officiate ng isang recognized authority. Kahit gusto ng mga pari, lay minister o pastor na mag preside sa mga ganitong happy event, pwede rin ang judge, notary public, relative, close friend or neighbor do the honors.
Nasa couple na rin kung gusto nilang magkaroon ng entourage but this is not adviced sa ganitong renewal, pero mas pinili ng mag-asawa na simple lang para nakatuon sa renewal ang ocassion at para maging solemn ang seremonyas. Hindi rin required ang gift sa ganitong occasion. Magkaiba ito sa original na kasal. Ang habol lang dito ay marenew ang kasal n'yo to show your love to each other and be blessed, and not a requirement.
Ilang araw na lang at renewal na ng kanilang wedding vows. Excited na excited si Onie ganun din si Liezel at nagpagawa na rin ng kanilang isusuot. Isang dilaw na simple but ellegant gown para kay liezel na lalong nagpatingkad ng kanyang kagandahan. Dilaw ang kanyang paboritong kulay kaya yon ang napili nilang motiff meron ding dilaw na rosas sa dibdib para sa ternong Amerikana ni Onie. Kaygandang kasalan ang magaganap.
Ang mga tanim na Pulang Rosas ni Liezel mulang umalis ay ipinagpatuloy na alagaan ng kanilang hardinero at ito ang nagbigay ng kulay sa kanilang maluwag na hardin. Sadyang nakisama yata ang sarisaring bulaklak sa paligid at mukhang ngsibulaklak sa galak sa nangyayaring saya sa kapaligiran. Pero maliban sa mga alaga nilang bulaklak ay nagpadeliver ng maraming pulang rosas si Onie para ikalat sa may altar na ginawa para pagdausan ng misa. sa bungad ng Gate ay may nakalagay na tarpaulin,
ONIE-LIEZEL'S VOW RENEWAL
--- ON VALETINES DAY.---
Ang altar ay itinayo nila sa gitna ng malawak na hardin at nilagyan ng magandang background na akala mo ay isang chapel at sa harap nito ay may nakalagay na makapal na pusong arko na puno ng pulang roses at doon sila tatayo habang kinakasal. Napakaganda ng pagdadausan nila. Personal na sinupervise ni Onie ang lahat para masiguro na magiging maganda ang kalalabasan . Ang buong hardin ay may mga decorasyon na hugis puso kaya pagpasok ng mga bisita ay tiyak mapapahanga.
Handa na ang lahat ang pari ay dumating na at kasalukuyang nasa altar. Maya maya ay kumanta na ang isang napakagandang boses. kay lamyos at tuluyang umalingawngaw sa buong kahardinan at kung hindi lang masamang managinip ng gising ay iisipin ni Onie na binabangungot s'ya. "Hanggang sa renewal ba naman ng kasal namin magkakasala pa ako para isipin na kaboses ni Gwen ang naririnig ko. Ah, kailangang mag concentrate ako sa renewal namin, patawarin nyo ako Lord sa aking
naisip."
At lumakad na si Onie galing sa kanan ng hardin papunta sa center aisle malapit sa altar, kasabay ng paglakad din ni Liezel galing sa bahay nila sa bandang kaliwa ng hardin papunta sa center aisle at nagsalubong sila sa harap ng altar sa loob ng pusong arko at magkasabay na humarap sa pari. Napakagandang pagmasdan ang dilaw na gown sa pulang mga rosas na nakapalamuti sa makapal na arko. Napakaganda ni Liezel sa kanyang kasuotan. Meron din s'yang dalang floral bouquet na yellow roses para iterno sa kanyang damit. Samantalang si Onie naman ay gwapong gwapo sa kanyang ternong amerikana na merong dilaw na rosas sa dibdib.
Nagsimula na ang seremonyas ramdam na ramdam ng mag-asawa ang mga sinasabi ng pari pero ang pinakamagandang narinig nila ay ang sinabi nito na wag ng lumingon sa mga negatibong nangyari sa buhay kundi harapin kung ano ang maganda para sa kinabukasan. kalimutan ang mga pangit na nangyari sa buhay at matutong magpatawad. Mga katagang humaplos sa puso ng mag-asawa para makasimulang muli at harapin ang buhay na magkasama, kapit kamay hanggang sa pagtanda at hanggang sa kabilang buhay
Muling umalingawngaw ang isang tinig na nagmumula sa kung saan na hindi mawari ni Onie kung s'ya ba'y nagkakamali lang o minumulto ng sarili n'yang kagagawan. Pero sabi nga, the show must go on, kaya pinabayaan na lang n'ya at tumutok sa seremonyas ng kasal at namnamin na lang kung ano ang sinasabi ng kanta at wag na lang intindihin ang boses o kung sino ba ang kumanta. Anyway, napakaimposibleng si Gwen yon, knowing his wife, hindi ito papayag na si Gwen ang kakanta at sa araw pa ng renewal ng vow nila, napakaimposible.
♪♫One love, one life♫♪
One dream forever
One love for one heart
Till death do us part
Till death do us part
Do you know what that means
As long as I live there'll
Never be anyone but
And when the time comes
I pray I'll be the first
Because I couldnt live
Without you anyhow
Till death do us part
For better or worse
That's only a question
Which asks if I'd stick it out
If the going got rough
Well, I only have to
Think how rough it
Would be without you
And I know I could go through
Anything as long as you love me
Mayamaya ay hiningi ng pari ang singsing. At iniabot ng kanyang bunsong anak ang isang heart ring pillow. Itong sing sing na sa loob ng 9 na taon ay suot suot pa rin ng mag-asawa ay iyon ang muling pinabasbasan sa pari. At muling isinuot sa isa't isa.
For richer or poorer
Well, that's no problem
If I had all the
Kingdoms of the world
I'd still be poor without you
And yet though I'm poor
I'm the richest man in the world
If I have your love
Till death do us part
In my arms, in my heart
In my dreams and with
Every breath I take
I think of you
For me, you're the reason
Every new day dawns
Because I love you so much
And I always will
Till death do us part
One love, one life
One dream forever
One love for one heart
Till death do us part
♪♫Till death do us part ♫♪
I often say at these ceremonies: 'True love does not wither or die. It merely ripens.' "source: Rev. Susanna Stefanachi"
Habang patapos na ang kanta ay tinitingnan ni Onie ang expression ng mukha ni Liezel pero wala naman s'yang napansin na kakaiba sa asawa. Very casual naman ang mga kilos nito kaya iwinala na lang n'ya ang mga pagdududa hanggang sa matapos ang communion ay natapos ng matiwasay ang kanilang vow renewal.
"Kiss the bride, sabi ni Father," Dahandahang tumalima si Onie. Parang naexcite din ang dalawa at mukhang ang pakiramdam ay katulad din ng sila'y unang ikinasal pero siguro mas higit pa ang impact ng kasalang ito dahil sila'y punung puno ng pag-asang ang kanilang pagmamahalan ay sinubok na ng panahon at ayaw nilang alalahanin ang mga parti ng buhay nila na nagdulot sa kanila ng pasakit.
At si Liezel ay napaluha ng gawaran s'ya ng walang kasingwagas na halik ng asawa at alam n'ya magiging matibay na ito. Kahit si Onie at tumulo na rin ang luha habang hinahalikan s'ya at pagkatapos ay mahigpit s'yang niyakap nito at bumulong I love you Hon, you are my life. Ang floral bouquate ay hindi itinoss ni Liezel. Ito ay kanyang inialay sa altar.
Naglapitan ang kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak at ang iba't-ibang well wishers na malalapit sa kanilang mga puso para bumati Pagkatapos ay nagkainan na. nagpa cater ni Onie sa isang sikat na catering. Nagkatuwaan na ang lahat at nagtoss para sa mag-asawa. Ang hardin ay nagmukhang fairyland, napakaganda. Talagang humanga si Liezel sa ginawa ng asawa para mapasaya lang s'ya. Ang kanilang mga bisita ay kulay pula ang mga suot para lumutang ang kasuutan ni Liezel. S'ya lang ang nakadilaw. Kaya't kitang kita s'ya sa karamihan.
Pagkatapos mag-alisan ang mga bisita ay pumasok na si Onie at Liezel sa loob ng bahay. Pero nagtaka ang lalaki bakit may umiiyak na bata sa kanilang sala at ng kanyang lapitan ay pinapalitan ng diaper ni Maylyn, ang yaya ng anak ni Gwen na pinatira ni Liezel sa kanila ng umalis kay Gwen. Ang baby ay nakasuot din ng light yellow gown, nakakatuwa, nakamotif din.
Takang taka si Onie at tinanong si Maylyn kung kanino anak yon at kung sino pa ang naiwan na bisita ngunit lumapit si Liezel sa bata at kinarga ito at inilapit kay Onie at umiiyak idinuldol ang mukha ng bata sa mukha n'ya, "Hon ito ang regalo ko sa 'yo sa renewal ng ating kasal ang anak mo, si Gwenie." Hindi makakibo si Onie. Nanginig ang buong katawan, at humagulhol na parang bata.
Hiyang hiya sa asawa. Ngunit tiningnan n'ya ito ng may paghanga gustong magtanong, pero mas inunang halikan ang kanyang anak na kay tagal n'yang pinangarap na makita, makarga at mayakap. Ngunit ang kasabikang iyon ay tinalo ng takot na mawala ang kanyang pamilya kaya s'ya ay nanahimik. Ito ngayon ang anak n'ya sa kanyang harapan pinapayakap ng asawa n'ya sa kanya.
Gusto n'yang sumigaw sa D'yos. At inangat n'ya ang kanyang mukha nakatingin sa labas sa langit parang inaapuhap ang D'yos At parang nagbabaan ang mga anghel sa langit, mga nakangiti sa kanya, umuunawa. Kaya pala ang mga anghel ay ang kanyang asawa at mga anak na nagtataka rin sa nangyayari at kung bakit umiiyak ang ama. At ng kinuha kay Liezel ang bata ay umiyak habang bumubulong sa sarili, I'm sorry baby, I'm sorry. Kung naging duwag ako at hindi nagkalakas ng loob na ipaglaban ka ay dahil may mga bagay na hindi talaga sadyang para sa atin at kung saan tayo inilagak ng D'yos ay iyon ang dapat nating sundin.
Ngunit napakabait ng D'yos sa ating dalawa at dininig n'ya ang aking taos na pagsisisi at ang aking dasal na sana'y magkita man lang tayo. Salamat anak, salamat sa D'yos. At dumako ang kanyang mga mata sa gawi ng asawa na nasa harapan n'ya at dagli itong nagpaliwanag. "Tinawagan ako ni Gwen ng malamang bumalik tayo, lingid sa iyong kaalaman, kaya hindi na nakipagkita sa iyo. Sinabi n'ya sa akin na s'ya ay paalis na at magpapakasal sa isang Australiano na nakilala n'ya sa internet.
Humingi s'ya ng tawad sa akin, umiiyak, at nakiusap kung pwede ko daw tanggapin ang anak n'yo, at mas mapapalagay daw ang kalooban n'ya na iwanan ang kanyang anak sa ating pangangalaga at inasikaso na rin n'ya ang adoption papers at pinapalipat sa pangalan nating dalawa at ibinigay nga n'ya kanina para mapirmahan natin.
Aaminin ko napakahirap magpatawad at napakahirap ding makita ang bunga ng inyong pagkakasala. Pero mas inisip ko ang takot sa D'yos na tanggihan ang isang walang malay at siguro matututunan ko ding s'yang mahalin na parang tunay kong anak. "Ang cute cute n'ya Hon ano?. Yinakap s'ya ng asawa sobra s'yang natouch sa gestures nito.Napakalaki talaga ng puso mo Hon. Salamat, maraming salamat."
"Hindi ka ba nagtaka kung sino ang kumanta sa atin kanina?" Biglang hinapit ni Onie ang asawa tinitigan na parang nagtatanong at tumango si Liezel. Lalong nakita n'ya kung gaano ito kadakila. At walang ibang nasambit, "kaya pala, kaya pala akala ko minumulto lang ako ng sarili kong kunsensya kanina." "Pero di na s'ya nagpakita sa yo. Ang sabi n'ya pagkatapos n'yang kumanta ay aalis s'ya kaagad para hindi na makagulo
sa atin.
Humihingi s'ya ng tawad sa iyo. Patawarin mo daw s'ya kung nabigyan ka n'ya ng malaking problema noong manganak s'ya at di mo napuntahan. Pasensya na daw at hindi s'ya tumupad sa usapan n'yo na pag nandito kami ay hindi ka n'ya guguluhin at ang pamilya mo. Pasens'ya daw at naging stubborn s'ya.
"Pero sinabi ko sa kanya na pagdating ng araw at malaki na ang bata ay hindi ko ipagkakait sa kanya at ipapakilala ko s'ya kay gwenie bilang ina. Sinabi din n'ya sa akin para daw hindi na magpapaalala sa atin ang isang masamang kahapon ay palitan na lang natin ang pangalan ni Gwenie para tuluyan natin s'yang makalimutan.
Pero ang sabi ko sa kanya ay hahayaan ko na lang na ganyan ang pangalan ng bata at kung maalala ko s'ya ay pasasalamatan ko na lang at dahil sa kanya ay lalong nakita ng asawa ko ang aking worth at lalo akong minahal. "Is it true Hon?" "Yes of course, it is Hon. Believe me. It's true." "Yes, but then, that is your first and last, because next time you do that you will definitely lose us. No explanations needed. No but's, no ifs.
Honey, please bury your bad thoughts together with our bad days. Remember we have just renewed our vows , no more negative thoughts, whatsoever. Pinalapit ni Onie ang kanyang dalawang anak na lalaki at pinakilala ang kanilang little angel. She is your little sister, common kiss her.
Gustong magtaka ng mga bata kung paano nangyari yon pero maagap si Onie at sabi n'ya ay adopted nila. Siguro paglakilaki ng mga bata maipapaliwanag n'yang maayos ang lahat. 'Yong hindi guguho ang mataas na pagtingin ng mga anak n'ya sa kanya. At nag yakap silang lima at sigurado ang mag-asawa from this day forward ...wala ng gugulo sa pamilya nila wala ng maaalalang kabit sa buhay nila pagkat sa pagpatawad kay Gwen at sa pag-alis nito ay isinama ni Liezel ang kanyang mga hinanakit....salamat Gwen salamat.....
Salamat sa isang kabit.........
MENSAHE GALING SA ISANG KABIT,
Paano nga ba ako tinawag ng mga tao kahit pahapyaw, o parinig, o biro o deretsahan? Akala nila di ako nasasaktan. Tao rin ako, may damdamin at dinala ko yon lahat sa aking dibdib kahit masakit. Tawagin ka ba namang Other woman, mistress kerida, babae, kulukadidang, kabitsena, escabeche, Katrina Halili. Ano pa ba? kABIT! Pero di ko sila masisisi dahil totoo namang kabit ako.
Sa pagtatapos ng aking istorya sana ito ay kapulutan n'yo ng maraming aral at magbago ding kagaya ko. Mahirap maging kabit, maraming pasakit ang iyong pagdadaanan, maraming pagsubok ang mararanasan, maraming pagluha at maraming pag-iimbot. Hindi ganun kadali ang napagdaanan ko. Kung maibabalik ko lang ang panahon ay hinding hindi ko na ulit gagawin ang nangyari sa akin. Iba pa rin ang may sariling asawa at pamilya. Yong solo mo ang pagmamahal n'ya at iyo ang pagkatao n'ya. Napakahirap kung nang-aamot ka lang ng pag-ibig at oras ng iba. Mawawalan ka ng respeto sa sarili.
Pag ika'y may problema at s'ya'y di pwedeng magkipagkita sa 'yo ay hindi mo alam kung sino ang iyong kakapitan. Mahirap isipin ang mga gabing alam mo na sila ang magkasama, magkasiping sa gabi habang ikaw ay nag-iisa, nagtitiis ng lamig, hindi makatulog, nagdurusa, naghihintay kung kailan pupuntahan, umaasa sa wala. Nagkukukot ang damdamin, nagagalit, nagmamarakulyo kayat minsan manggugulo sa pamilya n'ya, mangwawalanghiya, maghahanap ng karapatan na wala naman kung tutuusin. At may madadamay pa, ang walang malay, ano ang itatawag ng mga kalaro sa kanya, putok sa buho? Sadyang kaawaawa.
At kanino ka hihingi ng awa? Hindi naman pwede sa D'yos, at paano ka naman pakikinggan ng D'yos kung ang ginagawa mo ay makasalanan. Ngayon, kanino ka lalapit, kapit sa patalim ka na? Tatawagin mo ang kalaban ng Langit at sa kanya ka hihingi ng pagkalinga at sa kanya mo ibubuga ang iyong ngitngit at sa kanya ka na kakapit? At lalo kang malulubog sa kumunoy, hindi simpleng kumunoy sa tutuong buhay, kumunoy ng apoy. Magbago ka na kaibigan. Habang may oras pa. Gaya ko, maghanap ka ng para sa 'yo, yong solo mo.
Sana rin ay wala ng isang Onie na mararahuyo sa mga kagaya kung madaling umibig at hindi sinisino kung sino ang iibigin. Maawa kayo sa inyong asawa, sa inyong pamilya at higit sa lahat matakot kayo sa D'yos. Hindi pa huli ang lahat para sa yo. gaya ng hindi pa huli ang lahat para sa akin.
Oo ako ay isang "KABIT", nililibak ng gaigdig, hinahamak, lumalakad na parang walang ulo, nagtatapangtapangan, nagbingibingihan sa mga nangungutya, nagbubulagbulagan sa mga nakakakita, kinakapalan ang mukha pero at the end of the day narealize ko ako rin pala ang talo at ngayon humihingi ng tawad sa D'yos at sa mga taong pinagkasalahan ko at inagawan ng pagmamahal, patawad sa inyong lahat. at sa lalaking aking minahal patawad din kung ako'y nagnakaw ng sandali, pinapalaya na kita....."ANG KABIT"......
------------------------------ W A K A S -----------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment