Saturday, March 3, 2012
BABAERO 2
"BABAERO" 2
Ma Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 02/8/2012
Sa mga BABAERO d'yan hinihikayat ko kayo na basahin ang kwentong ito kahit hindi kayo mag like. Just read this silently. Baka makatulong ito sa inyo para magbagong buhay. Pero kung kayo'y DI BABAERO maglike kayo with pride. Maraming salamat. "May akda"
----------B-----A-----B-----A-----E-----R-----O---------
BOHEMYO:
Sa mapungay mong mata
Naakit ang dalaga
Agad ay nahalina
Umibig at umasa
Sa iyong mga ngiti
Pangako ay hinabi
Nanulas sa yong labi
Nagdulot ng pighati
Oh kaybango mong tingnan
Iba sa ibang Adan
At sa yong kagwapuhan
Si Eba ay nahibang
Sa tikas ng yong tindig
Nayanig ang daigdig
Nadala ka sa titig
Puso ay natigatig
Pag-ibig nireng wagas
Ibinigay sa pangahas
At saka n'ya namalas
Unti unting nalagas
Ang akalang pag-ibig
Na nagdulot ng kilig
Kinulang sa pagdilig
Sa iba nakiniig
Bakit tao'y marupok
Naligaw itong hayok
Ang init ipinutok
At madaling natupok
BABAERO, BOHEMYO, PALEKERO, BOLERO, KALIWETE, PLAYBOY, GIGOLO, ano pa?
IKALAWANG BATO:
Gustong maiyak ni Marina. Gustong maawa sa sarili. "Ano ba ito. Parang ayaw kong isipin na nangyayari ito ngayon." Pero hindi ako pwedeng umiyak. Kailangan kong maging matapang sa pagharap sa problemang ito. kailangan kong maging clever this time. Wala namang ibang makakatulong sa akin at ayokong ng iskandalo." Habang
nag-iisip si Marina ng diskarte ay lalo s'yang kinakabahan baka kung ano na naman ang kanyang makita.
Mayamaya'y nagkatawanan na naman ang dalawa, at pagsilip n'ya sa awang ng pintuan kung saan s'ya sumilip kanina ay lalong nagtagis ang kanyang mga bagang. Ang babae n'ya may sombrero na rin pero bakit parang may malapad na garter, parang pamilyar sa kanya, ang kulay alam na alam n'ya.
"Nakupo, briefs yata ng asawa ko yon ah. Ibig sabihin ang sombrero ng asawa n'ya na may lace, ahhh" Maliwanag na sa imahinasyon n'ya ang lahat. Ang babastos. Hindi na nahiya sa mga sarili." Gusto n'yang magwala, gusto n'yang sumigaw bakit ginawa sa kanya ito ng asawa. Di n'ya mapigilang tumulo ang luha pero gayunpaman ay kailangan n'yang magpakatatag.
Ngayon lang n'ya nawawaan ang lahat. "Yon palang sugal na yon, kaya pala sila nagtatawanan, ang pusta ay ang kanilang mga saplot. Naku!" Sa takot n'yang mapaanak ay naghinayhinay lang s'ya at kinalamay ang sarili. Talagang todo timpi s'ya. "Hmmmmmpp. Kung di lang talaga ako buntis, naghalo na ang balat sa tinalupan kanina pa. Pasalamat sila, pasalamat talaga sila." Umikot s'ya doon sa likod na pintuan sa may kusina at kumatok sa main door.
Paulit ulit s'yang kumatok. Inulit pa ulit. Medyo naiinis na s'ya pero alam n'ya kung bakit matagal bago nagbukas ang asawa. Syempre nagbihisan pa at nagtanggalan sila ng saplot habang nagsusugal.
Naririnig n'ya ang commotion sa loob at ang anasan ng nag-uusap. "Ang tiyak ko doon padadaanin ng lokolokong asawa ko ang babae n'ya sa kusina." Di nila alam tinali ito ni Marina sa labas para di makatakbo doon ang babae. Gusto n'ya itong mahuli sa loob ng bahay. Hindi lang nya gusto na doon sitahin sa eksenang nakita n'ya kanina. Takot s'yang baka sobrang mapahiya ang asawa na makita sila sa ganung hitsura at baka magkagulo.
Nag-iingat s'ya na masaktan ang baby nila sa kanyang tiyan at s'ya rin.Gustong magsisi ni Marina. "Babaero pala itong napakasalan ko. Ang amo kasi ng mukha akala ko mas mabait kaysa doon sa dalawa kong manliligaw." Pero ang mabigat talaga nito ay mahal n'ya itong napangasawa. Inereto sa kanya ng kababayan n'ya na tiyahin nito. "Naku yan talagang si tita Rosa, rereto reto pa ng pamangkin, batugan pala at babaero. "
Sabagay baka hindi rin alam ni Tita ang pagkatao ng pamangkin n'yang to kasi taga kabilang bayan ang ama kaya doon nagsilaki itong sina Roy at ang kapatid n'yang babae. Baitbaitan lang pala mukhang natanso talaga ako ah. Humanda s'ya pag-alis ng babae n'ya."
"Roy ano ba, ba't ang tagal mo?" Naririnig n'ya sa loob na natataranta ang mga paa at anasan ng anasan ang dalawa. Akala ata nila ganun ako kabingi. "AND'YAN NA, sagot nitong paangil at nilakasan pa ang boses. "Hah, kapal talaga, s'ya pa ang galit." Kala n'ya kaya n'ya akong gulatin. Pero nagtimpi pa rin si Marina.
Ng buksan ang pinto, kunyari pupungas pungas si Roy paglabas. Pilit hinahatak si Marina sa loob ng kwarto na dinadaan lang sa pakwento kwento. "Oh bat naman napaaga ka yata. Ba't ka bumalik, naputol tuloy tulog ko. Ngunit s'yempre hindi sumunod si Marina sa gusto n'yang mangyari at lalong umupo sa sala malapit sa main door.
Kakamot kamot si Roy at wala yatang balak umalis ito sa main door. Nagtataka rin s'ya ba't hindi mabuksan ang pintuan sa kusina. "Magbihis ka muna doon para maluwagan yang bata naiipit na ata d'yan sa pants mo." "Wow touch naman ako, may concern" "Ano?" "Wala, ang sabi ko ang sikip nga natatouch nga yong puson ko." "Mamaya ka." Ano, ano ang sabi mo, ba't panay ata bulong mo? "Mamaya lang kako, ok lang ako at ang baby."
Akmang lalabas si Roy sa main door para tingnan yong pintuan sa kusina kung bakit ayaw mabuksan, pero tumayo rin si Marina kaya naudlot ang paglabas ni Roy. Kunyari kumuha ng sigarilyo kaya lalabas at nagsindi ito at tuluyang pumunta sa harapan ng bahay. Pero kahit pa tuso ang matsing mas tuso ang buntis na magaling lalo't galit na. Tumayo din s'ya at tumabi sa asawa pero yong nakikita n'ya ang main door. Nagtaka ang lalaki. "o ba't sumunod ka dito mauusukan si baby?" "Yaan mo para masanay na, paglabas naman nito tiyak mauusukan mo din." "Anong pinagsasabi mo?"
Bat ka nga pala umuwi?" "Bakit bawal? Aba'y bahay ko din naman ito ah at anytime pwede naman siguro akong umuwi kong gusto ko." Hindi yon ang ibig kung sabihin nagtataka lang ako dahil dati hindi mo naman ginagawa yan" "Buntis kaya ako tinutupak din minsan." "Hala may tupak pala , paano ko ba mapapalabas itong si Johanna ng hindi mapansin nitong gagang to. Halos marinig na ni Marina ang anas nito. Anong sabi mo? May sinabi ba ako?" "Ah wala nga pala."
Pumasok ulit sa loob ng bahay si Roy medyo naiirita na. "Kunan mo nga ako ng sando doon sa loob, mainit itong T shirt ko eh. Kumuha kang mag-isa mo, nakita mong pagod ang tao at galing sa labas utusan mo pa." Napilitang kumuha ng sando si Roy sa kanilang kwarto kasi totoong pinagpapawisan na s'ya sa nangyayari.
Ito ang inaantay na tyempo ni Marina. Tumalilis s'ya papunta sa kusina at alam nya doon din patataguin ni Roy si Johanna sa pinagtaguan n'yang kabinet kanina sa kusina, at iyon nga lang kasi ang pwedeng pagtaguan doon.
Pagpasok n'ya sa kusina ay wala ngang tao doon kaya bigla n'yang binuksan ang kabinet at piniktyuran n'ya bigla ang babae dahilan para mapasigaw ito sa pagkabigla. kanina pa sa bulsa n'ya ang kamera di lang n'ya magamit kanina dahil nga takot na magkasakitan sila. Inihanda n'ya ito dahil gusto n'yang may ibedensya s'ya sa paghuli sa asawa.
Nahintakutan ang babae pero hindi makatakbo dahil nakuha pala ni Marina ang pantalon n'ya na nakalagay sa sala kanina. Nakatapis lang s'ya ng tuwalya. Di naman s'ya mapahiram ni Roy ng pants ni Marina kasi bukod sa mas malaki ito sa kanya ay naka lock pa ang aparador nito at nataranta na rin sila. Isa pa yon sa itinagal ng pagbukas ng pinto kanina. Hinahanap nila ang pantalon ng babae. Hindi nila malaman kung saan nailagay sa kasabikan nila kanina. Samantalang yong kay Roy ay andoon lang naman at hindi nagalaw at alam ni Marina sa sala pa lang ay naglalambutsingan ang dalawa kaya doon naiwanan ang salawal nila.
Napasigaw si Johanna sa pagkabigla. Nahihiya s'ya na nakunan sa loob ng kabinet na para s'yang baboy na naka talungko. Biglang napatakbo si Roy ng marinig ang pagibik ni Johanna. "Patay nahuli ang daga ng pusa". Sukol na kaya di na nakakibo si Roy. Wala na s'yang magagawa. Di rin pwedeng itanggi kasi caught on the act na may babae s'ya na pinatago at posibleng nakita pa sila kaninang nasa kwarto, kaya nawawala ang pantalon ni Johanna. "Pero paano nangyari yon? Naka lock naman ang pintuan at nasa akin ang susi not unless my sariling susi si Marina.""Sabi n'ya noon nawala na ang susi n'ya. Siya nga kaya ang kumuha ng pantalon ni Johhana?" Mukhang naisahan s'ya ng asawa.
Tinakpan ni Johann ang kanyang mukha, hindi makatingin at napaiyak na sa takot. "Bat ka umiiyak? Akala ko ba matapang ka gaya ng tapang ng hiya mo kaya di ka natakot na dito pa sa bahay ko gumawa ng kababalaghan. Bakit ngayon iiyak iyak ka?" "Si Roy naman may gusto nito ah." "Si Roy, bakit pinilit ka ba ni Roy? kinaladkad ka ba n'ya papunta rito? Kinarga ka ba n'ya? Di ka ba nahiya, kababae mong tao at dalaga kumakabit ka sa lalaking may asawa at wala rin namang pera yan."
Di makakibo ang dalaga. Alam n'ya totoo ang sinasabi nito kaya wala s'yang karapatang lumaban. Baka mamaya ay di pa s'ya kampihan ni Roy kasi bago lang sila."Di mo ba alam na wala yang trabaho kung mabuntis ka n'yan ano ang isusustento n'yan sa yo? Sarili nga n'ya di n'ya kayang buhayin. Pasalamat ka buntis ako kung hindi baka pinatulan kita."
Nasa isang tabi lang si Roy palakad lakad. uupo, tatayo, di maintindihan kung ano ang gagawin. Di mo ba alam itong bahay na to akin ito walang itinulong yan, para malaman mo na yang kinabitan mo walang pera. Baka akala mo dahil may bahay kami ay may pera yan. Ni loan ko to sa Pag-ibig at kahit isang kusing wala s'ya rito.
Halos matunaw si Roy sa kahihiyan sa mga sumbat ng asawa pero wala s'yang magagawa totoo lahat ang sinusumbat nito. Napatingin ang babae kay Roy na hindi naman makatingin sa kanya dahil di rin alam ang gagawin. "IBIGAY MO NA NGA ANG PANTALON N'YAN PARA MAKAUWI NA YAN". "WOW p're, galitgalitan ka pa ha", sabay boljak ng kamay sa tiyan ng asawa na ikinagulat nito pero di na lang kumibo. Talo eh.
Natakot ang dalaga. Aba'y di n'ya alam butangera pala ang asawa nitong kinabitan n'ya kaya nangarag lalo sa takot. Di pala naman s'ya kayang ipagtanggol ng lalaking ito. Under naman pala pero noong minsan na tinanong n'ya kung paano kung mahuli sila ang sagot nito ay s'ya daw ang bahala at takot naman daw sa kanya ang kanyang asawa at patay na patay pa. "Ang mga lalaki nga naman kung makabola, at ako naman si gaga naniwala.
"Ate pasensya na, sorry na po di ko na uulitin ito naman kasing asawa n'yo makulit, ayaw akong tantanan." "Hah, at nagpabola ka rin." "Magsama kayong dalawa. Lumayas kayo rito. Sumama ka d'yan sa kabit mo. Di kita kailangan dito. Kung tutuusin pabigat ka pa sa buhay ko. Kaya kung buhayin itong anak kong mag-isa. Total wala ka naman talaga naitutulong sa akin.
"Winawarningan kita, ilalabas ko itong litrato mo. Ipapadevelope ko ito at ipapaskil sa buong bayan at ipapkita ko din sa pamilya mo. Sila ang una kong padadalhan." "Ate wag naman po, hindi na talaga ako uulit. Baka pwede kung kunin ang pantalon ko. Uuwi na ako." "Hindi, Ebidensya ko yon, di ko pwedeng ibigay sa iyo umalis ka na at wag mo na ring ibalik yang tuwalyang ginamit mo at baka ako mahawa sa iyo. HMppp. Hala umuwi ka na wala akong pakialam kung may makakita sa yo d'yan para pag-usapan ka't mapahiya at hindi na umulit. Ang sama mo. Bakit may asawa ang pinapatulan mo.
Maghanap ka ng lalaking walang asawa. Wag kang manira ng buhay ng iba." At binalingan ang asawa. Kasalanang mortal ang ginagawa n'yo. Paano kung magkasakit ka. Kung mahawa ka n'yan. Alam mo naman na sawsawan ng bayan yan. Totoo di ba? Di ka ba takot sa gonorrhea, sa aids, at sa Hepa B, di ba sa ganyan yan nakukuha? Aba'y pati ako mahahawa n'yo at saka ang batang ito na walang malay mahahawa rin. Sana nga, sana lang wala kang sakit na nakakahawa.
Kung alam ko lang na malikot ka sa babae hindi ako nagpakasal sa iyo. kahit kahulihulihan ka ng lalaki sa mundo, kahit tumandang dalaga pa ako kung ganyan din lang naman. Lumayas kayo dito. Magsama kayo. Di ko kailangan ang asawang walang kwenta. Layas! Layas! Halos ipagtulakan ni Marina ang kanyang asawa ngunit di ito tuminag pero nakasimangot.
Dagling tumakbo ang babae. Sa takot masaktan s'ya ng nagwawalang asawa ay minabuting tumakbo ng nakatapis. Bahala na lang kung may makakita. Natakot din s'ya sa banta nito na ikakalat ang litrato n'ya na nagtatago sa kabinet. Lalo nga't hawak nito ang ibedensya, ang kanyang pantalon.
Habang naglalakad s'ya pauwi ay halos tumakbo s'ya at baka may makakita sa kanya. Pero nakapag-isip isip din s'ya. Tama nga kung sabagay, bakit nga nagpapakasira s'yang pumatol sa may asawa? Kung magpapakatino s'ya, may magpapatotoo pa siguro sa kanya na binata. May hisura naman s'ya at naalala ang kanyang asset. Magaling s'ya sa sex kaya maraming may asawa ang kumakabit sa kanya. Yong tipong hindi makuntento sa mga asawa. Yon ang dahilan kaya s'ya sumikat sa lugar nila, hanggang mabalitaan ni roy. Kung tutuusin ay wala pang isang taon mula lumipat sila doon ni Marina.
Pag-alis ng kaulayaw ay di malaman ni Roy ang gagawin. Lumabas at nanigarilyo sunud sunod. Medyo natakot din sa pwedeng gawin ng asawa. Hindi s'ya mapakali. Hindi n'ya gustong magkahiwalay silang mag-asawa. Mahal din naman n'ya ang asawa kahit papano kahit ba sabihing naging praktikal lang s'ya nung patulan ito. Pero sa loob ng mag-iisang taon nilang magkasama ay naging mabait ito sa kanya at pinagsilbihan s'yang mabuti bilang asawa. Kahit nga ba pumapasok pa ito sa trabaho at s'ya ay walang regular na trabaho minahal pa rin s'ya nito. Bago umalis si Marina papunta sa trabaho ay may pagkain na s'yang nakahanda para sa asawa. Narealize ni Roy parang napaka ungrateful n'ya. Pero nagkamali na s'ya eh at hindi lang minsan nilang ginawa yon paulit ulit na kaya nga siguro nabalitaan na ni Marina.
Pero nakakapanghinayang kung hindi n'ya ito maaayos. Wala na s'yang makitang gaya ni Marina. Kilala n'ya ang asawa. Mabait ito pero matapang kung alam n'yang nasa tama s'ya at hindi talaga magpapatalo. Marami ng dinaanang hirap sa buhay si Marina sa pagtaguyod sa kanyang mga kapatid kaya matapang ang naturalesa. Hindi n'ya ito basta basta mauuto lalo na ngayon, kahit alam n'yang patay na patay sa kanya. Ibang usapan na 'to.
Nahuli s'yang nangangaliwa. Mapapatawad pa kaya s'ya nito? Patulan kaya n'ya ang pagpapalayas nito sa kanya? Pero nainis din s'ya kay Marina sa pagpapahiya sa kanya sa harap ng kanyang babae . Para s'yang nanliit kanina. "Naku kung di nga lang buntis baka napatulan ko itong babaeng to ah. Akala mo kung sino."
Pumunta sa kwarto si Roy at humiga at ipinikit ang mata. Ngunit si Marina ay nag-iisip kung ano ang gagawin sa asawa. Ayaw namang lumayas. Iniisip n'ya kung papasok pa ba s'ya para halfday lang ang absent o confrontahin na ang asawa. Pero mas minabuting pumasok na lang. Para medyo mapag-aralan muna ang gagawin sa babaero palang asawa. Na shock din s'ya sa nangyari. Di n'ya alam na sa ilang buwan nilang nakasal, di pa nga nabuo ang isang taon ay makakaranas s'ya ng ganito sa asawa. "Nakakapanghinayang ang binigay kung tunay na pagmamahal sa lalaking ito. I don't deserve this. He doesn't deserve my love either
Umalis s'yang walang paalam. Wala s'yang pakialam kung hanapin s'ya ng kanyang asawa. Wala rin s'yang pakialam kung magalit ito. Ang kinakatakutan n'ya ngayon ay ang galit n'ya. Any moment ay gusto ng sumabog ang kanina pa'y tinitimping sama ng loob. Kaya mas gusto n'yang umalis muna, mas mabuting pumasok na lang para malibang pa at wag munang mag-isip.
Alam n'ya kung ngayon s'ya makikipag usap kay Roy ay tiyak baka kung anong gawin n'ya sa asawa. At ang nakakatakot baka patulan
s'ya nito pag nag-away sila at magkasakitan. At kinapakapa ang tiyan na kanina pa naninigas. Ito ang iniiwasan n'ya na maapektuhan ang kanyang ipinagbubuntis. Alam n'yang nararamdaman din ng bata ang sama ng loob na nararamdaman n'ya ngayon at naaawa s'ya sa kanyang anak. Pero wala s'yang magagawa. Nangyari na ito.
Nagdesisyon na nga si marina na pumasok na lang pero habang daan ay binitawan ang kanina pay sama ng loob na nararamdaman sa ginawa ng asawa. Umiyak s'ya ng umiyak sa daan. Hinayaan n'yang tumulo ang kanyang luha at baka maanod ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman sa kasalukuyan. Tinatanong ang sarili kung saan ba s'ya nagkamali.
At habang lumalakad tumingala si Marina sandali, "Lord, pinauubaya ko na po sa inyo ang mangyayari sa aming mag ina. Sana po ay gabayan N'yo ako sa pinagdaraanan kung ito. Tulungan n'yo po ako kung ano ang dapat kung
gawin sa asawa kong babaero. Ipinauubaya ko na lang po sa mga kamay N'yo
ang lahat."
Hanggang makarating sa opisina ay hindi n'ya mapigilang malungkot pero bago pumasok ay inayos muna ang sarili at dumaan sa rest room para magpowder at maglipstick para hindi s'ya mahalata ng mga katrabaho.Pero at least alam na n'ya ngayon. Makakapag-ingat na s'ya. Kahit sa opisina ay manakanakang maalala n'ya ang eksena kanina na talaga namang halos ikabiyak ng kanyang puso. "Nakakabaliw. Pero ganun talaga siguro ang buhay. May saya , may lungkot, may tuwa may sakit. Ang sakit sakit ngahhh." Halos umiyak s'ya at sumigaw pero sige, magtrabaho na lang para malibang.
Inisip n'yang ikwento sa kaibigan n'ya sa opisina pero parang mas gusto n'yang sarilinin na lang. Masyadong private si Marina pag tungkol sa personal n'yang buhay. Di n'ya nakasanayang magkwento ng mga problema sa mga kaibigan. Marami na kasi s'yang naencounter sa trabaho magkumare, magbestfriend o kahit minsan pa kamag-anak o kahit kapatid na nga pag kayo'y nag-away lumalabas din ang sekreto. "Bihirang bihira kang makakita ng totoong tapat at talagang itatago ang sekreto mo kahit mag-away pa kayo. Nature na yata yan ng tao. Kaya mas mabuting sarilinin na lang." Aniya sa sarili.
Pero pagkahabahaba man daw ng prosesyon, sa simbahan din ang uwi. Kaya ngayong tapos na ang trabaho. Kailangan na rin n'yang umuwi. Di naman pwedeng gumala lalo't galit s'ya baka mapaano ang baby. Ayaw naman n'yang malaman ng mga kapatid at ayaw na n'yang bigyan ng problema ang mga ito. Iniisip n'ya hanggang kaya ang sitwasyon, aayusin n'yang mag-isa gaya ng mga nakaraang away nilang mag-asawa.
Natural lang naman na may away ang mag-asawa paminsan minsan pag nagkatampuhan. Kaya nga lang ito ngayon ay hindi isang simpleng tampuhan. Dito nakasalalay sa usaping ito kung may makakagisnan bang ama ang nakakaawang bata sa kanyang sinapupunan. Isang bata na di pa nga nakikita ang mundo ay nagbabadya ng mawalan ng isang ama.
Ano kaya ang mangyayari sa pag-uwi ni Marina? May mararatnan pa kaya s'yang asawa? May makagisnan pa kayang ama ang kanyang anak?
--------------------------------- I T U T U L O Y ----------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment