Saturday, March 3, 2012

SAMPUNG UTOS



GUSTO KONG I SHARE ITO SA LAHAT, PAKIBASA N'YO. (magnilaynilay)

ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS

1.Ibigin mo ang Diyos ng lalo at higit sa lahat.

---MGA PAGKAKASALA:

A. Kung di natin ginagawa ng buong puso o taus-puso ang mga gawain ng Diyos
B. Kung di tayo nagdarasal
C. Kung tayo ay nakinabang o nangumunyon na may kasalanang mortal
D. Kung kumain tayo bago mangumunyon na kulang sa isang oras (pwera na lang kung may sakit)
E. Kung sinadya nating di sabihin sa pangungumpisal ang mga kasalanang mabibigat
F. Kung seryoso tayong naniniwala sa mga superstisiyon, nagpapahula ka, naniniwala ka sa mga horoscope, pumupunta ka sa mga ispiritista at mga arbularyo at mga faith healer
G. Nagbabasa tayo ng magazine na taliwas sa ating pananampalataya (maliban na lang kung ito’y pinag-aaralan natin upang tayo ay magkaroon ng matinding pananampalataya.
H. Kung nagbabasa tayo ng magasin, libro o nanunuod tayo ng mga palabas na sumisira sa ating moralidad.
I. Kung nakikipiging ako sa mga sumusunod: Free Masonry, Communist Pary, mga culto, Protestant or Born Again Prayer Meetings
J. Kung nilalapastangan natin ang mga banal na lugar, bagay at tao (sakrilehiyo)
K. Kung nagtitinda tayo ng mga benindisiyonan na mga bagay (simoniya)
L. Kung nag-iidolo tayo ng mga tao o bagay na higit sa Diyos

2. Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhan ang pangalan ng Panginoon.

---MGA PAGKAKASALA:

A. Ang di pagtupad sa mga pangako sa Diyos o nangako tayo sa Kanya ng di natin kayang gawin o imposible nating gawin
B. Ginamit natin ang pangalan ng Diyos sa pagbibiro, lalo na kung may malisiya, kung tayo ay nagmumura, kung tayo ay galit
C. Pagbanggit sa pangalan ng Diyos ng walang paggalang
D. Nanginong o Ninang ba tayo sa ibang relihiyon?
E. Nagsinungaling ba tayo habang nanunumpa?
F. Binali ba natin ang isang pangako (pansarili o pansambayanan o pampubliko)
G. Ginamit ba natin sa mga “green jokes” ang pangalan ng Diyos, ng Santa Maria at ng mga Santo?

3. Italaga mo sa AKIN ang araw ng Pamamahinga.

---MGA PAGKAKASALA:

a. Sinadya nating di magsimba sa araw ng Linggo o mga banal na araw na tayo’y obligadong magsimba
b. Kung tayo ma’y nagsisimba pero ang ating isip ay lipad ng lipad
c. Maligalig tayo at lingun-lingon habang nagsisimba
d. Nagsisimba pero wala sa loob at di nagdarasal
e. Kung mahuli tayo sa misa ng walang sapat na dahilan
f. Ang di pagtulong sa simbahan sa abut ng ating makakaya
g. Ang di pag-una sa Diyos sa lahat ng bagay
h. Ang di pagayuno or pangingilin sa mga takdang araw

4. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina (o nakakatanda sa inyo).

---MGA PAGKAKASALA:

---(mga magulang)

a. Di ba natin tinuturuan ang mga batang magdasal ng mahusay?
b. Pinaalalahanan ba natin silang magsamba tuwing araw ng Linggo at mga takdang araw ng pangilin?
c. Nagbibigay ba tayo ng magandang halimbawa?
d. Alam ba natin kung sino ang mga kaibigan nila?
e. Ginagabayan ba natin ang pananampalataya nila?
f. Alam ba natin kung ano ang mga pinapanood nila?

---(mga anak)

a. Di pagsunod sa magulang o nakakatanda o mga amo
b. Pagbastos sa magulang
c. Ang di pagtulong sa pangangailangan ng magulang lalo na kung kaya
d. Walang pagmamahal o kulang na pagmamahal sa magulang
e. Ang di pagtanggap sa mga pagkakamali
f. Ang pag-aaway sa mga kapatid
g. Ang di paggawa ng gawaing bahay

5.Huwag kang papatay.

---MGA PAGKAKASALA:

a. May pinatay ba tayong “sinadya” at “plinano” natin?
b. Ang di pagsisi sa mga kasalanan
c. Madali ba tayong magalit n a walang kabagay-bagay?
d. Selosa ba tayo ng walang dahilan?
e. Inggitera ba tayo?
f. May nasaktan ba tayo?
g. May mga “sinasagasaan” ba tayo?
h. Nanguna ba tayo sa mga “green jokes”?
i. Nanginsulto ba tayo?
j. Sinaktan ba natin ang damdamin ng ating kapwa?
k. Kumain ba tayo ng sobra-sobra? Matakaw o takaw tingin tapos naaksaya o kumakain hanggang masuka?
l. Gumamit ba tayo ng contraceptives o nagpaligate o kahit ano pang bagay para pumigil ng buhay?
m. Pumayag ba tayo sa gusto ng duktor na “mag mercy kill” o “euthanasia”
n. Mapaghiganti ba tayo?
o. Nagkikimkim ba tayo ng galit?
p. Sinubukan ba nating mag-suicide?

6.Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa o hwag mangangalunya.

BUKOD DITO ANG MGA PAGKAKASALA AY:

---(walang asawa)

a. ang pag-iisip ng may malisya sa kapwa
b. mga mga di kanais-nais na bagay tayong iniisip lalo na ang mga taliwas sa moralidad
c. tayo ay nag”masturbate”
d. Nangunguna tayo sa mga usapan o umpukang immoral
e. Nagsisimula din tayo ng mga green jokes
f. Kinunsinte natin ang mga kaibigan nating magkasala o makiapid o mangalunya
g. Pumupunta ba tayo sa mga lugar na laganap ang pagkakasala
h. Ang makipagtalik na walang bendisiyon ng Kasal
i. Ang pagsuot ng mga damit na di kaaya-aya
j. Ang pakikipagkaibigan sa mga taong maaring dalhin tayo sa kasamaan?
k. Ang lumampas sa first base
l. Ang magnasa sa boyfriend ng may boyfriend

---(may-asawa)

a. ang pamimilit sa asawa lalo na kung ayaw (marital rape)
b. ang di rin pagbigyan ang asawa ng kanyang karapatan marital/conjugal (kaya siya humanap ng iba)
c. ang magnasa sa asawa ng may asawa
d. Ang pag-inom ng pills at pagpapayag sa ano mang uri ng kotransepsiyon
e. Kung nagbigay tayo ng maling payo sa ating kapwa (tungkol sa sex, kotrasepsiyon at moralidad)

7.Huwag kang magnanakaw.

---MGA PAGKAKASALA:

a. kahit gaano pa kaliit ang halaga ng isang bagay, kinuha ba natin ito ng walang paalam? Sinauli ba natin?
b. Sinira ba natin ang pag-aari ng iba?
c. Siniraan ba natin ang ating kapwa?
d. Sobra-sobra ba tayong gumastos? Nababaon ba tayo sa utang?
e. Nagnanais ba tayong magnakaw?
f. Inaangkin ba natin ang pag-aari ng iba?
g. Matakaw ba tayo?
h. Gahaman?

8.Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.

---MGA PAGKAKASALA:

a. ang pagkakalat ng sekreto ng iba lalo na kung pinagkatiwala sa atin
b. ang pagbibintang na walang pagkundangan
c. Pagtsitsismis
d. Pagsisinungaling

9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa/boyfriend.(pareho sa pang-anim)

10.Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari. (pareho sa pampito)

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...