Tuesday, March 20, 2012

SA AKING PABORITONG FB FRIEND


SA AKING PABORITONG FB FRIEND
Ma'am Lettie Festin Magango
www.weenweenreyes.blogspot.com
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween reyes, 3/20/2012

Parang kailan lang tayo'y nagkilala
Dito lang sa Face Book tayo ay nakita
Ngunit kaibigan kaiba talaga
Kaybuti mo pala ako ay humanga

Ta'y magkababayan isang pinagmulan
Hindi pa nagkita niyang personalan
Pero nagturingan na magkaibigan
Sa totoong buhay isang kasiyahan

Aking kaibigan gusto 'tang gawaran
Isang pagpupuri sa 'yo nakalaan
Ang dating Principal aking hinangaan
Babaeng matatag susugod sa laban

Ng s'ya ay lumisan ay pinanindigan
Ang pagmamahal n'ya di kinalimutan
Di muling umibig kahit pa kindatan
Ng mga lalaking sa kanya'y dumaan

Kapag nalulungkot puso'y tinuruan
kahit ang sarili ay kinalimutan
Nagtiis mag-isa kahit malamigan
Ang iyong nais pamilya'y tutukan

Sila'y pinalaki, sila'y pinaaral
Pangako sa mahal kanyang pinairal
Ginapang mag-isa kasama ang dasal
Hanggang makatapos ay hindi napanghal

At di d'yan nagtapos ang mga pangaral
At ang mga apo ay kanyang minahal
Kasamang lumaki di naging sagabal
Nagbigay ng oras at ng pagmamahal

Ma'am, ilan pa kaya iyang kagaya mo
Ang yong kalooban singtigas ng bato
Kaya ang pamilya ay naiayos mo
Mag-isang binaka buhay napanuto

Sana ay gayahin ng mga kabaro
Una ang pamilya ng ika'y mabalo
Hindi alintana hindi naigupo
Ng 'yong kalungkutan ang iyong prinsipyo

Ngunit hindi diyan lahat nagtatapos
Ang aking pagtula papel ay makapos
At sa dami pala di matapostapos
Kayhaba ng kwento hindi n'yo lang talos

Bumagyo ma't baha s'ya ay maasahan
Kahit iyang idad ay nadadagdagan
Retirado na s'ya noong ilang buwan
Pero tumutulong kapag kailangan

Mabuhay, mabuhay, ikaw kaibigan
At sumasaludo sa 'yong kagitingan
Ako'y natutuwa naging kaibigan
Iyang kagaya mo ay isang huwaran

At ngayon nga pala ay kaarawan mo
Nais kung bumati sa 'yo'y sumaludo
At ang aking dasal sana'y sumaiyo
Ang mga pagpala lahat ay masalo

HAPPY BIRTHDAY MA'AM!!!!!

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...