Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 14


THE OTHER WOMAN 14
Your family and your love must be cultivated like a garden. Time, effort, and imagination must be summoned constantly to keep any relationship flourishing and growing. (Jim Rohn)

ANg PAGPAPATAWAD

Tayo'y makasalanan
Mulang kapanganakan
Tao ay may baon n'yan
Di nalibre sinuman

Ang D'yos ay nagpatawad
Sa lahat iginawad
Ang palad N'yay nilahad
Sa taong di huwad

Ngunit bakit ang tao
Gustong gumawa nito
Gusto'y sakit ng ulo
At buhay na magulo

Bakit hindi iwasan
Pag-ibig ay ingatan
Magsama ng tuluyan
Hanggang sa kamatayan

Ng tao ay kinasal
Nagsumpaan sa altar
Ang kasalan ay banal
Kasamang pagmamahal

At bakit isang araw
Ang puso ay namanglaw
Isip ay nabulahaw
Si mahal ay naligaw?

Paano kung manaig
Pagpatawad madaig
Puro galit ang pintig
Magulo ang daigdig

Huwag laging umasa
May patawad na handa
At paano kung wala
Sino ba ang kawawa?

ANG KABIT

IKA-LABING-APAT NA YUGTO

Nakakatuwang isipin na samasama sila ngayong mag-anak dito sa Amerika. Si onie ay maagang nagising kahit medyo nanibgo sa oras pero dahil sa excitement ay nagtiis na lang. Gusto n'yang sabayan ng gising ang kayang mga anak na all set na para pumasok sa school. Maaga pa ay nagluto ng almusal si Onie. Ito ang gusto n'ya dito sa Amerika natututo kang magsarili. Pero meron silang isang kasama dito na nag-aasikaso sa bahay pag si Liezel ay nandoon sa kanyang negosyo. Kahit papano ay nagtayo s'ya ng mapaglilibangan.

Paggising ng mga bata ay kaysasarap ng mga ngiti. Mula sila nagkaisip ay ngayon lang nagyari sa tanang buhay nila na may ama na naghahanda ng kanilang pagkain. Nagulat si Liezel ng Magising. "Honey,did you sleep? Bakit ang aga mo? Di ka pa nga nakakabawi sa tulog." It's ok hon., i'm enjoying it. Wala ang kasama nila. S'ya ang pinapunta ni Liezel na mag-asikaso muna doon sa kanyang negosyo kaya solong solo nila ang bahay pag-alis ng mga bata. Sinusundo sila ng school bus.

Ito ang hinihintay na pagkakataon ni Liezel para makausap ng mabuti ang asawa kung bakit nagawa n'ya itong mga bagay na ito sa kanya samantalang regular naman silang nag-uusap at maayos naman ang kanilang relasyon. " Hon, naisip ko nga rin minsan at natatanong ko sa sarili kung bakit ko nagawa yon. Minsan ang tao kasi dumarating sa point na naghahanap ka rin ng may nagke care sa iyo. Minsan Kasi mababa ang ating morale. Yong hungkag ang ating buhay. Tapos unti unti may nagagawa ka na akala mo sa una ay simple lang kasi nakipag-usap ka lang naman sa iba. Normal lang yon di ba?" Hindi nagrereact si Liezel hinayaan n'yang magsalita ng magsalita ang asawa. Gusto n'yang malaman kung ano talaga ang tunay na dahilan at nagawa nitong magloko nga ganun ganun lang.

"Ang pagkakamali ko lang doon ay naenjoy ko masyado ang pakikipag-usap ng time na yon siguro dahil namiss kita at doon na nagsimula ang lahat nong nahalata ko na nagkaroon din ng interest sa akin si Gwen. Siguro dahil yong time na yon s'ya ay broken hearted din at kami'y nagkatagpo na parehong magulo ang isip. Syempre lalaki ako. Ng ipakilala s'ya sa akin ay parang napakabilis ng pangyayayri. Kung sa ibang babae siguro yon ay medyo maiilang kasi first meeting lang namin yon sa party ni Peter. Pero parang nagtiwala kaagad s'ya sa akin kaya naenganyo din siguro ako na kaibiganin s'ya."

At dahil akala ko ay wala lang, sumige lang ako, hindi ko namalayang unti unti pala ang mga simpleng pagkikita ay nagkakaroon na ng malisya at unti unti ng nagiging tama ang mali dahil walang asawang magpapaalala na ako'y may ginagawa ng mali at kasalanan. Walang asawang magdududa sa mga lakad na alanganin. Naniniwala ako Hon na kaya siguro nagkakasala din ang ibang lalaki ay dahil sa distance. Pero di ko sinasabing lahat, ang iba lang. Pero meron din naman talagang lalaki na sadyang malikot at babaero na kahit andoon lang magkasama sa Pilipinas ay nagloloko pa rin.Ibang usapan na yon.

Pero ang kahinaan ko ay nasalubong din ng kahinaan ni Gwen at sa sandaling panahon ay pumayag s'yang sumama sa akin. Syempre sino ba namang lalaki ang di matuwa. Napakaipokrito ko naman kung di ko sasabihing hindi ako narahuyo sa kanya. Pero di ko aamining pagmamahal yon dahil mahal kita di ko naman naiwala yon at andoon yong takot na mawala kayo sa akin. Siguro kung totoong mahal ko si Gwen ipaglalaban ko s'ya at iiwanan ko kayo. Pero nakita mo di ko kaya na kayo ang mawala sa akin.Ikaw ang pinakasalan ko. Ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Pero hindi kumibo si Liezel at sinabing ituloy ang explanations.

Alam ko may kasalanan ako pero siguro parehas lang kami, kasi di ko naman s'ya pinilit. Naging mapagparaya din s'ya at alam ko nag-enjoy din sa aming relasyon. Siguro nasabik din s'ya sa mga rangya na nararanasan n'ya sa mga pinupuntahan namin. Minsan ang tao ganun talaga eh nasasabik din sa mga bagay na hindi pa n'ya nararanasan. Tama na nga yan baka awayin mo na ako n'yan mamaya eh. Tsaka pasasakitan mo lang ang sarili mo Hon.Wala eh kahit paulit ulit natin itong pag-usapan hindi mababago ang sitwasyon. Nagawa ko na. Wala na tayong magagawa doon. Ang hiling ko lang talaga sa 'yo Hon ay ibalik mo ang tiwala mo sa akin. Nangako naman na ako sa iyo Ngunit mapilit si Liezel . Gusto n'yang marinig lahat.

Akala mo noong bagong dating kayo yon ang napakahirap na sitwasyon para sa akin. Araw yon ng pagdating n'yo pero ako siguro'y biniro ng pagkakataon. Hahakbang palang ako palabas para sunduin kayo ng biglang mag ring ang phone ko. Ang kapatid ni Gwen para sabihin sa akin na manganganak na ang ate n'ya. Patawarin ako ng D'yos pero gusto ko lang sundin ang aking puso kung saan pupunta. Alam ko may pamilya naman s'ya na mag-aasikaso sa kanya para dalhin s'ya sa hospital at hindi naman ako doctor para hindi matuloy ang panganagnak n'ya kung wala ako. Pero sa inyo ako yong pamilya n'yo. Ako ang padre de pamilya na dapat magproteksyon sa inyo kaya nagdesisyon ako na kayo ang puntahan ko.

Pero hindi ko s'ya niloko. Nong una lang kaming lumabas ay inamin ko sa kanya ang tunay kong status sa buhay at alam n'ya na hinding hindi ko kayo pwedeng iwanan. That's why I told her the first time we dated that I am very much married and have two kids and you're here with the kids. But she didn't mind at all and continued seeing me and continued dating with me. Nakalimot din ako kasi willling din s'ya.

Ang isa talagang nakabigat sa dibdib ko ay noong magbuntis s'ya. Di ko rin napag-ingatan yon, sana wala akong daladalahin sa dibdib ko. But I wasn't that irresponsible father. You can attest to that and please undersatand. That's why I gave them shelter at once. I know it was their principal problem. Kaya binilhan ko na lang ng bahay para di ko problemahing maghanap ng apartment at maglipat lipat, tapos pag hindi gusto maglipat ulit. Alam mo namang di ako sanay sa mga ganyang problema, kasi napasubo na ako at tiyak di naman s'ya lilipat don ng hindi kasama ang pamilya n'ya. Naawa din ako sa magiging anak ko. gusto ko s'yang lumaki sa maayos na lugar. And everything was history, nagpatianod na ako s mga mangyayari, and'yan na eh.

Kung meron man akong pinagsisihan sa ginawa ko ay 'yong nasira ko ang tiwala mo sa akin. "Yon ang pinakamasakit na dinadaladala ko ngayon. Kapagdaka'y tumutulo ang luha ni Onie. Di ko alam kung gaano katagal mababalik ang respeto mo't pagmamahl sa akin pero sisikapin kong maibalik lahat yon. Kahit magkunyari ka na ok lang ang lahat I know, there is something wrong with our relationship at nauunawaan kita. Alam kong nagdurusa ka at nakikita ko yan sa 'yo kahit pilit mong kinukubli.

I can see the pain in your face and the sufferings you are encountering since then. Hon, we've been married for 9 years kaya kahit ka magtago ng iyong nararamdaman ay nararamdaman ko rin yan. Even the wink of your eyes, the movement of you lips, the movement of your body, I can sense something's wrong because of what I've done.At yan ay dahil ayaw mo lang tuluyan na magkasiraan tayo at yon ang lalo kung hinangaan sa iyo.

Dinala mo ang labang ito sa napakahirap ngunit intelehenting paraan na kahit ang pinakamaliit na himaymay ng akin budhi ay iyong nakatok at nakaramdam at tuluyang nadama ang kasalang nagawa ko sa 'yo. Dahilan para tuluyan akong bumitaw sa pagkakamali. At hindi ko kayang makita kang nahihirapan. Pero hindi ko yan naisip noon dahil inaamin ko nahaling din ako. Nagkasala. Sandaling nakalimot. At dito ko napatunayan, di pala kita kayang iwanan. And living without you is like hell. Hon, di ko kayang mabuhay ng wala ka at ang ating mga anak. Di ko kaya.

At inakap ni Onie si Liezel na hilam na hilam na din ang mata sa pagluha. Mga luhang sana'y tuluyang magpaanod sa kinikimkim n'yang galit sa dibdib. Galit na namahay sa kanyang puso mulang malaman na nambabae ang kanyang asawa. Na kahit halos pumutok ang kanyang puso ay pilit tiniis para lang maisakatuparan n'ya ang alam n'ya na pinakamatalinong paraan to and keep his family, to keep his husband, and to save their marriage.

At umiyak s'ya ng umiyak kasabay ng mga hagulhol ni Onie. At kung mawawala din lang kayo sa akin ng mga anak natin ay di ko alam kung paano ang mabuhay. Patawad Hon, Patawad sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo at sa mga bata, sa mga sakit at sama ng loob.

Alam ko kung paano ka nasaktan sa ginawa ko. Sinabi ng mga bata sa akin kung paano ka nagdusa mula nong malaman mo yon. Ang hindi mo alam ay sinusubaybayan ka pala ng mga bata mula ng mahuli ka nilang umiiyak. Nagtaka kasi sila at ngayon ka lang nila nakitang umiyak ng ganun. At alam ko din na natrauma ang mga bata dahil matapos mo daw makipagusap sa telepono ay umiyak ka ng umiyak at maghapong tulala at ang mga bata ay nag-alala. Pilit akong tinatanong kung sino ang maygawa ng mga problema mo at ang dahilan ng iyong mga pag-iyak gabi gabi. Ngunit ayokong madamay sila at masaktan gaya mo kaya nanahimik ako. At hintayin ko na lang na panahon ang magsabi kung dapat pa nilang malaman ang mga pagkakamali ko. Dahil ayokong masira ang pagkakakilala nila sa akin gaya ng pagkasira ng pagkakilala mo sa akin.

Sobra ang aking pagsisisi dahil nagdulot ako sa iyo at sa ating mga anak ng problema imbes na pasayahin ko kayo.. Patawad Hon. Kung pwede ko nga lang maibalik ang panahon. Kung pwede ko lang ulitin ang mga pangyayari sa buhay ko ay hinding hindi ko kayo bibigyan ng pasakit na ganito. Napakalaki kong hangal. At hindi ko kayang patawarin ang aking sarili hanggang nakikita kitang nagdurusa sa mga kasalanang nagawa ko. Hayaan mo akong ipakita ang worth ko sa inyo. Hayaan mong maibalik ko ang tiwala mo sa akin.

Habang nakikita ko ang pait sa mukha mo, habang nararamdman ko sa iyong paghinga ang mga sakit na naidulot ko ay patuloy din akong nasasaktan at pakiramdam ko pinipiga ang aking puso sa sobrang galit sa sarili at ang aking sobrang pagsisisi. Araw-araw ay tinatanong ko rin ang aking sarili kung Bakit nga ba nagawa ko ito sa 'yo? Ikaw na walang ginawa kundi ang mahalin ako at ang mga anak natin. Ikaw na nakontento na alalayan ako sa mga pangarap ko sa buhay, kahit ikaw sa sarili mo ay hindi na nakausad at patuloy lang umunawa sa aking mga pagkukulang at sa aking mga weaknesses and imperfections bilang tao. Sadyang napakasama ko. Bakit ngayon ko lang ito lahat narealize?

Magmula dumating kayo sa pilipinas ay hindi na ako mapakali. Laging nakikiramdam kung gaano ang galit mo sa akin. Nagtataka at natatakot na baka ang pananahimik mo ay parang bombang sasabog anytime at pagkatapos sumabog makita ko ang aking sarili na nag-iisa. At ang mga takot na 'yon ay unti unting naging daan para manumbalik ang aking pag-iisip at marealize lahat ng pagkakamaling ginawa ko.

"Kaya hindi ko nagawang umalis sa tabi n'yo noong dumating kayo na para bang kunting galaw ko lang at pagkakamali ay bigla kang magalit at ako ay awayin mo at iiwanan mo ng tuluyan. Lahat ng takot ay nabuo sa isip ko at nagsilbing multo. At unti unti ay naunawaan ko ang lahat, ang sandaling pagkalimot ko pala ay posibleng sumira sa buong pamilya ko at pagkawasak ng ating sagradong kasal. At paano natin ito pananagutan sa D'yos? Hanggang unti unti ulit ay naalala ko ang D'yos, Ang D'yos na may gawa ng langit at lupa, ang D'yos na may gawa kay Eba at kay Adan, ah, S'ya lang ang posibleng makatulong sa problema ko."

"At nagsimula akong magdasal. Una ay para humingi ng tawad sa mga kasalanang ginawa ko sa "Kanya" at sa iyo, at sumunod ay humingi ng gabay. Patawad oh aking D'yos. Patawarin po Ninyo ang isang taong makasalanan. Patawad po. 'Yong consequences sa ginawa ko, ang nagpabigat ay ang pagkakaroon ng anak sa kanya. Pero siguro ito ang parusa sa akin ng Langit. Ang bigyan ako ng daladalahin, para maramdaman ko na mabigat ang naging kasalanan ko."

Kung ano man ang mangyari sa hinaharap ay maluwag kong tatanggapin. Ngunit naniniwala pa rin ako na kung ako ay magpapakabuti ay patatawarin ako ng D'yos at kung hanggang kailan ay maghihintay ako kahit matagal, kahit abutin ng taon, dahil mahal na mahal kita. Patawad Hon, Paulit ulit akong humihingi ng tawad sa 'yo. At lumuhod s'ya sa harapan ni Liezel pero inangat s'ya nito. Hindi n'ya kayang makita na ang kanyang pinakamamahal na asawa na inilagay n'ya sa pedestal noon ito sa harapan n'ya nagpapakababa, nagpapakaaba. Hindi n'ya kayang tanggapin ito.

At unti unti ay itinaas n'ya ang nawasak na bantayog sa kanyang pagkakalugmok upang muling itayo at sa pagkakataong ito ay magtutulung tulong silang dalawa upang di na maulit ang pagkakamali at upang kaipalay maging mas matibay ang kanilang relasyon. At ngayon ay may aaminin din sa sarili. "Alam ko Hon may pagkakamali din ako sa 'yo. May kasalanan din siguro ako at may pagkukulang sa pagkakaganyan mo at ang aking pag-alis ay totoong nag-iwan sa 'yo ng hungkag na buhay, although hindi naman yan excuse para gumawa ka ng hindi tama. Patawarin mo din ako.

Bumaha ang luha sa mga mata ni Liezel habang nagsasalita.Halos magiba ang kanyang dibdib sa mga binibitiwang salita. Wasak na wasak ang puso bakit nangyari sa kanya ang lahat ng ito. Ngunit sa mga haplos ng mga kamay ni Onie na nagsasabing andito na ako buung buo para sa 'yo at sa mga anak natin. "I love you Hon, and I'm all yours, no one else. I'm sorry Hon. At ang sama ng loob, ang mga hinanakit ay nagsimulang mapawi at ang pait sa mukha ay napalitan ng kaaliwalasan.

At ang mga luha na nag-uuunahan sa pagtakbo ay tinuyo ng mga halik ni Onie hanggang sa ang mga halik ay nagpalipat lipat. Hanggang sa maramdaman nila na ang paligid ay umaayon sa kanilang nararamdaman at oo papunta sa kung saan ay mapapakita nila sa isa't isa ang wagas na pagmamahal at pagsuyo. Para lang sa yo, Para lang sa babaeng pinakamamahal ko at ikaw yon Hon, wala ng iba, mahal na mahal kita. At muli ang nectar ng bulaklak ay sinimsim ng bubuyog upang manawari'y maibsan ang mga hinanakit na nararamdaman

Siguro nga, dapat ang mag-asawa ay mag-aalalayan sa bawat isa para maiwasan ang pagkakamali Para may magsilbing "catalyst" kung nagkakaroon ng agamagam, at kung nagmumuntik muntikang mabuay ang kaisipan. Panahon na para itama ang mali. Panahon na para isakripisyo ang ibang bagay na akala mo ay mas importante at mas makakabuti para sa lahat. Meron pa palang mas mahalagang bagay at iyon ay ang magkakasama ang pamilya para sa mas matibay na pagsasama at para maiwasan ang mga bagay na makakasira sa kanila bilang isang pamilya.

Ano ang binabalak ni Liezel? Ano ang balitang ikatutuwa ng mga bata pagdating nila galing sa school?


------------------------- A B A N G A N --------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...