Sunday, March 4, 2012

NOBYEMBRE KWATRO NA TERWINA


NOBYEMBRE KUATRO NA TERWINA

Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/4/2011
(Picture, courtesy of Adrian kelly)

http://weenweenreyes.blogspot.com/
Wee-ween Reyes
weenweenreyes.blogspot.com

Ngayon pala Terwina
ay Nobyembre kwatro na
iyo bang naalala?


Bakit di ka magluto
sila ay paparito
dadalo sa "birthday" mo

Ang taon ay dumaan
tatanda ka na naman
idad ay madagdagan

Balikan natin kaya
nanay mo'y nakahiga
at halos magmakaawa

Sumakit na ang tiyan
siya ay nasasaktan
at halos pagsisihan

Sila ay nataranta
mga doktor ay wala
nasa seminar pala

Mabuti may hilot pa
Si Monray ang ngalan n'ya
Nagpaanak sa kanya

At sa araw na ito
kawawa ang nanay mo
umireng todotodo

Tumayo at umupo
di malaman ang pwesto 
pinawisan ang noo

Di malaman ang gawin
ang santo'y tinawag din
siya ay nanalangin

At sa kanyang pagsigaw
ika'y biglang sumungaw
napatakbo ang araw

At pagtakbo ng araw
ang langit ay namanglaw 
ang buwan ay tumanglaw

Lumabas na ang ulo
hininga ay mapugto
luha n'ya ay tumulo

pinunit ang tahimik
paligid di umimik 
at s'ya ay nagpagibik

Ang sanggol ay lumabas
kutis ay parang gatas 
mukha'y maaliwalas

Binaliktad ang ulo
Pinakpak s'ya ng tatlo 
At umiyak ng husto

Umatungal ng todo
paglaki ay soprano
boses nya ay may tono

At siya ay lumaki
isang simpleng babae
sabi ay masuwerti

'Di na isaisahin
pagkat tayo'y gabihin
sa daming sasabihin

Kayat sa araw na 'to
ay magsasaya tayo
lahat ay kumbidado

S'ya ay mayroong "party"
at s'ya ay"very pretty"
lumakad ng may arte

Ang kanyang gown ay dilaw
kulay nakakasilaw
mata ay umiilaw

Dahil kaarawan nya
siya ay nagpaganda 
akala s'ya'y prinsesa

Siya ay si Terwina
kung kilala n'yo na siya
makisaya sa kanya

Pagkat s'ya'y mahiyain
kayat s'ya'y patawarin
kahit di kilalanin

Ako'y nananalangin
sa Diyos Ama natin
na s'ya ay pagpalain

"Happy Birthday" Terwina.....

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...