Saturday, March 3, 2012

BABAERO 6


"BABAERO" 6
Ma Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 02/15/2012

Sa mga "BABAERO" d'yan hinihikayat ko kayo na basahin ang kwentong ito kahit hindi kayo mag like. Just read this silently. Baka makatulong ito sa inyo para magbagong buhay. Pero kung kayo'y "DI BABAERO" maglike kayo with pride. Maraming salamat. "May akda"

----------B-----A-----B-----A-----E-----R-----O----------

"BABAERO"

Sino ang nagpangalan
Itong lahi ni Adan
Na walang karapatan
Lahi ni Eba'y saktan

Noong panahon nila
Ang dalawa'y nagsimula
Silang magkapareha
At wala namang iba

Si Adan nadagdagan
Lumaki yaong angkan
Si Eba'y nadagdagan
Mas dumaming tuluyan

Somubra ang babae
Kinulang ang lalaki
Nausong kaliwete
Unahan pa sa pogi

Pumatol na nga siya
Kahit pa may asawa
Handa ring mangalunya
Kagaya rin ng iba

Kaya't si pare'y heto
malaki ng s'yang tao
Kahit saan tumungo
Sikat na BABAERO

Ba't kaya isang araw
Ay bigla s'yang namanglaw
Katawa'y di humataw
Gwapo't lakas pumanaw

Kaya dapat ingatan
Hiniram na katawan
Ito'y panandalian
Kung di natin ingatan


BABAERO, BOHEMYO, PALEKERO, BOLERO, KALIWETE, PLAYBOY, HUSTLER ano pa?

IKA-ANIM NA BATO: (ANG KATAPUSAN)

Itinakbo sa hospital si Roy matapos manikip ang dibdib.At doon nila nalaman na ito pala ay may sakit na sa puso. Kahit s'ya sa sarili ay hindi alam na yong panaka naka palang pagsakit ng kanyang dibdib ay may iba ng ibig sabihin. Unang atake sabi ng doktor n'ya. Pero dapat ingatan kasi baka sa susunod ay mas malala na. Isang pasakit na naman kay Marina Pero isip n'ya ito talaga siguro ang kanyang palad . Wala namang ibang mag-aalaga kundi s'ya. Nagfile na kaagad s'ya ng leave sa trabaho.Pero
kay Marina mas mabuti na ang mag-alaga s'ya ng asawang maysakit kaysa may kasama s'yang lalaki na puro pasakit ang dala sa kanyang buhay.

Mas maganda ang mga ngiti ngayon ni Marina. Hindi dahil natutuwa s'ya na nagkasakit ang asawa kundi ang nakikita n'ya ay isang asawa na walang kakayahang gumawa ng kasalanan, gumawa ng mga bagay na nagpapawindang sa kanyang puso, at asawang susundan sundan n'ya pag nahihinuha n'ya na may ginagawang kalokohan. Hindi na rin ngayon naiirita sa mga tunog ng cell phone pag merong nagtetext. Wala naman s'yang Nabasa dati sa inbox dahil laging binubura ni Roy. Pinatay na n'ya ang cell phone para hindi s'ya mainis sa kung anong mababasa doon tutal andito sa hospital ang asawa at hindi makagawa ng kalokohan

Sawa na s'ya sa gulong dinala nito sa buhay n'ya. Maliban sa sising sisi sa pag-aasawa ay natutuwa na rin si Marina dahil may anak sila na napakabait at maganda na s'yang tanging pasalamatan n'ya sa pag-asawa kay Roy. Magandang lahi nga kung ating maririnig ang kanyang mga kaibigan kaya nagkaroon s'ya ng anak na maputi at matangkad hindi kagaya ni Marina na Morena.

Makaraan ang dalawang linggo ay nakauwi ng bahay si Roy. Ang bilin ng Doktor ay mag-ingat lalo na sa pagkain. Walang pakundangang kumain si Roy. Palibhasay dalawa lang silang anak ay sunod din lagi sa magulang ang gustong pagkain. Mahilig si Roy sa mga karne, at mga prito lagi ang gustong luto sa ulam. Kung adobong baboy naman ay gusto n'yang may taba ang karne at talaga namang maraming kumain ng kanin.

Ang pagkaing kinalakhan ni Roy ay di rin nabago ni Marina. Magkaiba ang kanilang ulam. Palibhasay laki si Marina sa hirap kaya't sanay magtipid. Minsan nga ang kanyang ulam ay nilagang kamote na may kalamansi lang at bagoong at ilang pirasong tuyo ay ayos na sa kanya. Swerte ng tikman n'ya ang hinandang pagkain sa asawa.

Sayang nga lang at hindi nakita ni Roy ang effort ng asawa. Hindi rin n'ya naisip na napakasaya sana ng kanyang pamilya kung s'ya lang ay nag fucos sa asawa't anak. Hindi na nga n'ya na aappreciate na ang anak pala n'ya ay lumalaking matalino at maraming nakakatuwang achievements sa school na ikararangal n'ya sana bilang ama.

Ngunit paano n'ya ito mabibigyang pansin kung ukupado ang kanyang isip ng kanyang mga personal na activities. Ang nasa isip ni Roy ay ang kanyang mga babae o kung paano na naman didiskartihan ang isa kung nabuking na ang dati ni Misis o kung nag-ayawan na sila ng babae n'ya sa isa't isa. Walang kasawasawa si Roy. Halos hindi mabakante. Hindi s'ya nakokontento sa kasimplihan ng asawa. Gusto n'ya maraming excitement sa kanyang buhay at walang pakialam kung masaktan ba ang damdamin ng asawa.

Kahit noong una pa ay marami na silang pinagdaanang konprontasyon, mga iyakan, mga pangakuang nangagpako lang at paulit ulit na ginagawa ang kasalanan. Paulit ulit din ang konprontasyon at pangakuan ngunit Wala ring nagawang pagbabago ang mga ito kay Roy. Sadyang nasa katawan na yata n'ya ang paging babaero. Kahit anong buti pa o ganda ng asawa ay walang magagawa para s'ya ay mapagbago.

Sa lahat ng mga pasakit ay patuloy ang pagdasal ni Marina para magbago ang asawa. Ngunit paano tutulungan ng D'yos ang isang tao na s'ya mismo ay ayaw baguhin ang sarili. "God helps those who help themselves." Binigyan tayo ng free will ng D'yos para magawa ang iba't ibang bagay na gusto nating gawin. Pero kahit binigyan tayo ng kakayahan ay tinutulungan N'ya ang tao sa mga bagay na hindi maabot ng kanyang kakayahan at talino. At ito ay maipapaabot natin sa kanya sa taimtim na pagdarasal.

Hindi natin talos kung anong paraan ang ginagawa ng D'yos minsan para matapos ang ating paghihirap. Basta dapat lang sa tao ay laging magdasal at itaas sa D'yos ang mga problema sa buhay. At huwag din tayong mag-isip ng masama sa nagkakasala sa atin. Kahit galit si Marina kay Roy ay hindi n'ya magawang mag -isip ng masama para sa asawa kaya D'yos na ang gumawa ng paraan para maibsan ang sama ng kanyang kalooban.

Maiksi lang ang buhay ng tao minsan magigising tayo na wala na pala tayong lakas para masunod ang ating mga kagustuhan. Magiging dependent na tayo sa lakas ng iba. Kaya 'wag nating abusuhin ang ating lakas para wala tayong pagsisihan. Hiram lang ang ating buhay at pag dating ng time na ito'y babawiin na sa atin ay wala na tayong magagawa. Walang sinumang nakakalam kung hanggang kailan tayo dito sa mundo. Sabi nga, "death comes as a thief in the night." Parang isang magnanakaw na nag-aala pusa, wala kaingay-ingay sa paglalakad kaya hindi namalayan.

Kung ating iisipin ang buhay, ito ay para lang isang ruweda (Ferris wheel) na walang katapusan sa pag-ikot at matitigil lang ito pag tayo ay tinawag na. Ngunit paano ang magiging kapalaran natin kung hindi tayo naging mabuting tao. Meron kaya tayong karapatan para sabihin sa D'yos na tayo ay bigyan pa ng mas mahabang buhay kung tayo ay makasalanan?

Sana nga ay hindi totoo ang karma. Dahil kung ito ay totoo dapat ang tao ay matakot at wag gumawa ng kasalanan. sabi nga, "pag nagbato ka pataas tiyak babagsak din sa lupa."Isang araw ay dumalaw ang kaibigan ni Roy na gaya n'ya ay isa ring babaero at suki rin ng beerhouse. Ng makita n'ya si Roy s'ya ay nabaghan dahil huli n'yang makita ang kaibigan ay puno ito ng buhay, gwapo, matikas at puno ng halakhak. Ngayon ay kabaliktaran na ang lahat, at s'ya man ay natakot na rin para sa sarili ng marinig ang salita ni Marina. Kaya kayo habang may panahon pa ay magbago. "Karma is on the air." Mga salita ni Marina na may kasama pang ngiti at pananakot pero dinaan sa biro.

Pero malay natin kung may katotohanan ba sa salita ni Marina. Hindi natin alam kung kailan ang balik sa atin ng mga pinaggagawa natin sa ating buhay. Kaibigan, hindi pa huli ang lahat. Magbalik loob ka sa Diyos at humingi ng tawad. Yong mga nang-iiwan ng pamilya dahil sa pambababae ay magsisi na at humingi ng kapatawaran. Kasama yan sa isang kautusan ng Langit na iyong sinusuway.

ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS:

1. Ibigin mo ang Diyos ng lalo at higit sa lahat.
1. Love God above all else.

2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
2. Do not worship false gods.

3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
3. Obseve the day of the Sabbath.

4. Galangin mo ang iyong ama at ina.
4. Respect your father and your mothers.

5. Huwag kang papatay.
Do not kill.

6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
6. Do not commit adultery.

7. Huwag kang magnakaw.
7. Do not steal.

8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
8. Do not make accusations and do not lie.

9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
9. Do not covet what is not yours.

10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
10. Do not covet your neighbor's spouse.

Mensahe ng may akda:

BABAERO, LALAKERO, pareho lang sila. Kung kasalanang mortal ang pagiging babaero ay ganun din ang pagiging lalakero. Malalaki, mababae ay parehas nagkakasala pag ikaw ay nangangalunya. Mas marami sigurong lalaki na gumagawa nito pero wag din nating pabayaang talakayin ang mga babaeng gumagawa rin ng ganito na nagdudulot din sa lalaki ng kasawian o sabihin nating mas malaking kasawian dahil mas masakit ang impact nito sa kanila. Kaya nga merong pamosong salita na "pinutungan ng tae" mabahong pakinggan pero kailangan nating banggitin dito para lang maunawaan na
mas masakit sa lalaki pag nangyari yan kaya may mga salitang ganyan.

Sana kung walang pumapatol sa may asawa mababawasan ang ganito. pero bakit nga ba? Totoo ba ang kasabihan na "mas masarap ang bawal"? Paano yan sasarap kung marami kang nasasaktang tao? Paano sasarap kung ika'y nabubuhay sa pagkukunyari at takot na baka mahuli ng asawa. Paano sasarap kung sa malamig na gabi ika'y walang katabi at naiisip mo na silang mag-asawa ay magkatabi. Paano sasarap ang mga nakaw na sandali?Paano sasarap kung ikaw ay nagkakasala sa D'yos? Yon bang maliliit na kiliti na napapala mo ay pwedeng kabayaran sa maaaring balik nito sa 'yo? Mahalaga ang buhay, huwag nating gawing laro ito. May oras pa...

Sa magkasintahan ay nararanasan din ang ganitong problema. Kaya minsan itong mga lalaki o babaeng sinasabi nating "taken" na ay nangangaliwa din kasi mas madaling agawin dahil sabi nga ay hindi pa naman kasal. Kung yon nga daw kasal na ay naaagaw pa yan pang hindi. Paano titino ang mundo. Maraming babaero, maraming lalakero sa mundo. Matakot naman kayo...ako sa sarili ko, naniniwala ako sa karma kayo ba hindi?

-------------------------------- K A T A P U S A N ---------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...