Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 10


THE OTHER WOMAN 10
No woman should ever be content with being the "other woman". Ever.
Y'all really need to start wanting more for yourselves. (Unknown)

kERIDA

Sino ba ang may sugo
At ito ay nauso
Dala ba ni kupido
O ng isang demonyo?

Tahimik na pamilya
Ito't biglang nasira
May humahalakhak pa
Ang isa'y nagdurusa

Bakit itong nilalang
Naubusan ng galang
Sisihin ang magulang
At aral ay nagkulang?

Gusto ng may katawan
Puso ang binasihan
Kung hindi makwartahan
Ano pa ang dahilan?

Dapat bang unawain
O dapat lang paluin
Sapagkat dadami rin
Kung iyong intindihin

Laging alalahanin
Ang Diyos ay nagbilin
Ang taong mamahalin
May basbas at dalangin

Bakit ta'y padadala
Iyang isto-istorya
Sila rin ang may gawa
Para pagtakpan sila

Uso na nga raw ngayon
At kabit naglimayon
Bago ang henerasyon
Tanggapin lang ng ganun?

Ang mali ay di tama
Ito ay di paghusga
Pag laging uunawa
Daigdig maburara

Tayo kaya'y tumulong
Kabutiha'y isulong
Wag hayaang malulong
Masama ay isuplong

ANG KABIT
Ma. Crozalle Reyes
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/28/2011

IKA-SAMPUNG YUGTO:

Ang komprontasyon: "Tatlong araw na lang at aalis na kami ng mga bata. Yon lang ang ibinigay na bakasyon ng school. Baka magkaproblema naman kung hindi kami makabalik sa oras. Kawawa ang mga bata." Maagang nagising si Liezel. Di s'ya masyadong nakatulog dahil sa nagdaang pag-uusap nila ng asawa n'ya kagabi. Ngunit hindi ganoon kadali. Kung baga sa boxing ay job, job pa lang yon at hindi pa mapaniwalaan ang tama. Maya-maya ay nagdial sa telepono, may tinawagan. "Punta ka rito, dito ka na lang tumuloy, hintayin kita at may pag-uusapan tayo." "Ho?"

"Wag kang mag-alala. Akong bahala sa yo. Sagot kita." "Opo Ma'am, sigi po d'yan ako tutuloy." Bago mag-alas otso ay dumating ang executive secretary ni Onie. Takot man ay kailangang harapin na rin n'ya ito. Kailangang hindi s'ya matakot, nandito na ito. Gising na ang kanyang boss ng dumating si Loida. Nagulat ito kung bakit s'ya nandodoon. Bago pa makapagtanong ay lumabas si liezel. "Hon, ako ang nagpapunta sa kanya dito" "Ah ok." Kinakabahan man ay di na lang nagpahalata si Onie. Di n'ya maubos maisip kung ano ang sadya ng asawa sa secretarya nya. Ngunit di na lang nagtanong baka magbigay pa ng ibang kahulugan sa asawa.

"Hon pwede bang mag-uasp tayong tatlo. Gusto ko ng maayos ang lahat at mula ngayon ay tatlong araw na lang at babalik na kami ng mga bata sa Amerika." Di makakibo si Onie bakit nainvolve ang secretarya nya sa usapin nilang mag-asawa. Pero hinintay na lang n'ya na maunawaan ang lahat. Wala na s'yang magagawa. Kaysa magkagulo pa silang mag-asawa. Hintayin na lang n'ya kung ano ang gagawin nito.

"Hon would you mind kung magpapasama ako kay Loida sa house na binili mo sa....sino ba yon?" Nagulat si Onie. Bakit alam na binilhan n'ya ng bahay si Gwen? Hindi na nakapagpigil. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat ang pinagkakatiwalaan n'yang tao ng lahat ng sekreto n'ya sa kanyang buhay sa loob ng sampung taon s'yang umahas sa kanya. Kaya pala napauwing maaga si Liezel. Kaya pala. Napailing iling si Onie at halatang nairita.Bigla s'yang tumayo. Bigla n'yang hinarap si Loida, "how could you do this to me? Di kumibo si Loida, takot na takot. Traitor, you're a jerk!"

Galit na galit si Onie palakadlakad sapo ang noo. Ang sama ng tingin kay Loida. Kulang na lang saktan n'ya ang kanyang Executive Secreatry. Lalong nahintakutan si Loida. "Hon, hon, it's not her fault. I asked her and forced her to speak or she'll be fired. Blame me and not her." "Look, maybe you don't know this, but i got a message coming from you which i'm sure was not intended for me, and I kept this since then. Here's my phone, try to read this, then blame yourself and not other innocent souls. "Heart sana nagustuhan mo yong house, ako ang pumili noon." "Anong masasabi mo d'yan? May pa heart heart k pa ha."

May magagawa ba si Loida kung ipitin ko s'ya? Ngayon tatanungin kita, dapat ka bang magalit sa kanya o ako ang dapat magalit sa inyo. Walang kasalanan si Loida, kung tutuusin kayo ang may kasalanan kung mawawalan s'ya ng trabaho dahil nadamay s'ya ng galit ko sa inyo.""Andoon na ako pero pwede naman n'yang sabihing wala s'yang alam mapipilit mo ba s'ya dahil hindi ko naman talaga sinasabi sa kanya lahat ang mga lakad ko. Nagkataon lang na kinailangan ko s'ya noon. Loida, I'm so disgusted with you." Pero this time parang naisip ni Loida bakit s'ya matatakot. Maybe it's high time na magsalita s'ya.

"Sir, opo may kasalanan din po ako at humihingi ako ng tawad sa inyo. Pero di po ako nagsisisi sa ginawa kong yon. Kahit hindi ako tanungin ni Ma'am ay may balak din po talaga ako na kausapin si Ma'am para sabihin sa kanya ang lahat. Matagal na po akong nagtatrabaho sa inyo at tama po kayo, at alam ko po na pinagkatiwalaan n'yo ako sa maraming bagay. ito po ang dahilan kung bakit gusto kung malaman ni Ma'am ang ginawa n'yo kasi po nanghihinayang ako sa relasyon n'yo at sa pamilya n'yo."

"Nagkasama kami ni Gwen sa opisina at kahit papano nakilala ko s'ya at nakakausap sa mga sekretong bagay. Minsan sinabi n'ya sa akin na hindi s'ya bibitaw sa inyo kahit ano ang mangyari. Oo nangako ako sa kanya na di ko sasabihin sa inyo pero alam ko hindi ako sa kanya dapat maging loyal kundi kung sino ang tama. Nakukunsensya po ako dahil kayo ang mga tao na pinanggagalingan ng pinapakain ko sa pamilya ko. Malaki ang utang na loob ko sa inyo para hayaan ko na masira ang pagsasama n'yo ni Ma'am. At naaawa din ako sa mga anak n'yo kung mawalan ng ama kung patuloy akong mananahimik."

"Hindi kita binibigyan ng karapatang panghimasukan ang buhay ko." Stop maligning. I don't give you any right to do this to me." Galit na galit na si Onie Pero ito ang mga bagay na gustong marinig ni Liezel kaya pinapunta n'ya si Loida. Alam n'ya marami pa s'yang dapat malaman."Let her talk. I want to hear all what she's saying. And what are you afraid of. Not unless you don't want to settle this mess you made.

"Kung mga simpleng sekrerto lang po yan na di mag-iinvolve ng pagwasak ng tahanan palalampasin ko yan. Pero nakikita ko po na unti unti na kayong nahuhumaling kay Gwen, lalo na ngayong may anak na kayo. Magaling si Gwen, kayang kaya n'ya kayong paikutin at bata pa, agresibo, kahit nga ang pamilya n'ya unti unti na ring nagbabago at mga kapritsoso na rin, alam n'yo po yan kaya lang di kayo makatanggi kapag si Gwen na ang humiling."

"Hindi naman totoong mahal kayo ni Glen. Ang nakikita ko ay kailangan n'ya kayo dahil sa napapakinabangan n'ya sa inyo Di nyo lang alam minsan nahuli ko s'ya kausap ang dati n'yang boyfriend at inamain n'ya sa akin na mas mahal daw n'ya ito kaysa sa inyo. Patawarin ako ni Gwen pero kailangan sigurong malaman n'yo na lahat ito kung kinakailangan. Malaki po ang naitulong n'yo sa amin nong iniwanan kami ng aking ama dahil sa isang kabit. Naranasan ko kung paano kami nagdusa at salamat sa inyo dahil sa magandang trabahong binigay n'yo sa akin nabuhay ko ang pamilyang iniwanan ng aking ama."

Nakita ko kung paano nagdusa ang aking ina at ang muntik na n'yang pagkamatay nung magtangka s'ya. Naranasan naming magkapatid kung paano magutom nong kami'y kanyang iniwan. Nakita namin kung paano magsakitan ang aming mga magulang nong silay nagsasama pa, kung paano n'ya sinasaktan ang aming ina tuwing tatanungin s'ya kung saan nanggaling at late na umuuwi. Nakita ko ang mga pasapasang katawan at mukha ni ina na alaga sa bugbog ng aking magaling na ama."

"Kung kayo sa kalagayan ko Sir masisikmura n'yo na hindi kumibo? Hindi kayo naiiba sa akin. Minahal ko kayong parang kamag-anak ko at handa akong ipagtanggol ang pamilya n'yo kung kinakailangan. Ayaw kong magaya kayo sa amin. Ayaw kong maranasan n'yo ang mga dusa at sama ng loob na pinagdaanan namin dahil lang po sa isang pagkakamali. Init lang po yan, sandaling kaligayahan para ipagpalit sa inyong pamilya. Patawad boss pero di po ako nagsisisi sa aking ginawa. Kung galit po kayo sa akin sa pagmamalasakit ko sa pamilya n'yo ay ako na mismo ang aalis sa kompanya n'yo."

Umiyak ng umiyak si Loida, pagkatapos ay nagpaalam na. Ngunit umuwi sa bahay nila. Hindi tumuloy sa opisina. Hindi natuloy ang gustong mangyari ni liezel. Mainit na rin ang ulo ng kanyang asawa kaya pinabayaan na muna n'ya ang galit nito. "Sino ba naman ang matutuwa, ang iyong pinagkakatiwalaan, s'ya pang naglaglag sa iyo." Halos hindi kibuin ni Onie ang kanyang asawa. Hindi na rin kumibo si Liezel. Naiinis s'ya sa asawa na parang galit na galit pa at nabisto ang kalokohan n'ya.

Mula dumating galing sa Amerika si Liezel ay ngayon lang sila nag-away ng sobra ni Onie. Nagalit si Liezel dahil akala n'ya ay nanumbalik na sa kanya ang pagmamahal ng asawa mukhang di pa pala at sinasakyan lang yata siya. Matapos kumain ng hapunan ay maagang nagpahinga si liezel. Di na rin n'ya kinibo si Onie. Parang di na n'ya maitago ang sobrang galit sa kanyang dibdib. Nakahalata yata si Onie na galit sa kanya ang asawa kaya ang mga bata ang inatupag. Nakipaglaro s'ya sa mga anak n'ya at pinabayaan munang humupa ang init ng ulo ng asawa.

Medyo gabigabi na ng pumasok sa kwarto si onie. Akala n'ya'y tulog na ang kanyang asawa pero gising pa pala at mukhang inaantay s'ya. "Sigi, once and for all tapusin na natin itong problemang ito. Ilang araw na lang pero parang walang nangyayari sa effort ko na ayusin ang gusot na ginawa nyo ng babae mo. Alam mo I tried my best na dalhin ito sa mabuting paraan pero parang balewala sa 'yo. Sigi kong hindi mo kayang iwanan yang babae mo ay kami na lang ang lalayo sa 'yo. Useless lang lahat ng ito kung pagbalik namin sa Amerika ay mabalitaan ko ulit na tuloy pa rin ang panloloko n'yo sa akin. Di na tayo mga bata. Alam natin kung ano ang tama at mali."

"I'm tired of this. Kung hindi mo tatapusin yang kalokohan mo ay kapwa tawad na tayo. Sigi magfile ka ng annulment pag-alis namin at ipadala mo sa akin pipirmahan ko. Ito na rin siguro ang huling pagkikita nyo ng mga anak ko kaya e enjoy mo na sila. KUng ganito rin lang pala ang kahihinatnan ng pag-uusap natin dapat di na lang kami umuwi dito." "Hon, di ko naman sinabing di natin aayusin to. Nabigla lang ako sa mga pangyayari. Kahit sino naman magagalit, biro mo yon tiwalang tiwala ako sa kanya tapos biglang malalaman ko tinatraidor pala n'ya ako."

"Ay naku, kung hindi mo naintindihan ang paliwanag ni Loida ay wala ka talagang balak kumalas sa babaeng yon. Hindi ako papayag na kung kanikanino ka tatabi, pagkatapos sa akin ulit, aba'y baka tayo magkasakit ng AIDS sa ginagawa mong yan.kahit nga hepa B makukuha mo rin d'yan baka akala mo."

Lumapit si Onie para makalmanti ang galit nito pero mukhang galit na nga. "Hon, let's talk about this. Don't get mad with me please. Hindi ako papayag na magkahiwalay tayo at ilalayo mong tuluyan ang mga bata sa akin. Hindi ko kakayanin yon. Mahal na mahal ko kayo. Iniwanan n'yo kasi ako dito. Mabaliwbaliw nga ako noon. It's not that easy you know. Please Hon pag-uasapan natin ito. Sorry na kanina. Nasaktan lang ako sa ginawa ni Loida pero tama nga s'ya sandaling init lang yon para sirain ko ang
pamilya natin. Pero anong magagawa ko and'yan na yan."

"So we'll leave this as it is. Wala ka ng magagawa?" "No, I don't mean that. "Then get rid of her. Kung gusto mong tahimik tayo at buo ay ayusin mo itong gusot na ginawa mo. Hindi na ako papayag ng ganito.Kung gusto mo sa kanya, sa kanya ka na lang. Ayoko ng may kasalo. Pag ako'y umalis at patuloy din yang relasyon n'yo ay maghiwalay na lang tayo. Di ko na kayang sikmurain ito. Pag naulit pa ito ay wala na . Di na kita kayang patawarin."

"Gagawa na nga sana ako ng paraan kanina kung paano ka hihiwalayan ng babaeng yan ay inaway mo naman si Loida. Sana nakaalis na kami kanina tapos na sana itong problemang to." "Ibigay mo sa akin yang sim mo kung seryoso kang hiwalayan yang babae mo para sigurado ako na hindi mo s'ya makakausap. Pero kung hindi mo yan isusurender sa akin isa lang ibig sabihin n'yan di ka pa rin handa na makipaghiwalay sa kanya. "Ok sigi heto ang sim ko, kung ito ang magpapatahimik sa atin."

"Bukas pupuntahan namin ni Loida si... yong babae mo, gusto ko s'yang makausap kahit hindi ka papayag, wala ka ring magagawa. Hindi mo na ako mapipigilan ngayon. Sinira mo na ang tiwala ko sa yo kaya't ako ang gagawa ng paraan para matapos to. Ngayon sabihin mo sa akin kung gusto mong tulungan kitang maayos ito, o ayaw mo s'yang hiwalayan? Hon nanganak na kasi si Gwen baka kahit yong bata pwede kong makita. Pumili ka. Sagutin mo ako ngayon, sino ang pipiliin mo kami ng mga anak mo o yong kabit mo?"

"Alam mo namang di ko kayo kayang ipagpalit doon." "Magcooperate ka kung gusto mong matapos na ito at magtiwala ka sa sasabihin ko. Kung makikita mo pa yong bata ay sasama lang ang loob mo, manghihinayang ka at mas mahirap lumimot. Kung ipapaubaya mo sa akin ang lahat ay mas magiging madali para sa atin ang lahat." "Sigi Hon bahala ka na kung ano ang mabuti. May tiwala naman ako sa iyo. Alam ko mabuti kang tao."

Kinabukasan ay pinabalik na naman ni Liezel si Loida. ayaw sana ng executive secretary pero pinakausap ito kay Onie para di matakot. Humingi naman ng sorry si Onie sa ginawa ng nakaraang araw . Pagdating ni Loida ay pinaghintay muna s'ya at di pa tapos magbihis si Liezel. Ngunit nagulat sila ng makarinig ng nagsisigaw sa labas ng gate at pilit sinasaway ng guard. Hindi pinalabas ni Liezel si Onie at s'ya ang lumabas.

"Sino ang hinahanap mo?" "Si Onie sino pa." "Bakit sino ka ba?" "Ako lang naman ang kabit n'ya, at kung hindi ako nagkakamali ay ikaw ang asawa? Di ba alam mo na daw, at ito ang anak namin." "Ah oo nga naman alam ko na nga." "Onie, Onie lumabas ka d'yan, wag mo akong pagtaguan." "Ikaw siguro'y may pinag-aralan naman. Subdivision ito. Bawal dito ang maingay baka kaladkarin ka ng guard palabas." "Di kaladkarin n'ya. Ganyan naman talaga kayong mayayaman. Parang mga D'yos."

"Makipag-usap ka ng maayos kung hindi mapipilitan akong ipakaladkad ka. Dare me. Ngayon sabihin mo, ano ang gusto mo sa asawa ko?" "Panagutan n'ya itong anak namin." Anong klaseng panagutan ang gusto mo? Kung pangalan alam mo naman na may asawa si Onie, pumatol ka. Bakit kulang pa ba ang naibigay sa iyo ni Onie? Aba'y loko yon ah bakit tinitipid ka."

"Mag-inagt-ingat ka lang at baka mapikon ako sa 'yo wala ka lalong mapala. Hindi pwedeng idaan sa tapang ang mga bagay bagay baka makasuhan pa kita ng tresspassing sa ginagawa mo. Bakit kasi maganda ka naman at bata pa, may asawa pa ang sinamahan mo. Sabagay maraming pera si Onie kaya nga may bahay ka na. Pero wag mo akong susubukan at baka pati bahay mo mawala sa yo." Medyo natakot si Gwen sa tinuran ni Liezel. Di nya akalain na ganito kapalaban ang asawa ni Onie. Pero humanga s'ya sa pagdala ng sarili. Mukhang mamahalin. At nagsimula s'yang manliit at tumupi.

Mayamaya ay umalis bigla. Napahiya, at natakot baka nga naman tutuhanin ng asawa ni Onie ang banta mawalan s'ya ng bahay. Paano na lang ang mga magulang n'ya, saan sila pupulutin? Mayaman ang makakabanggaan n'ya. Alam n'ya wala s'yang laban dito. Wala s'yang hanapbuhay , kahit yong negosyo ng magulang na binigay ni Onie ay kulang pa para buhayin ang mga kapatid n'ya. Kahit pa maghabol wala naman s'yang pambayad sa abogado. Kay Onie lang lahat galing ang panggastos n'ya.

Matapos magwala ni Gwen sa bahay ni Onie ano naman kaya ang balak ni Liezel? Bakit gusto n'yang pumunta sa bahay ni Gwen. Magtagumpay kaya ang talino ni Liezel sa pagkatuso ni Gwen.

-------------------------------- A B A N G A N -------------------------------------


No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...