"BABAERO" 4
Ma Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 02/12/2012
Sa mga "BABAERO" d'yan hinihikayat ko kayo na basahin ang kwentong ito kahit hindi kayo mag like. Just read this silently. Baka makatulong ito sa inyo para magbagong buhay. Pero kung kayo'y "DI BABAERO" maglike kayo with pride. Maraming salamat. "May akda"
----------B-----A-----B-----A-----E-----R-----O----------
kALIWETE
Ba't ang mga lalaki
Masyadong kaliwete
Pag kaharap babae
Isip natuturete
Sa harap ng pamilya
Ay kaybaitbait n'ya
Oh kay amo ng mukha
Parang di nagkasala
Bakit di makuntento
Magmahalang pareho
Iwasan ang sekreto
Ng buhay di magulo
Pamilya ay sinupin
Asawa ay lingapin
Ang anak ay mahalin
Sila'y iyong suyuin
Da best na nga si Misis
Wala siyang kaparis
Sa pamilya'y nagtiis
Kahit mukha'y nahapis
Ang mga kaliwete
Ay di siniswerte
Malas pag may babae
Ikaw ay mamulubi
BABAERO, BOHEMYO, PALEKERO, BOLERO, KALIWETE, PLAYBOY, GIGOLO, ano pa?
IKA-APAT NA BATO:
Aba'y mukhang pumasok sa gera itong si Marina. Walang kaalam alam ang asawa na nasundan na s'ya nito. Ito ang isang ugali ni Marina na hindi pa natutuklasan masyado ni Roy. Ayaw nito na nag-iisip s'ya pag may pagdududa sa asawa. Ayaw n'ya na manghuhula s'ya kung ano meron sa asawa. Kaya't gusto n'ya action kaagad para matapos na. Hanggat maaari ayaw n'yang makagisnan ng anak n'ya na walang ama. Kung maaari nga lang ay ma save n'ya ang kanilang marriage. Kaya sana nga may magawa s'yang paraan para magbago ang asawa. pero parang nagkakamali s'ya. Parang gusto na n'yang maniwala na babaero talaga ang asawa.
Pagpasok sa beerhouse ay tinanong ni Marina kung saan ang C.R. Pumasok s'ya dito at nagpalit ng baong damit. Medyo binuka pa ang bitonis sa harap para maging plunging at magmukhang seductive nagpulbos, nagblush on at naglagay ng makapal na eye shadow at kinapalan ang mapulang lipstick, at medyo sinabogsabog ang buhok. Pinaghandaan na ito ni Marina. Nabasa n'ya minsan ang text ng kanyang kaopisina at duda na nga siyang hindi sa patay pumupunta si Roy kundi sa patay sindi ang ilaw.
Umorder ng 2 pitsel na beer si Marina. Hindi namalayan ni Roy na and'yan na ito sa tabi n'ya at may dalang inumin. Abala s'ya sa pakikipaglampungan sa katable n'ya. Pagkaaninag ni Marina sa dalawa ay manakanakang ihalibas n'ya ang pitsel sa mga ito. Pero nagtimpi lang muna s'ya at ibinaba ang inorder. "Uy, may naligaw na order dito swerte. Sinong nagpadala n'yan baka namali lang wala akong inorder na dalawang pitsel. Lalasingin n'yo na ata kami ah." Mayamaya ay pasalampak na umupo sa bakanteng silya si Marina na ikinagulat ng dalawa at pinaglalagyan ng alak ang mga basong inilapag ng waitress.
Nagtaka si Roy kung sino bang pangahas itong umupo sa mesa nila. Dahil madilim di n'ya ito nakilala. "Aba ay bakit di ka kumuha ng sarili mong katable. Isa isa lang mahina ang kalaban di ko kayo kaya. Pakiusap, sa iba ka na lang isturbo ka dito eh." Mayamaya sumagot ang pinagsabihan. "Hala inuman muna tayong tatlo. Oh hala tagay. Mamaya na ako kukuha ng katable ko. Magpapainit muna ako dito". Magrereact sana si Roy pero parang nabosesan ang nagsalita kahit madilim ay pilit inaaninag kung sino iyon. "Hindi naman siguro. Baka kaboses lang. Tsaka di naman nagme make-up yon at lalong hindi nagdadamit ng mahalay. Imposibleng pumasok sa ganito si Marina at wala naman s'yang alam ah." Ang kanyang katable na medyo lasing na ay nag react.
"Sino ka ba? Ba't di ka humanap ng lugar mo. daming table pa d'yan ah. Wag kang mangagaw ng customer. Aba, ay inubos na ang pagtitimpi ng asawa. "Ganun!" Biglang itinaas ni Marina ang isang pitsel ng beer at binuhusan ang babae at si Roy sabay sabi, "ay naku asawa lang naman ako ng lalaking pinupuluputan mo." Pagkarinig ng salitang asawa ay biglang bumitaw ang babaeng taga beerhouse. Ni hindi nagawang magalit na nasabuyan s'ya ng beer. Medyo nawala ang kalasingan.
"Maghanap pala ng mesa ha. Sungalngalin kita d'yan, napala mo. Pagbuhulbuhulin ko kaya kayo d'yan." Mas malaki sa kanya si Marina kaya natakot ito. Pagkatapos magsalita ay lumabas na si Marina, nakasunod ang nabiglang si Roy kaya hindi nakapagsalita. Patay na naman ako nito. Disgrasya. Mukhang ma outside de kulambo na naman si Roy pogi. Tinik talaga nitong asawa ko parang imbestigador dumali. Bigla lang sumusulpot." May pagkapalos talaga.
Hindi na naabutan ni Roy si Marina kasi pinahintay pala nito ang taxi na sinakyan n'ya kaya madaling nakaalis. Pagdating sa bahay ay pinagtatapon ni Marina ang mga damit ng asawa sa labas ng bahay. "Wala talagang kadaladala ang lalaking ito. Para namang kawawa pag inaway ko. Hah, ito ang sinasabing asawa na nakakaawang patayin pero nakakainis buhayin." Pagdating ni Roy ay sinamsam ang mga nagkalat na damit. Galit, dahil napahiya sa beerhouse.
Pagdating sa bahay ay nagdeadmahan na lang ang mag-asawa. Sa lahat ng ayaw ni Marina ay 'yong naiiskandalo ang buhay n'ya. Kaya't iniiwasan n'ya na marinig ng kapitbahay na nagbabangayan silang mag-asawa. Gusto sana n'ya ay tahimik na buhay pero paano matatahimik ang buhay n'ya kung ganito kagulo ang lalaking ito. Kung ganito ka babaero ang asawa n'ya. Kahit naman siguro sinong santo mauubos ang pasensya. Kaya't nagsimula na naman silang di magkibuan. si Roy naman ay kinuha ang bata at ito na lang ang nilarularo para mabawasan ang init ng ulo. Kahit papano ay takot din sa galit ng asawa kaya ayaw din n'yang magsalubong ang init ng mga ulo nila..
Alam ni Roy grounded na naman s'ya. Walang kibuan na naman ang sumunod na mga araw. At dahil takot ding magpagabi sa labas at baka sundan na naman s'ya ni Marina ay nanahimik lang muna ito. Pero sa salas s'ya ngayon natutulog. Ang kabilang kwarto ay ukupado na ng yaya. Si Yaya jean 25 years old at may hitsura naman pero ang pinakaimportante ay mapagkakatiwalaan s'ya ng mag-asawa sa anak.
Minsan umalis si Marina at pumunta sa mga kapatid. Nagtaka si Roy kung bakit wala si Marina kaya't tinanong n'ya ang yayaang yaya at sabi nito ay sa kanyang mga kapatid pumunta. Kayat naiwan silang dalawa sa bahay at ang baby. Tinanggalan ni Jean ng diaper ang bata kaya't nakadukwang s'ya sa crib. Namalayan n'yang dumaan sa tabi n'ya ang amo at nasagi ang pwet n'ya. Di n'ya pinansin at patay mali lang s'ya baka naman aksidente lang. ngunit ang laking gulat n'ya ng biglang hinawakan na nito ng tuluyan ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi ng pwet n'ya at pinisil pa. akala yata at hindi nagreact kanina si jean ay nagustuhan ang pagsagi n'ya. testing pala yon kung papalag.
Napapitlag si jean at napatayo. Gustong magalit pero bigla s'yang niyakap at siniil ng halik ng amo kaya't di nakapalag. Ang bilis talaga sa babae nitong si Roy. Akalain mong pati yaya ng anak n'ya di pinalampas. Tinutulak s'ya ni Jean pero malakas si Roy at di n'ya kayang humulagpos. Mayamaya ay ang pagpupumiglas ni Jean ay unti unting nawawala na at ang mga pagtulak ay napalitan na nga pag-akap at ang galit kanina ay napalitan na ng halinghing hanggang sa hinila na ito sa kwarto ni Roy. Doon sa tinutulugan n'ya.
At wala ng tutol na nakipagpalitan sa kanya ng mga halik, ng mga yakap, at ang kasabikan sa kamunduhan ay napukaw. Ngayon kusang inialay sa amo ang sarili pagkat nahaling na rin. At ang tigang na mga labi ay lumaban sa kapwa labi hanggang nagkalurayluray ang mga talulot at ang umagay nadiligan ng ulan, paulit ulit nadiligan ng maramdaman n'ya ang lamig na dumaloy at s'ya ay nabasa at kanyang kinapa sa bandang baba. Ngayon ang pagtataka bakit nabasa, pero hindi ng ulan.
Nasa loob naman s'ya ng bahay ng inikot ang kanyang tingin. Tsaka n'ya namalayan may bata na naka dapa sa kanya habang s'ya'y nakahiga. Kaipala'y umihi, ihi pala ng bata at s'ya ay nagising. akala ko totoo, hah. Hay salamat na lang. Biglang naalala ni Jean. Pagkatapos nga palang tanggalan ng diaper ang bata ay di n'ya muna pinalitan kasi sabi n'ya para mahanginan naman. pagkatapos ay dinala n'ya sa kanyang kwarto para makaidlip s'ya at puyat kagabi. Ngunit ng umiyak ito ay pinadapa sa kanyang katawan para tumigil sa kaiiyak at sabay nakatulog sa kanya. At naihian s'ya kayat s'ya ay nagising. Hah, kaysamang panaginip. Akala ko talaga nadali na ako at bumigay na rin. Salamat sa ihi.
Nakakatakot talaga yang si Sir Minsan. Akala n'ya hindi ko napapansin ang mga pasimple at patago n'yang tingin. Tama nga si Ma'am kailangan kung mag-ingat dito sa asawa n'ya . May pagka nyakis yata ito ah. Kakaiwas ko tuloy napanaginipan ko na. Yack, ibahin mo ako sir sa ibang babae mo. Kahit mababa lang ang pinag-aralan ko pinahahalagahan ko ang aking dangal.
Para sa akin ang kayamanan ng tao ay di nasusukat sa kanyang pinag-aralan o kayamanan kundi kung paano mo pag-ingatan ang pagkatao mo. Kaya ikaw Sir, naku wag na wag kang magkamali, kasi yong nangyari sa aking panaginip ay baliktad. At take note "Sir" pogi ang boylet ko." Biglang kinikilig si Jean." Hindi mo ako kaya Sir magkakasubukan tayo." Binibihisan n'ya ang bata ay di pa rin n'ya nakalimutan ang panaginip "Kaysamasamang panaginip. Mabuti panaginip lang kung nagkataon nasirang yaya Jean na ako. Wag ka lang talagang magkakamali sir at may nakatago akong bakulo d'yan pag nagkamali ka.
Pagkat sabado ay pumunta sa mahjongan ang lalaki. Kinati kati na namang maglaro kasi nababagot at hindi makaalis. Naiisip lang n'ya yong kanyang syota na bar girl. Talagang napaka babaero nga nito. Ngunit malakas na ang loob sumugal kasi may sarili ng kita kaya nong nananalo ay lalong di nakaalis. Pagdating ni Marina ay nagtaka bakit wala ang asawa ay gabi na kaya't sinekreto si yaya jean kung saan yong amo. Wala talagang kadaladala. Imbes magpakatino mas lumala pa ata. Nambababae na nagsusugal pa ngayon.
Nasa madjongan pala ha. kayat mayamaya ay inilabas ang nakatagong banig na pasalubong sa kanya ng kaopisinang galing sa Bicol. Nilagyan ng unan sa loob at dalidaling pumunta sa mahjongan. Tuluyan ng naubos ang pasensya ni Marina kaya lalabanan na n'ya ang mga kalokohan ng asawa. Ayaw namang lumayas. Kaya't matira na lang ang matibay sa kanilang dalawa. Pagdating sa mahjongan ay linagpak sa tabi ng asawa ang banig na may unan.; Oh d'yan ka na matulog. Nagulat ang mga kalaro. Di nila akalain na magagawa ni Marina ang ganon. Pero galit si Marina. Dahil imbes na humingi sa kanya ng tawad sa mga kasalanan ay mukhang lalo pa s'yang iniinis nito.
"Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa buhay nating dalawa. Pero di ako papayag na makipag-ayusan sa yo. KUng gusto mong dumito ay magtiis ka sa bawat ganti ko sa mga pasakit na ginagawa mo sa akin. Hindi ako mananahimik habang ikaw ay nagpapakasaya. Kalalakihan na lang yata ng anak mo ang pagiging babaero ng kanyang ama. Nakakahiya ka."
Dahil sa tinikis na ng asawa at di na rin kinakausap ay nagpatuloy na lang si Roy sa ganung set-up. Minsan ay kinakausap naman s'ya pag may tinatanong s'ya ngunit ang mga sagot ay laging paangil. Nawalan na ngang tuluyan ng respeto sa kanya si Marina. Magkahiwalay na rin ang kanilang tulugan. Si Roy ay sa sala set natutulog.
Minsan isang gabi ay naaya si Roy ng kanyang mga kapitbahay na pumunta sa beerhouse malapit sa kanila. Nagvideoke sila ngunit ng mga lasing na ay nagkatuwaan na i takehome ang mga katable kaya nagkanyakanya ng bitbit. Merong mga cubicle sa taas na nauupahan sa panandaliang oras kaya doon din nila dinala. Pero may naka pagtsismis kay Marina na ang kanyang asawa ay kasama doon kaya nag-ala Palos na naman s'ya.
Bigla s'yang sumakay ng tricycle at nilusob ang kinaruruonan ng asawa, ngunit pagdating ay wala na doon sa baba kaya't ng makita ang hagdan ay nagduda kung ano meron doon. Hindi naman itinanggi ng mga waitress na iyon ay mga paupahan sa taas. Umakyat si Marina, pinagbubuksan ang mga cubicle para hanapin ang asawa. Mabuti lang ay walang masyadong customer kundi sila kayat di masyadong nakabulabog. Pero di n'ya nakita ang kanyang asawa.
Nasaan kaya si Roy? Bakit hindi s'ya nakita ni Marina ay wala namang ibang mapagdadaanan doon palabas kundi iyon lang hagdan....
---------------------------------- I T U T U L O Y ----------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment