Saturday, March 3, 2012

BABAERO 5


"BABAERO" 5
Ma Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 02/14/2012

Sa mga "BABAERO" d'yan hinihikayat ko kayo na basahin ang kwentong ito kahit hindi kayo mag like. Just read this silently. Baka makatulong ito sa inyo para magbagong buhay. Pero kung kayo'y "DI BABAERO" maglike kayo with pride. Maraming salamat. "May akda"

----------B-----A-----B-----A-----E-----R-----O----------

HUSTLER SA BABAE

Hindi ka pahuhuli
Pag usapa'y babae
Terible kung dumali
At walang pilipili

Ang posteng nakapalda
Ay papatulan din n'ya
Itong sabi sa kanya
Niyang kanyang barkada

Hustler daw sa babae
Itong biro palagi
Kahit sinong madali
T'yak hindi malilibre

Kahit saan idaan
Kahit saan ilaban
Ay talamak ng tingnan
sa babae'y gahaman

Magbago ka pa kaya?
Kahit man lang madala
Lahat ay humuhusga
Ikaw ay sobrang lala

Anong klaseng lalaki
Sobra namang kalibre
At baka ka madali
Asawa'y maturete


BABAERO, BOHEMYO, PALEKERO, BOLERO, KALIWETE, PLAYBOY, HUSTLER ano pa?

IKA-LIMANG BATO:

Hindi alam ni Marina merong exit na sekreto sa dulo ng second floor. Alam ito ng mga customer para proteksyon sa mga asawa na gaya ni Marina. Kaya hindi n'ya inabutan si Roy. Pero kung nakalusot man s'ya sa asawa ay hindi ito naniniwala na wala s'ya doon. Yong nagkwento kay Marina ay mapakakatiwalaan kaya alam nitong nalusutan lang s'ya ng asawa kung paano ay hindi n'ya alam.

Nauna ng nakauwi si Roy. Bago pa nakarating si Marina sa taas ay may tumimbre na sa kanya kayat dalidaling lumusot palabas nung malaman na parating na ang asawa. Ganyan talaga sila doon. Marami na silang karanasan sa ganyan kaya alam na alam na ang gagawin. Tatawatawa pa si Roy ng nagkwekwentuhan na silang magkakaibigan. "Kala n'ya ha maiisahan pa n'ya ako heheheh alam ko na ang stilo n'ya."

Sakit sa ulo talaga ito si Roy. Gusto ng hiwalayan ni Marina pero ayaw namang lumayas sa pamamahay n'ya. Pero alam n'ya kung talagang gugustuhin ay mapapalayas naman ito kaya lang maiiskandalo na talaga ang buhay n'ya. Minsan iniisip din na baka hindi n'ya kayang makipaghiwalay. Baka madali lang isipin pero pag nand'yan na mahirap pala. Minsan naduduwag s'ya kahit sabihin ng s'ya ay matapang na klase ng babae.

Hindi pa n'ya naranasan ang ganitong sitwasyon kaya't may agam agam din sa sarili. Isa pang nagpapahina sa tapang n'yang makipaghiwalay ay ang punto na mawawalan ng ama ang kanyang anak. Naranasan na n'yang mawalan ng magulang dahil maaga silang naulia at ayaw na sana n'yang manyari sa anak. Pangarap n'ya ay pamilyang may nanay at tatay. Hindi gaya nilang magkapatid na pag may personal na problema ay walang matakbuhan na magulang, walang madaingan.

Ayaw n'yang maranasan ito ng kanyang anak. Pero paano? Paano n'ya maiiwasan ang mga pangyayaring ito kung ganito ang ama ng kanyang anak? Ano ang maituturong maganda ng isang babaerong tatay sa anak. Minsan nga naiisip ni Marina, paano kung magdalaga na ang anak nila at ligawan na hindi kaya magkatotoo ang biro ng mga kaibigan nito na ang anak daw nila ay pambayad utang? Sa isiping ito ay natatakot si Marina. Sana naman hindi.

Malaking problema para kay Marina itong pagkababaero ng kanyang asawa. Bantog na rin sa lugar nila dahil may mga barkada na rin si Roy na nakakainuman noong hindi pa regular ang kanyang trabaho. Barkada na ang inatupag n'ya dahil hindi sila in good terms ni Marina kaya't minsan pinababayaan na lang s'ya nito. Dito n'ya sinasabi ang mga bagay na hindi n'ya masabi sa asawa lalo na ang mga yabang n'ya sa kanyang pambababae.

Minsan naghahagalpakan ng tawa ang mga kasama dahil may binibida s'ya. " "Ito si Misis matindi talaga ito eh. Talo pa nito ang NBI. Kahit nga ang "Imbestigador" walang sinabi sa kanya. Pero iba tayo eh nakakalusot pa din. Minsan, mga ala una ng hatinggabi yon, lumabas ako ng bahay nasa kalsada na ako patawid na at ako'y may kausap sa kabilang kanto."

"Ayos na ayos na sana eh akala ko lusot na tuwang tuwa ako't nakalabas ako ng bahay na walang husstle yon pala pinatawid lang ako ng kalsada sabay sigaw ...hoy pasaan ka mangangaswang?" Bigla akong napabalik. Sabi ko sinilip ko lang kung may bukas na tindahan at bibili ako ng sigarilyo." NGunit alam naman n'ya na madaling magsara ang mga tindahan sa kanila, kaya alam n'ya na hindi naniniwala sa kanya si Marina

Ah, wala na yata talagang Pagbabago si Roy.Lumaki na lang ang bata ay ganun ng ganun ang ginagawa nito sa asawa. Ang kanilang relasyon bilang mag-asawa ay mas matagal pa ang pag-aaway kaysa ang magkabati. May pagkaflirt talaga si Roy sa babae. Basta may natipuhan tiyak di n'ya ito tatantanan. Nagsawa na rin si Marina. Hindi na s'ya gaya ng dati na sobrang naaapektuhan. Ngayon kung maapektuhan man s'ya'y dahil ayaw na lang n'yang mawalan ng ama ang anak hangga't maaari at masabi lang na hindi sila broken family. Gusto ring ipakita ni Marina sa mga kamag-anak at mga kakilala na kaya n'yang dalhin ang buhay may asawa.

Tumunog ang cellphone ni Roy, may nagtext, na curious si Marina. "pre kita tayo sa kanto may pinuntahan akong kaibigan malapit dito eh... "Arnold? si Arnold ang nagtext, hmmmm ngayon ko lang nalaman na may pare s'yang Arnold ah." Pinagising ni Marina si Roy kay yaya Jean para ipabasa ang tex message. Pero nauna na sa kanto si Marina kaya't ng hinanap s'ya ang sabi ni jean ay namalengke raw, tuwang tuwa si Roy walang problema pala.

Dalidaling nagbihis at pinuntahan si pare sa kanto pero si Marina ay pumuwesto na sa isang malapit na tindahan para di s'ya mapansin, Naka suot panlalaki, may sunglass na suot at nakasombrero't jacket. "Arnold pala ha tingnan ko kung sinong Arnold ka. "Ahah! Ito na ang asawa kung pogi. Wala talagang kakupaskupas. Arnold daw, baka Annie. Kaya ako talaga'y lubos ng naniniwala na hindi ka na magbabago. Kaya't ipapa sa D'yos ko na lang lahat itong mga kalokohan mo."

Ng dumating si Roy ay agad hinila ang babae at naghintay ng jeep. Pag para ng sasakyan ay humabol si Marina at sumakay sa unahan. Walang kamalaymalay yong dalawa na kitang kita n'ya ang mga galaw nila, ang pag-akbay ni Roy ang excitement nila sa isa't isa. Pag baba ng dalawa ay sinilip ni Marina kung saan pumasok ang dalawa at bumaba sa bandang unahan lang. "Duda si Marina na tirahan ng babae ang pinasukan ng dalawa kasi di naman kumatok kundi sinusian ang kandado ng pintuan. Ibig sabihin mag-isa ang babe sa tinitirahan. Solong solo nga naman nila't walang isturbo.

Pero di muna lumapit si Marina. Medyo tinantya n'ya ang oras para mahuli sa akto ang dalawa. Ilang sandali pa at lumapit na s'ya sa pintuan at kumatok. Di sya pinansin. Kumatok ulit di pa rin s'ya pinansin . Lalo s'yang nainis isip n'ya nagkakasarapan na ata kaya kumuha s'ya ng bato tumuktok ng malakas sabay sigaw, "kapitbahay sunog sunog kapitabahay." Pero pinalaki ang kanyang boses para di mabosesan ng asawa. Paulit ulit s'yang kumatok at sumigaw ng sunog.

Maya maya ay narinig nya ang lagitnit ng pintuan. "Bubukas na." Ito ang inanatay n'yang sandali. Alerto s'ya sa mangyayari. Pagbukas na pagbukas ng pintuan bago nakapagtanong ang babae ay naitulak na n'ya ito at tuloy tuloy sa kwarto kung saan andun yong kanyang asawa na pagkakita sa kanya ay talagang nagulat. Di n'ya akalain na nasundan s'ya ng asawa. Mukhang nagsisimula ng gumawa ng milagro ang dalawa. Biglang hinila ng asawa n'ya ang kumot at nagtalukbong ngunit mabilis na hinila ni Marina ito kaya napilitang bumangon ang lalaki at hinanap ang kanyang saplot.

Ang babae naman ay nagulat. Umalma pinapalabas si Marina. Ngayon lang n'ya naintindihan na naisahan s'ya ng babaeng kumatok. Nagulat s'ya ng sinabi ni Marina na s'ya ang asawa ng lalaking kanyang kaulayaw. Akala talaga n'ya ay may sunog. Nagsimula ng magmura kaya lang pinitsirahan ni Marina at tinakot na ipapakulong kasama ang asawa. At biglang kinuha ang cell phone n'ya at nagdial..."Hello pinsan punta ka dito..sigi, ok .i tex ko address sa yo." Pagkarinig ni Roy ay hinila na ang asawa palabas. Alam n'ya may pinsan talagang pulis si Marina at ayaw na n'yang abutan sila doon kaya pinilit ang asawa na umuwi.

Malaki laki na ang kanilang anak ngunit hindi pa rin nagbabago si Roy. Nagdaos na ito ng ika-sampung taon pero itinatago lang ni Marina ang ugali ng asawa. Tanggap na n'ya ang kanyang palad. MInsan dinadaan na lang n'ya sa biro pag nagtatanong tungkol sa kalokohan ng asawa
likas na nga ata sa kanya ang pagiging babaero. "Nagsawa na rin yata ang D'yos sa katatawag ko at kakadasal na magbago itong asawa ko. Nasa tao talaga kung gustong gawin at pagustuhan ang hinahanap ng katawan." Nagsawa na rin si Marina sa paulit ulit na pangako at paulit ulit na pag-uusap na kung hindi pa mahuli sa akto ay pakakamatyang itanggi. Sabi nga ni Marina sa asawa, hindi ka lang babaero, nuknukan ka pa ng sinungaling."

Hanggang isang araw ay nakaramdam s'ya ng paninikip ng dibdib. Ng makita ito ni Marina ay nataranta rin s'ya para sa asawa. Isinugod n'ya ito sa hospital

Bakit isinugod sa hospital si Roy? Ano ang mangyayari sa kanya?


------------------------------ ABANGAN ANG HULING BATO ------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...