Saturday, March 3, 2012
ANG KABIT 3
THE OTHER WOMAN 3
This is the moment that we will share love together.. I need some love, your love.....Onie
ANG KABIT
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/21/2012
ALAK
Ang alak ay iwasan
Dala ay kalasingan
Masama sa katawan
Sa utak kasiraan
Marami ang nalungi
Babae at lalaki
Pakatapos ay sisi
Nawala na ang puri
Kaya't huwag sumubo
Huwag maging palalo
Mag-isip mga sampu
At huwag likuliko
Ang alak ay masama
Pag nalango'y may tama
Gagawa ng masama
Ang sarili'y masira
IKATLONG YUGTO
Pagbabangpagbaba ni Gwen sa sasakyan ay napahinga itong malalim. Ngayon lang n'ya naramdaman ang kunting takot na namumuo sa kanyang dibdib sa pagsama sa isang lalaki na halos di nga n'ya lubusang kilala. Ngunit nagawa na n'yang sumama.Napansin siguro ni Onie na salubong ang kilay n'ya kayat agad kinuha ang bag na dala dala. "Do you like it here or somewhere?" "It's ok, no problem. I'm just a little worried..." "worried about what?" "No nothing, just don't mind me."
Inakbayan s'ya ni Onie habang naglalakad papunta sa room na kinuha nila. Pagdating doon ay medyo nailang si Gwen but Onie has some kind of an endearing charm that she can't resist. "Halika nga rito." Sinaklit n'ya ang dalaga, and in his arms, he embraced her tightly. "What's bothering you? Common, don't spoil our day. We're here to enjoy." At hinila n'ya si Gwen papunta sa kama at doon magkayakap silang humiga na akala mo ay totoong may relasyon. Pagkahiga ay binitawan ni Onie ang dalaga at tinitigan. Ngingiti ngiting tinanong. "Are you really afraid of me?" Tumango ang dalaga ngunit di makatingin kay Onie. Para s'yang napapaso sa mga titig nito na parang nanunuot sa kanyang kalamnan.
Sigi alam ko kaya ka ganyan kasi di mo alam ang tunay kong pagkatao. Mayamaya ay nagkwento si Onie. "Akala mo siguro ang saya ng buhay ko. I know I have money, fame, good looks, maybe I have so much to boost of, but then I lack the most important thing in life and that is my family. I admit I am a married man and have two kids. But they are in the USA and I live alone in my house." Gusto ng misis ko don tumira at don lumaki ang mga anak namin pero di ko maiwanan ang business na minana ko sa mga magulang ko kaya ganito ang set up namin.
Pagkarinig sa sinabi ni Onie ay gustong sumigaw ni Gwen. Ito na nga, ito na ang kinakatakutan n'yang katotohanan na takot s'yang itanong sa lalaki. Parang gustong sumabog ng kanyang puso. Gustong sumigaw. Ngunit anong karapatan meron s'ya. Pero nagpapasalamat na rin s'ya sa pagiging tapat ni Onie. At least sinabi n'ya kahit di pa s'ya nagtatanong. Pero ang sakit ng katotohanan. Parang ginutaygutay at pinirapiraso ang kanyang puso. Bakit nalaman pa n'ya. Sana hindi na lang, sana mas masarap yong pakiramdam na akala mo ay sarili mo ang iyong mahal. Ang sarap mangarap. It's just like building casstles in the air. Nothing more, nothing less.
Gustong tumulo ng kanyang luha pero pinilit n'yang huwag. Ano ang iisipin ni Onie kung malamang umiiyak s'ya. Kay dali n'yang umibig at sandali lang ay lumuha na agad. Hey, hey girl, why are you so quiet. Iniharap ni Onie ang mukha n'ya kahit pilit n'ya sana itong iniiwas. Ngunit napilitan s'yang isunod dahil naramdaman n'ya ang kagustuhan ng lalaki na matingnan ang kanyang mukha. At oo, tama nga s'ya umiiyak si Gwen, nasaktan sa nalamang katotohanan. Pagkat sa sandaling nagkasama sila ay napamahal na ang lalaki sa kanya.
Kung ano man ang nararamdaman ni Onie para sa dalaga ay s'ya lang ang nakakaalam. Pero ang sigurado ay masaya s'ya pag kasama si Gwen. Ang inosenting si Gwen na kakatapos lang masaktan sa unang pag-ibig, ang inosenting si Gwen na kahit sandali pa lang nagkakilala ay sumama sa kanya kahit saan n'ya dalhin, kahit may takot sa dibdib. Ang kawawang si Gwen, iiyak na naman ba matapos lumuha at matapos n'yang pasayahin mula kagabi sa party? Ang kawawang si Gwen.....saan patutungo.....
Pinahid ng lalaki ang tumutulong luha sa mata ng dalaga. I'm sorry. I didn't mean to hurt you but we met in this crucial part of my life, that i myself wasn't able to control my emotions when i met you last night. And in so short a time, I learned to like you and maybe to love you. If loving you is a sin , I rather commit that sin and ask God's forgiveness later. I know it's not proper to say this But God please forgive me.I can't even understand myself how I feel about you now. I just wake up this morning already wanting you in my life. And you did fill the emptiness which was left by my family. And I was happy being with you last night. And that's why I decided to invite you here so we could be alone and be together even for one day, kasi parang di pa ako nakuntento na magkasama tayo kagabi sa party.
Di kumibo si Gwen. Kung masaktan man s'ya ngayon ito ay dahil di n'ya muna kinilalang mabuti si Onie. Pero pagod na ang puso nya ayaw na n'yang lumuha. Di pa nga halos nagtagal ang pagdusa n'ya sa unang pag-ibig eto na naman. Puro lang ba pasakit. "Wala na bang kasiyahang akong mapapala sa buhay ko." Luluha na naman ba ako pagkatapos ng isang luha, wala na ba itong katapusan? Paghihimagsik ng kanyang kalooban.
Mayamaya ay dinampot ni Onie ang telepono at nag order. "Hello, yes 2 bottles of beer, pineapple juice, 2 chicken barbeque, 4 pork barbeque 2 coleslew and 2 rice. and 1 ice cream please. Pagkababa ng telepono ay biglang may naisip si Gwen, at biglang pinahid ang kanyang luha, nagredial sa telephone...gawin nyong 4 yong beer please. Nagulat man ay di na kumibo si Onie. Naiintindihan n'ya ang nararamdaman ng dalaga dahil naikwento na nito ang kanyang buhay kagabi. Ng dumating ang inorder ay nakiramdam lang si Onie kung marunong ngang uminom si Gwen. Pero nong mkita n'ya na parang di marunong ay pinaalalahanan n'ya. Marunong ka ba talagang uminom? Hinayhinay lang baka malasing ka magswiswimming pa tayo. Di kumibo si Gwen. Basta pinagpatuloy lang ang pag-inom.
Ilang sandali lang at medyo naging matabil na ito. Nagsimula ng magkwento ng tungkol sa buhay n'ya. "Alam mo ba yan si Joel, walang kwenta yan, mabuti na rin at napikot s'ya. Wala akong dapat pagsisihan . Tingnan mo nga ilang buwan lang akong naging busy dahil sa preparasyon sa pageant. Kung tutuusin nagkakausap naman kami sa telephone, pero yon pala may pinagkakabisihan din. Ang sakit pero wala akong magagawa. Kinausap n'ya ako at nagsisisi raw s'ya pero kahit iluha n'ya lahat ng tubig sa katawan n'ya kasama ang kanyang dugo, may magagawa pa ba s'ya? A thing done cannot be undone. Ginusto na yon, so be it.
"Lipat kaya tayo don sa pool, mas masarap uminom doon at di tayo agad malalasing." "Ok sigi kung yon ang gusto mo eh, common." At tumayo na si Gwen. Nong una medyo nahiluhilo yata kaya medyo gumewanggerwang ng kunti. Di naman talaga s'ya sanay uminom. She is just a social drinker at hindi tunay na tumador. Pero gusto n'yang uminom ngayon at malasing . Gusto n'yang manawari'y maibsan ang samutsaring sakit na nararamdaman sa dibdib.
Nagbihis na ng pampaligo ang dalawa. Nauna si Onie na nagpalit ng swimming trunks at halos maloka ang dalaga pagkakita sa malapusang balahibo na nakahilera sa dibdib ng lalaki. Ngunit di s'ya nagpahalatang namangha. KUnyari di n'ya ito tiningnan para di s'ya pag-isipan. Nagbihis na din si Gwen at dahil kagagaling lang sa beauty contest kaya talagang in good shape s'ya. Pero kung s'ya ay nahihiyang ipakita ang paghanga, si Onie ay kaiba. "Wow, ang maladyosang kagandahan. Ang seksi mo talaga. Kakabaliw ka. At biglang hinapit ang dalaga palapit sa kanyang katawan. At niyakap,mahigpit. Ngunit biglang bumitaw, "Halika na nga... don na tayo sa pool."
Parang magboyfriend na magkahawak kamay pa papunta sa pool ang dalawa. Ang makakakita ay maniniwalang sila'y may relasyon ayon sa kanilang mga kilos at tinginan. Pagkakita sa Pool ay tinanggal agad ni Gwen ang kanyang manipis na damit, naiwan ang two piece na bumagay sa kanyang kulay, at umupo sa gilid ng pool at nilarularo ang kanyang mga paa sa tubig. Nararamdaman niya ang lamig na dulot nito na nakikipaglaro sa kanyang mga paa. Hayyy kay sarap magtampisaw. Nakakalimutan mo ang mga hang-ups sa buhay. Yong lamig na nararamdaman sa paa ay umaakyat at parang nakakabura ng mga alalahanin at mga pighati. "Ito nga ang kailangan ko".
Mayamaya ay lumapit sa kanya si Onie dahil sa nararamdamang pag emote n'ya. Umupo rin sa gilid ng pool at dumikit sa kanya. Nilarularo din ang tubig hanggang sa patulan ang nangungumbidang lamig na dulot ng tubig sa swimming pool. Biglang nagdive si Onie at dulot nito ay nagtilamsikan ang tubig sa mukha ni Gwen at iyon ay hudyat para hilahin n'ya ang dalaga papunta sa pool. At pagbagsak ng dalaga ay sakto sa dibdib ni Onie na sadyang nakahandang kupkupin ang katawan ng dalaga. At muli naglapat ang kanilang mga dibdib. Pero mas masarap ngayon dahil sila'y basa. Pero bago mailang ang dalaga ay binitawan ding kusa ni Onie. Di n'ya hahayaang mabigla si Gwen at tuluyang matakot sa kanya.
Sandali lang lumangoy langoy, nag sabuyan ng tubig na parang mga bata, naghagikhikan, mayamaya'y naghahalakhakan na at nakipaghabulan kay Onie.Ng magsawa ay umahon at kinuha ang kanyang baso at nilagyan ng beer. "Kaysarap magswimming habang umiinom. Nararamdaman mo yong kunting hilo pero tama lang at di ka malalasing dahil sa hangin." Sumunod si Onie kumuha ng barbeque at pilit sinubuan si Gwen na halos di kumain bago uminom. "kumain ka, masama ang umiinom ng walang laman ang tiyan, mas madali ka tatablan", aniya sa dalaga.
Umalalay lang sa pag-inom si Onie. Nag-aalala s'ya sa nakitang pag-inom ng dalaga. Inom ng gustong lunurin ang sarili sa alak. Nakapag-order na nga ulit s'ya ng apat na bote. Pero wala s'yang magawa. Mukhang ayaw paawat ng dalaga. At alam n'ya ang rason. Kasama ang ipinagtapat n'ya kanina na s'ya ay may asawat mga anak. Katotohanang di naman kasalanan dahil buhay n'ya yon dati pa. Ngunit ano ang kanyang gagawin. Di n'ya maiwasang mahalin si Gwen na sa sandaling oras nilang magkasama ay sobrang lakas ng hatak sa pagkatao n'ya.
Nakabalik na sila sa kwarto ng bandang hapon. inaalalayan na n'ya ang dalaga sa sobrang kalasingan. Umiekis na ang kalsada sa paglalakad nito at magulo na rin habang inaakay n'ya. Iiling iling na lang si Onie na halos maawa sa babaeng nagkaroon na rin ng pitak sa kanyang puso kahit sa maikling panahon. Pagdating sa kwarto ay inalalayan n'ya papuntang banyo para makapagshower at hanggang makapagpalit. Nagsuka pa nga Pero mas natuwa s'ya para mabawasan ang kalasingan nito. Bago makatulog si Gwen ay omorder ng paracetamol si Onie at pinainom n'ya ito para maiwasan ang sobrang hang over paggising. Pabagsak na humiga sa kama at pagkakulit kulit. Nandoong lapirutin ang ilong ni Onie o kaya ay akapin ito at tanungin kung may gusto sa kanya. Sadyang ang lasing nga'y walang gawang magaling. Pero nakakatuwa naman yon para kay Onie. Di n'ya magawang magalit sa dalaga lalo nga ngayon at lasing.
Kung ano ang mangyayari sa dalaga sa buong magdamag dahil sa kanyang kalasingan kasama si Onie ay di natin alam. Pagkaayos kay Gwen ay naligo na rin s'ya at naghanda sa pagtulog. Pagkatapos ay pinatay na ang ilaw at nahiga na rin. Pano na si Gwen? Ano ang gagawin ni Onie? May lakas kaya s'ya para pigilan ang sarili sa nakahain na kaligayahan? Kapagdakay halinghing na lang ang maririnig sa karimlan. Sabi nga..."there's no honest man in the dark".....
---------------------------------- A B A N G A N ------------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment