Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 15


THE OTHER WOMAN 15
“I'm home and safe and filled with the comfort of being somewhere I've already been. The ruckus of homecoming is brutally enjoyable and everyone makes me feel like a champion. And all I had to do was stay away long enough.” (Miguel Syjuco, Ilustrado)

BAYAN KO

Bayan kong Pilipinas
Ilang tao'y lumipas
Ba't ngayon lang namalas
Kayganda palang likas

Wala palang gaganda
At wala ng sasaya
Kung saan ka nagmula
Doon ka liligaya

Pero ba't isang araw
Ay bigla kang sumigaw
Biglang umalingawngaw
Isip mo ay naligaw

Umalis ka ng bansa
Iniwan ang kawawa
Ang ulo ay nasira
Iba ang nag-alaga

Kahit saan pumunta
Ang isang mahalaga
Pamilya'y sama-sama
Ng hindi magkasala

Minsan tao'y marupok
Pag may d'yablong kumatok
Isip na inaantok
Papatulan ang hayok

Kaya't tayo'y magdasal
Lakasan pa ang usal
Piliting maging banal
Ng huwag maging hangal

IKA-LABINGLIMANG YUGTO

Pagdating ng mga bata ay may nakahanda ng masarap na meryendang ginawa si Onie. Gusto n'yang pagsilbihan ang mga anak n'ya at si Liezel. Gusto n'yang ipadama sa mga ito ang kanyang pagmamahal at kung paano n'ya namiss ang kanyang pamilya. Sadyang nagbago na nga s'ya at nabalik ang pagmamahal sa pamilya na muntik ng maagaw dahil sa isang pagkakamali. "Wow, that's my favorite, sabi ng kanilang panganay ng dumating. Gosh, I've missed that Dad, dugtong din ng kanyang bunso. Nag-agawan sa pagdampot kahit marami ang ginawa ng ama kaya nagtawanan ang mag-asawa sa katakawan ng dalawang bata.

Nakalimutan n'ya itong lutuin noong nasa Pilipinas sila dahil siguro sa maraming alalahanin na nagdaan. Pero nakakatuwa ang inihanda n'yang meryenda kahit matrabaho. Ang importante maligaya ang pamilya n'ya kahit s'ya mahirapan. Pinagulungan n'ya ang loafbread ng roller hanggang sa numipis ito, pinatungan ng manipis na square ham at ibinalot sa hotdog pagkatapos sinawsaw sa binating itlog at ginulong sa bread crumbs na may kunting asukal pagkatapos pinirito sa deep oil. At lokong loko ang mga bata pag nagluto ang ama nila nito. At siyang siya naman ang ama na makitang nag-aagawan ang mg anak sa kanyang niluto.

Ng mangabusog ay naghabulan ang dalawa hanggang makaabot sila sa labas at nagtatawanan, at gaya ng kanilang ama't ina ay nagbatuhan din ng snow, ngunit palibhasa'y mga bata ay sobrang likot, hanggang sa magkagulung gulong na sa snow, kayat ng makita ni Liezel ay hindi na nagtaka. Palibhasay silang dalawa lang ang naglalaro ay hinahayaan na lang ng ina para hindi mabagot ang mga bata.

Ng gumabi ay nagluto naman si Onie ng kanyang specialty. Sweat Ham and lettuce salad savored with thousand islands. And soup from broth of meat. Tuwang tuwa si Liezel sa ginagawa ng asawa. Ramdam na ramdam n'ya ang pagmamahal nito kaya pinabayaan lang n'ya kung ano ang gustong gawin nito. Mukhang nag-eenjoy naman si Onie dahil hindi n'ya ito nagagawa sa pilipinas dahil marami s'yang katulong doon. Mas lalong hindi rin dito dahil yearly lang s'ya kung pumunta rito

Pero alam n'ya hindi ito ang talagang buhay ni Onie. Iba ang mundong kinalakihan n'ya at iba ang mundong ginagalawan n'ya ngayon. Malaking tao na si Onie kung tutuusin sa larangan ng business. Ito ang dahilan kung bakit nag-paiwan s'ya dati sa Pilipinas. Pero mukhang susubukan n'ya ang buhay kasama ang kanyang mag-ina na mas ginustong magmigrate dito sa Amerika para mag-aral at lumaking mas angat sa iba ang kanilang mga anak. Gustong ipakita ni Onie na kaya n'yang iwanan ang lahat ng iyon para sa kanila.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan muna ang mag-anak bago sila matulog. Akala ng mag-ama ito ay simpleng usapan lang pero sila ay nagulat sa tanong ni Liezel. "Who wants to go back to the Philippines and stay there for good? Nagulat ang mag-ama. Biglang nagsigawan ang dalawang bata. "Yes of course we like it there. we've been talking about it when we were there. In fact we asked Dad about it but he refused and told us you don't like the idea Mom.

At sabay sabay nagtaasan ng kamay ang mga bata na akala mo nagbubutuhan at hinila ng panganay ang kamay ng ama upang itaas din. Ng makita ni Liezel na nakataas ang mga kamay ng kanyang mag-ama ay itinaas din n'ya ang sa kanya at lahat sila ay nag-akapan at maluhaluhang nagkatawanan na akala mo ay nagwagi sa isang kompetisyon. Ang saya ng bawat isa at nagpuntahan sila sa kanilang kwarto na nagagalak ang mga kalooban. Excited sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Kinabukasan ay gumayak silang maaga at pinuntahan ang school ng mga bata para asikasuhin ang pagtransfer sa Pilipinas. Handa na sila kahit ano pa ang mangyari ang importante ay makauwi sila at magsimula ng panibagong buhay kung saan sila nagmula at kung saan palagay nila ay mas magiging masaya at kumportble ang buong pamilya. Bumili na rin sila ng Plane ticket. Kinausap din ni Liezel ang isa n'yang kapatid na binata na nasa Amerika din kasama ng kanilang pamilya para s'ya ang tumira doon sa kanilang bahay. Ang kanyang negosyo naman ay iniwan na lang sa kanyang ina.

Kinuha nila ang pinakamaagang araw na pwede nilang iuwi. Sabik na silang mag-anak na maranasan ang bagong bauhay na sama sama silang pamilya na tatlong taon ding nawalay sa isa't isa. Ngunit ang pinakamasaya sa lahat ay si Onie. Dahil maliban sa napatawad na s'ya ni Liezel ay makakasama pa n'ya ang kanyang mag-anak sa sariling bayan kung saan andoon ang negosyo nila. Akala ni Onie ay magiging mahirap ang lahat para sa kanya. Pero naisip din n'ya na baka sa pag-uwi nilang ito ay maging problema n'ya ulit si Gwen. Pero bahala na lang ang importante sa kanya ay ang kanyang pamilya.

Tumawag si onie kay Loida na ipasundo sila sa Airport at magpahanda ng masasarap na pagkain para sa pamilya. Nagulat man si Loida ay hindi na nagtanong. Masaya din s'ya na babalik sa Pilipinas ang kanyang Ma'am Liezel. Ibinalita din ni Loida kay Liezel na tumawag sa kanya si Gwen at tinatanong si Onie ngunit sinabi n'ya na ito ay sumama sa Amerika sa kanyang mag-iina. Ng malaman ito ni Onie ay nakiusap sa asawa na kung maari ay hayaan s'ya na makipag-usap kay Gwen para my closure ang kanilang paghihiwalay pero gusto nito ay kasama si Liezel para wala na itong alalahanin. Pumayag naman si Liezel na isama s'ya at para hindi na rin s'ya mag-isip at simulan na naman ng kanilang di pagkakaintindihan ng asawa.

Bago sila umalis ng Amerika ay nagsimba muna ang mag-anak at nagpasalamat sa D'yos at nagpasalamat din sa pagkanlong ng Amerika sa kanila sa loob ng tatlong taon. Kay ganda ng alaala nila sa Amerika ngunit nag-iwan din ng malulungkot na kwento dahil nagkalayo sila ng asawa sa loob ng tatlong taon at dito nagsimula ang problema. Nagdasal din si Onie ng taos sa puso na sanay patawarin s'ya ng D'yos at tulungan ang kanyang asawa na lubusan ng makalimutan ang kasalanan n'ya dahil kahit paulit ulit silang mag-usap at magkapatawaran may mga oras na naaalala pa rin nila at nagpapabalikbalik ang mga alaala at ang mga hinanakit. Sana nga matapos na ang lahat.

Ang pagbabalik nila ng Pilipinas para kay Onie ay hudyat ng Langit para balikan n'ya ang kanyang pananagutan. At desidido na rin s'ya para matapos na ang lahat. Pinaplano na n'yang makipag-usap kay Gwen ngunit sa harap ng kanyang asawa. Kung anuman ang ipagpalagay ni Gwen sa kanya dahil kasama n'ya si Liezel sakaling makipag-usap sa kanya ay wala na s'yang pakialam kahit pa nga sabihin nito na duwag s'ya ay hindi na n'ya bibigyang pansin. Ang importante sa kanya ay ang maproteksyunan ang damdamin ng asawa na nasaktan n'ya mula pa ng nalaman nito ang kanyang ginawa.

Ngunit bago pa ito mangyari ay nabalitaan ni Onie galing kay Loida na si Gwen ay naghahanda na ng passport para mangibang bansa at pinapapunta ng kanyang bagong boyfriend na nakilala n'ya sa internet. Hindi man aminin ay natuwa na rin si Liezel sa nabalitaan. At wala na yatang interest si Gwen na makipag-usap pa kay Onie dahil naging busy na rin sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles.

Napailing iling na lang si Onie sa nalaman. Ngayon lang n'ya naisip kaya pala napakabilis n'yang naisama si Gwen ay sadyang ganun ang karakter n'ya. Napakabilis n'yang magpalit ng lalaki sa buhay. At naalala n'ya noon nga palang unang makilala n'ya si Gwen ay ilang araw pa lang itong nakipagbreak sa kanyang boyfriend dahil napikot ang lalaki. Ngunit ng makilala s'ya ay agad nakipagrelasyon ito sa kanya. Siguro nga iyon ang paraan ni Gwen para hindi masaktang masyado. Ang makipagrelasyon agad pag natapos ang isang relasyon. Pagkatapos ito lang ang ipapalit n'ya kay Liezel? Ang laki nga n'yang hangal.

Naging masayahin na ulit si Liezel at naging malambing na ulit kay Onie. Pinayagan na rin ang asawang magreport ng regular sa kanyang opisina at marami na itong nakaligtaan mula ng una pang umuwi sila. Puro tawag lang sa opisina ang ginawa ni Onie magmula noon ngunit ngayon ay malaya na s'yang nakakaalis ng bahay ng mabalitaan kay Loida na aalis ng bansa si Gwen dahil sa bagong boyfriend.

Ng hapon na yon ay nagmamadaling dumating si Onie. Pagkagaling sa opisina ay pinabihis n'ya si Liezel. "Hon, dress your best, we're going somewhere." "We'll go night clubbing and have some fun. How would you like it?" "Of course I do, anywhere you wish as long as I'm with you." At sabay kumindat sa asawa tapos umakyat na para magbihis. Ng bumaba si Liezel ay humanga ang asawa sa pagdadala nito ng damit, seksi pa rin talaga si Liezel kahit nagkaanak na dahil maalaga din sa sarili "Great! That's my wife. You really dress well and classy."

Pagdating nila sa nightclub ay hinila ang chair para makaupo ang asawa pagkatapos omorder ng maiinom si Onie. Ng tumugtog ang isang malamyos na tugtugin ay tumayo ito at humarap kay Liezel, nilagay ang kaliwang kamay sa likod samantalang ang kanan ay inabot ang isang kamay ni Liezel at yumukod sabay sabi, "Hon may I, at pumagitna na sila at sumayaw na akala mo sila lang ang tao sa mundo. Napansin lang ni Liezel parang sila lang dalawa ang sumasayaw sa gitna ng kukutikutitap na mga liwanag ng ilaw.

Ngunit wala s'yang pakialam. Sa loob loob n'ya di naman s'ya kilala ng mga taong nandodoon kay inihilig n'ya ang kanyang ulo sa balikat ni Onie na para bang silang dalawa lang ang nandodoon. Pero parang gusto n'yang isipin na parang may kakaiba at para bang sa gitna ng mga kukuktikutitap na ilaw ang mga mata'y nakatingin sa kanila. Kaya lang iniisip n'ya di naman siguro, not unless nagandahan sila sa suot n'ya. Yabang n'ya sa sarili. "Bahala kayo kung ayaw n'yong sumayaw."

Pagkatapos ng tugtog ay nagulat si Liezel kung bakit bumukas ang lahat ng ilaw ay hindi pa sila nakakaupo at biglang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Hindi n'ya alam ang mga nangyayari at uupo na sana sabay hila sa kamay ni Onie ngunit pinigilan s'ya ng asawa sa kamay at parang hindi naman nagulat sa mga nangyayari. Ng igala n'ya ang kanyang tingin ay may nahagilap s'yang isang pamilyar na mukha ngunit inisip n'ya baka nagkamali lang s'ya o kaya kamukha lang. Umikot pa ulit ang mata n'ya at unti unti naramdaman n'ya na parang puro kakilala n'ya ang kanyang nakikita at hindi simpleng kakilala kundi mga malalapit n'yang kaibigan.

At sa gawi pa roon sa bandang pinakagitna ng club sa may center stage ay may nakasulat....

"WELCOME BACK LIEZEL"
and children

at may nakalagay na malaking pulang puso na ginawang background sa stage. At bago pa s'ya makapagsalita at makapag react sa pagkagulat sa mga nakikita n'ya ay hinila ng asawa ang kanyang kamay at dinala s'ya doon sa gitna ng stage. At nagpalakpakan ulit ang mga tao.

Maya maya ay may Lumapit na isang magandang babae na may dalang maliit na cake ngunit hindi kandila ang nakalagay sa taas nito kundi isang box na maliit at ng binuksan ni Onie ay sabay lumuhod sa harapan ni Liezel...will you remarry me? Isa palang napakagandang singsing ang regalo ng asawa sa kanya. At mas lalong malakas ngayon ang palakpakan. "Yes of course Hon, I will." Ang nakangiting si Liezel panay ang punas ng luha. Ramdam na ramdam ang mga effort ng asawa na bumawi sa kanyang mga kasalanan. Tumayo si Onie at hinagilap ang kanyang mga labi upang gawaran s'ya ng walang kasing tamis na halik na puno ng pag-ibig.

"Speechless talaga ako. Kanina pa di ako makapaniwala sa mga nakikita sa paligid. Ang aking ilang kaklase sa college, mga kaibigan at mga kapitbahay na malalapit sa aking puso at ngayon isang singsing?" Maya maya ay may lumapit na dalawang gwapo, ang kanyang mga anak kasama si Loida at iginiya ang mga bata papunta sa kanya at iniabot ang mga dalang red roses. At excited na humalik ang mga ito sa kanya. Maluhaluhang inabot ni Liezel ang mga bulaklak galing sa kanyang mga anak . "Thank you kids, thank you.

At muling tumugtog ang musika. At pinabayaan nilang sumayaw ang mag-asawa. Maya maya ay isa isa na ring nagsayawan ang mga kaibigan At tuloy na ang kasiyahan. Kaysaya ni Liezel, at pagkatapos sumayaw ay may announcement si Onie. "Guys sa araw ng mga puso, ten days from now, kumbidado ang lahat. Magpapakasal kaming muli at sama sama tayong i celebrate ang Valentines day at ang aming renewal of vows, parang isang garden Wedding ang mangyayari at sa amin mismong bahay gaganapin." Yon ang nais ni Onie na ihandog sa asawa sa araw ng mga puso. At walang mapagsidlang kasiyahan ang asawa sa narinig.

Tuwang tuwa si Liezel sa sinabing yon ng asawa at pakiramdam n'ya ay mas lalo pa yata s'ya ngayong minahal nito.Ng makauwi sa kanila at magkasarilinan ay tinanong ni Liezel kung bakit naisipan yon ni Onie. Isa lang ang sagot nito sa kanya. "Gusto kong sa pamamagitan ng renewal of vows ay maibalik ang kasagraduhan ng ating kasal na nadungisan ng isang pagkakamali. At sila'y nakatulog habang nagkukwentuhan. At nakatulugan ni Liezel ang mga ngiti sa labi.

Tuluyan na nga kayang maging maayos ang lahat sa mag-asawa? Sana nga ay matuloy na ang pag-alis ni Gwen.....

------------------------- ABANGAN ANG HULING YUGTO -------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...