Saturday, March 3, 2012

ANG KABIT 4


THE OTHER WOMAN 4

In the darkest time of my life, I dreamed of a beautiful future far from what I thought destiny has brought me.....

ANG KABIT:
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/21/2012

GABAY

Binigyang pang-unawa
Galing pa kay Bathala
Bakit ta'y nagkasala
Tao'y matigas sadya

Sana'y huminging gabay
Kasama ang patnubay
Kailangan sa buhay
Ng isip di mabuay

Kung buhay ay magulo
Ayusin natin ito
Humingi ng saklolo
Sa D'yos na makatao

Pag-ibig ay di laro
Iluwa pag napaso
Sarili ay ilayo
Ng hindi mapasubo


IKAAPAT NA YUGTO:

"Salamat at nakatulog na." Pero ok lang, di ako nagsising inaya ko sya rito. At least. Nagkakilala kami ng husto. Habang natutulog si Gwen ay nakita n'ya lalo ang angking kagandahan nito, ang alindog na hindi palalampasin ng sino mang lalaki. Pero para sa kanya hihintayin n'yang buluntaryong ipahayag ni Gwen ang kanyang pagmamahal. "Hindi sa ganitong sitwasyon at pagkakataon. Para mo na ring niloko ang tao o kaya inisahan"

Naglagay ng higaan sa lapag si Onie para walang masabi si Gwen sa kanya
kapag nagising. Mas gusto n'yang ipakita sa dalaga na kahit s'ya lasing ay
nerespeto n'ya at inalagaan. Ng magising ay naawa s'ya sa lalaki at nahiya.
Biro mo nga naman nagtiis s'ya sa sahig at si Gwen ay solo sa kama.Tumayo na lang s'ya at ginising ang lalaki para palipatin sa kama. Pakiramdam n'ya sandali pa lang itong nakatulog.

Medyo, nag-alala sa sarili ng marealize na andito s'ya sa sitwasyong ito.
Nakainom s'ya kagabi at di alam kung ano na ang nangyari noong lasing na s'ya. Pinakiramdaman ang sarili pero ng maramdaman na parang ok naman s'ya at wala namang dapat ipag-alala ay medyo natahimik ang kalooban. Medyo mabigat lang unti ang pakiramdam pero mas magaan sa dapat asahan.

Nang magtatanghali ay nagising na rin si Onie. Si Gwen ay nanood na lang ng
TV habang hinihintay na magising ito. How are you? I'm fine, except that I was worried about you last night. Medyo nahiluhilo rin sa nainom kagabi. Pero di na lang nya pinansin. "Hanap tayo ng masarap na kainan mamayang tanghalian para maibaiba naman at makapasyal ng unti para tuluytuloy uwi na mamaya." "Ok, you're the boss."

"Sorry ha." "Sorry for what?" "Pasaway ako kagabi, I know and I could sense
kahit di ko matandaan lahat." "oh common, don't worry, I understand, nothing
to worry about." "I enjoyed also." "Enjoyed what?" "Playing with you last
night in the pool. Didn't you remember?" "Ah ok." Lumapit si Onie kay Gwen
at hinawi hawi ang buhok, sinuklay suklay ng kanyang mga daliri at ngingiti
ngiting parang nakakaluko. "Don't worry, I know what you're thinking, just relax, I'm not what you think." "No, no, don't think that way, don't get me wrong." At humarap s'ya kay Gwen ipinatong ang bawat kamay sa magkabilang balikat. "You're so lucky girl." That's how I care for you. Maybe next time, when you are emotionally and mentally prepared."

Di kumibo si Gwen sa sinabi ni Onie. Hindi n'ya alam kung ano ang susundin,
isip ba o ang tawag ng damdamin. Ngunit naisip din n'ya tama si Onie kung sa
iba yon ay baka hindi n'ya magugustuhan ang mga mangyayari lalo't wala s'ya
sa wisyo kagabi. Pero di rin n'ya maintindihan ang sarili kung ano ba talaga
ang dahilan at sumama s'ya sa lalaki. Tumatakbo ba s'ya sa sakit ng nagdaang
pag-ibig o nasasabik din s'ya sa pag-ibig na ngayon lang n'ya naranasan. Ang
marangyang buhay na ngayon lang n'ya natikman. Ang mamahaling restaurant na kinainan nila, ang pag shopping ng mga gamit n'ya para lang matuloy ang
kanilang lakad. Ang hotel, na tinuluyan nila, ang pool na ngayon din n'ya
naranasang languyan, ang mahalin o kahit magustuhan lang ng isang mayaman at napakagwapong tulad ni Onie. Pero dapat ba itong ipagmalaki ng isang katulad ni Gwen? Kahit na alam n'yang may asawa na ang lalaki?

Pagkahatid sa kanya ni Onie ay panibagong pagsisinungaling na naman ang kanyan gagawin. "Ibaba mo na lang ako sa kanto bago lumiko sa street namin" "Bakit?" "Kasi baka magtaka sina Mama. Ang sabi ko mga kaibigan ko ang aking
sasamahan. Alam naman n'ya wala akong kaibigang mayaman." "Ok, kung yan ang makakabuti sa 'yo. Pero next time ipakilala mo na ako sa parents mo ha."
Tiningnan lang s'ya ni Gwen ng may pagdududa. "Really, I mean it."

Halos maggagabi na ng dumating si Gwen sa kanila. Nandodoon ang kanyang mga magulang sa sala sigi ang paypay. Ang mga kapatid naman ay sa labas. Pero walang ilaw sa loob ng bahay nila. Di na nagtataka si Gwen. Paulit ulit na
senaryo na ito sa bahay nila mula pa ng s'ya ay magkaisip. Ibig lang sabihin, naputulan na naman sila ng kuryente. Nakunsensya tuloy s'ya. Habang
nagpapasarap s'ya sa hotel at nakasakay sa magarang sasakyan at kumakain ng
masasarap na pagkain ng mayaman, heto ang pamilya n'ya nagtitiis sa dilim at
napapagod magpaypay. Pagpasok n'ya sa kusina ay naamoy ang tuyo na bagong
prito sa uling at ng buksan ay lilimang piraso at ang kakain ay silang lahat, magulang n'ya at 4 na kapatid. Nakita din n'ya ang 2 wrapper ng noodles at luto na rin para dagdag ulam. Napailing na lang s'ya, halos tumulo ang luha sa kahirapang kinalakhan na.

Ito ang dahilan kung bakit nagpursige ang dalaga na makatapos ng pag-aaral.
Kakatapos lang n'ya ng management. Pero di agad nakapag-apply ng trabaho
kasi lumaban pa sa beauty pageant, di nga lang pinalad. "Ah sana tawagan na
ako ng kompanyang inaplayan ko. Ang hirap ng laging ganito. Nakakaisip ka
tuloy ng kung anu ano sa buhay." Halos di makatulog si Gwen ng gabing yon,
lahat naman sila, sa sobrang init. Maghahanap pa ng paraan ang mga magulang
n'ya bago ito masolusyunan. Baka medyo matagaltagalan pa. Sa hirap ng buhay
ngayon, bihira na ang nagpapautang sa kanila dahil pareparehas lang ang mga
problema ng mga tao sa kanilang paligid.

"Umaga na naman, sana bagong pag-asa, ngunit paano mo masasabi na bagong
pag-asa ang hatid ng umaga kung ganitong sa tuwing gigising ka ay puro problema ang iyong magigisnan. Walang makain, walang kuryente, walang boyfriend. Umiling iling na lang si Gwen. Pero ng maalala si Onie at ang habulan nila sa pool ay biglang nangiti. Naalala n'ya yong kapilyuhan nito pag inabutan s'ya ay biglang ihaharap ang mukha n'ya sa mukha nito at akmang hahalikan s'ya ngunit di naman pala at makikipag nose to nose lang pala. Andoon yong
lalakadlakad kunyari sa gilid ko at padeadma yon pala ay itutulak ako sa
pool at susundan n'ya rin ng dive kasi alam n'ya di ako sanay lumangoy.

"Hay, na miss ko tuloy ang loko. Sa isang banda nakatulong s'ya sa paglimot
ko kay Joel. Pero di ko alam kung saan patutungo ang lahat ng ito. Saan nga
ba Lord?" At tumingala s'ya sa langit na para bang naghihintay ng kasagutan.
Litunglito na po ako. Halos magsuntukan na ang utak ko at puso. Gusto kong
magpakatalino at turuan ang puso ko na mali itong ginagawa ko. Kaya nga lalo
akong di nakatulog kagabi. Ngunit sa kabila ng aking utak ay andon yong isang
parti na nagsasabi na magpakatalino ako para sa pamilya ko. Ah, lalo yatang
naging kumplikado. Makapagkape nga muna baka magsamasama ang dalawang bahagi ng utak ko at magkasundo.

Habang s'ya'y nagkakape ay biglang tumunog ang CP n'ya. Hmmm itong CP na to
kahit papano may pakinabang din. Nakakahiya na nga lang ilabas. "Hello, yes,
ah ikaw pala." "KUmusta ka na?" "OK lang naman, wala pa ring pagbabago mula
maghiwalay tayo kahapon hehehehe." "hehehe oo nga pala ano kahapon lang.
Kakarating ko lang sa office. As usual maraming trabaho. Naisip ko nga
naghahanap ka pala ng trabaho, how about working with me ok lang ba sa 'yo?

It's high time maybe that I get someone who can help me here maliban sa mga
staff ko. Let's say private secretary maliban sa executive secretary ko. I'll give you a good salary and you have to start beginning tomorrow. Ok, see me tonight for the details. Sunduin kita d'yan mamaya be ready before 5. Hello, are you still there?" "oh yes, I am. I heard you loud and clear. I'll gonna be ready before 5." "Ok that's fine."

Pagkababa ng CP ay napaisip s'ya. Dapat matuwa si Gwen sa magandang balita.
Aaayaw pa ba s'ya sa magandang trabahong inihahain sa kanya. Pero kanina pa
nagtatalo ang kanyang 2 parti ng utak, talino sa talino. Iiwas s'ya sa maling dikta ng puso? Ok di nya susundin ang puso n'yang nagsisimulang magmahal kay Onie Ngunit paano ang dikta ng pangangailangan ng kanyang pamilya. Ito na naman mag-aaway naman ang kanyang 2 bahagi ng utak nagpaubaya na ang puso ngunit paano ang material na pangangailangan ng pamilya n'ya?

Bukas, makakapagsimula na s'ya at posibleng mabago na ang takbo ng buhay ng kanyang pamilya ngunit ang katiyakan na mahuhulog na s'ya sa isang patibong na kung hindi man sinasadya ni Onie ay ganun na rin lumalabas sa nangyayari sa buhay n'ya. "Ah, ano ba to, bahala na lang. Kaysa pahirapan ko ang sarili ko, maglaba na lang muna kaya para mapakinabangan naman ako ni Mama kahit papano. Baka gumaan ang pakiramdam ko kaysa mag-isip maghapon."

I'll cross the bridge when I'm there." "Pag nag-usap kami ni Onie at saka pa
lang ako magdecision. Mahirap mag-isip" Pagkatapos maglaba ay nagpahinga
s'ya hanggang sa makatulog. Hapon na ng magising at naghanda sa pag-alis.
"Ma may inooffer na work sa akin, tingnan ko po kung magkakasundo kami.
Magkikita kami mamaya, dadaanan daw po ako dito para makapag-usap kami ng
maayos." Tiwala naman ang magulang n'ya sa kanya. Dati kasi kinikwento n'ya
ang mga detalye sa buhay n'ya pero ito ngayon nahirapan s'ya kung paano
sisimulan sa ina ang paglalahad ng buhay ni Onie. Maiintindihan ba lahat ng
kanyang ama at ina kung sakaling malaman ang kagagahang pinapasok n'ya?

Bago nga mag alas singko ay lumabas ng kalsada si Gwen at doon na hinintay
ang sundo n'ya. As usual tinginan ang mga usyosero. Ngayon lang kasi may
nagawing magandang sasakyan sa lugar nila. Pagtapat sa kanya ay sumakay agad si Gwen para di na masyadong makatawag ng pansin. Kumain muna sila sa isang pribadong kainan. Ganyan talaga ang mayayaman. Ayaw nila sa magugulong lugar. Gusto nila cozy place. Natutuwa si Gwen na kumain sa mga ganitong lugar pero naiilang din kasi di sanay at minsan naiisip din n'ya parang gumi give in na s'ya sa mga kagustuhan ni Onie. "Sana lang, kung binata lang s'ya wala sanang ganitong agam agam."

Habang kumakain ay pinag-uusapan nila ang offer na trabaho kay Gwen. Madali
lang naman ang work mo. You work hand in hand with my executive secretary.
Makakasundo mo s'ya. Trusted ko yon and she has been with me for the last 10
years. Binanggit na rin kita sa kanya kanina so tomorrow sa kanya ka
rereport at bahala na s'yang mag-orient sa yo ng magiging trabaho mo. First,
I'll give you P15,000 as starting salary and 6 months probation period. Plus
allowances Then after 6 months you will get P18,000 once regularized plus allowances. Maybe that would be fine with you. Nasa Makati area tayo kaya mataas ang pasweldo ko or else hindi makaka afford ang mga empleyado ng style of living doon.

Di alam ni Gwen kung ano ang gagawin n'ya. Litunglito s'ya sa mga nangyayari. Kung di lang sana sila nagsimula sa ganun ni Onie ay di s'ya mag-aalala at madali s'yang makakapagdesisyon. Pero the moment na tanggapin n'ya ang offer na trabaho ni Onie lahat ay mababago na sa kanyang buhay. Kung unexpectedly ay nakalibre s'yang mapasubo ng sumama s'ya kay Onie sa
Batanggas dahil s'ya ay nakatulog sa kalasingan, ngayon ay tiyak, kahit gising ay wala s'yang magagawa para umiwas.

Napansin ni Onie ang pananahimik n'ya ngunit pinabayaan n'ya lang ang dalaga. Alam n'ya nabigla ito at nag-iisip. Maliban sa ngingiti ngiti ay di na ito nakakibo. "Tonguetied?" "Not really." May kinuha ito sa attache case at inabot kay Gwen. Isang magandang CP. "Ano to?" "Para sa 'yo" "Bakit?" Palagay mo madadala mo sa office yang CP mo. I'm sorry I'm just frank. Nakita ko kasi ang CP mo at alam ko di mo man sabihin ay di na in para sa isang dalagang gaya mo. Get it. Magtatampo ako kung di mo kukunin yan." "Hay ano ba 'to." "What seems to be the problem?" "Wala" "Tara na at may pupuntahan pa tayo."

Pagdating sa Glorietta ay pinark n'ya ang sasakyan at bumaba kami. Nagtataka
ako bakit sa mga damit pangbabae kami pumasok. Maya maya sabi n'ya sa salelady. "Miss kindly assist her. Sigi na pumili ka d'yan ng mga damit na
gagamitin mo habang wala ka pang uniform." Walang nagawa si Gwen kundi
tumalima. Wala ng pagkakataon para mag back-out. Naging sunudsunuran na lang s'ya rito. Pagkatapos makapamili ng damit ay tinungo naman nila ang bilihan ng sapatos at bags and as usual wala s'yang nagawa kundi ang sumunod. Pagkatapos ay sa make up section naman.

Matapos mamili ay saka pa lang naglakas loob ang dalaga na magtanong. "Bakit
mo ito ginagawa for me?" "Nothing, I just want you to be presentable pagsimula mo bukas. What's wrong with that. Remember, first impression is lasting, so start right." As I told you nasa Makati area tayo. Sabi nga, when in Rome, do as the Romans do. Alam mo naman ang Makati." "Ok you win, but the problem is kelan kita mababayaran?" "Think about it after you get regularized in my company saka natin ulit pag-usapan, Are you fine with that?" Tango na lang ang naisagot ni Gwen.

"Ok here, I'm giving you your 1 month cash advance para di mo muna
problemahin ang family mo habang wala ka pang sweldo. Ayusin mo muna lahat
ang problema mo sa bahay nyo, at para meron kang panggastos, para makapagsimula kang maayos. "My God this is too much. No. I won't take that. This is enough. I mean what we bought." "Wag ka ng mahiya. Parehas din yan sabi ko nga bayaran mo ako pag ok ka na sa trabaho mo." "Why are you doing this?" "Nothing, I just wanna help you. Labas dito ang personal nating usapan. Kung yon ang inaalala mo."

"Wow, paano ko ito ipapaliwanag sa magulang ko. Di ko alam kung paano."
"Tell them the truth." "What truth? Kala mo ganun lang kadali ito. "Ako boss
mo nabuwang sa'yo. That's the truth of the matter. At naghagikhikan na lang
sila. "Ano ba itong napasukan ko. Matay ko mang isipin para na akong nasubo
sa lalaking ito. Oo nag eenjoy ako. Pero it doesn't mean na tanggap ko itong
lahat." Pabayaan mo na muna yan. One at a time. Mamaya mo na isipin yan
pag-uwi mo. Meantime. Mag-enjoy muna tayo. Katuwaan lang punta tayo doon sa Clowns, for a change. Masyado na tayong seryos palagay mo gusto mo yon? Sigi mukhang masaya nga yong naisip mo.

Padating sa clowns ay medyo kakaunti pa ang tao kasi maagaaga pa kaya nasa
bandang harapan sila nakaupo. Ito ang mga bagay na hindi natitikman ni Gwen
sa tanang buhay n'ya. Kahit si Onie ay iba rin ang pinupuntahang lugar. Kaya
lang gusto n'yang medyo simplihan ang mga bagaybagay para kay Gwen para di
ito masyadong mahirapan sa lifestyle na meron s'ya. Paminsan minsan ay sa
mga simpling lugar din sila pupunta. Paglabas ni Allan K ay nagsimula ng
magtawanan ang mga audience sa mga patawa nito at nakita ni Onie ang
kasiyahan ni Gwen hindi gaya sa mga pinupuntahan n'ya na masyadong formal
ang ambiance ng lugar. Ng magkaroon ng pagkakataon ay pinakanta n'ya si Gwen at nagpaunlak naman ito. Talagang nahaling s'ya lalo ng todo sa dalaga. Aliw na aliw s'ya habang kumakanta ito.

Di naman sila gaanong nagtagal sa Clowns dahil first day kinabukasan ni Gwen
sa trabaho. Gusto n'yang handa ito physically and mentally. Habang daan pauwi ay nagkukwentuhann sila tungkol sa magiging trabaho n'ya. Ramdam na ramdam ng dalaga ang pagsuporta sa kanya ng lalaki. Aminin man n'ya at sa
hindi ay sobra ang paghanga n'ya rito at lalong napapamahal sa kanya dahil
sa ginagawa nitong pagtulong na dinadaan sa legal na paraan para di s'ya
makatanggi. "Kung alam mo lang kung gaano mo matutulungan ang pamilya ko sa pagtulong mong ito."bulong n'ya sa sarili. "Onie, thanks talaga." Di ko alam kung paano ka pasasalamatan. "Don't mention it."

Pagdating n'ya sa bahay ay tulog na ang mga tao kaya di na napansin ang
kanyang mga dala. Itinabi na lang n'ya sa aparador at saka na lang n'ya
ipapaliwanag sa kanyang ina ang lahat. Kinabukasan, maagang nagising si Gwen
at naghanda para sa pagpasok. Namalayan ng kanyang ina na naghahanda s'ya sa pag-alis kaya bumangon na rin. "Pasaan ka ba?" "Ma, tinanggap ko na po yong trabaho sa Makati. At pinapasimula na po ako ngayon. Ito po nakahiram ako ng pera, bayaran nyo na po muna ang kuryente at bumili kayo ng pagkain."

Nagulat ang kanyang ina ng inabutan n'ya ng Limang libong piso pero di na
nagawang magtanong sa nakitang pagmamadali ng anak.Buong umaga ay kasama si Gwen ng executive secretary para i orient s'ya sa magiging trabaho. Pagdating ng tanghali ay inaya s'ya ni Onie na kumain sa labas. Wala itong pakialam kung ano ang sasabihin ng mga empleyado n'ya. Medyo nailang ang dalaga pero may magagawa ba s'ya? Kaya sigi lang. Parehas din yon kung malaman sa huli ganun din, so mas maganda na ngang una pa lang ay alam na nila sakasakali. Casual lang naman sila. Kung di nga lang maduda talaga ang tao ay wala namang makikita sa mga kilos ng dalawa, di gaya nung nandon sila sa Batanggas na kung magtitigan parang mapapaso ang mahahagip.

Pagkatapos ng mahabang maghapon ay dumating na rin ang oras ng uwian.
Sinabihan agad ni Onie si Glen na sabay silang uuwi. Sabado na kasi noon ng
s'ya'y magsimula at walang pasok kinabuklasan kaya nag-aya ang lalaki na
doon sila kumain sa unang kinainan nila kung saan may suite na minimaintain
si Onie. Pwede daw doon na lang sila mag pa service ng pagkain at meron
syang videoke at sila'y magkakantahan. Napakaganda ng kanyang suite, bagong
karangyaan na naman para kay Gwen. "Napakasarap talaga ng mayaman. Lahat ng gusto nakukuha." Omorder ito ng pagkain, kasama ang apat na beer. Total sabado naman daw mag-inuman sila ng unti. Pumayag na rin si Gwen. Komportable na rin sila sa isa't isa.

Pagkakain ay nagpatugtog na ng videoke si Onie at nagsimula ng kumanta si
Gwen habang nag-iinuman silang dalawa. Habang tumatagal ay lalong naiinlove
si onie sa pagkanta ng dalaga. At minsan hinahapit n'ya ito at hanggang
magkandatumbatumba sila sa kama sa pagkulitan. Pero di na nakapagpigil si
Onie. Tinitigan n'ya ang dalaga hanggang sa halos matunaw na ito sa mga titig n'ya at unti unting nadadala na sa malamyos na background ng kanta hanggang sa namalayan na lang nila ang labi sa labi ay nagkadikit hanggang sa
naghalo ang kanilang mga likido. At namalayan na lang nila na parehas silang
naghabol ng hininga........

habang hinahabol nila ang kanilang mga hininga, magawa pa kayang mag-isip ng tama si Gwen? O ito na ang katuparan sa mga pagtyatyaga ni Onie?

---------------------------------- A B A N G A N ------------------------------------

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...