Sunday, March 4, 2012

SINO AKO?


SINO AKO?
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 02/20/2012


Ako itong si Wee-ween
Si "we win" ay ako rin
Iniba ang ispeling

Lumaking t'yan ni nanay
At ng ito'y bumigay
Ako ay nagkamalay 

Inanak ng eleksyon
Nobyembre kwatro noon
Wala ng mga Hapon

Ang kandidato nila
Ay si Doktor Mayuga 
Sa kongreso umarya

Natuwa ang tatay ko
"We win" daw at panalo
Magandang pangalan ko

Lumaki ng matulin
"We win" ay naging Wee-ween
"We won" nama'y pangit din

(KAPAG GALIT SI NANAY) 

Ako ay si Terwina
Itong tawag ni Ina
Kapag s'ya ay galit na

Ang tawag n'yang pasinghal
Pag pasaway ta't hangal
Wala pa noong sal'wal

Pag ako ay makulit
O siya'y nagngingitngit
May kurot pa sa singit

Terwina'y kasiyahan
Sa mga kaibigan
Pag nagkakatuwaan

Nakasanayan ko na 
Naging isang musika
Dito sa aking tenga

Kahit hindi na galit
Kahit di nanlalait
Terwina'y parang Langit

(DALAGA NA SI TERWINA)

Nang ako'y nagdalaga
Marami ng amiga
May amigong kasama

Ang barkada'y kaysaya
At laging magkasama
Kababayan ko sila

Ngunit ayaw na nila
Ang ngalan ay pambata
Naging "Wines" ang Terwina

Sila ay nangatuwa
Ang "Wines" pang Amerkana
Maganda raw sa tenga

Ako rin ay masaya
"Feeling" ako'y moderna
Ngalan ay imported pa

(ANG NGALAN SA LANGIT)

Mga bansag lahat yan
Iisa lang ang ngalan
Doon sa kalangitan

Maria ay "Maria"
Nanay ng Diyos Ama
Sa ngalan ko ay una

Crozalle'y pangalawa
Dinugtong sa Maria
Maria Crozalle na

Pangalan ay naiba
Akala ay mestiza
At isang española

doubleng elye (L) ay peke
sa ngalan ay nadoble
Kaya naging CrozaLLe

C ......Capiz, ang tatay ko'y tagaroon
R ......Romblon, ako ay Romblomanon
O ......Odiongan, pinanganak ako doon

Z ]
A ] ....ang tatay ko si riZAL Aguilar Reyes
L ]

L ]
E ] ....ang nanay ko si LEtty Leaño Maulion

Pinagmamalaki ko
Ang tatay kong humayo
Ang pamana'y ga mundo

Odiongan, aking banwa
Romblon, aking probinsya
Itong kanyang pamana

Kahit sa buong mundo
iisa ang ngalan ko
s'ya ang nagkarpentero

Salamat aking tatay 
kahit ako'y nalumbay
Diyos ang aking gabay

Maraming salamat po, Ma. Crozalle Reyes Raymundo
ngekkkk....iba na naman...
syempre may asawa na.....

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...