Wednesday, March 21, 2012
TO MY FACEBOOK SON, JOJO SOTA VILLA
TO MY FACE BOOK SON, Jojo Sota Villa
There are others who attempted to call me Mom but it was a different thing when someone calls you "Mom" and that someone looks like you. And I started to make a world separating you from the real ones in order to feel the true essence of your being my son, my real son. It was my pleasure then to think that it was so easy for you to call me mom.
And who am I not to accept a son as handsome and talented as you are. Indeed, you are a great boast to my morality. I love how you call me, your "MOM". Thank you son and thank you for your humbleness and good deeds. You are simply amazing.
My son, it's your birthday today. Though this is the first time you would be celebrating your birthday with your "FB Mom", I'm so happy that I would be a part of this occasion by sending you my message. And I would rather be glad to see you happy and enjoying your life on your birthday and
onwards.
Praying that the good Lord will always be with you in all your endeavors. Pray more and remain as what you are now. God bless you and happy birthday once more.....Like wise your FB Dad is extending his greetings to you....sending with this message our love on your birthday....Dad and Mom
HAPPY BIRTDAY SA AKING FB SON
(Jojo Sota Villa)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/20/2012
Paano tutula diwa'y di makapa
Sapagkat ang lahat isa lamang katha
Mula sa simula nitong aking tula
Ako ay hahabi ng tulang mahiwaga
Ngunit kung wariin kaygandang isipin
Pagkat para sa 'yo kailangang gawin
Ang mga salitang aking hahabihin
Alay sa birthday mo dapat pagandahin
Sino magsasabi itoy di totoo
Sa bawat tawag mo ako'y tumatakbo
Upang tulungan ka sa Face Book narito
At dadamay sa 'yo tunay na nanay mo
Salamat anak ko tinuring na ina
Sa bawat sandali ako ay kasama
Sa mga problema sa Face book nagmula
Ako'y nakahanda tayo'y magkasama
Kayhiwaga ng Face Book tayo ay nagtagpo
Mag-ina sa turing kahit di sa dugo
At iyong pakinggan ang bulong ng puso
Na nagsusumigaw ng isang pagsuyo
Sa araw na ito iyong kaarawan
Binabati kita anumang paraan
Kahit sa malayo kita'y hahabihan
Mahiwagang tula ikaw ay alayan
Lagi mong tandaan ang bilin ko sa 'yo
Ang mabuting tao ang puso ay ginto
Huwag padadala sa masama't tukso
Sa mga problema sa D'yos ay sumamo!
Tuesday, March 20, 2012
SA AKING PABORITONG FB FRIEND
SA AKING PABORITONG FB FRIEND
Ma'am Lettie Festin Magango
www.weenweenreyes.blogspot.com
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween reyes, 3/20/2012
Parang kailan lang tayo'y nagkilala
Dito lang sa Face Book tayo ay nakita
Ngunit kaibigan kaiba talaga
Kaybuti mo pala ako ay humanga
Ta'y magkababayan isang pinagmulan
Hindi pa nagkita niyang personalan
Pero nagturingan na magkaibigan
Sa totoong buhay isang kasiyahan
Aking kaibigan gusto 'tang gawaran
Isang pagpupuri sa 'yo nakalaan
Ang dating Principal aking hinangaan
Babaeng matatag susugod sa laban
Ng s'ya ay lumisan ay pinanindigan
Ang pagmamahal n'ya di kinalimutan
Di muling umibig kahit pa kindatan
Ng mga lalaking sa kanya'y dumaan
Kapag nalulungkot puso'y tinuruan
kahit ang sarili ay kinalimutan
Nagtiis mag-isa kahit malamigan
Ang iyong nais pamilya'y tutukan
Sila'y pinalaki, sila'y pinaaral
Pangako sa mahal kanyang pinairal
Ginapang mag-isa kasama ang dasal
Hanggang makatapos ay hindi napanghal
At di d'yan nagtapos ang mga pangaral
At ang mga apo ay kanyang minahal
Kasamang lumaki di naging sagabal
Nagbigay ng oras at ng pagmamahal
Ma'am, ilan pa kaya iyang kagaya mo
Ang yong kalooban singtigas ng bato
Kaya ang pamilya ay naiayos mo
Mag-isang binaka buhay napanuto
Sana ay gayahin ng mga kabaro
Una ang pamilya ng ika'y mabalo
Hindi alintana hindi naigupo
Ng 'yong kalungkutan ang iyong prinsipyo
Ngunit hindi diyan lahat nagtatapos
Ang aking pagtula papel ay makapos
At sa dami pala di matapostapos
Kayhaba ng kwento hindi n'yo lang talos
Bumagyo ma't baha s'ya ay maasahan
Kahit iyang idad ay nadadagdagan
Retirado na s'ya noong ilang buwan
Pero tumutulong kapag kailangan
Mabuhay, mabuhay, ikaw kaibigan
At sumasaludo sa 'yong kagitingan
Ako'y natutuwa naging kaibigan
Iyang kagaya mo ay isang huwaran
At ngayon nga pala ay kaarawan mo
Nais kung bumati sa 'yo'y sumaludo
At ang aking dasal sana'y sumaiyo
Ang mga pagpala lahat ay masalo
HAPPY BIRTHDAY MA'AM!!!!!
Saturday, March 17, 2012
SA IYONG KAARAWAN
SA IYONG KAARAWAN
Adrian Kelly Formilleza Montojo
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/17/2012
Uban ay naglabasan
Kulubot nadagdagan
Anak mo'y naglakihan
Di nagbago Adrian
Birthday mo naman ngayon
Magpaputok ng kanyon
Magulat ang kanayon
Maghanda ka ng litson
Ngunit mukhang mainam
Ilaw gawing malamlam
At sabay makiramdam
Sa iyong inaasam
Pagkat sa kaarawan
Baka may surpresa diyan
At tanging nakalaan
Sa may kaarawan
Kayganda ng pamilya
Mukhang kaysayasaya
May tahimik na asawa
Anak na magaganda
Ano pa ang mahiling
Ang buhay ay kaygaling
Pangarap ay narating
Pamilya'y nasa piling
Magdasal sa D'yos Ama
Salamat sa biyaya
Di lahat pinagpala
May buhay na maganda
Buo ang 'yong pamilya
Mukhang napakasaya
Sikaping mapaganda
At laging magkasama
Pagkat ang ating buhay
Hindi lahat ay pantay
May buhay matiwasay
Ang iba'y merong lumbay
Masayang kaarawan!
Handa mo ay dagdagan
At baka ika'y datnan
Ng mga kaibigan
Friday, March 16, 2012
SA LIKOD NG MGA HIKBI
SA LIKOD NG MGA HIKBI
Inspirasyon: sulat ni Diane para sa kanyang ama
www.weenweenreyes.blogspot.com
Wee-ween Reyes, 3/16/2012
Habang nag-iisa ay aking nadama
Yaring kalungkutan magmula ng bata
Kaysakit sa dibdib mata ay lumuha
Mahirap tanggaping lumaki sa dusa
Ang aking akala nung ako'y bata pa
Ika'y sa malayo para lang kumita
Ngunit sa paglaki'y naunawaan na
Ang katotohanan ay kaysakit pala
Puso'y tumatangis bawat mga oras
Gustong kumawala maghanap ng lunas
Sapagkat sa buhay may isang pangahas
At naging sagabal sa tuwid na landas
Ngunit bakit ina ikaw ay lumayo
Kami ay naiwan salat sa pagsuyo
Ika'y nagtrabaho doon sa malayo
Para ipakita kaya mong tumayo
At ang aking ina gaya ko'y nagdusa
At ang bawat gabi s'ya ay nag-iisa
Sa bawat pag-iyak ako ay naawa
At sa batang musmos galit ang nadama
Bakit kailangang anak ang magdala
Sa mga problema ng ama at ina
Ang dapat nga sana sila ang gigiya
At sa tamang daan kami ay mapunta
Sa aking paglaki ay aking hinanap
Ang mahal kung ama na aking pangarap
Kaysakit malaman wala sa hinagap
Wala na sa piling wala ng paglingap
Mulang magkaisip ang buhay ay hungkag
At ang aking puso ay halos malaglag
Ang katahimikan ay gustong mabasag
Nagulo ang diwa hindi mapanatag
Sa bawat pagtibok nyaring aking puso
Sana ay madama itong panibugho
Sa lakas ng pintig ay halos dumugo
At nagsusumigaw saan ang pangako
Paano na Ama ang mga sandali
Ang aking damdaming hanap ay kandili
Itong naranasan ay sobra ang hapdi
Sa mga paghikbi labi'y naging pipi
Sa mga pasakit na aking nadama
Sa sama ng loob na ikaw maygawa
Kanino isumbat itong lahat ama
May mabago pa ba sa pusong naaba?
Naisip mo rin ba sana ay naawa
Sa gaya kung bata mawalan ng ama
Minsan naghahanap ng iyong pagpala
Na masasandalan sa batang problema
Kanino ba Ama, kaninong balikat?
Kung ako'y luluha sino ba ang dapat?
Ang iyong kalinga iyon sana'y sapat
Ang aking pag-iyak doon lang maawat
At sa aming paglaki hindi mo narinig
Ang mga hagikhik na nakakakilig
Ang 'yong mga yakap na nakakaantig
Sana'y naihayag sa buong daigdig
Kaysarap mangarap kahit pa huli na
At sasariwain ang mga alaala
Nakaw na sandali dapat amin sana
Naagaw ng iba kasama si ama
Ang laman ng dibdib ay sama ng loob
Hanggang sa paglaki ay siyang lumukob
Sa aking isipan ay meron ng kutob
Ikaw ay mawalay sa iba kukubkob
Sana ay matapos ang aking paghikbi
At mga pasakit hindi manatili
Sana ang pagtangi bumalik na muli
Sana'y makalimot sa mga pighati
Sa likod ng hikbi ang pusong nalungi
At naghuhumiyaw sakit ay masidhi
Sana'y makatayo makangiting muli
At muling aasa sa saya mauwi
Ako'y magdarasal sa Poong Maykapal
Bigyang katuparan itong aking usal
Na sana'y kasihan kunting pagmamahal
Ako'y maghihintay hindi mapapanghal
Sana Panginoon Ako'y inyong dinggin
Aking panalangin at mga mithiin
Sa "'Yong" mga kamay sana'y pagpalain
Itong aming buhay sana ay lingapin
MINSAN LANG MAGING BATA
MINSAN LANG MAGING BATA
www.weenweenreyes.blogspot.com
Inspirasyon: angel ni Luzviminda Ginete Reyes
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/16/2012
Nung ika'y musmos pa aking naalala
Kaysarap halikan sa dibdib ay tuwa
Ang 'yong mga yakap kaysarap madama
Kapit ng daliri kiliti sa mukha
Kaytambok ng pisngi kaysarap pisilin
Ang mga ngiti mong kay hirap arukin
Ang yong mga matang kaylagkit tumingin
Parang nanunukat kaylalim liripin
Sa bawat paghakbang ay iyong pagmasdan
Sa unang pagtakbo ay iyong unahan
Sa bawat pagdapa iyong pabayaan
At ng makadama minsan ay masaktan
Sa bawat hagikhik sabay kang bumirit
At sa bawat sigaw ika'y kumandirit
Sa bawat pag-iyak hayaang lumapit
At iyong hagurin kung saan masakit
Kahit ka mapuyat sa buong magdamag
Hindi ka mapagod kaalama'y dagdag
Sapagkat pag-ibig sa puso ay hayag
Dahil pagmamahal ang nagpapatatag
Tunay ngang kaysarap kung balikbalikan
Panahong nagdaan n'yaring kabataan
Hindi mawawala hindi malimutan
Ang mga kahapong tuluyang nagdaan
Minsan lang talaga tayo maging bata
Kaya't ating damhin ang bawat ligaya
Sapagkat ang noon tiyak mawawala
Tayo ay lalaki, tayo ay tatanda
Sa ating paglaki and'yan ang D'yos Ama
Sa ati'y gagabay dulot ay pag-asa
At sa daraanan rosas ang kapara
At wala ang tinik pagkat "S'ya'y" kasama
Thursday, March 15, 2012
"THE GRADUATES"
"THE GRADUATES"
www.weenweenreyes.blogspot.com
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/15/2012
Thank you God for the gift of love. Thank you for the simple life that I chose to embrace and in return "You" gave me the best thing that I want in my life, my family.
Thank you for the little things that made each day of my life something to live and for giving me the feeling of full happiness and fulfillment. Thank you for all the graces that you bestowed upon us. Indeed, I have many good things in life to be thankful of.
Thank you also for having a wonderful husband who is always at my side silently giving me support in any manner. Thank you for understanding every breath of my life, my weaknesses and my imperfections. I can't ask for more.
Once again Graduation Day is on the air but I want to commend and congratulate first my dearest one ahead of anyone who will graduate. Congratulations! You've passed all the hardships in life with flying colors giving your children a simple but satisfying life and their right for education. I salute you.You are a graduate in your responsibility as a father in this aspect.
And to all our children, thank you for being good and for giving us less problems and less worries and for letting us meet our expectations of you. Surely, we are one of those happy parents in the world who are blessed enough for having children as good as you. You made us proud parents.
And above all these, I want to congratulate our youngest child, for following the footsteps of her siblings. Happy graduation dear! Your being a graduate signaled us to feel fulfilled. Thank you God for all these blessings.
I write this to enlighten some of our parents to give more quality time to their children. It takes patience and courage to have good children who will bring you less worries, less problems, less anxieties and less pressures in life. But it's worth the sacrifices.
Now as you go along, may all your dreams come true like ours. And to your children, it is best to be graduates than drop outs...you should have the same feeling with our children and your parents like ours......
Yes, we are "The graduates"! And if by chance you read this message, I want you to know that we feel like one again. Just like any other graduates in full gear, in their togas, in their medals and diplomas.
"The graduates"? Yes we are! We have graduated in our responsibility to send them to school, fed them, clothed them and guided them in their endeavors in life. But still we are here until our last breath to guide them in their undertakings in the future. We are just like the graduates who wished for masterals and doctorates. And God is our guide and we owe everything from the good Lord, our savior.
While I have this happiness in my heart, let me encourage you parents. Your children's future lies in how you handle them. But children, let not your parents devour all their minds and might to handle you. There is still so much time for all of these, and to all, who like us, were able to graduate in this fortunate circumstance , my congratulations, and I say to you, lucky are your children that you are their parents. Good Day!
HAPPY GRADUATION TO ALL GRADUATES.....GOOD LUCK AND GOD BLESS YOU ALL !!!!!
Wednesday, March 14, 2012
INOSENTE
............"INOSENTE".............
Inspired by Adrian Kelly Formilleza Montojo's angels
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/14/2012
Iyang mga labi aking pakiwari
Kaysarap pakinggan ang namumutawi
Maliit na tawa Inosenteng ngiti
Ang mga halakhak may tulang hinabi
Pagmasdan mo sila at mababanaag
Ang wagas na puso ang isip panatag
Ang mukhang kay saya parang isang sinag
At ang mga mata ilaw ang liwanag
Kaysarap talaga maging isang bata
Walang iniisip na mga problema
Hindi alintana anumang makita
Ang imahinasyon parang engkantadya
Kaysarap nga naman maging isang bata
Walang kalungkutang nadarama sila
Wala pa ang pag-ibig na nakataranta
Nagdulot ng saya't lungkot sa tuwina
Kayrasap, kaysarap puno ng pangarap
Walang pa ngang muwang kahit sa hinagap
Na ang mundo pala ay may paghihirap
May dalang pasanin iyong hinaharap
Ganyan nga ang bata mundo ay tahimik
At sa kanyang dibdib ay wala pang tinik
Kaytamis ang ngiti kahit di umimik
Nagbibigay saya ang bawat hagikhik
Inosenteng bata inosenteng tuwa
Ang bawat umaga'y puno ng pag-asa
Ang kanyang paligid palaging kayganda
At ang bawat oras puno ng ligaya
Inosenteng ngiting nagbibigay saya
Sa ating damdamin pag sila'y nakita
Nakapaalala nung tayo'y musmos pa
O kaysarap pala kung tingnan mo sila
At sa bawat ngiti'y may tanong na dala
Kung saan nagmula kayhabang istorya
Bigay ni Bathala, ang ating D'yos Ama
SA 'YO AKING MAHAL
SA 'YO AKING MAHAL
Inspirasyon: Froilan Error
Ma. Crozalle Reyes Rayumundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/13/2012
Naalala mo ba nung unang magkita?
Ako'y nabighani ika'y pagkaganda
At aking sinabi agad ay type kita
At agad kumilos para makilala
Hindi nakatulog kakaisip sa 'yo
At sa aking ilong may biglang nabuo
Tagihawat pala ay biglang tumubo
At palatandaan umiibig sa 'yo
Ang aking pag-ibig umusbong pang muli
at ang aking puso'y lalong nagpunyagi
Sana lang mahal ko ako ang mapili
Para hanggang langit itong aking ngiti
Ako ay nagwagi ako ang inibig
Kaysarap humiga sa 'yong mga bisig
At sa bawat yakap may hatid na kilig
Ako'y nasa langit pag ika'y kaniig
Ang pagmamahal ko aking isisigaw
Hanggang sa lumukob sa mundong ibabaw
At sa bawat sulyap nakapaimbabaw
Ang saya ng dibdib diwa'y nabulahaw
Ano pang mahiling sa sayang dumating
Kahit kapiraso'y wala ng mahiling
Sa bawat halakhak sakit ay gumaling
At sa aking buhay wala ng mahiling
Ikaw aking mahal ikaw ang dahilan
Ang nagbigay buhay itong kahungkagan
At ang aking nais ay kaligayahan
At sa aking piling ako ay samahan
Sa 'yo aking mahal buhay ay tahimik
Lahat ay masaya at wala ng tinik
Gaya mo ay puno sa bunga ay hitik
Ligaya ang dulot sa yong mga halik
SA BAWAT PINTIG
SA BAWAT PINTIG
Inspirasyon; MElanie dayrit
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a Wee-ween Reyes, 3/9/2012
Sa aking pag-iisa
Kahungkaga'y nadama
Pilit inaalala
Ang kahapong kaysaya
Bakit ba aking sinta
Pag-ibig ay nawala
Iyong binalewala
At puso'y naging aba
Kahit saan tumingin
Kahit puso'y lokohin
Sa isip ikaw pa rin
Ang pilit umalipin
Kahit ang alaala
Ay ayaw kumawala
Patuloy nanariwa
Sa mga nakikita
Sana nga isang araw
Kalungkuta'y pumanaw
Ang damdaming namanglaw
Muli't muli'y iilaw
At umaga'y dumating
Wala ka man sa piling
Ang puso'y di na haling
At sa "Kanya'y" humiling
Kung anong "Kanyang" nais
Ang puso'y magtitiis
Muli mang maghinagpis
Iibig pa ring labis
Kayat ang aking dasal
Sanay magsilbing aral
Sana ang bagong mahal
Ay huwag ng mapanghal
Ng buhay ay tahimik
At wala na ring tinik
Sa dibdib di maghasik
Ang pusong naghimagsik
Pagkat iyang pag-ibig
Kahit sa isang titig
Kahit sa bawat pintig
Dulot sa puso'y kilig
Kalungkuta'y itaboy
Ng damdami'y matukoy
At iwasang maluoy
Ang sayang dumadaloy
Limutin ang masama
Sikaping lumigaya
Pag-ibig ay kayganda
Kung tunay ang pagsinta
At muli ay iibig
At muli ay marinig
At muli'y mananaig
Ang saya sa daigdig
Ah, pag-ibig kaysaya
Ang paligid maganda
Bukas may darating pa
Isang bagong pag-asa
Wednesday, March 7, 2012
ANG KWERDAS NA LUMA
ANG KWERDAS NA LUMA
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/7/2012
Likas na sa ating mga Pilipino
Gitara'y tipahin pag puso'y magulo
At tayo'y aawit malungkot ang tono
At saka titingin doon sa malayo
Kay gandang pakinggan tunog ng gitara
Kahit lumangluma kaysarap sa tenga
Ako'y napaluha ngayong marinig ka
Aking naalala nung ako'y bata pa
Pagsapit ng hapon sa bangko'y uupo
Habang tumitipa ako'y nakayuko
Aking ninanamnam ang bawat teklado
At muling hahagod ng isang pagsuyo
At sa bawat kumpas nitong aking kamay
Malamyos na boses aking isasabay
At sa kalungkutan aking ibabagay
Dahil ang awiti'y walang kasinglumbay
At bawat taginting ng lumang gitara
Agad ay luluha itong aking mata
Pagkat naalala ang iyong pagsinta
Mula ng mawala di na nakakanta
Ang kwerdas na luma ay di na natipa
Pagsapit ng dilim tugtog ay nawala
At pilit nilimot yaong alaala
Ang pusong nasaktan nawalan ng sigla
Ngunit bakit ngayon ang puso'y umawit
Pagkat ang kahapo'y bigla ng nawaglit
Ang aking naisip ay magandang awit
At bagong pag-ibig ang aking nasambit
Ako ay sumigla kanta ay gumanda
Gusto kong isigaw kahapo'y limot na
Sapagkat may isang nagmahal talaga
Busilak ang puso ngayo'y nagtiwala
Pagsapit ng gabi ay muling tumipa
Muling naalala ang iyong ginawa
Ngunit kapag puso ay aking kinapa
Wala na ang sakit, hapdi ay nawala
At muling gumanda tunog ng gitara
At muling sumabay at muling kumanta
Kaysarap umawit kung puso'y masaya
Sa langit aabot ang ngiting kayganda
Ang kwerdas na luma kahit kalawangin
Ng aking tinipa kay lambing kung dinggin
Lumipad ang tunog kasama ng hangin
Humalo sa ulap sa himpapawirin
Ang gitarang luma'y mapakinabangan
Pag ang puso'y sawi o sa kasayahan
Kaylungkot ng kanta pag ika'y iniwan
Ngunit kaysaya rin kapag nag-ibigan
Sadyang ang gitara ay walang panahon
Kaygandang libangan pagdating ng hapon
Tayo'y gumitara kaysa ta'y magumon
Sa bawal na gamot at alak na lason
Ganyan nga talaga ang nakagawian
Binata't dalaga'y pwedeng magkantahan
Di pa uso noon ang mga bidyuhan
Kaya't sa gitara ay nag uumpukan
At sa lumang kwerdas ang puso'y lumukso
Kahit sa kantahan sumaya ang mundo
Lagyan ng awitin buhay mo't buhay ko
Ating isisigaw tayo'y Pilipino!
Note: Entry, TALAANG GINTO SA TULA 2012
Tuesday, March 6, 2012
BODA DE ORO
...BODA DE ORO...
(Golden Wedding)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k. Wee-ween Reyes, 3/4/2012
Kasal ba ay ano sa buhay ng tao?
Isa lang bang papel na inyong tinago?
At pag kailangan ng mga anak n'yo
Agad ay i zerox ay muling itago
At sa magsing-irog ito'y mahalaga
Sapagkat patunay na s'ya ang asawa
At may karapatan ang isa sa isa
Sila'y magkasama hirap ma't ginhawa
At d'yan nagsimula ang bilang na isa
Hanggang nadagdagan isa'y nagdalawa
Ng ito'y umusad ay naging tatlo na
Hanggang sa lumaon ay naging singkwenta
Ang "Boda de Oro" kaya'y mahalaga?
Sa buhay ng tao bilang mag-asawa
Kaysarap makasal ginto ang kapara
Di mo aasahan kung abutin mo pa
Ang limampung taon kaybagal tumakbo
Kayraming pumitik na uban sa ulo
At ang mag-asawa'y naging lola't lolo
Hanggang sa dumating ang boda de oro
Hindi birong hirap itong naranasan
Hindi lang pag-ibig ang naging dahilan
Problema'y tiniis at nakipaglaban
Pamilya'y binuo respetong puhunan
Sa bagong panahon ilan ang ganito
Kung ang magsing-irog ay iba ang uso
Kasama sa buhay ay pabagubago
Ang pag-aasawa ay mukhang magulo
Paano bibilang ng taong nagsama
Kung wala yang kasal sa pag-aasawa
Bigla lang nagsama at mag-asawa na
Wala namang basbas ang ating D'yos Ama
Kaya importante tayo'y magpakasal
At may karapatan sa ating minahal
Huwag kang pumayag na ika'y masakal
Sa isang relasyong wala namang kasal
Pagdating ng araw ay muling bilangin
At araw ng kasal ay muling namnamin
Ang inyong tagumpay ngayon ay lasapin
Ang boda de oro ngayo'y nakahain
At iyong sinuot ang baro na ginto
Ito ay patunay wagas ang pagsuyo
Ang mga panahon na inyong binuno
Kaysarap balikan kung inyong matanto
Sa harap ng altar muli ay nangako
Pag-ibig na tunay ang puhunan nito
Ang kanilang abay ang anak at apo
Kaysarap abutin ang "boda de oro"
Sunday, March 4, 2012
ANG KASAL
ANG KASAL
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/4/2012
Ano't isang araw ako ay nangarap
Ako'y naglalakad wala sa hinagap
At parang umakyat dun sa alapaap
At aking kasama ay ang mga ulap
Ngunit di pangarap at di isang ulap
Ang aking nakita ikaw ang kaharap
At sa iyong bisig oh kay sarap sarap
Ako'y nakahilig parang nangangarap
Puso mo'y umibig ngayo'y nagkanulo
At nagsusumigaw at halos lumukso
Ako ay minahal sabi'y sigurado
Sa aki'y umibig tapat ang pagsuyo
At s'ya ay humiling kami'y magpakasal
At sa isa't isa kami'y nangumpisal
At aming binuhos yaong pagmamahal
At sa aming isip pag-ibig makintal
Sa aking daliri singsing na brilyante
Kanyang isinuot ipinagmalaki
Pag-ibig kay wagas sa aki'y sinabi
At ang pagpakasal sa puso'y hinabi
Halina't lumapit puso ko ay damhin
Alamin ang pintig galaw ay bilangin
At sa bawat tunog ay iyong namnamin
Ng iyong malaman ang aking damdamin
Ngayo'y nakaputi damit ay kayhaba
Buhok ay inayos kayganda ng mukha
May dalang bulaklak at lakad prinsesa
May ningning sa mata at kaysaya nila
Ngayon ay humakbang papunta sa kanya
Ayo't naghihintay kay amo ng mukha
Katabi ang pari't ito'y nagsalita
Sa ngalan ng "Ama" nagsimula ang misa
Habang kinakasal sila ay naiyak
At ang mga luha sa dibdib pumatak
Ngunit mga puso ay sobrang nagalak
Kung iyong marinig ay humahalakhak
At pumailanlang ang isang sonata
Ang dalawang puso'y tigib ng ligaya
Ngayon ay "Yes I do", oo mahal kita
At saka pumirma at mag-asawa na
Oh kaysayasaya sila'y maligaya
Kayat ang bulaklak pinasa sa iba
At ang makasalo susunod sa kanya
Kayat ang dalaga ay nag-unahan na
At ng matapos na sila ay masaya
At nagpasalamat sa mga bisita
Ang kanilang mukha'y puno ng pag-asa
At sila'y bubuo ng isang pamilya
KWERDAS NA LUMA
KWERDAS NA LUMA
Inspiration: photo of Ruben Ferranco
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 2/21/2012
Likas na sa ating mga Pilipino
Gitara'y tipahin pag puso'y magulo
At tayo'y aawit malungkot ang tono
At saka titingin doon sa malayo
Kay gandang pakinggan tunog ng gitara
Kahit lumangluma kaysarap sa tenga
Ako'y napaluha ngayong marinig ka
Aking naalala nong ako'y bata pa
Pagsapit ng hapon sa bangko'y uupo
Habang tumitipa ako'y nakayuko
Aking ninanamnam ang bawat teklado
At muling hahagod ng isang pagsuyo
At sa bawat kumpas nitong aking kamay
Malamyos na boses aking isasabay
At sa kalungkutan aking ibabagay
Dahil ang awiti'y walang kasinglumbay
At bawat taginting ng lumang gitara
Agad ay luluha itong aking mata
Pagkat naalala ang iyong pagsinta
Mula ng mawala di na nakakanta
Ang kwerdas na luma ay di na natipa
Pagsapit ng dilim tugtog ay nawala
Sadyang nilimot na kasabay ng sinta
Ang pusong nasaktan nawalan ng sigla
Ngunit bakit ngayon ang puso'y umawit
Pagkat ang kahapo'y bigla ng nawaglit
Ang aking naisip ay magandang awit
At bagong pag-ibig ang aking nasambit
Pagsapit ng gabi ay muling titipa
Muling maalala ang iyong ginawa
Ngunit kapag puso ay aking kinapa
Wala na ang hapdi sakit ay nawala
At muling gumanda tunog ng gitara
At muling sumabay at muling kumanta
Kaysarap umawit kung puso'y masaya
Sa langit aabot ang ngiting kayganda
Ang kwerdas na luma kahit kalawangin
Ng aking tinipa kay lambing kung dinggin
Lumipad ang tunog kasama ng hangin
Humalo sa ulap sa himpapawirin
Ang gitarang luma'y mapakinabangan
Pag ang puso'y sawi o sa kasiyahan
Kaylungkot ng kanta pag ika'y iniwan
Ngunit kaysaya rin kapag nag-ibigan
Sadyang ang gitara ay walang panahon
Kaygandang libangan pagdating ng hapon
Tayo'y gumitara kaysa ta'y magumon
Sa bawal na gamot at alak na lason
Ganyan nga talaga ang nakagawian
Binata't dalaga'y pwedeng magkantahan
Wala pa noon ang mga bidyuhan
Kaya't sa gitara ay nag uumpukan
BUHOK, KORONA NG KAGANDAHAN
ANG BUHOK KORONA NGA BA NG KAGANDAHAN?
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 2/21/2012
"The hair is the crowning glory of a woman." Ang kasabihang ito ay kinatandaan ko na at magpa hanggang ngayon ay iisa lang yang kasabihan na tumimo sa aking isipan at puso. Dahil alam ko iyan ay totoo. Kapag kumontra ka parang sinabi mo na ring hindi ka tumitingin sa salamin o kaya siguro'y walang nagsasabi sa 'yo na maganda ka kapag ikaw ay bagong gupit o kaya'y galing ka sa parlor at nagpaayos ng buhok.
Masyado lang nating ina appreciate ang buhok sa dalaga pero ang totoo, it applies to all, "people from all walks of life". Mayaman, pobre, lalaki, babae, tomboy, bakla etc. ay naaapektuhan ng kanilang mga buhok. Pwedeng gumanda, pwedeng hindi gumanda, pwede ring maging gwapo, pwede ring hindi, lalong pwedeng maging gwapita't maging gwapito. Kaya't ang buhok ay isa sa pinakamagastos na parte ng
ating katawan. o baka nga pinakamagastos talaga. Dahil ganun kahalaga sa atin ang buhok.
Simulan natin sa pagpaligo, merong shampoo, meron pang conditioner. Pagkatapos merong hair d'ye, high lights, styling gel, creams, pomada, spraynet, etc. Sa mga accesories naman, simulan natin sa hairpin, clips, headbands, turban, payneta, suklay, suyod, hair brush, ribon, sarisaring pangtali, etcetera, etcetera. Kung ayaw naman magbasa ng buhok pag naligo ay meron namang ginagamit na shower cup.
Ngunit hindi doon nagtatapos ang gastos sa buhok. Ang isang babae o lalaki na masyadong particular sa kanyang buhok ay hindi lang pera ang nauubos kundi pati oras. Meron pa diyang gumagamit ng blower araw araw pagkaligo. Minsan natatanong ko nga sa sarili ko, yon bang pagblower araw araw hindi nakakatuyo ng utak? Kung wala namang blower ay tinututok ang buhok sa electric fan para mas madaling matuyo.
Noong araw ang mga babae ay sanay na sanay gumamit ng hairpins para i set ang buhok magdamag pag may okasayon kinabukasan. kukuha ng isang maliit na portion ng buhok, iikutin at lalagyan ng hairpin para hindi madislodge o kaya ay gagamit ng curlers para sa mas malaking kulot oh kaya para magkaroon ng bulk ang buhok pag "tease" nila dito. Hindi nyo siguro alam ang term na tease sa buhok.
Since time immemorial it has been called "tease" and i thought before its a visayan word "tis". It's just a simple process of making your hair lousy or puffy. Parang binirong pag-ayos lang ano? Pull some strands up, holding at the end of the hair and use a teasing comb. Strike it all downward, hanggang maubos yong hawak mong buhok at magmukhang niluray luray. Funny but its true. like the looks of Sedaku's hair.
Pero minsan natatawa ako sa tao. It seems people have no satisfaction at all. Yong mga kulot gustong mag pa straight at yong straight gustong magpakulot. Yong mga itim ang buhok nagpapalagay ng highlights na puti samantalang yong puti nagpapatina ng itim, dark brown, burgandy, light brown at iba iba pang kulay. Hayy, ang tao talaga.
Ngunit ang mas mahal ay kung pupunta ka sa parlor. Gupit, blower, Hair dye, relax, hot oil, kulot, rebond. Yes rebond, the craze of every woman. Kahit mahal sigi lang ang importante maganda. Pero ang iba basta lang makaarte ay pwede na rin sa mura Ingat lang at baka imbes na gumanda ka ay nakalbo ka pa.
Ang isa sa dapat ingatan ay ang ating buhok dahil pag yan ang nadisgrasya maghihintay ka ng ilang buwan para mabalik sa dati kung ito'y nasunog lang o mali ang gupit. Paano kung nakalbo na pala?
Pero sa pagkahaba haba ng aking naikwento ay hindi naman talaga yan ang aking gustong talakayin sa write-up na ito kundi ang tanong sa aking sarili "BAKIT"? Bakit ang buhok ang pinagdidiskitahan ng babae pag s'ya ay nabibigo, nasaktan, iniwanan, o nakipagbreak sa kanyang kasintahan. Totoo ba ito sa inyo? Marami akong nakitang ganito.
Bakit nga ba? Hindi ba pwedeng kuko na lang ang putulin pag ang puso mo ay nagdurugo? O pwede bang ang mga kilay na lang na makalat ang iyong pagdiskitahan, o kaya ang buhok sa kilikili, (wag kayong mag-isip ng masama, baka ako ma ban sa FB), o kaya kutkutin ang mga blackheads sa iyong mukha? Bakit nga ba ang buhok na nananahimik at nasa likod naman ang una mong pinagdidiskitahan?
Ang ganda, ganda ng mahaba mong buhok, kakaparebond mo pa nga lang ng biglang nagkahiwalay kayong magjowa, "aray", sabi ng buhok, "Ouch", spare me. Kita n'yo hindi na kayo naawa. Pero pagkatapos maka move on after few months or one year. Nakakita ng kapalit o kaya ang first love nakipagbalikan, ayan na ang iyong pagsisisi, "gusto pala n'ya 'yong dati kong buhok." Kakatawa di ba.
Pero dahil daw pina iksi n'ya ang kanyang buhok, may natutunan din naman s'ya,. Tumapang daw s'ya being a woman nong nagpagupit, kasi nong mahaba ang kanyang buhok masyado syang mahinhin at mabait, ngayon sa paghaba ulit ng kanyang buhok, mahinhin pa rin naman s'ya gaya ng dati, pero watch out, matapang na s'ya ngayon.
May pakinabang naman pala ang pagpapagupit ng buhok after heartaches. Ibig sabihin sa buhok dinadala ang ngingit na para mo ring sinabi na, "ayan na ang buhok na una mong kinabaliwan sa akin, pinutol ko na." Feeling mo nakaganti ka. Ganun ba yon? Kung makita ka man n'ya sa bagong mong anyo siguro ang sasabihin lang n'ya, "nagpagupit ang gaga nasaktan nga talaga, hmmmp mas maganda pa yong dati." "Kita mo na."
But, does it really matter to him? Wala naman yang kunsensya. Pero siguro nga self-satisfaction na lang. Kahit papano natuwa ka. Tingin mo iba ka na. you thought, you became sophiticated by doing so. Kahit feeling lang, kahit mas maganda ka nung mahaba ang buhok mo.
Anyway, kahit ano pa yan. que maganda que pangit ang buhok mo, just be yourself. What's important is you have your self confidence, basta carry lang talaga ang sarili and most importantly, maganda at busilak ang 'yong puso, maganda ang iyong kalooban at hindi yong panlabas na kaanyuan lang, yon ang gusto ni Lord!
PAG-IBIG ANO KA NGA BA?
PAG-IBIG ANO KA NGA BA?
(inspired by Creator, Jules Ragas)
SINO BA ANG NAG-IMBENTO NG LOVE?
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/5/2011
Pag-ibig, pag-ibig saan ka nagmula?
Dala ba ng hangin, nalaglag sa Lupa?
Tulo ka ng tubig nabuo sa kweba
O dala ng ulan tapos naging baha?
Pag-ibig, pag-ibig saan ka nagmula?
Yaon bang nabasa kay Adan at Eba?
Kumain ng prutas ang bawal na bunga,
Natuto ang tao meron ng malisya?
Pag-ibig, pag-ibig bakit may pasakit?
Di ba ang pag-ibig sa puso inukit?
Ang dalawang tao na ating nasambit,
Kapag magkasama parang nasa langit?
Pag-ibig, pag-ibig, paano sinukat?
Isa ka bang kahoy sinukat ng patpat?
Isa kang pagkain na sobra ang alat,
O tinis ng boses pagkanta'y namalat?
Paano na nga bang pag-ibig sinukat?
Isa at dalawa tatlo't ikaapat
Buwan man o taon anong nararapat
Sa patagalan ba o maikli't tapat?
Tunay ngang pag-ibig pala'y mahiwaga
Umusbong sa puso at pagalagala
'Di mapaliwanag kahit dalubhasa
Ang may damdamin lang ang makaunawa
Itong ngang pag-ibig sari-saring kulay
'Di maintindihan kung peke o tunay
Sa una'y masarap panay ang pagbigay
Biglang magbabago bigla lang tatamlay
Ngunit bakit tao ay hindi madala
Maraming pasakit maraming pagluha
Madaling lumimot muling magsimula
Iibig na muli, dagling magtiwala
Ang pag-ibig nga ba ay isang ruweda
Paikot-ikot lang mula sa simula
At hanggang mapagod ikaw ay bababa
Uulit kang muli hindi magsasawa
SINO AKO?
SINO AKO?
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 02/20/2012
Ako itong si Wee-ween
Si "we win" ay ako rin
Iniba ang ispeling
Lumaking t'yan ni nanay
At ng ito'y bumigay
Ako ay nagkamalay
Inanak ng eleksyon
Nobyembre kwatro noon
Wala ng mga Hapon
Ang kandidato nila
Ay si Doktor Mayuga
Sa kongreso umarya
Natuwa ang tatay ko
"We win" daw at panalo
Magandang pangalan ko
Lumaki ng matulin
"We win" ay naging Wee-ween
"We won" nama'y pangit din
(KAPAG GALIT SI NANAY)
Ako ay si Terwina
Itong tawag ni Ina
Kapag s'ya ay galit na
Ang tawag n'yang pasinghal
Pag pasaway ta't hangal
Wala pa noong sal'wal
Pag ako ay makulit
O siya'y nagngingitngit
May kurot pa sa singit
Terwina'y kasiyahan
Sa mga kaibigan
Pag nagkakatuwaan
Nakasanayan ko na
Naging isang musika
Dito sa aking tenga
Kahit hindi na galit
Kahit di nanlalait
Terwina'y parang Langit
(DALAGA NA SI TERWINA)
Nang ako'y nagdalaga
Marami ng amiga
May amigong kasama
Ang barkada'y kaysaya
At laging magkasama
Kababayan ko sila
Ngunit ayaw na nila
Ang ngalan ay pambata
Naging "Wines" ang Terwina
Sila ay nangatuwa
Ang "Wines" pang Amerkana
Maganda raw sa tenga
Ako rin ay masaya
"Feeling" ako'y moderna
Ngalan ay imported pa
(ANG NGALAN SA LANGIT)
Mga bansag lahat yan
Iisa lang ang ngalan
Doon sa kalangitan
Maria ay "Maria"
Nanay ng Diyos Ama
Sa ngalan ko ay una
Crozalle'y pangalawa
Dinugtong sa Maria
Maria Crozalle na
Pangalan ay naiba
Akala ay mestiza
At isang española
doubleng elye (L) ay peke
sa ngalan ay nadoble
Kaya naging CrozaLLe
C ......Capiz, ang tatay ko'y tagaroon
R ......Romblon, ako ay Romblomanon
O ......Odiongan, pinanganak ako doon
Z ]
A ] ....ang tatay ko si riZAL Aguilar Reyes
L ]
L ]
E ] ....ang nanay ko si LEtty Leaño Maulion
Pinagmamalaki ko
Ang tatay kong humayo
Ang pamana'y ga mundo
Odiongan, aking banwa
Romblon, aking probinsya
Itong kanyang pamana
Kahit sa buong mundo
iisa ang ngalan ko
s'ya ang nagkarpentero
Salamat aking tatay
kahit ako'y nalumbay
Diyos ang aking gabay
Maraming salamat po, Ma. Crozalle Reyes Raymundo
ngekkkk....iba na naman...
syempre may asawa na.....
PANAGHOY NG ISANG ANAK
PANAGHOY NG ISANG ANAK
Inspirasyon: Rosemarie De Leon Fainsan
Ma. Crozalle Reyes raymundo
a.k.a. Weee-ween Reyes, 8/22/2011
Noong ako'y bata aking naalala
Siya'y mapagmahal at napakaganda
Pinupunasan n'ya ng pawis si Ama
Pagkaing masarap ay t'yak nakahanda
S'ya ang aming nanay sa ami'y lumingap
Kasama rin namin sa bawat pangarap
Nagsikap sa buhay mag-isang hinarap
S'yang aming patnubay sa hirap at sarap
Sa aking pagtulog alam mo ba Nanay
Sa panaginip ko kayo'y naglalakbay
Laging magkasama ikaw at si tatay
Pagdating sa bahay ngiti'y naghihintay
Ngunit bakit kaya sa aking pag-uwi
Hungkag ang paligid ngiti ko'y napawi
Pagbukas ng pinto nag-iisa't sawi
At kayong dalawa sa "Kanya umuwi"
Ang hirap ng buhay ng wala si nanay
Pag-uwi'y magluto,maglaba't magsampay
Ang mga kapatid sa buhay ang gabay
Sa mga problema'y laging hawak-kamay
Nawala si Ama at 'yong tinaguyod
Siyam kaming anak sa yo'y nakasunod
Iyong pinag-aral sumakit ang likod
Ikaw ay dakila di ka tumalikod
At sa paglilibot pamilya'y namasdan
Ina'y sa kaliwa, ama ay sa kanan
Paano ako Nanay, si Tatay lumisan
Bumilang ng taon at iyong sinundan
Sadya bang ganito talaga ang buhay?
Puno ng pighati paa ko'y napilay
Sa mga panahong walang aalalay
Lambing mo'y hinanap, at hagod ng kamay
Pinakamamahal naming Tatay't Nanay
Kahit sa alala kami'y mag-aalay
Laging naalala kahit pa nawalay
Sa "Kanyang" kadungan kayo'y nababagay
DAKILA KA INAY WALANG KAPANTAY
DAKILA KA INAY WALANG KAPANTAY
(Inspirasyon: Vher Fadrix)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 08/15/2011
Siyam na buwan anak ay inasam-asam
Paglabas sa mundo ina'y walang alam
Puyat at pagod at pusong aagam-agam
Tulad ng ama pag-alaga'y di mainam
Ngunit bakit ina ay sadyang kainaman
Pag-aalaga sa anak madaling natutunan
Gabi'y ginawang araw para masubaybayan
Anak na nililiyag kanyang kayamanan
Kung s'ya'y magkasakit ina'y di maidlip
Nagbabantay magdamag lagi s'yang sinisilip
Pagod sa maghapon naglalaba'y naidlip
Hindi alintana kahit dibdib masikip
Ng dumagundong ang kulog na matunog
Anak ay nangalog akala ay may nahulog
Kumunyapit sa ina ang kanina'y nangatog
At sa kanyang dibdib mahimbing natulog
Ina ay hindi lang tagaluto't tagalinis
Tagapayo ng anak paglaki'y di malihis
Ang Kalooban nito'y kanya ring hinugis
Pagkilala sa Diyos puso n'ya'y malinis
Ngunit alam n'yo ba gaano s'ya kadakila
Buhay n'ya'y isusugal hirap di alintana
Mapalaking maayos anak di maging kawawa
Handang magtiis umagos man kanyang luha
At Anak ay nagitla sa kanyang nakita
Dating kabataan lumipas na't nawala
Ina'y tumanda at kulubot na ang mukha
Mata'y lumabo na't lakas n'ya'y nawala
At pagsapit ng dapithapon sa iyong buhay
Pagmamahal sa iyo'y akin ding iaalay
Aalagaan kita't aalalayan ang mga kamay
Ibubulong sa iyo "mahal na mahal kita Inay"
NOBYEMBRE KWATRO NA TERWINA
NOBYEMBRE KUATRO NA TERWINA
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/4/2011
(Picture, courtesy of Adrian kelly)
http://weenweenreyes.blogspot.com/
Wee-ween Reyes
weenweenreyes.blogspot.com
Ngayon pala Terwina
ay Nobyembre kwatro na
iyo bang naalala?
Bakit di ka magluto
sila ay paparito
dadalo sa "birthday" mo
Ang taon ay dumaan
tatanda ka na naman
idad ay madagdagan
Balikan natin kaya
nanay mo'y nakahiga
at halos magmakaawa
Sumakit na ang tiyan
siya ay nasasaktan
at halos pagsisihan
Sila ay nataranta
mga doktor ay wala
nasa seminar pala
Mabuti may hilot pa
Si Monray ang ngalan n'ya
Nagpaanak sa kanya
At sa araw na ito
kawawa ang nanay mo
umireng todotodo
Tumayo at umupo
di malaman ang pwesto
pinawisan ang noo
Di malaman ang gawin
ang santo'y tinawag din
siya ay nanalangin
At sa kanyang pagsigaw
ika'y biglang sumungaw
napatakbo ang araw
At pagtakbo ng araw
ang langit ay namanglaw
ang buwan ay tumanglaw
Lumabas na ang ulo
hininga ay mapugto
luha n'ya ay tumulo
pinunit ang tahimik
paligid di umimik
at s'ya ay nagpagibik
Ang sanggol ay lumabas
kutis ay parang gatas
mukha'y maaliwalas
Binaliktad ang ulo
Pinakpak s'ya ng tatlo
At umiyak ng husto
Umatungal ng todo
paglaki ay soprano
boses nya ay may tono
At siya ay lumaki
isang simpleng babae
sabi ay masuwerti
'Di na isaisahin
pagkat tayo'y gabihin
sa daming sasabihin
Kayat sa araw na 'to
ay magsasaya tayo
lahat ay kumbidado
S'ya ay mayroong "party"
at s'ya ay"very pretty"
lumakad ng may arte
Ang kanyang gown ay dilaw
kulay nakakasilaw
mata ay umiilaw
Dahil kaarawan nya
siya ay nagpaganda
akala s'ya'y prinsesa
Siya ay si Terwina
kung kilala n'yo na siya
makisaya sa kanya
Pagkat s'ya'y mahiyain
kayat s'ya'y patawarin
kahit di kilalanin
Ako'y nananalangin
sa Diyos Ama natin
na s'ya ay pagpalain
"Happy Birthday" Terwina.....
Saturday, March 3, 2012
MIYERKULES NG ABO
MIYERKULES NG ABO
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 2/22/2012
http://weenweenreyes.blogspot.com/
Kahapon ay nagbahaybahay na naman ang aming kapitbahay na si Auntie kiks, kung tawagin s'ya sa aming lugar. Taon taon ay ganun ang kanilang ginagawa. Hinihingi ang mga lumang palaspas para gawing abo para sa ash Wednesday. Ang kanyang tiyuhin at tiyahin na sina Mr. and Mrs Gascon ay mga taong simbahan kaya't naging obligasyon na yata nila sa simbahan ang tumulong tuwing nagcecelebrate ng ash wednesday. Ang paghingi nila ng aming mga lumang palaspas ay s'yang nagpapaalala na kinabukasan ng Miyerkules ay ash Wednesay na. Ang aming pasasalamat sa mag-asawa.
Pansamantala ay bitawan muna natin ang ating mga nakagawiang gawain sa araw na ito at bigyang pansin ang MIYERKULES NG ABO. "From dust you came and to dust you will return". Siguro ang iba sa atin ay nakapagsimba na kaninang umaga at nakapagpalagay na nito sa kanilang mga noo. Pero teka po, linawin lang natin ang ibig sabihin ng Miyerkules ng mga abo. Hindi po ito isang simpleng nakaugalian lang kaya taon taon ay ginagawa natin yan.
Ang Miyerkules ng abo po ay hudyat sa pagpasok ng Kuwaresma. Ano nga ba ang kuwaresma? Ito ay spring o tagsibol. Pag-usbong ng dahon matapos ang taglamig. Ito'y apatnapung araw para sa paghanda sa darating na Pasko ng pagkabuhay at ng matanggap natin ang kaligtasan. Ang abo ay ginuguhit sa noo sa anyong kurus upang maging simbolo ng pagpapakumbaba ng ating mga puso at magsilbing paalala na ang buhay natin ay hiram lang
Ngunit sa lahat ng ito tayo ay binigyan ng pagkakataon tuwing Miyerkules ng Abo na magbalik-loob, magnilaynilay at mangiling upang tayo ay maging handa sa muling pagkabuhay ni Kristo. Magsisi tayo sa ating mga kasalanan at humingi ng tawad sa Diyos at sa pagtanggap ng kapatawaran tayo ay nabibigyan ng pag kakataon na magbago at magsimulang muli katulad ng isang bagong usbong na dahon.
Magbalikloob tayo sa D'yos. Humingi ng tawad sa mga kasalanang ating nagawa. Ito na ang ating pagkakataon. Mangumpisal tayo kahit minsan sa isang taon at pagsisihan ang mga kasalang ating nagawa. Ang Diyos ay naaawa at nagpapatawad sa taong tapat na nagbabago at nagsisisi
Ngunit hindi ibig sabihin nito ay tuwing Miyerkules lang ng abo tayo magsisisi at magpapakabanal. Hindi rin ibig sabihin nito ay pwede tayong gumawa ng kasalanan kasi and'yan naman ang Miyerkules Ng Abo sa sunod na taon at pwede na naman tayong humingi ng tawad sa D'yos. Alam ng D'yos kung sino ang tunay na nagsisi at alam natin na ang tunay na pagsisisi ay may pangako na hindi na uulitin ang nagawang kasalanan. Kung tayo man ay mabigyan ng pagkakataon na magbago sana yan ay gawin natin bilang panimula tungo sa ibayong kabutihan at hindi paulit ulit na pagkakasala.
Ang D'yos mapagpatawad, mapagmahal, hindi madamot, maunawain, mapagbigay, mapagpatawad lahat na ng adjectives na positibo ay pwede mong iakibat sa kanya. Pero may pananagutan tayo bilang tao at yan ay ang sumunod sa kanyang mga kautusan. KUng hindi natin masunod yan ay hindi tayo magiging mabuting tao. At kung paulit ulit tayong magkakasala ay bumababa din ang kalidad ng ating kaluluwa.
Ngayong araw ng Miyerkules ng abo, tayo ng magpalagay sa noo, magsimba tayo at namnamin ang mga salita ng Diyos, humingi ng patawad, at lubusang pagsisihan ang mga kasalanang ating nagawa.
IBA'T IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 3
IBA'T-IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 3
(Kapalaran ba o katangahan?)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 2/23/2012
http://weenweenreyes.blogspot.com/
PANGATLONG BATO: (KATAPUSAN)
Nakaupo na naman si Laila sa may bintana ng kanilang inupahang apartment. Naghihintay ng sulat at hawak hawak lagi ang cellphone na laging fully charged. Nauubos ang kanyang oras sa bawat umaga sa kahihintay. Mabuti lang at 12 noon ang pasok namin kayat napagbibigyan n'ya ang sarili. Pero hanggang kailan s'ya maghihintay? Nahiya s'yang bumalik sa apartment na dati n'yang tirahan bago s'ya nag-asawa. Takot s'ya at baka makarinig ng sumbat sa mga kapatid.
Kumuha na lang si Laila ng isang makakahati sa apartment habang pilit na pinapaniwala ang sarili na baka bumalik one day ang kanyang asawa. "Maswerte ka lang Laila di ka nabuntis at least kung hindi ka balikan ni Mel, wag ka lang magalit, ay pwede kang mag-asawang muli." Ang sabi ko sa kanya.
Bago mag-isang taon ay medyo nakapagmove-on na rin si Laila. Nagiging subject na lang ng aming pang-araw araw na biruan ang pag-aasawa n'ya ng panandalian. Madalas s'yang biruin ng boss namin na baka bakla raw ang kanyang pinakasalan kaya bigla s'yang iniwan ng walang sabisabi. Pero alam ko ang mga biro ng Boss namin ay half meant dahil isa rin s'yang gay. Kasi nagtataka s'ya sa kwento ni Laila na pahapyaw, na ang unang asawa at anak ay nasa probinsya at samantalang si Mel ay nakatira dati dito sa Nanay n'ya sa Maynila. Pagkatapos ngayon nag-asawa na naman at bigla lang naglaho.
Ate, halika may ikwento ako sa 'yo. Hinila ako ni Laila pagdating isang umaga. Natatawa habang hinihila ako kaya alam ko maganda ang ibabalita sa akin. Ngunit ang tawa palang iyon ay sarkastiko. "Alam mo Ate, may nalaman ako kahapon, matatawa ka talaga. Bungad n'ya sa akin. "Naku kung alam ko lang talaga di ako pumatol sa sira ulong yon. O akala ko ba'y nakapag move-on ka na. Oo naman Ate, ganito kasi yon. Nakatikatihan ko kasi kahapon na dalawin ang Nanay ni Mel, for old times sake. Naging mabait naman dati sa akin yon.
Pero grabe, di ko alam kung matawa ba ako , mainis, o mandiri sa nalaman ko. "Haba ng pasakalye, o ano nga? Ate akalain mo, tama nga ang duda ni Boss, iisa gusto namin." "Ano lalaki? ..Biglang umapir sa akin si Laila. You bet! At napuno ng halakhakan ang Cosmetic Surgery Center. Kung alam ko lang di talaga ako mapapakasal sa kanya. Grabeh.. Ok lang naman maging gay, si boss nga ganun din, pero yong puntong nakipag anuhan ako sa ganun, kainis, heh. Kaya pala, tanga tanga lang talaga ako noon. Kaya pala ang linis n'ya sa bahay at napakahilig n'yang mag-ayos ng bahay. napeke ako. Kala ko masinop lang talaga."
"Paano mo nalaman?" " Ay di namasyal nga ako doon kahapon, inabutan ko yong mga anak n'ya don at dumalaw sa lola nila. Kasama yong unang asawa at pinakilala ni Nanay sa akin. Ayon, ng magkapalagayan kami ng loob ay nagsimula ng magkwento. kaya pala sila iniwan ay dahil sa lalaki. Pero kaiba daw si Mel. Minsan nagkakagusto rin sa babae pero pag na in love sa lalaki ay iiwanan talaga ang babae.
Hindi rin daw alam dati nong una n'yang asawa kaya nagpakasal sila pero ng dalawa na ang kanilang anak tsaka n'ya nalaman ang dual personality ni Mel. Nanlalalaki pala di n'ya alam hanggang sa may nagmalasakit na talaga sa kanya at nagtapat na ang asawa n'ya ay may lalaki. Kaya ayon . Pero mabuti nga ako hindi n'ya naanakan. Kasi sandali lang kami pero yong isa nakadalawang anak pa bago n'ya nalaman.
Ano pa ang magagawa n'ya. Kaya nga lang nakiusap sa kanya na wag ipaalam sa nanay n'ya at kahit na kanino kasi dati daw nakokontrol pa n'ya ang magkagusto sa lalaki pero kalaunan di na mapigilan. Pero nung malaman n'ya ang nangyari sa akin naisip n'ya kung patuloy n'yang ililihim kay Nanay itong katauhan ni Mel ay baka marami pang babae ang kanyang masisira.
THe long wait is over. At least ngayon hindi na aasa si Laila na baka balikan pa s'ya ng asawa. Para sa kanya kahit bumalik ang asawa ay hinding hindi n'ya na ito tatanggapin at baka darating ang araw na iwanan na naman s'ya nito. "Ang sabi nga sa akin ng una n'yang asawa ay ipagpapalit talaga n'ya sa lalaki ang kanyang asawa."
Wala na ang bakas ng kahapon, ang poot sa dibdib ay nawala na ring tuluyan. Sa paglipas ng panahon ay nakapagmove-on na rin si Laila. Nagkahiwalay na rin kami ng landas kasi nagresign na ako sa trabaho. Ngunit nabalitaan ko after few months ay nagresign na rin s'ya. At makaraan ang mahigit isang taon biglang dumalaw sa akin si Laila.
May bagong pag-ibig na naman?. Hindi ko naman masabi na may katangahan talaga itong si Laila o sadyang bobo lang talaga ang puso n'ya. "Ate, si Randy, Jowa ko." Napakamot na lang ako ng ulo. "Oh, kumusta ka na? Mabuti naalala mo pa ako. "Syempre naman nuh, ikaw pa". Sa totoo lang gusto ko talagang batukan si Laila ng oras na yon. Oo at may hitsuhitsura ang lalaking kasama n'ya pero my God, di naman sa nanlalait pero nurse s'ya nag eexpect din ako na makakuha man lang s'ya ng matinutinong boyfriend. Hindi pa rin ba s'ya natuto.
Pero minsan naisip ko rin. Bahala na nga lang kung saan na lang s'ya sasaya dahil yong dalawang nakaraan n'yang pag-ibig na may mga tinapos sa pag-aaral ay puro naman dusa ang napala n'ya."Ang baduy", sa loob loob ko lang at baka masaktan naman si laila. Maputi naman at medyo may hitsura pero halata talagang probinsyano.
"Hoy, Laila, saan mo naman napulot yan? Tanong ko nong kami'y makapagsolo sa kwarto. Naiwan sa sala ang lalaki pinanood n'ya ng TV. "Alam mo ate sa totoo lang walang pinag-aralan yan pero mabait naman. anong walang pinag-aralan? Grade three lang daw inabot n'ya ate tapos di s'ya pinag-aral kasi mahirap lang sila."
"Minsan dinalaw ko sina Mama, ok na kami ulit eh, nakasabay ko yan sa bus sa tagal ng byahe pa Mindoro naging close kaming dalawa tapos dapat mauna s'yang bababa. Pero di s'ya bumaba at sumama sa akin sa bahay kaya ayon naging kami na.
Hayaan mo na ako Ate. Kailangan ko rin namang lumigaya noh. Mahal ko naman s'ya at take note, mahal na mahal talaga ako ng loko. Halos subuan ako pag kumakain kami tsaka ang lambing n'ya." "Ay ewan wala na akong masabi." Bahala ka, ikaw naman ang makikisama d'yan hindi ako. Kaya lang paano yan
eh sabi mo nga walang trabaho, di buong buhay mong pakakainin?
"Masipag naman s'ya Ate eh balak ko nga paapplayin pa abroad kahit anong trabaho payag naman s'ya." "Lokoloko ka pala eh sinong tatanggap ng grade 3 sa abroad?" "Ang dali kayang magpagawa ng requirements sa Recto." "Ayun, yon pala ang balak mo. Manloko. Aba'y akala mo ganun lang kadali yon. Paano kong madiskubreahan ng employer n'ya na peke ang requirements baka ma ban s'ya. mahirap yang iniisip mo. Magaling naman s'ya sa math at mabilis magbasa. Yon naman ang importante di ba? "Ay ewan ko sa inyo. Mabuti pa n'yan
dito mo na lang hanapan ng trabaho."
Hanggang makaalis sa bahay ang dalawa ay napaisip ako. Ano nga ba talaga ang batayan sa pag-ibig. Tinapos? I mean pinag-aralan? Kung ano ka sa lipunan? O kung may pera o wala? O sadyang ang kailangan lang ay yong pangangailangan n'yo sa isa't isa. Basta ba mahal nyo lang ang isa't isa ok na. Ngunit ang pag-ibig ay hindi lang sa isang simpleng
mag BF ang pupuntahan.
Darating yong time na mag-aasawa kayo at magsasama sa iisang bubong.
Pagnagkaanak kayo ay di maiwasang may mga bagay na pag desisyunan ang padre de pamilya o kaya may time na nagpapalitan ng kurukuro ang magpapamilya. Kung ang Tatay kaya ay walang pinag-aralan hindi kaya s'ya maaapektuhan pag puro matatalino na ang mga anak nya? Hindi kaya s'ya ma out of place kung ang asawa n'ya ay isang nurse na gaya ni Laila.
Ok lang sana kung parehas lang ang mag-asawa kasi sila talaga ang magsasama sa lahat ng oras. Yung magkapantay ang uri nila para mas madaling magkaintindihan o yong hindi masyadong malayo. Sila ang magpapakisamahan sa araw-araw, kasi marami namang magulang na walang aral at nakatapos ang mga anak pero ok lang sila. Pero sa kaso nila na grade three lang si Randy at s'ya ay nurse, mahirap yata.
Pero hindi ko nagawang payuhan si Laila. Hinayaan ko na lang na puso n'ya ang magdesisyon kung saan s'ya pwedeng sumaya matapos ang dalawang frustrations n'ya sa pag-ibig. Kung itong pangatlo ang magbibigay sa kanya ng tunay na kaligayahan ay hayaan na nating puso nila ang mag-usap. Total wala namang perpektong tao at wala rin namang perpektong relasyon. Swertehan na lang siguro.
At mula noon ay hindi na kami nagkita ng dati kong kasama sa trabaho. Di ko na rin nabalitaan kung sila na nga ba ang nagkatuluyan. Paminsan minsan ay naaalala ko rin s'ya pero sana nga kahit ano pang klase ng mukha ng pag-ibig meron s'ya ngayon, sana Lord masaya na s'ya at nakita na ang tunay na kaligayahan...
-------------------------------------------- W A K A S ----------------------------------------------
IBA'T IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 2
IBA'T-IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 2
(Kapalaran ba o katangahan?)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 2/23/2012
http://weenweenreyes.blogspot.com/
PANGALAWANG BATO:
"Ano umuwi si Mel? Pakiulit mo nga, nagpakasal kayo ng hindi man lang namin nalaman? Ano bang pinaggagawa ng lalaking yan sa buhay n'ya?"
Parang may bara sa lalamunan ni Laila. Hindi n'ya magawang sagutin ang mga tanong ng kanyang itinuturing na byanan. "Nay painom po ha." At kanyang tinungo ang kusina at kumuha ng tubig. Uminom s'ya paunti unti para masayaran ang nagbabarang lalamunan. She was almost in tears.Naghintay na lang s'ya kung ano pa ang mga sasabihin nito. Kung magsasalita pa s'ya ay baka lalong tuluyang mapaiyak na sa problema sa kanyang napangasawa.
Gusto n'yang magtanong at deretsahin na kung ano ang mga bagay na pwedeng ipagtapat ng kausap sa kanya. Nagtataka s'ya sa sobrang pagkabigla ng kanyang byanan na parang may pag-aalala pa sa mukha ng kanyang sinabing sila'y nagpakasal na. But she chose to keep quiet, wait, and listen to what ever things she is about to divulge.
At doon na nagsimulang maglitanya ang ina ni Mel. "Ano ba ang alam mo sa kanya?" Umiling lang si Laila. Bumuntunghiningang malalim ang ina. "Nagtataka naman ako sa iyo Laila kung bakit nagpadalosdalos ka ng pagpapakasal d'yan kay Mel na hindi man lang ako kinunsulta. Ni hindi kayo nagbigay galang sa akin bilang ina." "Kainis talaga yang si Mel". Laila muttered.
"Kilala mo naman ako Lai. Naging malapit ka naman sa amin noon. At alam na alam mo itong bahay dahil tumira ka rito ng ilang buwan ng alagaan mo ang asawa ko ah. Bakit nga ba nagpakasal ka kay mel ng hindi giniit na magpaalam sa akin.?" "Sorry po Nay, natakot kasi ako na magalit si Mel. Sabi po kasi n'ya magkagalit kayo kaya di na po ako nagpumilit." and she sighed at the thought of her husband.
"Ewan ko Laila, di ko alam kung paanong magpapaliwanag sa iyo. Iyang si Mel adopted ko lang yan. Nasabi ba n'ya sa 'yo?" Umiling namang muli si Laila. Nakagat ang labi. "Mula pa bata yan ay ako na ang kinagisnang ina, pero inamin ko sa kanya nong lumalaki na s'ya. Ni hindi ko nga nakilala ang mga magulang n'ya kasi binigay lang yan nung dati kong katulong. Hindi nga yan legally adopted. Halos sa tawag lang kamimag-ina dahil kami nga ang nagpalaki sa kanya." She was a bit dumbfound of what she heard from her mother-in -law. But tried to be calm.
"Iisa lang ang anak ko. Si Nelson, kilala mo naman yon di ba?. Nakita mo na dito dati kaya lang malayo ang trabaho kaya halos every two weeks lang umuuwi." Gusto n'yang maawa kay Mel sa mga narinig sa b'yanan. But this time, parang mas gusto n'yang maawa sa sarili. Parang pakiramdam n'ya naloko s'ya, as if everything were all lies from the very start. "Huwag mo akong sisihin. Kung nakikita ko man kayo dati na close ay alam kong malapit lang talaga yang si Mel sa mga babae kaya hindi ko binigyang malisya ang pagkakalapit nyo"
"Kaya nga po ako naniwala sa kanya dahil akala ko walang problema kaya hindi kayo nagkokontra at mabait din kayo noon sa akin akala ko po alam n'yo na naging kami na ni Mel nung nag-aalaga pa ako kay Tatay. Hindi n'yo po ba alam yon Nay?" "Naku patawad Laila. Wala akong kalam-alam talaga. Akala ko friend friend lang kayong dalawa. Sana nabanggit mo man lang noon na kayo na. O nagtanong ka man lang kung alam ko na kayo na. Wala rin naman kasing binabanggit sa akin si Mel."
"Akala ko talaga po tunay n'yong anak si Mel kasi kung titingnan ko po mas close kayo kaysa doon sa isa n'yong anak kaya akala ko talaga totoo." "Mas close talaga sa akin yang si Mel kasi nga parang s'ya yong naging panganay kong anak."
At sinapo ng kanyang byanan ang noo na mukhang problematic at litong lito. Tapos muling bumuntinghiningang malalim bago nagsalita ulit. Laila, wag kang mabibigla. Hindi ko alam kung sinong sisisihin sa mga nangyayari. Ako ba , ikaw o si Mel o kayong dalawa. Hay, laila ano itong ginawa mo sa buhay mo. Bakit ka pumayag agad-agad." Akong nahihirapan sa ginawa n'yong yan. Mel's Mother was so disgusted. She did not expect this. Not even in her dreams.
Pero ang isang nagpalindol sa buo n'yang pagkatao ay ang sinabi ng ina na may asawa na si Mel at dalawang anak, at kasalukuyang nasa probinsya nong s'ya ay nandoon sa kanila na nag special nurse. Yon ang nagpatagis sa bagang ni Laila. Galit na galit s'ya bakit wala man lang nagsabi sa kanya. Ang sabi ng ina ni Mel bakit daw s'ya magpapaliwanag ay wala namang humihingi nito. "Yan ang kanina ko pa pinapaliwanag sa iyo Laila. Kung bakit ka pumayag na hindi ako kinausap bago kayo nagpakasal. Tapos ngayong may problema marunong ka naman palang pumunta rito. Ano ang kasalanan ko doon. Sarili mo ang iyong sisihin."
"Bakit hindi si Mel ang tanungin mo? Wala akong kinalaman sa ginawa n'yong dalawa at ako pa nga ang dapat magalit dahil hindi kayo nagbigay galang bago kayo nagpakasal." "Kaya nga po ako pumunta dito kasi po hindi na sumulat si Mel at hindi na rin tumawag mula ng umalis." Napailing na lang ang kanyang byanan. Nagbabakasali po akong tumatawag sa inyo. Nagulat man ay wala s'yang maisasagot dahil kahit sa kanya ay hindi na rin tumatawag o sumulat man lang. Samantala'y umiyak ng umiyak si Laila. Laglag ang balikat at hindi maintindihan kung ano ang gagawin sa problemang kinakaharap. She's lost and her heart was totally wrecked.
Paulit ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ng byanan na may asawa na si Mel at dalawang anak at ano s'ya ngayon kabit? Kabit na ngang maturingan pagkatapos iniwan din s'ya ng asawa ng wala man lang sabi sabi. Hindi n'ya maunawaan ang lahat ng nangyayari. Gusto n'yang mawalan ng malay at baka paggising n'ya ay iba na ang istorya ng kanyang buhay. Ngunit hanggang makaalis s'ya sa bahay na iyon na kung saan ay una silang nag kakilala ng pekeng asawa ay walang nabago sa katotohanan may asawa na ang kanyang asawa at ngayon ay mukhang nagtatago pa sa kanya.
Habang naglalakad papunta sa sakayan ay bigla s'yang natauhan ng matalsikan ng tubig sa kalsada na nadaanan ng jeep. Muntik pa nga s'yang madagil. Depressed na depressed s'ya sa narinig na balita. Tulala s'ya at parang wala sa sarili. Umiiyak habang lumalakad at wala s'yang pakialam kung may nakakakita ba sa kanyang pag-iyak.
At nagsimulang lumuha ang langit na para bang nakikiramay sa kalungkutan n'ya. At gusto n'yang lunurin ang sarili sa pamamagitan ng mga hampas ng ulan sa kanyang pisngi. At sa lamig ng bawat patak ay umaasa s'ya na mabawasan ang sakit at hapding nadarama. Pero hanggang sa mabasa ng ulan ang kanyang buhok, mukha pababa sa kanyang damit ay wala ring nabago sa katotohanan. And'yan pa rin ang sakit, ang hapdi, na para bang nasugatan ang kanyang puso.
Kung maaari nga lang tingnan ang puso at silipin kung talagang nagdurugo ito ay gagawin n'ya para malaman n'ya kung bakit pagkahapdihapdi nito. "Ahh Mel, ano itong ginawa mo sa akin? Ano ba ang naging kasalanan ko sa 'yo?" This is all that she can do, cry. And who's to blame? Was it her fault to be so naive about men?
Ano bang palad meron ang babaeng ito sa pag-ibig? Ang unang boyfriend ni Laila ay nakabuntis kaya pinilit ng magualang ng babae na pakasalan ang kanilang anak. Pero bago nagpakasal ay pumunta sa kanya at niyaya s'yang magtanan dahil nga daw may pumipikot sa kanya.
Hindi naman pumayag si Laila dahil naaawa s'ya na walang magisnang ama ang bata kung makipag-agawan pa s'ya. Kaya't naghiwaly silang dalawa. Para sa kanya, may ginawang kasalanan ang Ex n'ya kaya dapat n'yang panagutan.
"Kasalanan n'ya yon, kinakaliwa pala n'ya ako kaya't pagdusahan n'ya kung ano man ang maging buhay sa babaeng iyon. Sabi n'ya'y di naman n'ya tutuong minamahal at inakit lang daw s'ya minsan isang gabing parehas silang lasing matapos s'yang maaya ng mga barkadang mag-inuman.
Ginusto n'ya yon so be it." Pagkatapos ng anim na buwan at makapagmove on na s'ya ay nakilala nga n'ya si Mel. Si Mel na akala n'yang magdadala sa kanya ng maginhawang buhay, s'ya pa pala ang sisira at magbibigay ng bigat sa kanya.
Paano na si Laila? Ano na kaya ang maging buhay n'ya ngayon?
------------------- I T U T U L O Y -------------------
IBA'T IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 1
IBA'T-IBANG MUKHA NG PAG-IBIG 1
(Kapalaran ba o katangahan?)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 2/18/2012
http://weenweenreyes.blogspot.com/
UNANG BATO
Naikwento ko ang love life ng dating kasamahan sa trabaho sa anak kong babae. Mahilig talaga akong magkwento sa kanila lalo't yong mga kwentong kakapulutan nila ng aral. Habang ako'y nagkekwento sa anak ko ay saka ko naisip, bakit nga hindi ko i type para mabasa ng mga FB friends ko. Kaya yong sabi ko na magpapahinga muna ako ng ilang araw bago magpost ay hindi natuloy. Ito tumitipa na naman ako para sa inyo....
Isang Nurse si Laila, bata pa sa idad na 22, nakasama ko s'ya dati sa trabaho. Isang maliit, simpleng babae at payatot na kahawig ni Melanie Marquez ang kanyang mukha na may maliit at matilos na ilong. "Lai ba't ang nipis ng nosebridge mo parang nose lifted noh." Pero sadyang manipis lang talaga ang nose bridge n'ya. Totoong natural. Kasi sa cosmetic surgery center kami dati nagtatrabaho kaya kabisado namin sa isang tingin lang ang mga na noselift lalo na nga kung kakapain pa.
"Alam mo ate naging habit ko na bago matulog iniipit ko ang aking ilong ng dalawang hinlalaki habang nakaclasp ang aking mga palad. Ginagawa ko ito ng 15 minutes araw araw bago matulog at pagkagising. Kaya siguro numipis ito ng hindi ko namamamalayan." "Oo nga kala mo nalinyahan." Di mo na kailangang maglagay ng make up sa gilid ng ilong para magmukhang matangos."
Mabait na bata si Laila at malambing. Bilang kaibigan ay wala naman akong masabi dahil marunong naman s'yang makisama.Paminsan minsan ay naikekwento ni Laila ang kanyang buhay buhay lalo na` ang kanyang lovelife. Si Mel, ang kanyang boyfriend ay nakilala n'ya ng s'ya ay mag special nurse sa bahay ng isang bed ridden na paseyente na dili iba't tatay pala ni Mel. Pero nong tawagin na ni Lord ang matanda ay naghanap ng ibang trabaho si Laila kaya kami nagkasama. Ngunit di ko nakita ang kanyang boyfriend dahil nong nagkasama na kami ay nag-abroad na raw. Naging masaya naman ang relasyon nila ayon sa kanyang kwento at puno s'ya ng pag-asa kaya't inspirado sa araw araw.
Sampung taon ang agwat nila, 32 na si Mel at neneng nene ang pakiramdam ni Laila sa pagkakaroon ng matured na boyfriend. Pag tumatawag sa kanya si Mel ay hanggang tenga ang ngiti n'ya sa sopbrang kaligayahan. Minsan nakikita ko maluha luha pa. "Bilisan mo ang pag-uwi namimiss na nga kita eh" Mga salitang lagi kong naririnig sa kanya pag tumatawag ang kanyang boyfriend. Pag-uwi daw ni Mel sa sunod na buwan sila ay magpapakasal na.
Si Laila ay umuupa kasama ang 2 n'yang kapatid na nag-aaral pa sa isang apartment. Tahimik lang naman silang magkapatid at nagpapadala din buwan buwan ang mga magulang na nasa probinsya. At si Laila ang tumatayong magulang nila dito kasi s'ya ang panganay sa kanilang magkakapatid
Nagdesisyon si Laila na magpakasal sa Huwes, silang dalawa lang. Kahit kami ngang mga kasama n'ya sa trabaho nangag gulat. Ang alam lang namin kaya nagleave s'ya ng isang linggo ay maghahanda para sa pagpapakasal at sa paglilipat ng apartment. Pero after one week ay pumasok s'yang muli at mas marami pa ang dalang kwento. Tapos na pala ang kanilang kasal ang lagay na yon. "Grabeh, ang kuripot n'yo, ni hindi man lang kami nakaamoy ng bawang, kahit amoy na lang . Ang sabi kong pabiro. "Halika nga rito kwentuhan mo ako." Habang hilahila ko s'ya sa isang sulok.
"Yon nga ate, nagpakasal na kami ni Mel. Sa huwes na lang para madali kasi babalik din s'ya ulit sa Saudi. Lumipat na rin kami ng tirahan kasi ayaw n'yang doon sa apartment naming magkakapatid. nakakatuwa nga ate kinikilig ako kasi inayos n'ya tirahan namin pinaganda nya. Napakaresponsable pala n'ya. Mahilig s'yang mag-ayos ng bahay. Pero ewan ko. Kahit nagpakasal na sila, kahit mukhang responsable din s'ya, parang may agam agam ako para kay Laila. Di ko nga nakita ang lalaki na sinundo s'ya sa trabaho kahit minsan,. Parang nahihiwagaan ako kaya lang di ko masabi.
Mukhang nagtampo na rin ang nanay ni Laila sa kanya kasi wala sa ayos ang pag-aasawa n'ya lalo nga't humiwalay s'ya sa mga kapatid na hindi man lang nahintay na makapagpaalam sa magulang. Yong dating panganay na anak na naaasahan ng magulang ay nagbago na kaya hindi na maganda ang naging outcome ng kanyang pag-aasawa para sa kanyang pamilya. Hindi nga s'ya dinalaw ng ina ng minsang pumunta ito ng Maynila. Nabalitaan na lang ni Laila sa dating kapitbahay doon sa apartment ng mga kapatid n'ya
Naging masaya naman si Laila sa buhay may asawa, regardless of her indifferences with her parents. kahit pa nga ba hindi sila in good terms ng pamilya n'ya wala naman s'yang magagawa kundi harapin ang kanyang buhay may-asawa. Maliban sa mga kunting tampuhan na normal lang naman at nag aajust pa sila sa isa't isa, maayos naman ang naging samahan nilang mag-asawa. Maraming plano sa buhay si Laila lalo nga't nag-aabroad ang asawa na naishare naman n'ya dito at puro tango naman ang sagot. Kaya sa isip ni Laila ok lang ang lahat at sunudsunuran lang ang asawa n'ya sa kanya.
Mugtong mugto ang mata ni Laila ng pumasok isang lunes ng umaga. O mukhang biyernes santo ang mukha mo ah." Oo nga eh kasi umalis na si Mel kaninang madaling araw, bumalik na sa Saudi." "Oh, ayaw mo nun, riyal na ang pera mo ngayon." napangiti lang bahagya si Laila. " Alam mo ate mahirap pala yong kakakasal n'yo lang tapos ilang buwan lang aalis agad ang asawa mo. Hanggang dalawang buwan lang kasi ang bakasyon n'ya " Mahirap pala, Biglang lumagaslas na naman ang luha sa kanyang pisngi. Mabuti lang may dumating na pasyente kaya natigil ang pag emote ni Laila.
Ngunit ang pag-iyak ni Laila na yaon ay magtutuluytuloy na yata. ang inaasahan n'yang pagtawag upang malaman n'ya kung nakarating na sa Saudi ang asawqa ay hindi nangyari. "Bakit kaya, ano na ang nangyayari't hindi pa tumatawag ang asawa ko. Umiiyak na tanong sa sarili ni Laila. Gabi gabi ay iniiyakan n'ya ang puntong iyon at nag-aalal na baka kung ano na ang nangyari sa asawa.
Lumipas pa ulit ang isang araw ay wala pa ring tawag. naging isang linggo, dalawa, tatlo. Hanggang ang linggo ay naging buwan at ito ang pinakamasaklap. Bayaran na ng bahay na kanilang inuupahang dalawa. "sakit sa bangs". Sumakit ang ulo ko pagkwento sa akin ni Laila sa nangyayari sa kanyang buhay.
Talung talo ang hitsura ni Laila. Ang dating inosente at maamong mukha ay nagbago. Nagmukhang huggard at losyang. Ang dating ningning sa mata ay nawala. Ang mga ngiti sa labi ay napalitan ng pasakit. Wala rin akong magawang tulong kundi ang payuhan s'ya na kausapin ang nanay ng lalaki.
Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis o magagalit ba sa katangahan ng isang babae na may utak naman dahil nakatapos din ng pag-aaral, nurse pa nga kung tutuusin. Ang ayaw ko lang sa ugali ni Laila ay masyado s'yang secretive pag tungkol sa kanyang lovelife. Ok lang sana yon pero napupuna ko lagi namang palpak sa mga decisions n'ya.
Pagkatapos pag di na n'ya kaya at saka sasabihin sa amin. Ano pa ang aming magagawa kundi makiiyak na lang sa mga failures n'ya. Nangyari na eh. Tulad nga ngayon. Kaya ako kahit anong kwento nya tuingkol sa kanyang asawa ay parang di ako convinced. Nakausap daw n'ya ang nanay ni Mel at nagulat ito ng malamang umuwi ang anak at nagpakasal na pala sila nito.
"kaya pala ng sinabi ko sa kanya na pumunta kami sa nanay n'ya para malaman nito na pagpapakasal na kami ay tumanggi at may alitan daw silang mag-ina kayat nanahimik na lang ako, aniya sa sarili. May takot na unti unting pumapasok sa kalamnan ni Laila. Gusto n'yang manginig. Sa kahungkagan ng kanyang buhay marami pa yata s'yang dapat malaman tungkol sa kanyang asawa
Ano pa ang mga problemang kakaharapin ni Laila matapos makipag-usap sa kanyang byanan?
--------------------- I T U T U L O Y ---------------------
SI VALENTINO AT SI VALENTINA
SI VALENTINO AT VALENTINA
Ma, Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 2/14/2012
Bakit pag Valentino
Mapagmahal na tao
Ang VAlentina nito
Merong sawa sa ulo
Sana pag Valentino
Valentinang ireto
Babaeng bersyon nito
Di anakondang tao
Sinong may kasalanan
Si Valentina'y ganyan
Si Darnang kaibigan
O ang nagbigay ngalan?
Paanong Valentino
Kung siya'y nagsosolo
Pag-ibig ang simbolo
Babae't lalaki 'to?
Si Valentina pala
Noong dati'y maganda
Bakit ginamit nila
At naging kontravida?
Si Valentina'y tao
Babaeng kapareho
Sa araw na ganito
Ibigay ang respeto
Ibalik ang pangalan
Tulad sa mahal mo yan
Simbulo ng ibigan
Hindi isang kalaban
Sana nga ay mabalik
Ang lalaki'y masabik
At sa isa n'yang halik
Ganda ay manumbalik
Subscribe to:
Posts (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...