Thursday, December 5, 2013

WALANG KAPAKAPATID, WALANG KAIKAIBIGAN-6

WALANG KAPAKAPATID, WALANG KAIKAIBIGAN-6

Balagtasan sa Kubo
(lumilisan vs. naiiwan)

(Ika-6 na tindig)

Taos pusong pagpupugay sa mga kabalagtasan
Dahil sa napapanahon ang botohan ng Baranggay
Wala muna tang kapakapatid, kaikaibigan
Eksaherado ang bangayan upang balagtasa'y buhay

Kayat hayaang damdamin ko'y umapaw at ihagkis
Sa lungkot na bumabangon sa lumilipad kong isip
Nanay ko't aking tatay sa bansang Hawaii umibis
Pagkat dakila kung ama ay namaslang ng hapones

Ngunit ang rangya't kislap ng mga ilaw ng hawaii
Umalipin sa tulog at uhaw nilang kamalayan
Mga kasiyaha't bagong sibol nilang kaibigan
Habang ako'y naghahanap ng init ng pagmamahal

Ibig kong itanong sa aking mga katunggali?
Sa nangaglisan sino ang totoong nais umuwi?
Tila nangagbulag sa tawag ng rangya at salapi?
Sa mga daing ng naiwan ilan ang nangagbingi?

Ang sabi'y magpapaaral at makabili ng bahay
Magpundar ng negosyong pagsimulan ng hanapbuhay
Ngunit naryan ka pa't lahat ng dolyar hinihintay
Tumatanda na'y tila nalimot, anak naghihintay

Sa mga hintuturo nyong sa akin ay nakaturo
Tingnan nyu't pagmasdan sa inyong mukha'y lumiko!

Ang pinagyaman kong pamilya'y di kayang ipagpalit
Sa kabila ng magagandang pangako't pang-aakit
Sapagkat ang kayamanang laging aking bukang-bibig
Ang sila'y mahubog ko sa tamang daan at tuwid
(Di yong kay Noynoy ha)

Ang maikling kwento ni Maestro gusto kung balikan
May isang anak gaya ko'y lumisan din ang magulang
(wala nga lang akong sakit kagaya nya)
Pala'y nahilo't namutla, "leukemia" ang tampalasan
"Heto na kami anak"
Nais mang ipadama ang tuwa lakas ay pumanaw

Sana kung kaya pang bumangon, yumakap ng mahigpit
Sana tumawa pa, balikat yuyugyog di ihigit

Nilatag na balagtasa'y kurukuro at tagisan
Kung sinong mas nasaktan, ang lumisan ba o naiwan?
Pagtalastas sa damdaming nagtutumangis sa lumbay
Makapagbukas -isip sa iba't walang personalan

Terweena 2013 (Okt.27)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...