www.weenweenreyes.blogspot.com
Simulang pulutin ang mga nabasag
Simulang tahiin ang mga nawarat
Simulang busugin ang mga pangarap
Bitui'y tuhugin ilagay sa palad.
Simulang buuin bahay na winasak
Simulang hanapin ang anak na liyag
Simulang suyurin ang langit at dagat
Luha ma'y tumulo sa pisngi'y umalat.
Awa ma'y umalis pagdating ng bukas
Kahit mamaluktot kung kumot ay salat
Sa mga nag-alay ating pasalamat
Ginintuang puso sari-saring balat.
Habang ang apoy patuloy ang ningas,
Daa'y taluntunin tungo sa liwanag.
TERWEENA 2013 (Nob.18)
Photo credits to the owner
