Tuesday, December 3, 2013

SALAMAT OH DIYOS



SALAMAT OH DIYOS
(Dear God)

Naghuhumiyaw ang galak.
Sa sulok ng puso'y may nakakubli,
ang tagos langit na kaligayahan.
Ang mga mata'y may ningning,
at may ngiting hinog sa mga labi,
gaya ng pagngiti ng bagong buwan
o ang sangkapat sa gabing walang ulap.

Ah gusto kung sumigaw,
hanggang sa marinig "Nya"
ang aking pasasalamat.
Kaya't sa bawat pahina
isusulat ko ang nag-uumapaw

"Dear God,

Salamat sa pinakamagandang regalo,
regalo ng pag-ibig (ang aking pamilya).
Salamat sa simpleng buhay
na kaysayasaya,sa tahimik na tahanan,
sa mga anak na napalaki sa disiplina,
salamat sa normal na pangangatawan
sa magagandang bikas,
sa pagkain araw araw.
Salamat din sa magagandang kasuutan
na nagtatabing at nagpapainit
sa nilalamig naming katawan,
at sa mabuting samahan ng isa't isa.

Salamat sa kanilang mga minamahal
na nagpapangiti sa bawat paghinga,
sa aking kabiyak na laging nag-uunawa.
Salamat sa aming pusong may kababaang loob.
Salamat sa magandang umaga sa bawat paggising,
sa pagtataboy sa mga bangungot.
Salamat sa mga ipagkakaloob pa sa susunod.

Ang simpleng hiling,
kami'y paulit-ulit kargahin
sa aming paglalakbay
gaya ng pagkarga mo sa amin
kaya't iyong mga paa lang ang nasa buhangin.
Kung dumating man ang sandali,
kung panyo'y basang-basa
kami'y tulungan sa pagpiga.

Ang lahat ng aking kakulangan
maghihintay kung "Iyong" ibibigay
Pagkat parang kalabisan
kung ang iba'y salat
At ako'y patuloy maghangad.

Basbasan nawa ang 'sang daigdigan
Nang "Iyong" mapagpalang kamay!

Sa "Iyo'y" nagmamahal,

Terweena 2013 (Nob. 3)


Photo credits to the owner


a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...