Wednesday, December 4, 2013

MAPALAD KA BA?

MAPALAD KA BA?
www.weenweenreyes.blogspot.com

Kaysakit ng mga suntok na tumatama
Halos magtumalsik ang laway
Minsa'y duguan ang mukha.
Halos mapaluhod sa sakit na nadarama.
Nakaranas na ring magmuntikmuntikanan.
Habang patuloy nagbibigay
ng pag-asa't karangalan

Ngunit bayan ko....

Kulang pa ba ang mga sakripisyo?
Ang sakit na dinulot ng ibang kamao,
at dugong sa mukha'y nabuo,
ang mga matang halos pumikit
at ulong naliliyo,
Nasaan ang utang na loob
ng mga namumuno?

Bayang Pilipinas mahinhin ang kapilas
ngunit wari'y baliktad tao'y mapaghangad
pinaghirapan ng iba'y pinag-iinteresan.
Bawat sakit at hirap, nag-iisa mong binata
Minsang matalo, agad iiwanan
Sa panalo'y karangalan ng lahat
naghuhumiyaw sa tuwa, ang bansa'y sikat

Mapalad ka ba o kawawa?

Terweena 2013 (Nob. 26)


Photo credits to the owner



a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...