SA BAWAT HAPAG
(Para sa Pasko ng mga nasalanta)
www.weenweenreyes.blogspot.com
May gayak na naman ang mga tahanan,
Habang bawat sulok ilaw nagkislutan.
May hibik ang lamyos ng hanging amihan,
Kayginaw ng yakap minsa'y nagsasayaw.
May ingay na dala ang nagkakaroling,
Tunog ng marakas na kinakalansing.
May tuwa sa mukha, Pasko ay parating,
Pagsilang kay Hesus, ipagdiwang natin.
Ang himig ng awit sa Paskong kaylamig,
May dalang pighati kung puso'y maantig.
Pagkat minamahal sa piling nawaglit,
Habang tangan-tangan ng busog na bisig.
Parang kailan lang, may ngiti ang buhay,
Pamilya ay buo, bubong ay kaytibay.
Bakit ba Yolanda, moog ay binuwal,
Puno ay pinantay, si bunso'y nawalay?
Paano ang Pasko kung ang puso'y payak,
Kung tuwing mumulat may luhang katapat?
Paano matighaw kung uhaw ang dagat,
Sa pisngi ng langit nalungkot ang ulap?
Ngunit bawat Pasko, may ligayang hatid,
Kahit ating puso pinto'y nakapinid.
Sa bawat silungan may bagong daigdig,
Sa bawat pagdaing bubukas ang langit
Sana itong Pasko kung tiyan ay salat,
Kay Amang Bathala muli ay tatawag,
Sa mesa'y ihain kung awa ay habag,
Isang litsong manok sa kanilang hapag.
Terweena 2013 (Nob. 23)
Photo credits to the owner
SA BAWAT HAPAG
(Para sa Pasko ng mga nasalanta)
www.weenweenreyes.blogspot.com
May gayak na naman ang mga tahanan,
Habang bawat sulok ilaw nagkislutan.
May hibik ang lamyos ng hanging amihan,
Kayginaw ng yakap minsa'y nagsasayaw.
May ingay na dala ang nagkakaroling,
Tunog ng marakas na kinakalansing.
May tuwa sa mukha, Pasko ay parating,
Pagsilang kay Hesus, ipagdiwang natin.
Ang himig ng awit sa Paskong kaylamig,
May dalang pighati kung puso'y maantig.
Pagkat minamahal sa piling nawaglit,
Habang tangan-tangan ng busog na bisig.
Parang kailan lang, may ngiti ang buhay,
Pamilya ay buo, bubong ay kaytibay.
Bakit ba Yolanda, moog ay binuwal,
Puno ay pinantay, si bunso'y nawalay?
Paano ang Pasko kung ang puso'y payak,
Kung tuwing mumulat may luhang katapat?
Paano matighaw kung uhaw ang dagat,
Sa pisngi ng langit nalungkot ang ulap?
Ngunit bawat Pasko, may ligayang hatid,
Kahit ating puso pinto'y nakapinid.
Sa bawat silungan may bagong daigdig,
Sa bawat pagdaing bubukas ang langit
Sana itong Pasko kung tiyan ay salat,
Kay Amang Bathala muli ay tatawag,
Sa mesa'y ihain kung awa ay habag,
Isang litsong manok sa kanilang hapag.
Terweena 2013 (Nob. 23)
Photo credits to the owner
(Para sa Pasko ng mga nasalanta)
www.weenweenreyes.blogspot.com
May gayak na naman ang mga tahanan,
Habang bawat sulok ilaw nagkislutan.
May hibik ang lamyos ng hanging amihan,
Kayginaw ng yakap minsa'y nagsasayaw.
May ingay na dala ang nagkakaroling,
Tunog ng marakas na kinakalansing.
May tuwa sa mukha, Pasko ay parating,
Pagsilang kay Hesus, ipagdiwang natin.
Ang himig ng awit sa Paskong kaylamig,
May dalang pighati kung puso'y maantig.
Pagkat minamahal sa piling nawaglit,
Habang tangan-tangan ng busog na bisig.
Parang kailan lang, may ngiti ang buhay,
Pamilya ay buo, bubong ay kaytibay.
Bakit ba Yolanda, moog ay binuwal,
Puno ay pinantay, si bunso'y nawalay?
Paano ang Pasko kung ang puso'y payak,
Kung tuwing mumulat may luhang katapat?
Paano matighaw kung uhaw ang dagat,
Sa pisngi ng langit nalungkot ang ulap?
Ngunit bawat Pasko, may ligayang hatid,
Kahit ating puso pinto'y nakapinid.
Sa bawat silungan may bagong daigdig,
Sa bawat pagdaing bubukas ang langit
Sana itong Pasko kung tiyan ay salat,
Kay Amang Bathala muli ay tatawag,
Sa mesa'y ihain kung awa ay habag,
Isang litsong manok sa kanilang hapag.
Terweena 2013 (Nob. 23)
Photo credits to the owner