Thursday, December 5, 2013

TO SONIALYN




TO SONIALYN......

Kung ang aking tula sana'y isang awit
Aawitan kita hanggang sa mangawit
Kung ang aking awit sana'y isang tula
Tutulaan kitang mahabang mahaba

Ngunit ako'y hilaw namang mang-aawit
Kahit aking tula ay nagh
ihinagpis
Sa iyong pagpanaw daliri'y naligaw
Muling tumiklado damdami'y umapaw

Salamat sa oras sa ami'y inukol
Mga halakhakang sa puso'y humaplos
Mga katuwaang nagpasayang tunay
At sa 'yong pag-alis sa 'yong patunguhan

Aming panalangin ay iyong bitbitin
Sa "Kanyang" kandungan ikaw'y paghimlayin!

terweena 2013 (Sept. 20)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...