Tuesday, December 3, 2013
BAYAN, MULING NGUMITI!
BAYAN, MULING NGUMITI!
www.weenweenreyes.blogspot.com
Hawak-kamay tayo kapwa ko Pilipino
Ipagpatuloy ang buhay kahit nalilo
ng isang walang-awa't mapang-aping bagyo
hindi tayo susuko, lalaban hanggang dulo.
Iniwan mang luray-luray ating pagkatao,
Kakapit sa Diyos, Diyos mo at Diyos ko,
Diyos nating lahat hindi kung kanino.
Umahon tang sabay-sabay, ulo'y taas noo.
Abutin man ng sakuna at ibang peligro,
mabuhay,mabuhay ang mga Pilipino!
Laban, tumayo sa pagkakasadlak
Iwagayway ang tagumpay na may halakhak
ang bawat daluyong ng buhay may katapat
Araw man sa paglubog ay muling sisikat.
At sa paggising ay muling makakarinig
nang kaytamis-tamis na mga hagikhik
nitong mga batang naglalaro't kandirit,
may ngiti ang walang malay na sanggol at paslit.
Sa kalsada'y besu-beso ang hatid,
masasayang mukhang bumubungisngis
mga taong kuntento't gutom naitawid
sa maghapong simpleng buhay na kaytahimik
walang nakakatakot, walang nakahihindik.
Babangu't babangon ang mga nangagtangis
magkukulay berde ang buong paligid
mga bahay at establisamento muling titindig
mabuhay ka Pilipinas kahit ikaw'y nalupig
Yolandang maramot na'y walang kasing-sungit.
Bangon Pilipinas, bangon sa pagkakaidlip
masamang bangungot piliting iwaglit.
Salamat, salamat sa buong daigdig
tunay nga kayong aming mga kapatid!
Salamat sa Diyos na gumawa ng daigdig
aming dasal, Inyong awa sa ami'y ilawit
Terweena 2013 (Nob. 18)
Photo credits to the owner
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...