Thursday, December 5, 2013

TUMINGALA TA!



TUMINGALA TA!

Muling maririnig ang kalunuslunos
Daing na kaytinis na tila panaghoy
Pagyanig ng lupa may kasamang dagok
Nagbagsakang moog may pulang umagos

Daigdig ng tao'y tunay ng umidad
Nangalbo ang gubat, kasama'y habagat
Usok na mayabang sa kalsada'y hudas
Mundo ay sinupin ng wag magkalamat

Oh Diyos aming Dios, ang Amang Bathala
Ang hari ng tanan na mga nilikha
Kami'y patawarin, sa pagkakasala
Iadya sa lahat at mga sakuna

Sa mga pagsubok at mga pasakit
Tayo'y tumingala, umusal sa langit

Terweena 2013 (Oct. 15)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...