Thursday, December 5, 2013

PAGKAT ANG BUHAY AY HIRAM LAMANG

PAGKAT ANG BUHAY AY HIRAM LAMANG
(Linisin ang sariling uling)

Kailan ang wakas ng buhay na hiram
May magsasabi ba kung ito'y kailan
Tumingin sa langit ating ding tingnan
Hayun ating Diyos at S'ya'y nakatunghay

Mabuhay ng tama at magpakumbaba
Oras ay itutok sa mas mahalaga
Silang makasalanan tayo'y wag humusga
Kamay ni Bathala ang siyang bahala

Ta'y makasalanan, atin ding tanggapin
Ang sariling uling ay ating pahirin
Baka sa pagtulog ay di na magising
Sa ating pagpanaw "Kanyang" susulitin

Bago ta linisin ang dungis ng kapwa
Atin munang tingnan kung tayo'y may muta

terweena 2013 (September morn)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...