Tuesday, December 3, 2013

SIGAY SA DALAMPASIGN



SIGAY SA DALAMPASIGAN
www.weenweenreyes.blogspot.com

Papagpag-pagpag ang kamay
sa naka de-kwatrong paa. 
Mayamaya'y kinagat ang kukong
kailan lang ay bagong manicure.
Samantalang sa labas ay namamaalam
na ang araw na kanina lang ay ubod
kariktang nakikisalamuha sa
banayad na hangin na kumikiliti sa
mga dahon ng bougainvillea ng kapitbahay.

Ang mga titig ng babaeng nasa terasa,
ilang araw ko na bang napapansin,
ang mga namumugtong mata,
ang malalalim na buntunghininga.
Kahit ang pagdalaw ng buwan,di alintana
Ang mga tala na parang christmas lights
na kukutikutitap pag natatakpan
ng makapal na ulap ang buwan,
ayaw man lang tapunan ng tingin.

Parang may hinihintay
Parang nababagot
Parang naninimdim ang pusong sawi
at biglang magpapahid ng luha.

Lumisang pag-ibig,
hayaang anurin ng alon sa dagat
Muli'y maghanap ng sigay sa dalampasigan

Terweena 2013 (Nob. 26)


Photo credits to the owner

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...