SINONG MAY KASALANAN? EWAN!
www.weenweenreyes.blogspot.com
Ano na namang kaguluhan?
bakit ang paligid mukhang nagdaramdam,
hangin ay nagtutungayaw,
nagngangalit ang karagatan,
ang araw man di dumatal,
umiyak ang kalangitan,
mga ibon nagliparan,
mga insekto'y nagtakbuhan,
tuliro ang kalupaan,
namamayagpag ang katanungan,
ngunit walang lumabas sa lalamunan;
ang kalungkutan
ramdam sa kapaligiran,
di nga't nangalbo ang kagubatan,
tubig ay nag-unahan
sa lupa nanuluyan
nalunod ang sambayanan
tao'y nagutuman;
ngunit nasaan ang maglalaman ng tiyan?
nasaan ang kalahi ni Juan?
tuligsa dito, doon, tuligsang di magkamayaw
nasaan ang tuwid na daan?
baboy nga ba ang may kasalanan?
saan na patungo ang bayan
kung pangako'y kasinungalingan
isang milyon sa lansangan
sigawan ng sigawan
galit ang mga bagang
hinihimay ang kahilingan
ng buong tapang
ng buong kagalingan
matanda't kabataan
puti man o may kaitiman
bansot man o may katangkaran
kasama rin ang mga banal:
kahit ang pilay,
bulag, bingi't pipi'y nag-ingayan,
nagtawanan, nagkantahan, nagsayawan,
nagpapansin sa kinauukulan
manyapa't sila ba'y pinakinggan?
sana nga, sana naman
kundi'y sayang!
terweena 2013 (aug.27)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment