Thursday, December 5, 2013

SA PASKONG DARATING

SA PASKONG DARATING.......


May halumigmig na dala ang hanging habagat
Na nagmumula sa timog kanluran ng Pilipinas
Nagngangalit ang ulan, kulog at pagkidlat
Bagyo, baha, tsunami't ibang kalamidad.

Sa lindol,nangawasak ang gusali't simbahan,
Sunog doon, sunog dito ay di naiwasan
May kidnapan, may nakawan, may patayan
Lahat ng kasamaan, kaguluhan, nagsalimbayan.

Tao'y nangaggutom, agawan sa pagkain
Matira ang matibay, kumapit sa patalim
Karamdama'y laganap, puso'y nanimdim
Kaba, takot, ang namahay sa damdamin

Iiwan na tayo ni habagat kasama ni Oktobre
Darating na si amihan bitbit ni Nobyembre
May dala-dalang hanging malamig sa ere
Paghahanda sa pagpasok nitong si Disyembre.

Sana sa paskong darating.....

Aking munting hiling at taimtim na dalangin
Mundo ay payapain, bawat hapag may pagkain

Terweena 2013 (Oct. 16)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...