Thursday, December 5, 2013

SA PAGBABALIK, PATAWAD ANG NAKALAAN-5

SA PAG-BABALIK, PATAWAD ANG NAKALAAN-5
Balagtasan sa Kubo
(lumilisan vs. naiiwan)

(Ika-limang tindig)

Alahoy, alahoy naman labanan ay tumitindi
Angasan kontra angasan, pasabog kakaturete
Balagtasan sumasarap pero huwag dumipende
Opinyon ay tumatalang nagugulo ating korte

Gaya rin dating tindig ko ay nasa mga naiwan
Kung inyo nang inaaming larawan n'yong tinunghayan
ay isa lang pagtatakip di ba't ito'y dagdag lumbay?
Pagkat itong aming puso'y may pangamba na lumatay!

Kaya pala kay seseksi mata nami'y 'kinukubli
Kaya larawa'y may ngiti loob nami'y binibili
Niluluto aming hikbi sa Prada n'yo't saka Gucci
Ang di ninyo nakikita'y suot namin na kay tindi
(na luhaang nagulanit sa pangambang minumuni!)

Kaysarap nga ng bagoong samahan mo pa ng saging
Mga pagkain sa hapag, nina totoy at ni ining
Ngunit sana'y dito't iyong narinig ang mga daing
Puro bagoong at dilis, sana meron ding may dressing

Tingnan n'yo nga ang kawawang naiwanang naghihintay
Kalooba'y di panatag nag-aabang na mapunan
Ang uhaw na dinaranas di materyal ang titighaw
Pangamba na gumugulo'y siyang kumot, inuunan!

Gaya ng sabi mong sangang pinutol at binalibag
Di maihahalintulad sa lumisan at napadpad
Pagkat ang iyong paglisan ay kusa at pinangarap
Kung ang puno man maiwan may babalikan kang pugad

Ang parabula ng nawalang anak ay nagpatunay
Ang lumisan ay nagsaya ginastos ang dalang yaman

Naroon lamang ang ama, naghihintay, nalulumbay
At sa kanyang pagbabalik patawad ang inilaan

Terweena 2013 (Okt.26)


Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...