Thursday, December 5, 2013

PAGBABAGO'Y ABOT-KAMAY



PAGBABAGO'Y ABOT-KAMAY

Habang tayo'y nasarapan, nakaunat
sa malambot na higaan sa magdamag;
habang balot nitong kumot na kaylapad
ang bangungot, kahit dilat ay tumambad.

Nagsayawan, mga bahay ay nahantad
kahit moog ng simbahan na matatag
at gusaling malalaki ay natibag
hinagupit nitong lindol, walang habas.

Kahit sigaw ng pagsamo'y di nahabag
bingi na ba ating langit sa katulad,
nitong bayang kasamaan ay pumugad
o babala, ta'y magising at maghugas?

May oras pa kaibigan, sa yong palad
pagbabago'y abot-kama'y, wag umiwas!

Terweena 2013 (Oct. 16)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...