Thursday, December 5, 2013

PAG-ASAM



PAG-ASAM

Sa siwang ng langit ulap ay nanangis
Bitui'y may luha buwan ay naumid
Ang gabi'y may lungkot may dalang hinagpis
Ang kapayapaan nawalay ng saglit

Nang araw sumilay may hatid na ngiti
init ay dumarang sa pisngi ng labi
umaga'y kayganda ligaya'y sakbibi
Yaong bahaghari'y muling nanaghili

Ang ibong kayrikit paglaya'y inasam
bagwis na makulay may sayang kinampay
At sa tinubuan nasa'y babalikan
Piping kaligayahan sa gubat, sa parang

May pag-asang dala sa gitna ng dahop
Dyos ay nakatunghay at di natutulog

TERWEENA 2013 (oct. 7)


Photo credits to the owner
 

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...