Thursday, December 5, 2013

KABATAAN MINSAN LANG DUMAAN



KABATAAN,MINSAN LANG DADAAN

Lumalamlam na ang paligid,
kahit nakangiti pa ang araw;
ang hakbang nabawasan ang bangis;
tila mga binti'y nababalam.

Mababanaag na ang ciudad,
sa bawat hibla'y antaw ang bayan,
may itim, may puting nakalantad,
lulubog, lilitaw minsan ang kulay.

Kahapo'y tanda pa ang mga ngalan,
turol pa ang bawat hagikhik,
may ngiti pa sa bawat katanungan,
ang takot, may iyak pa't hindik.

Kabataan minsan ka lang dadaan;
Paglipas mo, nawa'y walang pagsisihan

Tahanan
.........Paaralan
.................Simbahan
..........................Tamang pasyalan
.............................................Tamang libangan

terweena 2013 (Oct. 13)


No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...