MAG-ARAL AY DI BIRO
(basa-basa pag may time)
www.weenweenreyes.blogspot.com
Isang malaking problema ng mga magulang ay kung paano mahikayat ang kanilang mga anak na mag-aral mabuti. Minsan tuloy nadi discourage tayo na ang paghihirap natin wari'y hindi compensated, lalo na yung mga magulang na nagkakandakuba sa ibang bansa para matustusan lang ang pag-aaral ng mga anak.
Para sa akin, tayong mga magulang ang may pinakamalaking bahagi ng responsibilidad kung paano maging mabuting mag-aaral ang ating mga anak. Pakitanong ang ating mga sarili, "have we done our parts being parents?"
Una, gawin ang ating tahanan a "haven of intelligence". Provide kids with paraphernalia na pupukaw sa kanilang kamalayan para sipaging mag-aral. Nung maliliit pa ang aming mga anak ay sinikap naming mag-asawa na mabilhan ng encyclopedia ang aming mga anak kahit gaano kasimple ang aming buhay upang makatulong sa kanilang pag-aaral, and later we provided them a set of computer para mapadali ang mga assignments. Nilagyan din ng sariling mesa sa kwarto para hindi mahirapan kung may sinusulat o gumagawa ng projects and provided them materials needed like calculators, globe etc.
Kung ang ibang mga magulang ay laging pinapasyal ang mga anak o pinapanood ng sine at nagshoshopping o mag-outing, ang aking pamilya'y sa bahay most of the times para magawa ang kanilang mga assignments at magamit ang pera para sa mas makabuluhang bagay. Hindi namin pinukaw ang interest nila sa labas ng tahanan at sa mga luho ng katawan dahil bukod sa priority ang mga pangangailangan nila sa school, iniwasan din namin ang matutong magbarkada upang mabigyang pansin ang pag-aaral at hindi matuto ng mga kalokohan sa labas.
Hinahalungkat ko din ang mga school bags nila para malaman kung nakakagawa ba ng assigment o kung may mga unattended projects. And at times, tinatanong kung may activities sa school, kung may exams o programs para masuportahan sila sa kanilang mga activities. Bilang mga magulang dapat nagpapakatalino din tayo para maturuan sila sa mga bagay na hindi nila kaya.
Paminsan-minsan sa week ends, pinapayagan din naming makipaglaro sa mga kapitbahay at kaibigan.At ang Linggo'y para sa Diyos. Pero every now and then ay kinakausap namin sila, feeding them with moral and spiritual vaues, at pinapaliwanag kung bakit kailangan nilang mag-aral mabuti.
Mula June hanggang april ay tinatago ko ang mga toys na pwedeng makapag-abala sa kanilang studies leaving them a few para lang makapaglaro ng kunti to ease kids boredom. At pag bakasyon. Pyesta, pyesta sa laro.Lahat ng laruan nakalabas. Meron ding kunting pasyal sa labas.
Nang nagsisilaki na ang mga bata, kahit ang problemang pag-ibig ay akin ding inaalalayan, dahil isa ito sa mga pwedeng maging dagdag problema para sila'y mawalan ng ganang mag-aral o pwede ring sipaging mag-aral.
Bigyan natin ng oras ang ating mga anak para mahubog sa edukasyon, dahil sa tight competition ngayon sa paghanap ng trabaho dapat meron silang balang dala-dala sa pag-a apply ng trabaho. Kaya tayo nagpapakahirap maghanap-buhay, para sila'y makapag-aral at ang ating obligasyon ay hindi nagwawakas sa pagbibigay ng financial support sa ating mga anak kundi moral and spiritual support as well.
Let us be the teachers of our kids, bestfriends, confidante and parents rolled into one.
Terweena 2013 (Nob. 26)
Photo Credits to the owner
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...