Thursday, December 5, 2013

SA MGA TALULOT

SA MGA TALULOT
(Mahal, di mahal?)

Hinanap kitang matagal 
sa mga talulot ng bulaklak sa aking harapan
isa isa kong pinigtal
mahal, di mahal, mahal, di mahal
hanggang sa ako'y mapanghal;
at mata ko'y lumuha
sa sarili'y naawa
at muling kumuha
nang isa pa't maitama
baka nagkabisala;
mahal
di mahal
mahal
di mahal
mahal;
at tuluyan kong nilakumos
ang natitirang talulot
kaipala'y natakot
kung kapalara'y maging maramot
baka di ko nais ang sagot;
nang sa aking pagtingala
bulalakaw ang aking nakita
kagyat bibig ko'y bumuka
may pag-asa pa kaya o ito ba'y itinakda?
at muli'y nabasa ang aking mukha;
nang biglang bumigat
ang aking balikat
may dumantay na palad
at sa aki'y yumakap
sabay palatak;
di mahal?
syempre mahal!
ay baliktad lang pala ang aking bilang
hay buhay
nga naman!

nagfi feeling lang.......

TERWEENA 2013 (Oct.6)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...