Thursday, December 5, 2013

SANA BAWAT AWIT



SANA BAWAT AWIT......

Makata'y kaytamis ng nulas sa bibig,
Bituin sa langit lantarang sinungkit,
Pangakong nasaad daigdig naumid,
Payaso'y namutla tuluyang nahindik.

Alinbaga'y takot yaring namutawi,
Labi ko'y tinikom, nanago ang ngiti,
Sa mga harabas, Balagtas ang lahi,
Dalit ko'y iiyak sa laksang pighati.

Ngunit bakit luha sa mundo'y isabog,
Pagkatha'y sa puso mundo'y di maramot,
May tinis ang himig ng oyaying dulot,
Dinuyan ng hanging kay init ang haplos.

Sana bawat awit,sigaw ng damdamin,
Hinabing leriko'y singtamis, singlambing!

TERWEENA 2013 (Oct. 14)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...