Tuesday, December 3, 2013
BANGON BAYAN, BANGON
BANGON BAYAN, BANGON!
www.weenweenreyes.blogspot.com
Bangon bayan, Bangon!
Labanan ang bangungot
na dala ni Yolanda.
Galit n'yang lumatay
sa nananahimik kong bayan,
ang mahal kong Pilipinas.
Luha't dugo ang katumbas
hirap at pagod, takot at gutom
nanlilimahid at nanlalamig
o sa init ng araw.
Mga bubong ay nangaglipad
bahay nangagtunaw.
Nawalan ng pugad,
walang natira
walang matanaw
multong buhay.
Sa paligid ay nahanay
mga katawang walang buhay,
sa libingang kaylawak,
magkasamang nabaon.
Nasaan ang anak?
Nasaan ang kabiyak?
Nasaan si tatay?
Nasaan si nanay?
Nasaan si ate?
Nasaan si Kuya?
Nasaan si lolo?
Nasaan si lola?
Nasaan sila?
Nasaan ang iba?
Nasaannnnnnnnnnnnnnnn???
Luha ko'y pumatak,
walang humpay,
umagos,
sa mga kaluluwang
di ko man kaibigan,
di ko man kaanak,
ngunit Pilipinong mahal.
O Diyos kami'y pakinggan!
Sana'y gumaan ang mga pasakit
na nagpapahirap sa kasalukuyan
Maawa ,maawa sa tanan.
Bangon bayan, bangon!
Terweena 2013 (Nob. 13)
Photo credits to the owner
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...