Ang 'yong hapis na mukha ay nagpapaalala ng lumipas na kabataan. Ang pag-aabuso sa katawan, ang mga pagpupuyat at walang habas na inuman ang pagsusugal sa lamayan, sa kapitbahay at kasino. Ang pagiging babaero, Ang pagyakap sa bawal na gamot ang pagwawaldas ng salapi sa gabi-gabing gimik. Tila walang katapusang layaw at pag-ulayaw sa kamunduhan.
Hanggang isang araw, ng ikaw'y magising, tumambad sa salamin ang yayat mong pisngi, mukha mong kaydaling tumanda, tila maputla't nadagdagan ang mga gatla, at ang mga matang nangangalumata.
Lumipas na nga ang tibay ng iyong pangangatawan. Nawala ang tikas at yabang, sumuko at nagbabadyang ikaw'y iwanan
Ikaw'y napatulala. Nag-isip, tila gustong tawagin ang Diyos, ngunit nagdalang hiya At sa bulsa'y kumapa at iyong naalala huling kusing ay iyo pang winala.
No comments:
Post a Comment