Wednesday, December 4, 2013

ITAGO MO SA FACEBOOK



I
ITAGO MO SA FACEBOOK
www.weenweenreyes.blogspot.com

Kaysaysaya ng iyong mga pagtipa,
kahit ang iyong laptop napatunganga.
Ang butiki sa kisame iiling-iling,humanga.
Ang mga halakhak (hahaha) na iyong pinadama
sa Face book friends nakakaaliw,nakakatuwa.
Tila walang problemang nakakatulala
habang sa tabi'y bimpong basang-basa.

Biglang umilaw ang cellphone,
tiningnan at gusto sana'y itapon,
ngunit bigla ring nilingon.
Tulad ng kahapon,
magso sorry sa ikalwang pagkakataon,
pagkakamali'y dala ng sulsol,
pangako'y kumpol-kumpol,
dila'y nagkabuhul-buhol.
Wari'y naiinis, ayaw tumugon.

Muli'y bumaling sa laptop
humahagikhik, (hehehe) ng sumagot,
habang luha'y umaagos.
Ang sakit sa puso'y tumagos,
muli'y humalakhak ng lubos.
Kahit nakasimangot.
Muli'y itatago ang mga luha't takot,
dito sa Facebook,
ang taguan ng mga bangungot
ng mga himutok
at problemang di masagot-sagot.


Terweena 2013 (Nob.28)

Photo credits to the owner

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...